Share

CHAPTER 1

Abby's POV:

"S-Stop it Cloud! P-Pleasee t-tama na!!!"

nanghihinang sigaw ko sa kanya habang dahan dahang lumalapit. 

Kinakabahan ako sa talim ng titig niya habang isa isang binabasag ang mga gamit sa kusina—baso, pinggan at kung ano pang mahawakan niya. I can’t help but to sobbed while looking at his deadly glare. 

Tiningnan niya ako na parang isa akong b****a na nasa harapan niya,.

Na parang isang malaking kasalanan na nag exist pa ako sa mundo. Kulang ang salitang kinasusuklaman sa paraan ng pagkakatingin niya sakin. 

Nagulat ako ng akmang kukunin ko na ang basong hawak niya ay hinablot niya ang braso ko at  marahas akong niyugyog

"ANG SABI KO GUTOM NA AKO PERO LETCHE! ANG BAGAL BAGAL MO ANO BA?!!!" Sigaw niya sa mukha ko at hindi ko mapigilang hindi mapaiyak sa sakit ng hawak at pananalita niya.

"WALANG KWENTANG BUHAY TO, WALA KANG KWENTA!!! ANG DAPAT SA MGA GAMIT DITO BINABASAG DAHIL PUROS WALANG KWENTA !!" tinulak niya ako kaya napasubsob ako sa island counter at tumama ang nuo ko sa matigas na parte kaya parang nanghina ako at nahilo. 

Akma akong babangon at hahabulin ko sana si Cloud na palabas na ng kusina pero bigla akong napatigil at bago pa ako makahakbang ay nagdilim na ang lahat.

SAPO-SAPO ang ulo na dumilat ako at natagpuan ko ang aking sarili na nasa sahig pa rin ng kusina. Kinapa ko ang tumamang parte ng ulo ko at laking pasasalamat ko na wala naman akong natamong sugat. 

Hinanap ko si Cloud sa buong bahay at ng hindi ko siya makita ay patakbong tinungo ko ang kusina at dali daling nagluto. 

Pagdating ni Cloud kanina ay hindi ako nakapag luto dahil kagagaling ko lang sa sakit at nakatulog ako buong magdamag kaya nagwala siya at sinimulang pagbabasagin ang mga gamit namin. 

Araw-araw siyang nakasigaw, nanlilisik ang mga mata kapag ako ang kaharap niya. Sa isang buwang pagsasama namin hindi ko pa siya nakitang ngumiti mn lang kahit saglit. Sino ba naman ang makakangiti kung kaharap mo parati ang taong sumira sa buhay mo.  Sabagay kasalanan ko rin naman. 

Hinahain ko na ang aking mga niluto—adobong manok, sinigang na baboy, pochero at sinangag ng marinig kong bumukas ang pinto.

Dali-dali akong tumakbo para salubungin sana si Cloud ng matulos ako sa aking kinatatayuan ng makitang may kahalikan itong babae at kulang na lang magtalik sila sa harap ko mismo. Matangkad at maputi ang babae pero mas maputi ako. May suot na kinulang sa tela na damit o kung damit pa bang matatawag. 

Nabitawan ko ang hawak na sandok kaya napatigil ang dalawa sa ginagawa. 

Binitawan ni cloud ang babae at binulungang mauna na ito sa kwarto—na kwarto rin sana namin bago niya ako nilapitan. 

Nakangising tumigil ito sa paglalakad sa harapan ko bago nagsalita “Do you want to have sex with me? A threesome perhaps?" Sinulyapan ako nito sa nakakalibog na paraan kaya maski ako nagulat ng dumapo ang kamay ko sa kaliwang pisngi nito.

Matalim na tumitig ito sa akin at padaskol na hinawakan ako sa braso, “Anong inaarte mo? Remember that you are a slut and desperate bitch dahil ikaw mismo ang gumapang sakin! Wala kang karapatang magdrama sa harap ko dahil ni katiting na awa ay wala akong nararamdaman sayo! Tandaan mo, isa ka lang b****a sa paningin ko at hinding hindi ko mamahalin ang tulad mo!" Binitawan ako nito at pumasok na sa kwarto.

Nanghihinang napaupo ako at napahagulgol dahil sa hirap, sakit at pagdadalamhati. 

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nagising lamang ako ng makaramdam ng pagkalam ng tiyan, tumayo ako at pumunta ng kusina pero napatigil ako sa harapan ng pinto ng kwarto namin ng may marinig na mga ungol. Martyr na yata ako dahil marahang binuksan ko ang pinto at napatakip na lamang ako sa aking bibig sa aking natunghayan

Ungol ng aking asawa ang maririnig ko  habang marahas na gumagalaw sa ibabaw ng babaeng nakahiga sa ilalim nito.

Mas binilisan pa ng aking asawa ang kanyang ginagawa habang nakatingala na animo sarap na sarap sa ginagawa.

Hindi ko na makayanan ang panoorin sila kaya naman mabilis kong isinara ang pinto at lumabas ng bahay na puno ng sakit ang dibdib at tumutulo ang masaganang luha sa aking mga mata.

"SAAN KA GALING HA?!"

Hindi na ako nagulat ng pagbukas ko ng bahay ay nakasigaw na boses agad ni Cloud ang sumalubong sa akin. 

"Nag grocery ako." 

Mahinang anas ko at tumalim ang mata ko ng masulyapan ko ang babaeng katalik nito kanina na naglalakad palapit samin at niyakap si Cloud sa likod.

“Baby, I’m hungry na.” 

Maarteng wika nito na inirapan ko lang. 

"Magluto kana bilisan mo at nagugutom na kami… DALIAN MO NA!!"

Napatakbo ako ng wala sa oras sa kusina sa gulat sa sigaw ni Cloud. 

Naiinis na humiwa ako ng mga sangkap sa aking lulutuin at inisip na ang aking hinihiwa ay ang malanding babae na nakaupo na naman sa kandungan ng asawa ko. Pisti! Ni hindi ko pa nga naranasang maupo roon e. 

Sa inis ay padabog na inayos ko ang mesa at walang lingon likod na umalis at nag tungo sa guest room para doon magpahinga, never akong matutulog sa kwarto namin na kung saan naganap ang kawalang hiyaan nila. 

Pupungas-pungas na bumangon ako ng makarinig ng kalampagan sa kusina. 

Oh no not again please!!

Ni hindi ko na nasuot ang tsinelas ko sa pagmamadali na makapunta sa kusina at naabutan ko si Cloud na nakabusangot habang naghahanap ng makakain. 

"Ahmm. C-Cloud ipagluluto na lang kita." 

Utal na pagkakasabi ko pero napaurong ako ng bigla itong lumingon sakin.

“No need, I’ll eat my breakfast at the office. Kung sana naman kasi naging responsible kang asawa ko at hindi ang tinatanghali ka ng gising."

Sabi nito at inis na kinuha ang briefcase niya at umalis. 

Imbis na magmukmok ay naisipan ko na lang na magluto ng lunch at dalhin kay Cloud sa opisina niya para makabawi naman ako. 

"Sana naman Cloud ma appreciate mo" mahinang bulong ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status