Share

Chapter Five

Ngayon ko lamang nalaman na masokista pala ako, ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko nang isipin ko pa lamang na magiging buo ulit ang pamilya nila, na magkakabalikan sila para sa mga anak nila. Masamang hilingin na sana hindi na mangyari yon, dahil may mga anak sila na kailangan ng kompletong pamilya. Sino ba ako? Kakapasok ko lang sa eksena, mang-aagaw ng role, a mere substitute.

“Thank you for holding my hand habang inilalabas ko ang mga bata.” napatingin ako sa kamay kong hinawakan ng kamay niyang napaka-liit at payat na.

“I’m so grateful to know and experience how kindhearted you are Laura. Masayang-masaya ako dahil ikaw ang nasa tabi ni Eugene. Tungkol sa pag-alis ko, a-ayoko naman t-talaga umalis.” gumaralgal ang boses niya matapos sabihin yon kaya nataranta ako.

“Gail huwag ka masyado umiyak hindi ka pa masyado magaling, shhh- I’m sorry if I ask you about that. Please calm down.” wala akong magawa kundi ang haplusin ang kamay niya, ngumiti siya saakin habang patuloy parin ang agos ng mga luha sa mga mata niya.

“Wala akong choice, maaga akong kinukuha pabalik ng nasa itaas.” malakas na kumabog ang dibdib ko at nanlalaki ang mata dahil sa narinig.

“Nang makilala ko si Eugene, masaya ako. Naging masaya ako sakaniya, napakabuti niyang tao, mapagmahal, isip-bata nga lang minsan haha. Kaso nalaman ko na may sakit pala ako, alam mo ba? Imbis na mag-alala ao sa sakit ko, nagalit ako sa sarili ko. Sana una palang nalaman ko na, na maikli lang ang buhay ko. Kasi kung maaga kong nalaman edi sana, hindi ko hinayaang makilala ako ni Eugene, edi sana hindi niya ako mamahalin… edi sana hindi siya masasaktan kung mawawala ako.”

Hinayaan ko lang siya sabihin ang nasa loob niya, ngayon ko nararamdaman kung gaano kabait at katindi ang pagsasamang meron sila. Mas inisip niya pa ang mararamdaman ni Eugene kaysa sa sarili niya. Napapikit ako, nasasaktan ako para sa kanilang dalawa.

“Bakit hindi mo sinabi sakaniya? Maiintindihan ka naman niya. Mas nasaktan siya sa ginawa mong pag-alis bigla.” mahinahon kong sabi na sinuklian niya lang ng iling.

"Ayoko lang maalala niya ulit yung sakit nang mamatayan ng mahal sa buhay. Simula nang mamatay ang mga magulang niya ilang taon rin siyang nawala sa sarili at hindi matanggap ang mga nangyari. Mas mabuti nang maglit siya saakin kaysa maging miserable siya sa pagkawala ko-urgh!” napaubo siya bigla kaya agad akong kumuha nang tubig sa malapit na lamesa.

Habang nasasalin ako nang tubi sa baso ay nagsalita muli siya na nakapag-paluha na saakin ng tuluyan.

“I just want him to be happy. At alam kong mangyayari yon dahil nandiyan ka para sakaniya at ang kambal. Masaya ako na aalis dahil alam kong nasa mabuting kamay ang mga anak ko, alam kong mamahalin mo sila nang higit pa sa kaya ko.” napalingon ako sakaniya at mabilis na lumapit sa pwesto niya para hawakan ang oisngi niya.

“Huwag mong sabihin yan. Walang makakapantay sa pagmamahal mo sakanila. Nakikita mo ba yang kondisyon ng katawan mo? Napakahina at payat mo na pero nagawa mo parin silang ilabas sa mundo ng malusog at ligtas. Hindi mapapantayan ang pagmamahal ng ina Gail, kahit mawala ka pa.” nanginig ang labi ko kasabay ng matinding luha.

“Ikaw ng bahala sakanila.” napapikit ako nang mariin nang sabihin niya yon sa nanghihinang boses. Tumango ako at pilit tumingin ng diretso sa mata niya at ngumiti.

“Ako nang bahala sakanila. Mamahalin ko sila nang para sarili kong anak, araw-araw kong ipapaalala sakanila kung gaano sila kamahal ng Mama Gail nila. Iku-kwento ko sakanila kung-” napapikit ako nang magsuka siya ng dugo at ang pahina ng pahina niyang monitor. Nagdatingan narin ang mga nurse at Doctor pero agad rin silang pumunta sa gild at pinanuod kami, mas lalo akong napaiyak nang makita ang papapikit niyang mga mata.

Hinawakan ko ng ulo niya at umiiyak na ngumiti.

“Iku-kwento ko sakanila kung gaano ka katapang Gail. Mahal na mahal ka ni Eugene na sa sobrang pagmamahal niya hindi ka niya kayang mawala.” Lumingon ako sa pinto ng kwarto at napaiyak lalo nang malakas na nag-echo ang monitor.

“Time pf death ****” nagkagulo ang loob nang kwarto at nanghihina akong naglakad papalabas ng kwarto.

Pagkarating ko sa pinto ay agad akong tumingin sa gilid non at doon ko nakompirma na naroon nga si Eugene sa gilid. Muli kong nilingon si Gail na ngayon ay nakatakip na ng puting kumot ang katawan. Nagsi-sisi ako sa mga masasamang sinabi ko sakaniya, sa mga panghuhusga ko sakaniya dahil sa ginawa niya kay Eugene. Walang ibang maramdaman ang sarili ko kundi lungkot at paghanga para kay Gail. Nakita ko ang bahagyang pag-alog nang balikat ni Eugene habang nakayuko. Umupo ako sa tabi niya.

“Narinig mo?” tanong ko sakaniya kahit obvious naman ang sagot, maingat kong inabot ang ulo niya at isinandal sa balikat ko.

“Lahat ng mahalin ko kinukuha niya. Bakit lagi nalang akong nawawalan?” parang may kung anong tumarak sa dibdib ko nang marinig ang pinakamasakit ng iyak ni Eugene. Umiling ako at niyakap siya.

“May dahilan ang nasa itaas sa lahat ng mga ginagawa niya, hindi matutuwa si Gail kung malalaman niyang umiiyak ka. Ang mahalaga sa ngayon ay ligtas ang mga bata, may nawala pero may dobleng balik. Huwag mong ilulugmok ang sarili mo sa lungkot. Kailangan mong magpakatatag para sa mga anak mo na ipinagkatiwala ni Gail sayo.”

 Pilit kong sinabi sakaniya yon, dahil ang totoo kahit ako ay gustong maging mahina ngayon at umiyak lang ng umiyak. Pero kailangan kong palakasin ang loon ni Eugene. Hindi ako pwedeng maging mahina sa sitwasyong to.

“Thank you.” sabi niya kaagad matapos kaming makawala sa yakap ng isat-isa. Napapikit ako nang hawakan niya ang mukha ko, naramdaman ko ang lamig ng palad niya at mahina panginginig non. Nagmulat ako nang mata at tumingin sakaniya ng diretso.

“I’m sorry naduwag akong harapin si Gail at hinayaan kita mag-isa sa loob. Alam kong nalulungkot ka rin ngayon pero kailangan mong magpakatatag dahil saakin. I’m sorry Laura.” nakayuko niyang sabi na ikinailing ko. Hinawakan ko ang mukha niya at pilit iniharap saakin.

“Ayaw ni Gail na makita kang malungkot kung aalis na siya kaya huwag kang mag-sorry kung hindi ka nagpaalam sakaniya ng personal dahil binigyan mo siya ng peace of mind. Sisisihin niya lang ang sarili niya kung makikita ka niya nasasaktan nang dahil sakaniya hmm? Go inside and say goodbye to her, It’s hard but you need to say goodbye to the Mother of your children Eugene.” mahinahon kong sabi sakaniya.

Tumayo kami at pumasok sa loob, tinapik ko ang likod ni Eugene nang titigan niya lang ang katawan ni Gail. Kinalma niya ang sarili niya, pinipigilang hindi maluha. Nagpaiwan lang ako sa pinto at tinanaw siya habang nakaluhod sa gild nang walang buhay na katawan ng babaeng mahal niya.

“My Gail, My Love… thank you so much for fighting really hard just to gave birth to our twins. You are truly an angel of mine since day one. Don’t worry about us ha? just rest my love… you’ll not be hurt anymore.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status