Share

Chapter 3

Nasa shower area si Chogiwa. Bukas ang shower kaya basang-basa siya na parang ineenjoy niya pa.

“Ayos ka ah! Mukhang tataas ang bill ko ng tubig dahil sayo. You smart boy, hahaha!”

Pinatay ko ang shower at saka kinuha ang shampoo niya. Noong nakaraan ay dumaan ako sa mall para bumili ng shampoo, collar, at dog food. He didn’t like the dog food kaya sayang lang ang isang kilong binili ko. He likes to share with my food, mas marami pa nga siyang nakakain kesa sa akin eh. Tama sina Mom, magastos pala talaga ang mag-alaga ng aso.

Nakatingin sa akin si Chogi habang sina-shampoo ko siya. He will smell like strawberries again. Mas matangkad siya sakin kapag naka-talungko ako kaya naka-yuko siya ngayon sa akin.

“You really are a big guy, huh. Kaya mo na palang mag shower mag-isa. But I’m sure you can’t use a shampoo by yourself. You still need Audrey even if you’re a smart boy.”

Mabuti nga ay may nakaka-usap ako dito sa bahay kahit na hindi naman siya sumasagot. Parang nakauunawa naman siya dahil nakatitig siya sa akin tuwing nagsasalita ako. Tinapos ko na ang paliligo niya at tinuyo ko siya gamit ang luma kong towel na matagal nag nakatago sa cabinet ko. Ni-blow dryer ko rin ang balahibo niya dahil baka magkasakit siya kapag hindi siya agad napatuyo ng maayos.

Nagluto ako ng manok at iyon ang pagkain mamaya ni Chogiwa. Sa loob ng isang buwan na inaalagaan ko siya ay alam ko na kung anong mga gusto at ayaw niya. Hindi siya mahulig sa gulay at puro karne ang gusto. Pork, beef, chicken, lalantakan niya talaga ang mga yan. Tuwing gabi ay pinapainom ko siya ng gatas pero mas gusto niya na tubig lang talaga. Tuwing maaga akong nakakauwi ay excited niya akong sinasalubong. Kapag late naman akong umuwi ay para itong nagtatampo na hindi man lang ako tinitignan o nilalapitan. Napaka supladong aso niya pa naman kaya inaagahan ko na lang talaga ang uwi dahil kawawa naman siya na mag-isa dito sa bahay. Nagtataka na nga si Kurt dahil hindi ko na siya nasasamahan tumambay. Siguro one of these days, ipapakilala ko siya kay Chogi. Humahanap lang ako ng pagkakataon. Mahirap kasing ipakilala si Kurt sa alaga ko. Takot kasi sa aso yun eh. Naalala ko noong nasa highschool pa lang kami, tuwing magkasama kaming nag lalakad sa tabi ng daan at may asong susulpot, ginagawa niya akong pang salag sa mga aso na madadaanan namin. Galing ‘di ba?

Naabutan ko si Chogi na nakahiga sa couch sa sala habang nakatingin sa bukas na TV. It’s as if he’s watching the news. Speaking of the news, natigil ang mga mata ko sa larawan ng isang lalake na nakapaskil sa news. Naka-sunglasses ito habang ag cellphone ay nasa tenga. Naka suot ito ng suit, at mukha itong isang mayamang tao. He looks good. Actually, that’s an understatement. He looks divine.

Naupo ako at nagfocus sa kung ano man ang ibinabalita tungkol sa lalake. Apparently, he is Rafael Callejo. The older brother of Prof. Gabriel Callejo who went missing. Una kong narinig ang balitang iyan kay Lilah. I remember she said that he’s smoking hot. Hindi pala siya nage-exaggerate. Prof. Callejo is gorgeous and no wonder his older brother is also strikingly handsome. They have these very sharp and masculine features in all the right places. Rafael is more tanned than Prof. Callejo. He’s obviously bulkier than the younger Callejo too. Maybe he has more active lifestyle than his younger brother. Mukha kasing mas gugustuhin pa ni Professor Callejo na magbasa kaysa magpawis. But he still manages to keep himself fit. Akala ko wala nang makakapantay si Prof. Callejo pagdating sa looks pero eto at may humigit pa pala. Well, that’s based on my preference.

Bakit kaya siya nawawala? Did someone abduct him? Sa built niyang iyon, siguro grupo ang dumukot sa kaniya.

“I wonder if that man is still alive.” Wala sa sariling usal ko.

Tumayo si Chogi mula sa hinihigaan niya at humiga sa lap ko. Awtomatiko ko namang hinaplos ang kaniyang balahibo.

“Sayang naman ang kagwapuhan niya kung wala na siya sa mundo.” I giggled and immediately stopped myself.

Bad, Audrey! Nawawala na nga yung tao, kagwapuhan pa rin ang iniintindi mo.

“His family must be so worried.” Seryoso ko nang wika.

Para namang nakikinig sa akin si Chogi at lalo pang sumiksik sa tiyan ko. Saktong kumalam ang sikmura ko at nagkatinginan kami ng alaga ko.

"Don't judge me. Kung makatingin ka parang tatawanan mo na ako anytime ah." Malamang kung nakakatawa lang ang aso, talagang tinawanan niya na ako.

Tumayo na kami mula sa pagkaka salampak sa couch at nagtungo sa kusina. Oras na ng pagkain. Ang paboritong gawin ni Chogi bukod sa panoorin ako maligo. I gave him food on his clean stainless bowl. Hinintay niya munang makapag sandok ako ng para sa akin bago siya nagsimulang kumain. This dog really have some manners. I remember when I first brought him home, hindi muna siya pumasok sa bahay hangga't hindi ko siya tinawag at pinapasok. He is a very smart dog. Kaya lang ay walang respeto sa privacy. He's so clingy and wants to tail me wherever I go. Lalo na kapag maliligo ako. Kapag kukunin ko na ang tuwalya ko ay nauuna pa siya sa banyo. He would just sit there and watch me take a bath, his eyes following my every move.

We ate in silence and when I saw that he already finished his food, I got up and gave him more. Hindi sapat sa kaniya ang isang bowl lang ng pagkain. Hindi naman kataka-taka dahil napaka laking aso niya naman kasi talaga. I recently applied for a part time job para naman matustusan ko ang mga pangangailangan ni Chogi. Para akong single mom, no? My parents give me allowance pero hindi nila alam na may alaga ako. Hindi ko pinapakita sa kanila si Chogi tuwing tumatawag sila sa Skype. Alam ko namang ayaw nilang mag alaga ako ng kahit anong pet. Pinapapasok ko si Chogi sa kwarto at sinasarado ko ang pinto. Mabuti nga at hindi rin nag iingay eh. Iyon ang isa sa mga napapansin ko kay Chogi, para siyang tao na may manners at may common sense. Sometimes he even does things more humanlike than how a normal animal does.

Naputol lang ang malalim kong pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. May unknown number na tumatawag. Hindi ko na iyon pinansin at nilagay na lang sa silent ang phone ko. Baka yung magaling kong ex-boyfriend nanaman iyon eh. Ayaw kong masira ang araw ko. Hindi naman ako masamang tao pero parang gusto kong maging masama sa tuwing naaalala ko ang pagiging feeling ng isang ‘yon.

“Mga lalake talaga, makakita lang ng mas maganda ipagpapalit na ang girlfriend o asawa. Tsk! Tsk!” palatak ko habang nanonood ng isang eksena sa pelikula na kasalukuyang pinapalabas sa TV. Nandito pa rin ako sa couch pero nakabalot na ako ng kumot at katabi ko si Chogi.

Inis na napailing-iling naman ako ng magpasya ang bidang babae na bigyan ng isa pang pagkakataon ang lalakeng nanloko sa kaniya. I know, I am getting too worked up sa isang pelikula pero masisisi niyo ba ako? I have been there. Naloko na rin ako. Akala ko ako lang ang nag-iisang babae sa buhay niya bukod sa mama niya. Pero malaman-laman ko sa mismong araw ng birthday niya na may babae pala siya. Paano ko nalaman? Binati lang naman siya ng babae niya sa i*******m. May isang kakilala na nagsend sa akin ng screenshot ng post nito. She’s pretty though and they seem to be intimate based on the photos. Intimacy is not my thing. Noong kami pa ni Matthew, he only got to hold my hands and hug me. Hindi ko siya pinayagan na halikan ako o higit pa doon. Hindi naman iyon dahil sa konserbatibo ako. I just don’t feel like it. Sorry for the word pero, para sakin nakaka asiwa iyon. Imagine, magdidikit labi ng dalawang tao. Pasahan ng bacteria. Tapos yung laway pa? Yuck!

Alam ko namang para sa karamihan, malaking bagay ang intimacy para sa isang relasyon. Pero hindi naman dahilan iyon para manloko. Kung hindi na pala masaya si Matthew, dapat sinabi niya sakin dahil papalayain ko naman siya. I guess we are not really fit for each other. I don’t feel the urge to be intimate with him while it seems to be very important to him. We are better off without each other. Ang nakaka galit lang talaga ay niloko ako kahit pwede namang makipag hiwalay ng maayos.

“Chogi, tingin mo ba may lalake pang hindi kagaya ng mga siraulong manloloko?” I asked Chogi out of nowhere and hugged him. Ipinatong ko ang baba ko sa ulo niya. He just scoffed and let out a low growl.

“Sana naiintindihan kita, no?”

I still watched the movie kahit na bwisit na bwisit ako sa mga desisyon sa buhay ng babaeng bida. Pero hindi ko namalayan na unti-unti na akong nakatulog doon sa couch habang yakap yakap si Chogi.

 “Chogi, sandali!” Sigaw ko ng tumakbo siya palayo.

Nasa parke kami ngayon kung saan ko siya unang nakita. Dito ko siya nakitang sugatan at nanghihina.

Tumakbo ako at hinabol ko siya dahil papasok na siya sa mapunong parte ng park. Hindi siya huminto sa pagtawag ko at dire-diretso lang na tumakbo papasok sa mapunong parte ng park. Gabi na ngayon kaya madilim sa banda roon. Baka mawala siya o masugatan pa doon dahil sa pagkakatanda ko ay may ilang barbwires sa di kalayuan na nagsisilbing boundary ng park at ng subdivision.

“Chogi!”

Hinahabol ko siya pero hindi ko maabutan dahil mabilis ang takbo niya. Sa pagtakbo ko ay hindi ko napansin ang isang batong nakausli sa lupa. Natisod ako doon at nadapa. Ramdam ko ang paghapdi ng tuhod ko. Nagasgasan iyon sa pagkakadapa ko.

“Chogi!” tawag ko pang muli pero nawala na siya sa paningin ko, malamang ay nakapasok na sa kakahuyan. Mabagal akong umupo at pinagpag ang dumi sa damit ko pati sa tuhod ko. Iika=ika akong naglakad patungo sa kung saan pumasok si Chogi kanina. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at in-on ang flashlight ‘non.

“Chogi!”

“Cho-“ natigilan ako sa pagtawag sa alaga ko ng may marinig akong tunog ng mga tuyong dahon mula sa dilim. Parang may naglalakad palapit sa kinaroroonan ko dahil palakas ng palakas ang tunog ng mga hakbang at daing ng mga tuyong dahon na naaapakan ng kung sino man.

“Chogi?” pabalik na ba siya? Hindi na ba siya inaatake ng pagiging pasaway niya?

Nagkamali ako ng akala dahil hindi si Chogi ang lumabas sa kakahuyan. A tall and masculine man came out from the dark.

Hindi ko na natignan ang mukha niya dahil agad akong napa sigaw ng ma-realize kong wala siyang kahit anong saplot sa katawan.

“Ahh! Manyaaak!” sigaw ko saka umambang tatakbo ngunit agad ring nadapa dahil sa sakit ng binti ko.

“Tch! Clumsy woman.” Rinig kong bulong ng lalake.

“Manyak!” sigaw ko saka nagsikap na tumayo. Nakahablot ako ng isang putol na sanga ng puno at itinutok ko iyon sa lalakeng hubad. “Huwag kang lalapit!”

“What are you going to do? Poke me with that stick?”

Napaka-angas niya naman umasta para sa isang matinong tao na nakahubo’t-hubad sa harap ng isang babae. Kung matino siya, dapat ay kanina pa siya nataranta at humanap ng mapagtataguan o maipantatakip man lang sa katawan niya. Pero ang isang ‘to, proud pa na nakatindig sa harap ko!

Humalukipkip pa ang damuho at tinitigan ako. Walang hiya talaga!

“T-Tatawag ako ng pulis!” banta ko ng magsimula siyang humakbang palapit sa akin. He stepped into the light. Ngayong nakikita ko na siya ng mas maliwanag dahil sa ilaw na naibibigay ng street light sa gilid ng kinatatayuan namin, para akong nabato sa kinatatayuan ko at napatitig na lang rin sa mukha niya.

Ang gwapo naman ng manyak na ito!

“Hindi ba dapat ay tumatakbo ka na palayo ngayon?” he mocked when he noticed that I was shocked to see his face.

“E-Eto na nga!”

He let out a smirk and continued walking towards me. Doon na ako nagsimulang tumakbo. Takbo nga bang matatawag ang ginagawa ko? Iika-ika ako at hindi naman ako natatakot sa kaniya. Naeeskandalo lang ako dahil hubad siya.

Naramdaman ko na lang naumangat ang paa ko mula sa lupa. Binuhat na pala ako ng gwapong manya- Teka? Binuhat?

“AHH! Manyak! Ibaba mo ako, manyak!” sigaw ko ang nagpumiglas mula sa pagkakabuhat niya sa akin. He is carrying me, bridal style.

“Huwag kang mag-alala hindi ako gagawa ng kahit anong hindi mo magugustuhan. Hindi kita pipilitin, baka nga ikaw pa ang mamilit.” nakangisi niyang sambit at dinala ako patungo sa kung saan siya nanggaling kanina.

Kalaunan ay hindi na ako nagpupumiglas. Hinihintay ko na lang kung kailan ako ibababa ng manyakis na lalakeng ito at hihintayin ko na lang ang mapait na kapalaran ko. Mukhang ito na talaga ang kapalaran ko. Ang ma-rape ng isang gwapong lalake at magpalutang-lutang sa ilog kinabukasan. Ako yung tipo ng tao na kapag nagkaroon ng Zombie Apocalypse, magpapakagat na lang ako agad sa Zombie para di na ko mahirapan pa. O kung nasa Titanic ako, magkukulong na lang ako sa cabin at magpapalunod.

Hindi nag tagal ay huminto siya sa paglalakad.

“Expecting me to rape you? Dream on woman.” Humalakhak siya at saka ko naramdaman na nahuhulog ako. Binitiwan niya ako at hindi ko alam na may bangin pala rito. Ito na ba ang katapusan ko?

“AHH!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status