Share

CHAPTER SEVEN: The Date

CRISTEPHARIE

I gently opened my eyes at silaw agad ng ilaw ang bumungad sakin.

''Are you okay?'' Napalingon ako sa nag-salita at may pag-aalala sa mga mata nito. Why is he here? Di ba si Joshua ang nag-dala sakin dito? Aish! Ba't ko ba hinahanap yung unggoy na yun?

''Okay ka na ba?'' Pag-uulit niya at inalalayan akong umupo.

''Y-yeah kanina ka pa nandito?'' Tanong ko at saktong dating naman ni Ate Den.

''Kanina pa dito yan bago ka dumating nandun siya sa isang kama. Nung nalaman niyang ikaw ang dinala dito, binantayan ka niya.'' sabi ni Ate Den nang may Nakaka-lokong ngiti sa mga labi nito. Asar 101 nanaman ako mamaya neto. Bumaling naman ang atensyon ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

''Uhm J-James salamat ha?''

''It's nothing.''

Napa-ngiti nalang ako at ginulo niya ang buhok ko.

''By the way sabi ni Ate Den, pwede ka na daw lumabas. Would you mind going for a walk?'' Tanong niya at inilahad ang kamay niya sakin. Di na din ako tumanggi to think na hindi naman kami magka-away.

Pumunta kami sa Garden ng school. Masyadong refreshing ang ambiance ng paligid at walang masyadong tao. Naalala kong may game nga pala ang basketball team. So that explains kung bakit wala si Joshua.

''By the way, di ba may game ang basketball team? Hindi ka ba sumali?'' Baling ko kay James na hawak ang kamay ko ng buong ingat. Di tulad ni Joshua, kung maka-hila wagas!

''Hmm well I'm now a part of the team pero hindi muna ako lalaban.''

''Huh bakit naman? Pag nanalo ang team na kasama ka sa players, Popularity at Scholarship ang kapalit nun.''

Humarap siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

''Aanhin ko ang pagiging sikat kung mapapahamak ka naman? Mula ngayon mas uunahin na kita kesa sa ibang bagay I don't want things like this to happen again, you'll be my first priority Steff.''

Sa haba ng sinabi niya, natulala lang ako. Pinagsasabi nito?

''Anong expression ba naman yan Cristeph Tan! Parang ngayon palang nare-reject na ko dahil sa muka mo eh.'' sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

''Uhm J-James wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi mo.''

''Ang cute mo.'' Lumapit siya sakin at tinanggal yung salamin ko. Inipit din niya yung buhok ko sa likod ng tenga ko. He looked directly into my eyes.

''Cristepharie Ignacio Tan ..... I Like You.''

P-pano niya nalaman ang Exact fullname ko? At ano daw? I ... I...

''N-nabingi a-ata a-ako.'' Muli syang tumawa at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

''Steff, I Like you. Kaya ako nag-transfer sa school na to dahil sayo. Araw-araw sinusundan kita. Alam ko nagmumuka akong stalker pero hindi ko mapigilan. Kaya sobrang inis ko sa sarili ko na na-injured ako sa pagpa-practice kanina at hindi kita nailigtas kay Lyca. Pero simula ngayon, hindi na ko mawawala sa tabi mo.'' Natulala lang ako sa mga sinabi niya. Parang ang hirap mag-sink in sa utak ko.

I mean hello? James Ryan Rivera tong kaharap ko! He's a former basketball star ng pinaka-sikat na All Boys School. Plus member pa siya ng sikat na banda!

Dami kong alam no? Laganap chismosa eh. Pero seryoso? Ang almost perfect na James Rivera, magkaka-gusto sakin?

''S-seryoso k-ka?''

''Do I look like I'm joking?''

''H-Hindi pero kasi ang hirap p-paniwalaan. At saka we just met, you know.''

''I know. Don't force yourself pero Steff, gusto kong malaman mo that .. I'll wait.''

And boom! I'm speechless! Haba ng hair ko makapag-pagupit nga mamaya.

''T-Thank You J-James.'' sige mag-stutter ka pa Steff!

''But then .. Steff please do allow me to do this.'' Nagulat nalang ako ng hinila niya ko palapit at niyakap ako. The warmth of his embrace, the way he holds my hands, the feels of his prescence .... Lahat yun magaan.

Anong nangyayari sakin?

''Steff, always be careful okay? Lagi mo kong pinag-aalala eh.'' bulong nya at tumango naman ako.

''Anyway since malapit na naman ang uwian, want a snack? My treat.'' Sabi niya at hinawakan nanaman ang kamay ko. Chaaaansing bruuuu!

Nakarating kami ng Parking lot at pinagbuksan niya ko ng kotse niya. Nilagyan niya ko ng seatbelt at nag-umpisa na siyang mag-drive. Wala naman sigurong masama kung magiging magkaibigan kami diba?

''By the way kakanta ang banda namin bukas can you attend?'' Sabi niya kaya napa-tingin ako sa kanya.

''Saan?'

''Sa Four Aces.'' Isang sikat na pub iyon sa Maynila. Seryoso ba? Dadalhin niya ako doon?

''Ahm okay but I still need my brother's permission.''

''Don't worry. Ipapaalam na din kita and Thanks Steff. By the way .. We're here.''

Pinark niya yung kotse niya at bumaba bago ako pinag-buksan ng pinto.

James is the exact opposite of Joshua. Lahat ng bagay sa kanya mahinhin.

Nagningning ang mata ko nang makita kong nasa tapat kami ng DQ.

Maingat niya akong inalalayan papasok at pinag-hila din ako ng upuan. Bakit ang gentleman niya?

''Order lang ako. What's yours?''

''Kahit ano.'' sagot ko at nag-bow siya sakin na akala mo Prinsesa ako. Tumingin lang muna ako sa labas habang hinihintay si James. Habang titingin-tingin, may nakita akong pamilyar na tao sa labas. Naka-tingin siya sa akin, no more like he's glaring.

Joshua .....

''Large Blizzard with Kitkat for my Princess.'' nabaling ang atensyon ko kay James na may dala-dala nang ice cream.

''Woah! My favorite!'' masigla kong sabi habang nagni-ningning ang mga mata.

''Talaga? Favorite mo yan? Ang galing ko talaga pumili!'' Sabi pa niya habang ngiting ngiti. Muli akong napa-tingin sa labas pero wala na si Joshua. Guni-Guni ko lang siguro.

''Uhm Steff...''

Napa-tingin naman ako kay James nang may pagtataka.

''Hmm?'' Dumampot siya ng tissue then leaned closer to me. Ang lapit!

''There you go.'' naka-ngiti nyang sabi pagkatapos punasan yung gilid ng labi ko.

''T-thank Y-you.'' sabi ko at ginulo naman niya yung buhok ko.

''After this, hmmm gusto mo mag-mall?'' Naka-ngiti nyang sabi. Nagpapa-salamat talaga ako't may pera ako ngayon.

''I'm in!'' Masigla kong sabi at ngumiti naman siya.

****

[Mall]

''Let's go for a movie?'' Tanong nya at tumango naman ako. Yes! I have a phobia in the dark pero hindi naman katulad ng sinehan dahil may ilaw padin dun.

''The movie will start by 7 pm.'' sabi nya kaya napa-tingin ako sa wrist watch ko.

6:25 palang.

''Tara! Sa arcade muna tayo.'' sabi nya at hinawakan ulit yung kamay ko.

''Magpa-papalit lang ako ng tokens.'' paalam pa nito tumango naman ako bago siya hinintay sa may basketball area.

''Hi Miss.'' napa-lingon ako sa nag-salita at isang grupo ng mga bakulaw yun. Di ko sila pinansin hindi din naman nila ako mapapansin kaya I'm safe.

Umalis yung magandang babae sa tabi ko kaya nagsi-alisan na din sila.

''Hi Miss cute.'' halos mapa-talon ako nang may humawak sa bewang ko. Isa sya sa mga lalaki kanina.

May takot akong napa-atras.

''Oh? Bakit ganyan ang muka mo? Di naman kita sasaktan kung sasama ka ng tahimik sakin.'' lalo akong natakot dahil sa mga ngisi nito.

''Di rin kita sasaktan kung aalis ka ng tahimik sa harap ng girlfriend ko.''

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko yun. Agad akong napa-takbo papunta kay James at tinago naman nya ako sa likod niya.

''Ah girlfriend mo ba yan? Pasensya na walang bantay eh.'' sagot nung lalaki at umalis na. Pagka-alis na pagka-alis nung bakulaw, agad akong napa-yakap kay James at isa isa nang pumatak ang luha ko.

''Sshhh don't cry nandito na ko I'm sorry.'' sabi niya at mahigpit akong niyakap.

''Tama na don't cry tara laro na tayo.'' sabi nya at tumango-tango naman ako habang pinupunasan ang luha ko.

Nag-umpisa kami dun sa basketball na may target points dapat maka-150 points sya in 3 minutes. Pero ang nangyari, 280 points in 3 minutes! At Bilang prize, isang malaking pikachu stuffed toy ang nakuha nya at binigay nya sakin. Adik pa naman ako kay Pikachu.

After a few games, dumarecho na kami sa sinehan. Buong movie akong umiiyak.

Ang movie kasi ay yung So Young 2:Never Gone ni Kris Wu. Ang complicated ng lovestory nila. Si James naman, panay punas ng luha ko.

******

''Did you enjoyed?'' Tanong niya at masigla naman akong tumango habang yakap yakap yung Pikachu.

''Buti naman.'' sagot niya kasabay ng pag-gulo sa buhok ko. Nasa kotse na nya kami. Ihahatid na daw niya ako pauwi.

''Steff, thank you for this day.'' sabi nya habang naka-ngiti.

Nginitian ko nalang din sya. Buong byahe, tahimik lang kami. Hindi ko padin lubos maisip na magkakagusto sakin ang isang James Rivera na pinag-kakaguluhan ng lahat.

''We're here.'' sabi nya kaya nabalik ako sa reyalidad. Gaya ng kanina, pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan bumaba.

''Thanks James.''

''Sleep well my Princess.'' sabi nya bago ako hinila palapit at hinalikan ang noo ko. Ang sweet nya!! Kenekeleg eke !!! Kumaway sya sakin bago sumakay sa kotse nya at pina-andar na yun.

''How's the date with James?'' Halos mapatalon ako sa nagsalita. Sa pag-lingon ko, agad na natamaan ng mata ko ang mga mata nitong nanlilisik.

''Joshua .....''

TO BE CONTINUED

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status