Share

Chapter 6

"So, how's my brother?" tanong ni Professor Gabriel Callejo. Prente siyang naka upo sa kaniyang swivel chair habang ako ay nakaupo sa upuan na nakalaan para sa mga may appointment sa kaniya. Narito ako sa faculty office dahil pinatawag niya ako. Lilah was so surprised that I was actually called to his office. Pinilit niya pa akong mag retouch muna bago magtungo rito. Sinunod ko naman ang payo niya dahil sa maghapon kong klase, haggard na nga naman talaga ako. Ayaw ko namang hindi ako presentableng haharap kay Prof.

Sa una ay nagulat rin ako na pinatawag ako. Pero naisip kong baka tungkol ito sa kapatid niya na nasa poder ko. Mukhang alam niya na talagang nasa akin ang Kuya niya mula pa noong nakisabay siya saming kumain sa cafeteria.

“Okay naman po siya. He’s still in the process of recovering.” Hindi ko maiwasang titigan siya. Looking at him, he also have hazel colored eyes like Rafael. He is also fit like he does regular exercise but not as masculine as his brother. They really look alike in many ways but Prof Callejo looks studious and approachable, matinee idol type while his brother is an arrogant and intense alpha.

Who would have thought that a young and handsome professor like him is a werewolf?

Nalaman niya raw na alam ko kung nasaan si Rafael ng makita niya ang kwintas na suot ko. Yes, Rafael was right. The moon necklace that Chogi-I mean Rafael, gave to me. Matapos ipagtapat sa akin ni Rafael ang tungkol sa mala fantasy novel niyang pagkatao at mala action movie niyang pinagdaanan kaya siya napadpad sa parke ay heto na nga ako at kausap si Prof. Callejo.

I cleared my throat and started feeding him informations about his brother. He must be worried about Rafael. I wonder if he will tell me that he is taking him back. Siguro ay mapapatalon ako sa tuwa. Wala pa kasing ilang araw ng malaman ko ang lahat ay di ko na mabilang kung ilang beses akong nabwisit ni Rafael.

"Naghilom na po yung mga mababaw niyang sugat. Ang natira na lang ay yung malalalim. He eats well. Pero hindi ko alam kung natutulog pa ba siya. Nauuna po kasi akong matulog. Tapos pag gising ko ay gising na gising siya." Kwento ko habang nakatingin rin sa necklace niya na isang half moon. Ang suot kong kwintas na binigay ni Rafael ay full moon.

"I've had enough informations about him. Now, what I want to know is how is he treating you? I know my brother too well that I'm quite worried he'll annoy you to death." Prof Callejo chuckled and his dimples showed. Iyon siguro ang pinaka pinagkaiba niya sa kapatid niyang si Rafael. Everytime Sir Gabriel smiles or laughs, the intimidating aura that surrounds him vanishes. Pero kapag ang kapatid nito ang ngumiti at tumawa, he's still intimidating and arrogant. Nakakabwisit pa nga kapag nakangisi iyon eh.

"Well, noong aso pa siya—I mean noong akala ko ay normal na aso lang siya, he's sweet and adorable. Pero noong nakakasama ko na siya bilang tao, mapang-asar siya Sir at saka nakaka intimidate siya." I honestly said and can’t help but frown.

Tumango-tango naman si Sir.

"As much as I want to pay him a visit, hindi ko pa pwedeng gawin iyon dahil may mga nagmamatyag din sa akin, baka matunton pa nila ang kuya dahil sa akin. But I think I'll just call you so I could talk to him." Kung sa klase ay palagi lamang siyang seryoso at hindi palangiti, ngayon ay madalas siyang ngumiti. He seems more relaxed and approachable.

We talked more about Rafael at maya-maya ay nagpaalam na rin ako mauuna na. Bilin kasi ni Senyorito Rafael na huwag daw akong magpapagabi masyado at hangga’t maaari ay umuwi kaagad dahil nga kailangan niya raw ang natural scent ko para matakpan ang amoy niya. Kapag natunton siya ng mga humahabol sa kaniya noon ay baka mapahamak rin ako kaya eto ako at nagkukumahog nang makauwi.

Mabangong amoy ng niluluto mula sa kusina ang bumungad sa akin pagpasok ko pa lang ng bahay. Naabutan ko si Rafael na naka hubad baro at suot ang apron ko na may mga print na peaches.

“Ang tagal mo. Gutom na ako kaya nakialam na ako dito sa kusina. I hope you don’t mind.” aniya ng bumaling sa akin saglit at nag focus na ulit sa niluluto niya.

“Ayos lang naman. As long as you won’t burn down the house. Ano ba yang niluluto mo? Kasali ba ako sa makakakain niyan?” lumapit ako sa kaniya sinilip ko ang niluluto niya. On one burner, he’s cooking a soup and on another one, he’s cooking a steak.

“Saan nanggaling yang niluluto mo? Sa pagkaka-alam ko itlog at saging na lang ang nandiyan sa ref ah.” Takang tanong ko dahil mukhang mamahaling karne ng baka ang nliluluto niya.

“I got it delivered. Thanks for lending me your phone, I filled the fridge with food. Also the pantry.” he winked at me and smirked. “You cooked for me when I can’t do it for myself, papatikimin kita ng masarap.”

Yabang talaga ng lalakeng ‘to. I just rolled my eyes at him and sat on one of the stools facing the kitchen counter.

“What do you prefer, medium rare, well-done?”

“Medium rare.”

Pinanood ko siya habang nagluluto. I must say, he looks good doing things in the kitchen. Mukha siyang gumagawa ng commercial. His muscles flex everytime he moves. He looks so serious and he is cooking meticulously. Para siyang hunk chef na off-duty.

Nang patapos na siyang magluto ay tumayo na ako at nagsimulang ihanda ang hapag. Naglagay ako ng mga baso, plato, kutsara, tinidor, table knives at kung anu-ano pa. Sa mga niluto kasi ni Rafael ay halata nang pang sosyal ang trip niya kaya nilabas ko ang mga pambatong cutlery and porcelain sets na itinago ni mama sa china cabinet niya. Nakakahiya naman kasi dito kay Rafael kung naka steak, soup, at mashed potatoes kami tapos ang gamit namin ay plastic na plato at cup noodles ang baso.

To be honest, mas gusto kong gamitin ang mga plastic na iyon kesa sa mga magagandang plato at baso ni mama. Alam ko kasing mananagot ako kapag nakabasag ako ng kahit isa lang.

We ate in silence which is kind of suspicious. Hindi ako sanay na hindi nambu-bwisit itong lalakeng ‘to. Anyway, ang sarap ng luto niya!

“Wow! Ang sarap nito.” Pagbasag ko sa katahimikan.

“Of course, I’m good at everything I do.”

“Yabang mo naman, uso naman magpa humble.”

“That’s not being humble if you just deny what’s obvious like a fool.” May point naman siya kaya napatango-tango na lang ako bilang pag sang-ayon.

“So, you talked to my brother?” tanong niya kaya napatigil ako sa pag nguya.

“Paano mo nalaman?”

“Your sweet scent has a trace of his perfume.”

Ganun pala kalakas ang pang amoy niya? Grabe paano pala yung mga pagkakataon na umutot ako habang katabi ko siya nung si Chogi pa siya?

“What did he say to you?”

“Worried siya kung tinatrato mo ako ng maayos. Kahit kapatid mo, alam na alam kung gaano ka nakaka bwisit.” Umismid ako sabay hinila ang plato ko na hinila niya na para bang binabawi ang pagkain na niluto niya dahil sa sinabi ko.

“Now he’s worried about you. Ako ang kapatid niya ah.”

“I didn’t expect you to be the clingy brother.”

Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin dahil siya naman ang bumili ng mga pagkain at siya pa ang nagluto. It’s just fair to do chores ng magkatulong. Okay rin naman pala na nandito siya. He cooks good food at libre pa ang pagkain.

Nagkasundo kami na habang nagpapagaling at nagpapalakas pa siya ay dito muna siya tutuloy sa bahay ko dahil natatabunan daw ng amoy ko ang amoy niya kaya hindi siya nata-track ng mga humahabol sa kaniya. Kapalit ng pagtira niya sa bahay ay nagbayad siya ng malaking halaga bilang renta raw at nagbigay rin siya ng pera para makapamili ako ng groceries pero hindi na yata makapaghintay ang mokong dahil nauna nang namili ng pagkain. Dahil hindi pa siya pwedeng magpagala-gala sa labas ay si Sir Gabriel ang nagbigay ng pera sa akin kanina at baka nga siya rin ang nagbayad sa lahat ng in-order ni Rafael sa online supermarket.

Kahit pa naiinis ako sa ugali niya at naiilang ako sa kaniya, it's a win-win situation.

"Sirloin, rack of pork, pork spareribs, tenderloin, Angus beef, blah blah blah. Puro karne ito ah!" Basa ko sa mga isinulat ni Rafael sa papel na ibinigay niya sa akin kanina bago ako pumasok sa eskwelahan. Last week lang ay namili siya ng mga pagkain para sa amin pero ngayon ay heto ako at mag-grocery nanaman. Napaka lakas niyang kumain! Puro pa karne.

Hindi ba siya kumakain ng gulay? At ang mamahal ng mga pinapabili niya, huh. Kaya pala sobrang laki ng ibinigay ni Professor!

Mabigat sa loob na inilagay ko sa cart ang lahat ng naroon sa listahan niya. Hindi kasi ako magastos na tao. Kahit pa malaki naman ang allowance ko na galing kay Papa ay hindi ako gumagastos para sa mga luho.

Pagkatapos kong makumpleto ang lahat ng inilista niya ay saka naman ako naglagay ng mga gusto ko. Kadalasan ay mga gulay at basic necessities ang kinuha ko. Pati na rin ang mga feminine care products gaya ng napkin.

Nang marinig ko mula sa cashier ang halaga ng lahat ng pinamili ko ay halos malula ako sa laki niyon. Pero agad ko rin namang binayaran. Ang halaga ng mga binili ko ay wala pa sa kalahati ng perang ibinigay sa akin.

Nagpatulong na lang ako sa isa sa mga empleyado doon na dalhin ang mga pinamili ko sa sakayan ng taxi. Ngunit palabas pa lamang kami habang tulak-tulak ng lalaking empleyado ang cart na naglalaman ng mga paper bag ng pinamili ko ay may matangkad na lalaking agad na lumapit sa akin. He looked at me and I realized it was Rafael. Hapos mapabunghalit ako ng tawa ng makita ko kung anong suot niya.

He's wearing my favorite loose shirt. Yung kulay black na may print na peach sa likod at juicy sa harap. He's also wearing my biggest pants but as usual, it looked small on him. Imagine a tall ang bulky man trying to fit in a petite girls oversized clothing. Suot niya rin ang cap ko na kulay pink. So much for this greek god businessman.

He looked at me with his eyebrows furrowed. Pinigil ko naman ang tawa ko. Bumaling siya sa nagtutulak ng cart at sinabi ritong siya na ang bahala sa mga pinamili ko. Walang kahirap-hirap na nailagay ni Rafael ang mga iyon sa compartment ng taxi na pinara ko.

"How did you know that I was here?" Tanong ko sa kaniya ng nasa loob na kami ng taxi.

He leaned closer to me and sniffed. He then whispered to my ear. "Your sweet scent."

Hindi ko alam kung bakit nagsitayuan ang balahibo ko sa ginawa niyang pagbulong. Tila nahalata niya naman ang uneasiness ko kaya napangisi siya.

"B-Bakit mo nga pala suot yang mga damit ko?" Mahina kong tanong dahil ayaw ko naman siyang ipahiya sa taxi driver.

'Tanga lang Audrey? Malamang wala siyang damit sa bahay mo kaya nagsuot na lang siya ng damit mo na kakasya sa kaniya.' pangbabara ng isang bahagi ng utak ko.

"I have no clothes."

Tumango na lang ako.

"Bukas bibili ako ng mga damit mo. Sabihin mo lang sa akin ang size mo." Sabi ko sabay kuha ng cellphone ko mula sa bag ko. Ilalagay ko sa notes ang sizes niya para hindi ko makalimutan. Mahirap na baka bitin nanaman ang mabili ko.

"Anong size mo ba?" Tanong ko.

"Seven inches when not aroused, almost eight when I'm aroused." Malakas na sagot niya.

Ilang sandali pa akong takang nakatingin sa kaniya kung hindi lang tumawa ang taxi driver at nagsalita.

"Aba hashtag blessed pala si Ser, Ma'am. Naka jackpot ka." Tumatawang anang driver na nginisihan din ni Rafael.

What the fuck?!

"Amazed? Check mo pa, pag-uwi natin." Nakangisi pa ring bulong niya sa tenga ko.

Jusko po!

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jover Halago
maganda sana kaso malaking point ang hinihingi kaya bura ko nalang
goodnovel comment avatar
Arvin Matira
buwiset nakapagbigay pa ko gem, di naman makapagbasa...nakalock...
goodnovel comment avatar
RRA
hahaha ............ kilig ako dito ha.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status