Share

Mistakes, Regrets
Mistakes, Regrets
Author: ohmy_gwenny

Prelude

"Oh, hon. Nandito ka na pala! Halika na, pinaghanda kita ng makakain. I'm sorry kung nauna na ako. 'Di ko na kasi matiis, saka nagugutom na kasi si baby." malambing kong wika sa asawa ko nang makita ko itong pumasok sa pintuan ng aming bahay.

Galing sa pagkaupo sa sopa, dahan-dahan kong inangat ang aking sarili at masayang sinalubong ang aking asawa na halatang wala sa mood.

Inilapit ko ang mukha sa kaniya at akmang hahalikan siya nang sinadya nitong iniwas ang kaniyang mukha at umaktong may kinuha sa kaniyang bulsa. Tahimik akong napabuntong-hininga. Wala lang talaga siya sa mood, Aries. Pagod lang siya, kaya intindihin mo muna.

Inalis ko na lamang ang mga isiping iyon, "Tulungan na kita dyan." Pagboboluntaryo ko kasabay ang paghubad ng kaniyang suot na coat.

Hindi ito nagsalita at dumiretso lang sa hapag-kainan. Naiwan ako sa sala na tulala. It's been a month nang mapansin ko ang kaniyang pagbabago. Sa tuwing uuwi siya galing sa trabaho, gawain niya na ang paglalambing sa akin. Alam ko namang pagod lang siya sa trabaho pero, ang sakit kasi. Hindi ko maiwasang paghinalaan siya.

Patakbo akong nagtungo para sundan siya. Pagkarating ko doon ay naabutan ko siyang nakaupo sa harap ng mesa habang abala sa kaniyang hawak na cellphone. Hindi ko naman makita kung ano ang ginagawa niya roon dahil nakaharap ito sa direksyon ko.

Wala sa sariling nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. No, Aries! Huwag kang mag-isip ng ganyan. Maling paghinalaan mo ang asawa mo!

"Leo, hon. Mukhang pagod ka, you should at least relax yourself."

I tried to steal his attention. Lumapit ako dito at inilapit sa kaniya ang mga ulam na niluto ko kanina. "Niluto ko ang mga 'to para sa'yo! Oh heto pa." That's it, Aries. Conceal it!

"Aries, you don't have to do that. Hindi nakakabuti 'yan para sa anak natin." rinig kong wika nito. Pakiramdam ko ay lumundag ang aking puso nang marinig ko ang boses nito. Unconsciously, my right hand travels to caress my tummy. Hear that, baby? Daddy loves you.

Dalawang buwan pa lang akong buntis. Naaalala ko pa nga ang napakasayang araw na 'yon, ang araw kung kailan nakumpirma naming magkakaanak na kami ni Leo. Sobrang saya niya no'n, he even cried.

Nagsimula na itong kumain. Napatitig ako sa mukha nito. Halata na ang pagod sa mukha nito na mayamaya'y paniguradong babagsak ang katawan nito. Magulo ang itim at makapal nitong buhok. Namumungay rin ang kaniyang mga mata.

Hay, ay usual from my husband. He is known for being work-aholic kaya hindi na rin siguro nakapagtataka kung bakit niya mas napalaki ang kompanya ng kaniyang ama'ng pinamana sa kaniya.

"Leo, you're overworking yourself. Hindi na makakabuti sa kalusugan mo 'yan." wika ko dito. Sandali lamang ako nitong tinapunan ng tingin at bumalik ka agad sa pagkain.

"I'm fine." tipid nitong sagot. Parehong bumagsak ang balikat ko sa sagot nito. I'm expecting him to say something that could make me smile. 'Yong linyahan niya noong, don't worry, hon. I'm doing this for you. O kahit simpleng pasalamat lang sa pag-aalala ko sa kaniya.

"Leo, may problema ba?" I can't take it anymore. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang problema niya at bakit gano'n na lamang ang trato niya sa akin.

Nakita ko ang bahagyang paninigas ng katawan nito. Mayamaya pa ay padabog itong tumayo galing sa kaniyang kinauupuan, "I'm tired. I need to take a rest." Walang emosyon nitong wika pagkatapos ay nilampasan lang ako.

For the nth time, I sighed. Yes, Aries. He's just tired. Stop being paranoid, he needs some rest. Pagkatapos no'n, balik ulit kayo sa dati.

Katulad nga ng iniisip ko. Pilit kong inalis sa isipan ko ang mga hinala. Sumunod ako sa kwarto at naabutan ko itong nakahiga sa aming kama. Galing dito ay rinig na rinig ko ang mahinang paghilik nito.

Lumapit ako sa kama namin ang dahan-dahang umupo sa malambot na higaan, trying my very best not to disturb his sleep. All the thoughts and doubts suddenly vanished when I saw his sleeping face. I silently chuckled. Bahagya pang nakaawang ang mga labi nito.

Mayamaya pa ay unti-unti kong inilapit ang mukha ko rito at marahang dinampian ng isang masuyong halik ang kaniyang noo. Bumaba ang paningin ko sa tiyan ko. We have to understand you daddy, baby. He is doing his very best to work for your future.

Ilang sandali pa ay napagdesisyunan ko nang humiga. Humarap ako sa gilid kong saan nandoon ang asawa ko at ipinatong ang aking isang kamay sa baywang nito. Kalauna'y tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

"Bakit napatawag ka?" Isang malalim na boses ni Leo ang pabulong na nagsalita dahilan upang maalimpungatan ako.

Nang mapagtantong wala na pala ito sa tabi ko kaya inangat ko ka agad ang aking katawan upang sundan ang pinanggalingan ng boses nito.

"Come on, Mia. It's already fcking midnight." And with that, I saw him standing on the balcony.

"What the—come on. Can you at least control your damn libido? You know, I'm tired and I want some rest." Kumunot ang noo ko sa bulyaw nito. Libido? Panibagong stilo niya na naman ba ito sa pagmumura?

Dahan-dahan akong bumaba galing sa aming kama at tahimik na naglakad papalapit sa nakatalikod nitong imahe.

"Mia, tomorrow. I promise." Mia? Tomorrow? Anong mayroon? Negosyo ba ang pinag-uusapan nila?

"Fine. I'll be there. Now take some rest. Just make sure na hindi mo ulit ako tutulugan bukas." I heard him chuckle. I stiffened upon hearing those words. My systems started to get panic when a hypothesis suddenly popped in my mind.

"Bye." wika nito bago tuluyang tapusin ang kanilang tawagan. Mayamaya pa'y umikot na ito paharap sa akin na ikinatigil niya naman.

Wow! Ganoon ba siya katuwa sa pinag-uusapan nila at kahit presensiya ko ay hindi man lang niya maramdaman?!

Pero sa kabila ng inis at galit na namumuo sa aking puso, mas pinili ko pa ring maging kalmado sa harap nito. "Sino 'yon?" tanong ko pa.

"One of my employees. . ." sagot naman nito. Akmang magsasalita pa ako nang bigla ako nitong lampasan, "Matulog ka na ulit." Dagdag nito at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Employee? May empleyado bang tatawag ng ganitong oras? And wow! He even called his employee with her first name. I didn't know Leo can be this friendly to his employees!

Bago pa man ito tuluyang makalapit sa aming kama ay hinawakan ko na agad ang kaniyang braso upang patigilin ito sa paglalakad, "Hindi naman yata normal na magtawagan kayo ng empleyado mo ng ganitong oras, 'diba?" Again, I forced my self not to shout at him. Kahit ang totoo'y gusto ko nang sumalampak sa sahig at magwala dahil sa sakit na nararamdaman ko.

I'll be there? Walang tulugan? Anong ibig sabihin no'n?!

Nakita ko itong napabuntong-hininga habang hinihilot ang sentido ng kaniyang ulo, "Aries, she's not what you're thinking. Empleyado ko siya, that's it."

He's being defensive for Pete's sake! Masyado na siyang halata. And wait! Where's the endearment he kept on calling me before? Tila may kung anong matigas na bagay ang tumama sa puso ko at sandali iyong kumirot.

"Then, can you explain to me why the hell you just called her with her first name?! I didn't even know you're that close to your employees!" Wala na. Hindi ko na mapigilan. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng hinanakit ko. Ayaw kong kimkimin ito at baka mas lalo lamang akong masaktan.

"Aries, you're being too—" Hindi ko ka agad ito pinatuloy sa kaniyang pagsasalita.

"Leo, just fcking answer my question!"

"Can you please stop cussing, Aries!" Ayaw niyang marinig o sadyang gusto niya lang talagang malayo ang usapan?

"Fine. Now, answer me! " I suddenly blurted. 

Nakita ko ang unti-unting pag-iba ng mukha nito. Tinapunan ako nito ng isang masamang tingin at kalauna'y pekeng natawa, "Bullshit! Stop making me mad, Aries. Baka pagsisisihan mo lang."

"Bakit, Leo?! Simpleng pagpapaliwanag lang ang gusto kong marinig galing sa'yo. Kasi na naguguluhan ako sa mga pinapakita mo sa akin!" Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon, kusang tumulo ang masaganang luha galing sa aking mga mata.

"I told you, she's just my employee!" he managed to say. Napailing lamang ako.

"I didn't asked you who she is. I want your explanations about your conversations awhile ago!" pumiyok na ang boses ko dahil sa pag-iyak ko.

Madiin itong napahilamos sa kaniyang namumulang mukha gamit ang kaniyang kamay. Napalunok ako nang makita ang namumula nitong mukha at ang masamang tingin nito sa akin.

"Fine! She's a whore. Iyan ang gusto mong marinig 'diba? Sawa na ako sa relasyong ito, Aries! Sawa na ako sa'yo—" Hindi nito ka agad natapos ang kaniyang pagsasalita dahil malakas na dumapo ang palad ko sa pisngi nito. Ang sakit! How dare he?!

Ang sakit! Sobrang sakit! Hearing those words from him?!

"Bakit, Leo?" Hindi ko na halos mabigkas ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko dahil sa sobrang pag-iyak ko.

Nag-iwas ito ng tingin sa akin, "I'm not ready. Napagtanto kong hindi pa pala ako handang matali. We're too young."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Natawa ako ng mapait kasabay ang pagtulo ng panibagong mga luha sa aking mga mata. Is he out of his mind?! Lasing ba siya?! Bakit niya sinasabi ang mga ito?

Tuluyan nang kumawala ang malakas na paghikbi ko kaya napayuko na lamang ako upang pakalmahin ang sarili ko. Oh God! Not now, please. Makakasama ito sa anak ko.

Ilang saglit pa lang ay umayos ka agad ako ng pagtayo at tinignin ang asawa ko, "Alam mo, Aries. Galit ka lang. Matulog ka na muna ulit." Pinunasan ko ang mga luha sa mga pisngi ko. Ang sakit sakit! Hindi ko inakalang lalabas ang mga katagang iyon sa kaniyang bibig!

"Oo galit ako, Aries. Pero hindi ako nagbibiro."

Mapait akong tumawa sa sinabi nito, "Alam kong galit ka. Pero sana naman, Leo. Bago mo ako niligawan, bago mo ako inayang magpakasal, bago mo ako buntisin. Inisip mo muna ang mga 'yan! Hindi 'yong, kung kailan minahal na kita ng sobra higit pa sa buhay ko. Nakatali ka na sa akin at magkakaroon na tayo ng anak, saka mo lang sasabihin ang mga 'yan sa mukha ko!" I cried.

I never imagined this day would happen. Noon pa man ay hindi ipinaramdam ni Leo ang pagsisisi niya sa mga naging desisyun niya. Kaya ganoon na lamang ang sakit na naramdaman ko.

Hindi ko ito narinig na nagsalita kaya nagpatuloy ako, "Kaya sana naman isipin mo. Hindi mo na ako mahal? Bakit, nagsawa ka na sa akin? Leo, what happened to those promises you said to me?! Ano, dahil lang sa putanginang babaeng 'yon kaya—" Napatigil ako sa pagsasalita at napadaing nang maramdaman ko ang malakas na pagsampal nito sa aking pisngi.

"Enough, Aries! Putak ka ng putak, sumasakit na ang tainga ko! Saan ba sa sinabi kong, hindi pa ako handang makipagtali ang hindi mo maintindihan?!" Napahagulgol na lamang ako.

"Dont worry, once our marriage is annulled. Hindi ko tatalikuran ang anak ko. Bibigyan kita ng pera para sa pang araw-araw na gastusin—"

"Stop it, please! Huwag namang ganito, Leo oh!  Ayoko! Hindi ako papayag sa sinasabi mo." I cut his words. Lumapit ka agad ako rito at hinawakan ang kaniyang dalawang kamay.

"Stop crying. Baka mapano ang anak ko." rinig kong wika nito.

"No, hindi ako papayag, Leo! Hindi. Walang hiwalayang magaganap." I managed to say.

"Ayaw kong masaktan ka, Aries. I fell out of love, without even noticing it. We're just twenty five. Maybe I realized that it's too early for us."

"No, ayoko! Mamamatay ako, Leo! Masyado kitang mahal para basta-basta na lang bitawan!"

"Fine. Pero sana naman, hindi kita makitang umiiyak. I already told you, Aries. I fell out of love. Keep that in your mind." Pagkatapos nitong sabihin ang mala-kutsilyong mga salitang iyon na sunod-sunod na sumasaksak sa aking puso. Lumabas ka agad ito ng kwarto.

Nanghihina akong lumapit sa kama namin at doon ibinagsak ang aking sarili. He really mean it. Ang sakit isiping ang taong pinangakuan kang mamahalin at aalagaan ka hanggang sa pagtanda, siya din pala ang mismo ang babali ng mga iyon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
sylvia watchman
English please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status