Chapter 4

Chapter 4

Lucilla Angela Iarna Atlantica's Pov

"Ang sarap talaga nang luto mo Tita Ana. Turuan mo naman ako kung paano lutuin 'tong paborito naming adobo minsan."

"Oo ba, Lai. Basta lagi kapag sinusumpong itong si Jed eh ipagluluto mo ha?"

"Yes, Tita."

Parang may mali. Bakit mugto yung mata ni Mama? Bakit parang nanghihina sya? At si Tita Ana parang nagbibilin na sakin? Wag nyo naman pong bayaang mangyari ang iniisip ko, Lord. Kailangan kong makausap si Mama tungkol sa nao-obserbahan ko sa kanya. Baka kasi may sakit na sya ay hindi pa nya alam.

"Jed, bakit ang tahimik mo?"

"Iniisip kasi kita Lai. Ay, este wala. Gusto ko lang manahimik."-Jed

"Hahahahaha. Naku! Huli na nga sa sarili nyang bibig eh ayaw pang umamin." Tukso ni Tita Ana.

"My! Pati ba naman kayo?"

"Hindi na kung hindi kung gayon." natatawa kong sabi.

"Lai!" sabi ni Jed nang nanlalaki ang mga mata.

"Oo, naniniwala ako sayo, wag kang magalala." Pinaseryoso ko na yung mukha ko. Baka magalit nang tuluyan si Mr. Blue Eyes..

Nang matapos kaming maghapuhan, as expected ay hindi na kami pinauwi ni Tita Ana. Doon na daw kami matulog sa kanila tutal ay marami naman daw bakanteng kwarto. Kaya eto ako ngayon, naglalakad sa pasilyo na madadaanan ang mga kwarto rito sa bahay nila. Hindi nga ako makapili eh. Tatabi na lang siguro ako kay Mama.

May ideyang pumasok sa isip ko bigla. Sakto kasi. Makakausap ko si Mama nang sarilinan. Maitatanong ko na sa kanya yung napansin ko kaninang naghahapunan kami. Nakangiti akong naglakad pabalik sa salas sa ibaba. Kakausapin ko si Mama na mahiga na kami para maitanong ko na. Excited ako pero at the same time, natatakot din sa posibleng maging sagot ni Mama sakin.

Nakita ko si Mama na kausap si Tita Ana. Parang seryoso yung pinag-uusapan nila eh. Ayoko namang makinig sa usapan nang matatanda kaya nagpakita na ko agad. Sinadya kong lakasan yung boses ko.

"Mama, tabi tayo sa kama mo? Miss ko na kasi yung kanta na nakapagpapatulog sakin eh." Konting lambing ko lang papayag na 'yan. Hindi namna niya akong kayang tiisin kapag naglalambing ako.

"Ikaw talaga, baby ko. Lumapit ka nga dito."

Lumapit ako kay Mama at yumakap. Pakiramdam ko kaytagal bago ko siya ulit nayakap ng ganito kahigpit. "Sige na Mama. Minsan lang akong magrequest eh." Ngumuso pa ko para talaga hindi ako mahindian ni Mama.

"Sige na nga. Di ko naman natitis yung baby ko eh."

Sweet noh? Ganyan kasi kami eh. Parang magkapatid lang kami ni Mama.

Sa huli ay nasunod ko rin 'yung gusto ko na makatabi si Mama. Magkatabi na kami ngayon sa kama na lagi nyang tinutuluyan kapag dito kami kila Jed natutulog. Kalaki ng kwarto na 'to. Siguro kasing laki na nung bahay na tinutuluyan namin ang katumbas ng isang kwarto lang nila. Mayaman kasi sila Jed pero hindi madamot 'yan sa nangangailangan.

Nakayakap ako kay Mama. Nakatagilid paharap sa kanya. Bale nakapaharap ako dun sa gawi nung pintuan ng kwarto. Napakunot-noo ako nung mapansin 'yung ilang pirasong tablet na walang label kung anong pangalan ng gamot. Nakasupot lang sa clear plastic bag na maliit, 'yung resealable ba.

"Mama, may dapat ka bang ipaliwanag sakin?"

"Anak, may dapat kang malaman." Hindi na napigilan ni Mama ang pagtatago niya sa pag ubo ubo niya. "Dapat sinabi ko na sayo simula pa nung 10 years old ka. Hindi ko lang masabi kasi natatakot ako para sayo kahit alam ko naman na matatanggap mo agad at kakayanin mong mabuhay kahit wala na ko."

"Ma, may sakit ka ba? Para saan yung mga tablet na nasa ibabaw nung side table? Saka bakit kailangan na walang label yun?" kinabahan na ko. Tama yata ang hinala ko na malala na yung sakit ni Mama. Ayoko namang ipakita sa kaniya na nanghihina ako sa pagsabi pa lang niya sakin.

"Anak, may sakit ako. Alam ko ang iniisip mo kasi nababasa ko sa mga mata mo. Yes, malala na 'to. Cancer. Wala ng lunas. Kami ng Tita Anita mo. Pero mas nauna nyang nalaman yung sakit nya. Promise me you'll never give up on your life kapag nawala na ako."

"Mama naman, wag kang magsalita nang ganyan. May lunas pa. Milagro ng pananampalataya sa Diyos. Di dapat tayo mawalan ng pag-asa diba? And don't worry Ma. I promise. Di ako magpapakamatay o gagawa nang kung anong masama sa sarili ko dahil sayo."

"Buti naman natanggap moagad. Sabi ko na nga ba eh." Nagbuntong hininga siya. "Pero si Anita ay nababahala kay Jed. Sigurado raw na magwawala 'yon kapag nalaman na may sakit sya. Wag mong papabayaan si Jed, Ha? Wag kayong maghihiwalay kahit anong mangyari."

"Yes, Ma. Pero kailangan nang malaman ni Jed ang lahat ngayon para---" Pinigilan ako ni Mama na bumangon mula sa pagkakahiga.

"Yan din ang sabi ko kay Anita pero hayaan ko daw na sya ang magsabi. Syempre nga naman sya ang nanay kaya sa kanya dapat manggaling yun."

"Don't worry Ma. Tutulungan ko sa Tita sa pagsasabi kay Jed." Sabi ko saka ngumiti ng mapait. Buti na lang kinompronta ko agad si Mama. Haay, ganito talaga ang buhay eh. Una-unahan lang talaga...

Napabangon si Mama nang ihitin sya ng ubo. Matagal. Halos hindi na sya makahinga eh, nakakaawa na masyado. Iniabot ko sa kanya yung panyo kong puti. Buti dala-dala ko lagi.

Pagkatanggal ni Mama dun sa panyo sa bibig nya eh may dugo. Shocks! Hindi na ko mapakali sa kinauupuan ko.

"Mama, okay ka lang?" tapos ayaw talaga tumigil nung ubo nya kaya hinimas ko na yung likod nya. Nung magtagal- tagal pa, di na ko nakatiis. Pinuntahan ko si Tita Anita dun sa kwarto nya.

DMCA.com Protection Status