Share

CHAPTER FIVE: Command

JAMES

Nakataas ang paa sa lamesa habang humihit-hit ng sigarilyo.

Ganoon ko naabutan si Joshua pagka-pasok na pagka-pasok ko sa tambayan nila.

Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng gago. Nanatili siyang naka-tingin sa bintana habang patuloy sa paghithit ng yosi niya.

"I saw you last night. Una, inagaw mo sa akin si Steff. Pangalawa, sinubuan mo siya sa restaurant at pangatlo, hinatid at niyakap mo. I'm not aware that you know how to care for someone." Sambit ko.

Tumayo ang gago bago lumapit sa akin. Ibinuga niya muna ang usok ng sigarilyo niya sa mukha ko bago bumulong, "I never cared for anyone. I just don't wanna see you happy."

Muli itong umupo habang naka-krus ang mga braso.

"Ano bang problema mo sa akin? Ano bang nagawa ko sa iyo?"

Umakto siyang nag-iisip bago muling ibinaling sa akin ang malamig niyang mga titig, "Hmmm let's see... Ano bang nagawa mo sa akin? Actually nothing. I just hate you. And I just can't let you have the things you want."

Tumayo siya ang akmang lalabas na ng silid na iyon kaya agad ko siyang hinila sa braso.

"Josh look. Kung galit ka parin sa akin dahil kay Ton-"

"Don't you dare mention that name infront of me!" Biglang sigaw nito sa mukha ko dahilan ng tila pagtalon ng puso ko mula sa dibdib ko.

He was gritting his teeth and clenching his fist. His eyes throwing death glares at me as his breathing became heavy, "Don't you dare James, I'll kill you if you do!"

With that, ge exited the room slamming the door on my face.

Napa-upo ako sa sofa matapos mawala sa paningin ko si Joshua. Malalim akong huminga bago napahilamos sa mukha ko.

"It's been a few years and you can't still move on." I whispered to myself as I closed my eyes remembering the figure of that person.

Tall, dark haired, jolly face.

Ton...

CRISTEPHARIE

I gently opened my eyes at tumingin sa orasan, 5:40 am?

Jusmiyo naman! 30 minutes lang ako naka-tulog? Bwiset na Joshua kasi yun!

Paguluhin daw ba utak ko? But seriously? Ba't niya ko niyakap? Abnormal lang?

Haist! Clean utak! Clean!

Napa-buntong hininga nalang ako at tumayo na. Makapag-luto nalang bahala na kung pumalpak.

Nagluto lang ako ng sunny side-up eggs na basag ang pula, hotdog na sunog, ham at bacon. WALA NA TALAGA AKONG PAG-ASA.

''Oh baby girl? Ang aga mo yata ngayon?'' Agad akong napa-lingon kay Kuya Toffer na tumutulo pa yung buhok.

''Ah di kase ako naka-tulog.'' sagot ko tsaka pinatay yung kalan. Nag-timpla na rin ako ng gatas para sa aming tatlo.

''Dahil ba kay Joshua?'' Nanlaki ang mata ko at napa-tingin kay kuya Toffer.

''Nakita namin ni Kuya yung...'' Sabi nya at umaarteng may kayakap. Muka siyang bakla!

''Kuya!!!!'' Sigaw ko habang siya, nag-simulang tumawa ng tumawa.

''Namumula ka Baby Girl!'' Pang-aasar niya habang tumatawa parin hanggang mahulog siya sa upuan. Buti nga sa kanya!

''Bleh!'' Pangaasar ko habang hinihimas niya yung pwet nya.

''Pero seriously baby girl! Hindi naman masamang maging masaya so just enjoy it.'' sabi nya bago lumapit at ginulo yung buhok ko. Enjoy? Alam niya ba kung gaano ka weird at creepy yung lalaking iyon?

Pinili ko nalang na huwag magsalita. I hugged him instead as another voice echoed in the kitchen.

''Wow! Ganyan kayo eh! Di nang sasama?'' Napa-lingon kami sa nag-salita at nandun si Kuya Toffy na parang batang naka-pout.

''Group hug!!'' Sigaw ni Kuya Toffy kaya naipit ako nung dalawa.

''Kain na tayo! Nagluto na si Steff'' may pang-aasar na sabi ni Kuya Toffer.

Kumain na kami habang nang-aasar yung dalawa. After that, naligo at nagbihis na ko. Sumabay na din ako kay kuya Toffer pag-pasok.

✘✘✘✘✘

[School]

Tahimik akong pumasok ng school. Nasa kalagitnaan ako ng main hall when I spotted Joshua, Kirvie at Lyca. As usual, naka-palupot si Lyca sa kanya. Nakita nya ako at agad na naglakad papunta sakin.

''Morning.'' tipid niyang bati tsaka ako inabutan ng canned hot chocolate.

''Wait. Isn't that mine?'' Sabi ni Lyca pero hindi sya pinapansin ni Joshua. Kinuha ni Joshua yung kamay ko at nilagay yung Canned hot chocolate.

Tinaasan ko siya ng kilay pero mukhang wala siyang balak magsalita. Tila tanga lang siyang nakatitig sa akin gamit ang usual niyang malalamig na mga mata.

''Joshua, May quiz mamaya let's review together I reserved you a seat.'' sabi ni Lyca para sirain ang tensyon tsaka hinila ng bahagya si Joshua.

''Talaga?'' Sabi ni Joshua at nagningning naman yung mata ni Lyca.

''Yup!'' Maarteng sagot nya.

''Okay let's go.'' sabi ni Joshua na naka-tingin sakin.

''That's great oppa! Let's---''

''I already reserved a seat for the both us so let's review together.'' sabi ni Joshua bago ako hinila palayo. Pagdating ng library, agad ko syang hinampas.

''A-aray! What was that for?'' Bulong niya. Bawal nga kasi maingay sa library.

''Ba't mo ginawa yun sa harap ni Lyca? Gusto mo bang mamatay na ko?''I growled at him and he laughed.

Parang may mali. Bakit ganito siya kung umasta ngayon? Nasaan yung cold na Joshua? Yung parang ipinaglihi sa sama ng loob?

"Are you afraid of her? Oh c'mon! She can't lay fingers on you while I'm around."

''Hoy! Tolentino ! ... May ...

Gusto ka ba sakin?'' Hindi naman sa assuming ako pero base sa mga kilos nya? Haist bahala na nga!

Tinaasan niya ako ng kilay habang maasim ang mukhang nakatitig sakin.  "Are you crazy?"

"Eh kung umasta ka kasi!"

"You're ugly, not sexy and a nerd." Sambit nito habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "...and I like girls with big boobs. Your front can't even be called a boobs. It looks like... What do you call that bread?"

Sandali siyang umastang nag-iisip bago itinuro yung dibdib ko, "Ah yes! Your boobs looks like pandesal!"

''Ang manyak mong unggoy ka!''

''Pandesal."

''Hindi ako tinapay! Bwiset to pero ok na din yun atleast wala kang gusto sakin! Kung nagkataon, mamamatay nalang muna ako!''

Isang "tsk" lang ang narinig ko mula sa kanya bago siya tumayo at isinukbit yung bag niya sa likuran niya.

Binato niya ako ng isang jar na may lamang cookies bago siya naglakad palayo.

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali ng lalaking iyon. Kunot-noo kong sinusundan ng tingin ang bulto niyang malayo na nang may magsalita sa likuran ko.

''You're unbelievable!''

Halos mahulog ako sa upuan nang bigla nalang sumulpot si Lyca doon. Nakasandal sa isa sa mga book shelves habang masamang nakatingin sakin.

''L-Lyca....''

''Iba ka din no? Akala ko wala kang interest sa mga heartthrobs but look at you? Targeting Joshua Tolentino! Let me give you some piece of advice, he's just playing with you! Because he's into me kaya pwede ba? Bumalik ka na sa pagiging invisible mo!'' Sabi nya bago tumalikod pero bago pa sya maka-layo, bahagya syang lumingon.

''By the way... That's a command not a request.''

TO BE CONTINUED

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status