Share

CHAPTER 3

Someone’s POV:

"Sir, these are the reports of someone you asked me to investigate."

Inilapag ng secretary ko ang tatlong envelope sa mesa ko. Tinanguhan ko lang ito bago ito lumabas.

Kinuha ko ang black envelope at binuksan ito. These are records of Cloud Miguel Salazar and his wife Abby Leonor Zegura-Salazar.

Nag igting ang panga ko habang binabasa ang mga impormasyong nakalap ng tauhan ko tungkol sa dalawang ito. Pero kalaunan ay napangisi ako ng maalala ang planong binabalak ko.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang taong alam kong makakatulong sa akin. 

"Hello?"

Mas napangisi ako ng sagutin nito ang tawag.

“It’s been so long David Alcantara”

Natahimik ang kabilang linya pero maya maya ay nagsalita ito.

“Anong kailangan mo?” seryosong sagot nito.

“Hindi ba dapat itanong mo kung sino ang kailangan ko, Alcantara?”

Mas napahalakhak ako ng maputol ang linya. Hindi magtatagal at aayon rin lahat sa aking plano. Humanda kayong lahat sa pagbabalik ko.

Inis na itinarak ko ang maliit na kutsilyo sa itsura ni Salazar at kanyang asawa. 

Magbabayad kayo!!

ABBY POV:

5 months of being married to Cloud was hellish. Talaga pa lang totoo ang kasabihan na kahit anong hirap titiisin mo para sa taong mahal mo. Hindi naging madali ang pagiging asawa sa kaniya. Walang araw na hindi ako nasasaktan pisikal man o emosyonal. 

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, he was so adorable when he is sleeping. 

Nakadapa siya sa kama at mahimbing na natutulog. Maingat na hinawakan ko ang kanyang mukha at pinag landas ang aking mga daliri sa kanyang pisngi. 

"I love you so much Cloud and it hurts me so much knowing na hindi mo ako kayang mahalin. Sa kagustuhan kong mahalin mo ako ay nasira ko ang buhay mo. I’m so sorry my love pero hangga't kaya ko ay hindi kita susukuan."

Mahinang hinalikan ko siya sa pisngi bago ako tuluyang lumabas ng silid. 

Pasado alas dos na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Iniisip ko na siguro kung naging mapagparaya ako ay masayang namumuhay si Andrea at Cloud ngayon. Tahimik na umiyak ako hanggang sa makatulog. 

"WHAT THE HELL WOMAN!! ANONG GINAWA MO SA POLO KO?!!!!"

Napayuko na lang ako sa sigaw ni Cloud. Ayokong tignan ang nag aapoy niyang mga mata. 

"E-Eh kasi hindi ako marunong maglaba." nakayuko paring sabi ko. 

"THEN WHAT’S THE USE OF LAUNDRY SHOP? WALA KA BANG UTAK?!"

All my life no one insulted my intelligence dahil parati akong top sa klase kaya hindi ko nakayanan at sinalubong ko ang tingin niya.

“KAHAPON SINIGAWAN MO AKO NA BAWAL AKO MAGPA LAUNDRY SHOP AT DAPAT KUNG LABHAN ANG MGA DAMIT NG MANO MANO AT NANG SABIHAN KITA NA HINDI AKO MARUNONG MAGLABA EH SINAKTAN MO LANG AKO, TAPOS NGAYON MAGAGALIT KA AT TATANUNGIN MO AKO KUNG WHAT’S THE USE OF LAUNDRY SHOP AT TALAGANG AKO PA ANG WALANG UTAK?!!!"

Hiningal ako matapos ko iyong isigaw sa mukha niya at nakita kong natigilan si Cloud. 

Sino ba namang hindi? Sa halos 5 buwan na pagmamaltrato niya sakin ay ngayon lang ako sumigaw. 

“Aba’t--” 

Hindi niya na ituloy ang kaniyang dapat sasabihin at basta na lang ako iniwan. At least hindi niya ako sinaktan.

Napaupo ako sa inis at kinuha ang cellphone ko para maghanap ng pwedeng ma order na polo pampalit sa nasira ko. Kahit naman ganun yun eh mahal ko yun. 

Natigilan ako ng biglang may tumawag sa akin. 

“Hello?” sagot ko pero tahimik lang ang kabilang linya. 

“Sino 'to?” Wala pa rin akong nakuhang sagot. Akmang ibaba ko na ng biglang may magsalita na ikinapanindig ng balahibo ko. 

“Malapit na tayong magkita.” 

Cloud’s POV:

"Uyy pare long time no see."

Tinapik ni Rik ang balikat ko bago ako abutan ng inumin. It’s been so long since I hang out with my friends. Matapos akong iwan sa altar ni Andrea dahil sa kabaliwan ni Abby ay hindi na ako nagpakita sa mga kaibigan ko. 

"Kamusta kana Pare?" Arc ask habang nakikipag tawanan ako kay Rik.

"Ayos lang." tinitigan niya ako na parang hindi naniniwala kaya lumagok na lang ako sa inuming hawak ko.

Among us, Arc is the very critic, he knows us to well para masabi niya kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. 

"Kamusta buhay may asawa pare?" Cliff teased. 

Sinamaan ko lang siya ng tingin na agad itinaas ang kamay na parang sumusuko. 

"Seryoso pare, kamusta pagsasama nyu ni Abby?"Seryosong tanong ni Rik naikina buntong hininga ko na lang. 

Although we haven’t seen each other ay hindi naman lingid sa kaalaman nila ang naging kasal namin ni Abby privately at ang ginawa nito. Alam rin nila na galit ako sa kanya.

"Dude, don’t tell me sinasaktan mo siya?" Maya-maya ay tanong ni Arc.

"She deserve it." Walang ganang sagot ko. 

"Oh jeez. She’s still a girl dude, ano ? nawala na ba pagiging gentleman mo at pati babae sinaktan mo na?" naaninag ko ang inis sa boses ni Arc kaya bahagya akong napalingon sa kaniya.

"Hehe. Ahm. Guys, we are here to have some fun, ano’t para kayong mag aaway niyan?" Cliff suddenly said. 

Umayos ako ng upo at napabuntong hininga na lang. 

"Dude may I remind you that Abby is your childhood friend right? So please do not hurt her physically." Arc is so persistent to stand his point kaya wala akong nagawa kundi harapin ito. 

"Arc pare, may gusto ka ba sa asawa ko? Naiinis na asik ko sa kanya.

Nagulat naman ako ng bahagya itong matawa at umiling. 

"I doubt that pare, pero hindi naman malabong wala diba?" Nangungutyang sabi nito kaya naman pinagtaasan ko ito ng kilay. 

Napahalakhak ang tatlo na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

"Kung hindi lang namin alam ang sitwasyon ninyo ni Abby ay iisipin ko na talagang mahal mo siya." Rik said na ikinagulat ko.

"No fucking way!!!" 

Bakas ang pandidiri sa mukha ko na ikinatawa naman nila. Pinaglalaruan ba ako ng mga ito? Inis na simaan ko sila ng tingin isa isa.

"I guess coming here wasn’t a good idea after all.” Akmang tatayo at aalis na ako ng higitin ako paupo ni Arc. 

"Maupo ka nga! Para kang bata, so tell us, how are you?"

"I’m fine pare," walang ganang sagot ko.

Nagtinginan sila bago nagsalita ni Arc,

" Whatever you say  pare pero ano ba talaga ang plano mo?"

"I will make her suffer just like how I suffered nang iwan ako ni Andrea sa Altar, it’s so shameful pare!" Parang batang sumbong ko sa kanila. 

"You suffered dahil iniwan ka sa altar ni Andrea at napahiya ka pero hindi ka nagdusa na iniwan ka niya dahil nasaktan ka kasi mahal mo siya?" Rik asked habang nakataas pa ang kilay.

Natigilan naman ako, “O-Ofcourse ganun na din yun, nasayang ang relationship namin ni Andrea Dahil sa pesteng Abby.”

"Dude, well for me hindi naman yun nasayang if nagtiwala lang si Andrea sayo, 'diba sabi mo wala namang nangyari sa inyo noon ni Abby at pakana niya lang yun? Well, I perceived Andrea never trust you that much." Kibit balikat na sabi ni Cliff.

"Pare hindi naman sa walang tiwala si Andrea sakin pero kahit sinong babae naman siguro masasaktan kung nakatanggap ng litrato ng boyfriend nila na may kasamang iba diba? Worst hubad pa pareho!" naiinis na depensa ko. 

Tiningnan ko si Arc at ngumisi lang siya, I think nasabi na ng dalawa ang dapat sasabihin niya, pero nagulat ako ng magsalita siya.

"Sometimes destiny made a twist, hindi mo alam na ang kinamumuhian mo ngayon ay magiging buhay mo soon."

Nginisihan niya ako pero sinamaan ko lang siya ng tingin, iyon ang pinaka walang sense na salita na narinig ko. 

Our bond turns good dahil iniba ko ang usapan at thankfully kumagat naman sila. Nagkakasiyahan kami ng may mamataan ako sa di kalayuan. 

Dahil medyo nakainom at nasa bar ako ay hindi ko masyadong naaninag ang nakita ko pero hindi ko rin alam kung bakit kinabahan ako bigla. 

It's already 3am ng makauwi ako sa bahay at nagulat ako ng makita ko si Abby na nakaupo sa sofa at parang tulala. Lalagpasan ko na sana siya ng makita kong nanginginig ang kamay niya habang hawak hawak ang cellphone niya. 

"HOYY!" 

Tinapik ko siya ng malakas at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at doon umiyak ng umiyak. I’m going to push her away pero part of me wants to comfort her like what I did when we were kids. Agad kong inalis sa isip ko yun at pilit kinuha ang kamay niya na nakapulupot sa akin. 

"Matulog kana!" Tanging nasabi ko bago ko siya tinalikuran, I don’t want to feel anything towards her, galit lang ang gusto kong maramdaman sa kaniya.

She knows very well the reason kung bakit ako galit sa kanya pero matigas ang ulo niya. She really deserve the treatment I gave to her at hinding hindi ko talaga mamahalin ang isang kagaya niya. At a young age ay napaka desperada. 

Akmang pipikit na ako ng may maaninag ako sa labas ng terrace. Bumangon ako at lumabas pero wala akong nakita maliban sa isang pirasong papel, kinuha ko ito at binasa… 

This can’t be...

“Why you don’t wait  me Miguel?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status