Share

Melancholic Hearts
Melancholic Hearts
Author: kathyy

Chapter 1

Graduation ni Rein noong nakaraang araw kaya napagdesisyonan niyang magbakasyon. Kahapon lang kami nakarating dito. Nakapapagod maglakad-lakad kahapon pagkatapos nang b’yahe, malayo-layo rin kasi kaya tulog ako buong araw. Hindi naman sana ako sasama rito, e, kaso pinilit ako ni Rein. She wants to have a vacation here. Malayo raw sa polusyon at kasi ring maraming nakapaligid na mga puno. Rein wants, Rein gets. Paborito rin naman kasi siya ni Mom and Dad. Matalino, e. Maganda rin. Hinding-hindi ko mapapantayan. Hindi ko rin naman gustong mapatayan siya. I love Rein more than anything.

We’re having a breakfast. Katabi ko si Rein at nasa harapan naman namin si Mommy. Nasa gilid ni Rein si Dad nagbabasa ng d’yaryo. “Ano’ng nangyari sa ‘yo, Bel? Ba’t ang liit ng grades mo?” biglang tanong sa akin ni Mom.

I stopped eating my bacon and faced her. “Nahirapan po kasi ako. But I’ll try my best next school year, Mom, I promise,” I smiled at her. I continued eating  and drank my milk.

“Gayahin mo kapatid mo. Maraming achievements sa school. Consist honor student at president pa ng school counsil,” sabi ni Mom habang nakatingin kay Rein. Napatingin sa akin si Rein at ngumiti nang mapait. Nginitian ko lang siya para malaman niyang okay lang iyon sa akin. I know she’s worrying of how I feel. Sanay na rin naman akong kinukumpara, ‘tsaka tama rin naman si Mom.

Hinarap ko si Mom at dahan-dahan akong tumango. “Yes, Mom… I will,” I answered.

“Are you not studying enough, Bel? Baka may kalukuhan ka sa school n’yo kaya hindi ka makapag-focus.” Nilingon ko Dad nang bigla siyang sumabat. Binaba niya ang hawak niyang d’yaryo at tinaasan ako ng kilay. “Paki-ayos naman sa susunod,” dagdag nito.

I smiled and nodded. “Wala naman akong kalukuhan sa school, Dad. And yes po, I’ll strive harder next time. Babawi po ako.”

“Palagi mo na lang sinabing babawi ka. Pero hindi naman nangyayari,” sagot ni Dad.

I gave him a gentle smile. “Sorry po. I did my best.”

“Obviously, your best is not enough,” said Mom.

I only smiled, but this time I knew that it is not genuine. It’s painful to know that your best is always not enough. Whatever you do to make them proud and how much you try will still not enough and you can’t do anything about that. You can’t change their my mind. It’s somehow frustrating. Ano pa ba kasi dapat kung gawin para magbago tingin nila sa akin? Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Bigla kong naramdaman ang kamay malambot na kamay ni Rein sa kaliwang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Tiningnan niya ako at nginitian. “I know, Ate can be an honor student too. Alam kong mas gagalingan pa n’ya sa susunod. At least she tried her best, it’s more than enough, Mom. We should be proud of here, alam kung nahihirapan din s’ya katulad ko,” mahinahong saad ni Rein.

Mom and Dad just smiled gently at us. “Okay then, fine,” Mom said.

Gusto kong maiyak sa pagtatanggol niya sa akin. Kaya hindi ko siya kayang pagselosan. Kaya hindi ko kayang makigpagkompetensya sa kaniya kasi hindi na kailangan. Even if our parents didn’t treat us equally, but we did. We are sisters after all. Pantay lang ang tingin namin sa isa’t-isa. Whenever our parents degrade me, she always lifting me. Hindi siya mapagmataas. I know she loves me and I love her as well.

Lumapit siya sa akin nang kaunti at bumulong, “I’m always proud of you, Ate. I’m always here to support you.” It made me smile.

Hindi man proud sa akin parati sina Mom and Dad. But I still have my sister. She won’t make me feel neglected. She cares and loves me and I feel that every time I feel unloved. She’s enough. 

After we ate breakfast, I went outside to wander around this village. I already asked permission to Mom and Dad, they just both nodded. Sumalubong sa akin ang malakas na hangin. Napayakap ako sa sarili ko sa lamig ng panahon. Summer naman pero parang may bagyo rito. Sumayaw ang mga punong nakikita ko at basa rin ang tinatapakan ko dahil sa ulan kanina. Sana pala dinala ko iyong jacket ko, napakalamig. I closed my eyes and inhaled the fresh air that lingers in my skin.

I saw a playground. There kids playing and laughing. Looks like they’re having fun. I was like them when I was a kid. Always playing and having fun. There aren’t stressful thoughts and problems. I went to the playground and sat on a swing. Noong bata pa ako, hindi ko pa nararamdamang hindi pantay ang tingin sa amin ng mga magulang ko. Na si Rein ang paborito at inuuuna nila. I’m too dense to realize that. How I wish I’m still dense like the younger me before. Para hindi ako masaktan. Bakit ba sila gan’yan sa akin? Dahil ba hindi ako matalino? O may iba pang dahilan? Napabutong-hininga ako.

I’ve noticed someone sat on the other swing besides me. I turned my head to him and smiled. I looked away. “You’re new here, right?” I heard him asked. I just nodded as a response. “I’m Ian Von, but you can call me Von and you?” he added and I again turned my head to him. “I’m Isabell, but that’s too long I guess, you can call me Bell.” I smiled at him.

Naka-upo siya pero halatang matangkad. Bagay rin sa kaniya ang pagka-moreno niya. Mapayat siya at matangos ang ilong. “Ikaw ba? Bago ka rin dito?” dagdag ko at ngitian siya. Ngumiti rin siya sa akin. “Hindi, e. We lived here,” sagot niya. Hindi na nakikita ang mga mata niya sa kangi-ngiti. “I hope we could be friends. Puro kasi mga bata ang nandito, e. Wala akong ka-edad. Ilang taon ka na ba?” tanong niya.

“I’m 18. Ikaw ba?” tanong ko rin sa kaniya. “I’m 19 already,” sagot niya sa akin.

“Dito na kayo titira?” tanong niya sa akin. Nag-iwas ako nang tingin at sinagot siya, “hindi, e. we went here for  a vacation.”

“Ahhh okay,” rinig kong sagot niya. Hindi na ako umimik. Naaliw ako sa tawa ng mga batang naglalaro. Nagtatakbuhan at nagtatawanan, mahahalata mong masaya sila sa paglalaro. There are also some parents who were watching their kids. “Nakakaaliw sila tingnan, ano? Ang saya nila,” bigla kong sabi nang hindi siya nililingon. “Sana gan’yan din tayo kasaya kahit hindi na tayo mga bata,” dagdag ko.

“Hindi ka ba masaya katulad nila?” tanong niya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya at ngumiti. “Hindi? Ikaw ba?” tanong ko pabalik.

“Oo naman. Wala naman tayong pinagkaiba sa kanila kung ‘di ang agwat ng edad,” sagot niya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang may narinig akong iyak ng batang naglalaro. Nakita kong nadapa ito at pinuntahan ng Mommy niya. “Katulad n’yan.” Napalingon ako kay Von na tinuturo ang batang umiiyak. “After he laughed, he cried. There are reasons to be happy, as well to be sad. May mga rason ang lahat ng problema. We have all of that, we have problems. Bata man o matanda, Bell. If you think there problem is less than what you have, but for them it is still big because it makes them cry.”

“It’s about the tolerance, Bell,” he added.

I just smiled and nodded. “Yeah… maybe.”  He also smiled at me.

“May alam akong lugar na dapat mong puntahan. It’s a peaceful place of mine. Wala masyadong tao r’on. You want to come?” he asked.

Nagdadalawang-isip akong pumayag sa alok niya. Na-iilang pa rin kasi ako. Hindi ko pa siya gaanong kakilala. Malay ko ba kung saan niya talaga ako dadalhin. Pero curious ako kung saan, bago rin kasi ako rito, baka may magandang lugar talaga na hindi ko napupuntahan. Nahalata yata niya sa mukha ko na hindi ako sigurado at wala akong tiwala sa kaniya.

“Hindi naman kita pinipilit. Okay lang kung ayaw mo,” nakangiti niyang sabi sa akin at tumayo. 

Having a friend won’t hurt, I guess. Maybe it’ll be fun if there is someone who would accompany me here while having a vacation. Masaya rin namang kumilala ng tao. Nakita ko siyang naglalakad palayo. Hindi pa naman siya gaano kalayo. Tumayo na ako at tumakbo papunta sa kaniya. Nang naabutan ko siya, tumigil na ako sa katatakbo at sinabayan siya sa paglalakad. “Wala ka namang masamang balak sa ‘kin, ‘di ba?”

Tumawa siya sa tanong ko. “Bakit naman kita gagawan ng masama?”

Tumawa lang din ako at tumango. “Mabuti na ‘yong sigurado, ano. Malay ko ba kung sino ka talaga.”

“I’m Ian Von nga, paulit-ulit?” natatawa niyang saad. Natawa rin ako habang naglalakad.

We went to the place he said. There are a lot of flowers. There is also a bench besides the tree. Ang kakapal din ng mga damo, p’wedeng upuan o higaan. Ramdam ko rin ang hangin na dumadampi sa balat ko. May mga paru-paro rin akong nakitang lumilipad at ang ilan ay nakapatong sa bulaklak. This place is mesmerizing. Naglakad kami dalawa ni Von papunta sa bench at umupo rito.

“Dito ako pumupunta kapag masama araw ko. Nakaka-relax kasi. I love flowers.” Napalingon ako sa kaniya at nakita siyang nakangiti. Nawawala na naman ang mga mata niya sa kangi-ngiti.

I wandered my eyes around the place. It is indeed relaxing. I smiled and breathed deeply. “Yeah, you’re right,” I said.

“Kapag grounded ako, rito ako pumupunta katulad ngayon,” sabi niya sa akin at tumawa. Napalingon ako sa kaniya at nagtaas ng kilay. “Bakit ka ba grounded? Ano ba’ng kalokohang ginawa mo?” natatawa kong tanong.

“Pasaway ka siguro,” dagdag ko.

“Hoy, hindi, ano. Nahuli lang talaga ako ni Yaya na tumakas kagabi,” sabi niya. 

Napatawa ako sa sinabi niya. “Lumabas ka kagabi? E ‘di pasaway ka nga. Ba’t ka pa kasi lumabas?”

Bumutong-hininga siya at tumingin sa kawalan. “Nami-miss ko kasi pusa ko na namatay. Dito ako pumupunta rin kasi ako pumupunta kapag nami-miss ko siya.”

Nag-iwas din ako nang tingin. “P’wede mo namang dalawin nang hindi gabi, ah.”

“I’m having a nightmare kagabi. Napanaginipan ko ‘yong pangbu-bully sa akin ng nga kaklase ko noon. E siya lang ‘yong pinagsasabihan ko tungol d’on. She my best friend.” Napalingon ako sa kaniya para tingnan ang reaksyon niya. He is obviously sad, who wouldn’t? He lost his cat.

“Bakit ka ba binu-bully sa school niyo?” tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon pero halata sa mukha niya ang lungkot.

Sabi niya sa akin na kaya raw siya binu-bully dahil sipsip daw siya. He always got a higher grades and some of his teachers like him. He also said to me that his classmates always teased him for being a feminine. Kesyo bakla raw.

“May kaibigan din naman ako sa school. There are girls kaya mas lalo akong inaasar na bakla,” dagdag niya.

Napakunot-noo ako. Nakakagalit naman kasi. “Bakit mo naman hinahayaan na gan’onin ka nila? Nasampal ko na ‘yan sila kung ako sa ‘yo.”

Lumingon siya sa akin at ngumiti nang mapait. “Hindi rin naman kasi ako na-iinsulto, e. Kaya lang nila ako sinasabihan na sipsip kasi wala silang respeto sa mga teachers namin. Tamad din ‘yon sila. Naiingit lang ‘yon. ‘Tsaka hindi rin naman akong bakla, and there’s nothing wrong about being gay.” Hindi pa rin ako kuntento sa sagot niya. “E ‘di sana sinumbong mo na lang sa teacher niyo o kaya sa principal,” sagot ko nang nakakunot ang noo. “H’wag mo silang hayaang gawin ‘yon sa ‘yo. Parang pinapapikita mo lang na wala silang ginagawang mali.”

Nag-iwas siya nang tingin. “Nagsumbong naman ako, e, pero pinagsabihan lang sila tapos pinaglinis ng office. They deserve more punishment than that for being homophobic.” He sighed. “Mga kulang sa pansin. But I am not like them, kaya hindi ko na lang pinanpansin pagkatapos kong magsumbong. I wouldn’t be like them.”

I slowly nodded and understand why. Kampante na ako sa naging sagot niya. It’s sad that there are things we can’t control. We can’t do anything but to accept things to happen. But one thing is certain, good hearts will always win.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status