Share

CHAPTER SIX: The Predator and the Prey

CRISTEPHARIE

Naiwan akong naka-tulala sa library. Ang pathetic naman nung bwiset na yun! Isaksak ko si Joshua sa baga niya eh !

Sa kanya na kasi! Wala naman akong gusto kay Joshua eh. Sipain ko pa sila papuntang Mars! Kaasar! Alam niya ba kung gaano kasama ang ugali ng lalaking iyon?  Isa pa super mysterious at cold kaya nun! Paano kung isa pala siyang secret na mafia boss? O kaya gangster? O kaya vampire? Ang creepy niya kaya!

Sandali nga! Ano nanaman ba itong tumatakbo sa utak ko? Ito naman kasing Joshua at Lyca na ito eh!

Marahas kong iniling ang ulo ko para matanggal lahat ng kalokohang tumatakbo sa utak ko bago ako umalis ng library at dumarecho sa classroom.

Pagdating ko doon, nandoon na sila Joshua at Lyca.

As usual, masama ang tingin sa akin ng bruha. Hindi ko nalang sila pinansin at nilabas ko na yung laptop ko. Good thing, wala si James kung hindi madadagdagan ang sakit ng ulo ko!

Akmang bubuksan ko na yung laptop ko para i-copy paste yung report ko sa ipapasang flash drive nang mapansin kong,  NA-FORMAT YUNG LAPTOP KO!

kasabay noon ay ang pagsigaw ni Prof nang, "Okay class, please pass your reports to the isle and then forward. This will cater 90% of your written works so make sure that your final presentation meets our criteria."

Nag-umpisa na akong mataranta. Pinilit kong halughugin 'yung files ng laptop ko pero wala talaga!

Bahala na! Nagbukas ako ng power point presentation. Kahit hindi na kasing ganda ng unang presentation ko ang mahalaga, may maipasa. Kahit 80% lang makuha ko sa report na to basta pasado okay na ko.

Nagmamadali akong magtype ng mga naalala kong content nung report ko. Sobrant iksi na description nalang ang nilagay ko sa bawat category para lang matapos agad. Nagmukha ngang microsoft word yung presentation ko. Dyahe talaga!

Nasa conclusion na ako ng report nang magsalita si Prof. ''Ito na ba lahat ng magpapasa? Okay I'll read your names, kapag hindi ko nabanggit you still have a chance for 80% until tomorrow."

Potek! Huminga ako ng malalim tsaka sumandal sa upuan ko. Buti nalang! Hindi ako mahihirapan jusmiyo!

Isa-isang tinawag ni Prof yung mga pangalan ng nagpasa hanggang sa may narinig akong tila pagkakamali, "Cristepharie Tan."

"H-Ha? Ano? Ako ba 'yun?" Tanong ko sa sarili ko, "Pero wala pa po akong pinapasa. Prof! Ah- Prof nagkakamali po yata ka-"

Akmang lalapit na ako kay Prof nang may humila sa likuran ng damit ko dahilan para mapa-upo ako uli. Pagtingala ko, mukha ng unggoy este ni Joshua ang bumungad sa akin at dahil elevated yung kinatatayuan niya, sobrang lapit din sa mukha ko nung... Nung...

"Uhm..." Tumikhim ang unggoy bago ibinaba yung polo na suot niya para takpan yung kumakaway.

Agad din naman akong napa-upo ng maayos. Pakiramdam ko nasusunog iyong mukha ko. Shutaines naman kasi Joshua! Anong ginagawa mo sa buhay mo?

Wala akong balak lingunin siya. Nawalan na din ako ng lakas tumayo at lumapit kay Prof. Pero kahit na ganun, naramdaman ko padin ang mainit niyang hininga sa batok ko matapos niyang bumulong sa tainga ko, "Just accept blessings. Be thankful that someone passed your report for you, Damsel in distress."

Hindi na ako umangal. Pakiramdam ko umurong na din yung dila ko para sumagot pa sa kanya. Lutang ako buong klase. Pilit tinatanong ng utak ko kung sino 'yung nagpasa ng report ko. Si Joshua kaya?

Kung Joshua nga, eh bakit niya naman gagawin iyon? Akala ko ba wala siyang gusto sa akin? Or hindi kaya sinasabotahe niya yung grades ko? Baka mamaya kung ano yung laman ng flash drive na ipinasa niya para sa akin!

Lunod na lunod na ako sa pagooverthink nang biglang tumunog 'yung bell. Nahagip din ng mata ko ang paglakad ni Joshua papunta ng pinto kasunod si Lyca.

Wala sa sarili ko silang hinabol tsaka hinila si Joshua sa braso. Magkasalubong ang mga kilay niya akong tinitigan kasabay ng malamig niyang pagsabi ng, "What?"

"Ikaw ba 'yung nagpasa ng report ko?" Darecho kong tanong.

Narinig kong tumikhim si Lyca.

"Why would-"

"Why would he do that?" Putol ni Lyca sa sagot ni Joshua. "Can you take a look at yourself tapos isipin mo ulit kung ano at sino 'yong tinatanong mo?"

Inirapan niya muna ako bago siya naglakad palayo habang hila-hila si Joshua.

"Nye! Nye! Take a look at yourself din! Next time mo na ako yabangan kapag hindi na drawing iyang kilay mo!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Pero wala na naman sila at ako nalang ang tao sa area kaya malakas ang loob kong sabihin 'yon.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nagpasyang dumarecho sa office ni prof. Balak ko lang namang tignan yung laman ng flash drive na ipinasa bilang report ko. Baka mamaya kung anu-ano nalang ang laman non.

Tahimik akong naglalakad at akmang bubuksan ko na iyong pintuan nang marinig kong may kausap si Prof.

"Cristepharie Ignacio Tan. She's in your class. Please keep an eye on her."

Boses lalaki. At sobrang lalim ng boses niya. Kaboses niya si... yung gamer na youtuber? Si Corpse Husband? Ganun ang boses niya.

Hindi pamilyar sa akin ang boses na iyon at bakit alam niya ang buong pangalan ko? Dahan-dahan akong sumilip sa glass wall ni Prof. Sa pagitan ng mga kurtina, naroon nakatalikod ang isang matangkad na lalaki.

May chinese characters na tattoo sa batok.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong papalingon ito dahilan para bigla akong mapatakbo papalayo.

I ran and ran without knowing where to go.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa rooftop habang naghahabol ng hininga. Naroon na ako nang marealize ko, bakit ba ako tumatakbo?

Hindi ba gusto ko ngang malaman kung sino ang taong iyon? Haaaay! Ang tanga mo naman Steff!

Nasa kalagitnaan ako ng pangba-bash sa sarili ko nang may magsalita sa likuran ko.

''Didn't I told you to go away from Joshua?''

Napa-pikit ako nang marinig ko ang boses niya. Jusmiyo! Magulo na nga ang utak ko, dadagdag pa ito!

''I don't have time to fight with you.'' tipid kong sabi.

''Ganyan ka ba ka-inggit sakin para ipag-tulakan mo ang sarili mo kay Joshua?''

''Lyca Perez! Ni minsan hindi ko pinag-tulakan ang sarili ko sa kanya! Bakit di mo nalang siya itali sayo!'' inis kong sabi at umiwas ng tingin.

Naka-ngisi syang lumapit sakin at maya-maya'y hinila ang buhok ko.

''Masagot ka din eh! Cristeph do you know about the saying 'action is better than words?' Dikit ka ng dikit sa kanya! Pero eto ang tatandaan mo kahit anong sipsip mo kay Joshua, hindi ka niya ituturing gaya ng pag-trato nya sakin! He'll never treat you like a precious treasure like he treat me.'' madiin nyang sabi habang hila-hila yung buhok ko. Pilit akong kumakawala habang pilit naman niya akong itinutulak hanggang mapa-sandal ako sa edge nung rooftop.

Napa-dungaw ako sa ibaba at talagang sobrang taas nun.

''Let her go.'' pareho kaming napa-tingin sa nag-salita. Nasagi ako ni Lyca dahil sa gulat. Mula sa pagkaka-sandal sa harang, tumaob ako kaya nahulog ako dun buti nalang may isang bakal akong nahawakan.

Fear started to creep inside me. Isa-isa na ding pumatak ang luha ko kasabay ng panginginig ng buong katawan ko.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa ibaba. Mukhang walang nakakapansin sa sitwasyon ko ngayon.

"Steff, Steff, look here!" Narinig kong sigaw mula sa itaas dahilan para mabaling ang atensyon ko doon.

My vision was blurry but I can tell who it was, "Hold my hand."

Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko kasabay ng pag-angat sa akin. Parang nawalan ng lakas ang buong katawan ko.

I was just sitting on the ground, crying. I can feel every muscle I have shaking, "J-Joshua..."

"Ssshh. It's okay, you're safe. I'm here." It was the last words I heard before everything went black.

JOSHUA

"Hindi ko alam na ganito pala talaga ka-brutal ang mga babae." Kirvie commented while staring at the all passed out Steff.

I didn't replied a word. Instead, I stared at Steff with arms crossed.

"Una palang alam ko nang walang magandang dulot 'yang si Lyca eh." He added, "Anong balak mo ngayon?"

I took a deep breath before staring directly into Kirvie's eyes, "I need to erase her out of my way."

With that, I marched out of the clinic.

I walked and walked without even knowing where my feet would lead me. Until they stopped right in front of the girl's locker room where a familiar voice lingered in my ear.

"She's so pathetic! Sayang nga hindi pa siya nahulog kanina eh." Lyca laughed.

"Cristeph Tan? I don't even know what she looks like."

"Nah don't bother. She's a nobody and she should remain that way. Alam mo kung namatay siya kanina, walang makakaalam at panigurado walamg may pakialam."

I clenched my fists hearing her words. Due to annoyance, I stepped out from where I was hiding.

"Oh girls, Joshua's here. I gotta go." Lyca squeaked and clung onto my arms.

I faked a smile at her friends before we exited the place.

I took my way towards the parking lot.

"Oh my gosh! Josh, so... So... Puwede na akong sumakay sa kotse mo?" She giggled, I smiled.

She excitedly hopped in my shotgun, touching everything inside my car with her filthy hands.

"Oh my gosh this is a dream come true! Josh, I knew it. Sabi na nga ba may gusto ka din sa-" She wasn't able to finish her sentence when I pointed a metal right at her head.

"Josh, ano yan? Bakit... Bakit ka may baril?" She stuttered.

I glared at her. Gritting my teeth, I leaned to her ear and whispered, "Run."

TO BE CONTINUED

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status