Share

Tears of the Battered Wife
Tears of the Battered Wife
Author: ohmy_gwenny

Prologue

Napadaing ako nang maramdaman ko ang bigla nitong hinila ang aking buhok, "S-Stop, please!" Hirap na hirap ngunit nagmamakaawa pa rin ako.

"Sabing huwag mong pakialaman ang mga gamit kong punyeta ka!"

Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata at kung paano bumabakat ang mga ugat sa kaniyang leeg gawa ng galit.

Lalong lumakas ang pag-iyak ko nang mas hinigpitan niya ang paghawak sa buhok ko, kasabay ang pagsampal nito sa mukha ko.

"I-I'm sorry, please. Stop—"

I stopped when he aggressively pulled my hair and so I was forced to face him with my crying face. He was grinning as if he really like seeing me suffering.

"Stop? After what you've done to me? Matapos mong sirain ang buhay ko?" he shouted. My heart broke when I heard those words coming out from his mouth.

"A-Aray!" Napasigaw ulit ako nang hinila niya ako patungong kusina gamit ang buhok ko na halos matatanggal na sa aking anit.

"Bakit ba kasi hindi ka nalang mamatay?!" Mariin nitong sigaw at hinayaang bumuhos ang malakas na tubig galing sa gripo ng pinggan.

Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang inilublob ang ulo ko sa tubig.

Di ko magawang umahon dahil naka hawak ang kamay niya sa ulo ko, ang tanging nagawa ko na lamang ay hawakan ang kamay niyang ngayon ay nakahawak sa aking ulo.

Muntik na akong mawalan ng malay dahil sa kawalan ng hangin.

Sawakas ay inilayo niya na ako sa tubig, hingal na hingal ako na halos mahimatay sa kakulangan ng hangin, dahilan para mapaupo ako.

"Huwag na huwag mo nang uulitin yun!" He pointed me.

Parang yun lang ang nagawa ko, pero halos patayin niya na ako. Ganun ba kalaki ang kasalanang nagawa ko?

"T-Tyrone, bakit ba galit na galit ka s-sakin?" mahirap man ngunit pinilit ko ang sarili kong magsalita.

"Oh you're acting like an innocent kid you bitch! Nakalimutan mo na sigurong namatay si daddy dahil sayo. Dahil sa 'yo nawala lahat sa akin! Nakalimutan mo na ba?!" he shouted. Nakakatakot siya. Hindi siya ang Tyrone na nakilala ko. Tila ba nag-iba ang anyo niya at naging isang demonyo na ngayo'y nais akong patayin.

Naluha naman ako "No, hindi ko intensyong—"

But then he slapped me, so hard. Pakiramdam ko ay namumula ang mga ito dahil sa sobrang init na nararamdaman ko.

"Shut your fcking mouth!" He shouted angrily, napatahimik nalang ako at pinilit ang sariling hindi umalingawngaw ang pag-iyak sa loob ng bahay.

"I need you that time Samantha! Tapos makikita lang pala kitang nakikipaglandian?! Anong gagawin niyo kapag hindi ko naisipang puntahan ko do'n? Siguro sarap na sarap ka na! Papatawarin na sana kita sa mga oras na 'yon, but look what you did! Nangangati ka na ba no'n?! Ikaw mismo ang gumawa ng paraan para makasal saakin, pero nagawa mo parin yun! Nakakadiri ka!" Sumigaw ito, ngunit ramdam ko ang hinanakit sa boses nito.

I have to do this, dahan-dahan akong tumayo habang nakayuko.

"I'm sorry minahal kita." I said.

"I'm sorry nagpakasal tayo." I continued

"I'm sorry kung dumaan ako sa buhay mo."

"I'm so sorry kung masyado akong desperada sa pagmamahal at atensyon mo."

"I'm sorry I was born to love you." I said and let my tears out.

"Umiyak ka, di parin kita kakaawaan, at mas lalong di kita patatawarin." Sabi nito at umalis na sa harap ko.

Napaupo nalang ako, tila nabagsakan ako sampung malalaking bato sa sinabi niya.

I'm Samantha Laire Madrigal, and this is my story.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
anu bang matinding ginawang kasalanan ni Samantha at halos patayin na nya sa galit ang asawa nya
goodnovel comment avatar
Missy F
ang lala naman ng lalakeng to..nilublob tlga sa tubig..bakit d mo na lang patayin Tyrone para sumaya ka
goodnovel comment avatar
Llaguno Omaña Jose
nice story good writter
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status