Share

Chapter 1

Kinabukasan, paggising ko ay wala na si Leo sa aking tabi. Nauna na akong matulog kagabi pero naramdaman ko naman ang pagsunod nito.

Napabuntong hininga ako. Nanghahapdi ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak ko kagabi. Mabuti na lang at nakumbinsi ko ang sarili kong matulog para sa kalusugan ng anak kong nasa sinapupunan ko pa.

Tumayo na ako galing sa kama at nagtungo sa banyo upang maglinis ng aking mukha. Nang makita ko ang sariling repleksyon ko sa salamin, wala sa sariling nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Numumugto ang aking mga mata na tila may insektong kumagat dito.

Ilang minuto ang makalipas ay natapos na ako, kaya lumabas na ako sa silid na iyon at bumaba na sa sala. Umupo ako sa sopa'ng nandoon. Mag-isa lang ako. Hindi man lang niya ako sinabihang aalis na siya.

He fell out of love, Aries! Hindi ka na niya mahal dahil nakakasawa ka. He's not ready to be tied. He realized that he still have to enjoy being bachelor. Ayaw mong tanggapin ang alok niyang pakikipaghiwalay? Then be it, tiisin mo.

And with that, a batch of tears rolled down on my cheeks. Napatukod ka agad ako sa mga tuhod ko at mabilis na pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.

Kinakabahan ako, paano kung totoo ang mga sinasabi niya kagabi? Nakakasawa ba ako? Nakakasawa ba akong magmahal? Bakit ngayon pa? Na may bata nang paniguradong magdudusa.

Mayamaya pa, napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang mga yapak ng paa na papalapit sa akin. Inangat ko ka agad ang aking paningin at nagulat nang makita ang asawa kong nakatayo sa harap ko. Bihis na bihis na ito at handa nang umalis para sa trabaho.

"Hon! I-Ikaw pala, tapos ka na bang kumain? Gusto mong ipaghanda kita?" Tumayo ka agad ako galing sa kinuupuan ko at pilit na ngumiti rito.

Akala ko umalis na ito.

He just stared at me, emotionlessly. Sa tuwing nakikita ko ang mga mata nito. Naiiyak lamang ulit ako. Wala akong makapang kahit na katingting na pagmamahal sa mga ito.

"I'm done. Kumain ka na rin. Aalis na ako." Mabilis nitong sabi at tumalikod na sa akin. Kinuha nito ang coat na nakasabit sa sandalan ng sopa at ang attache case nitong nasa lamesita.

Lumapit ka agad ako rito at tinulungan siya sa pagsuot ng coat, ngunit laking gulat ko nang iniwas nito ang kaniyang sarili sa akin.

"L-Leo, anong oras kang uuwi mamaya?" tanong ko na lamang. Sandali ako nitong tiningnan at nag-iwas agad ng tingin.

"I don't know." he coldly answered. Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil tinalikuran na ako nito at lumabas na ng pintuan.

Naiwan akong mag-isang lumuluha doon. He really meant what he said. Pero hindi. Ayokong bumitaw. Kung ang pagmamahal ko ang tanging bubuhay sa kasal namin, lalaban ako. Mahal ko siya, sobra.

Tahimik lang akong umiiyak doon. Ngunit mayamaya'y biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog ng cellphone na nanggagaling sa kusina.

Nagtungo ka agad ako roon. Pagkarating ko ay nakita ko ang cellphone ni Leo sa ibabaw ng mahabang lamesa kinuha ko ang bagay na iyon. Naiwan niya ito. May tumatawag.

Wala namang pangalan ang nakalagay doon at numero lang. Bago pa man matapos ang sunod-sunod nitong kuliling ay sinagot ko na ang tawag at itinapat iyon sa aking tainga.

"Hello, baby! Where are you? I'm waiting here, nasa office mo na ako!" Isang boses ng babae ang bumungad sa akin na nagpaguho ng mundo ko.

Who is this?! Why is she calling my husband a baby? Ito ba ang babaeng katawagan ni Leo kagabi?!

"Sino ka?" I asked.

"Excuse me? Where's Leo? Pwede bang pakibigay sa kaniya ang cellphone niya?" Ramdam ko ang pagka-irita nito sa boses niya.

"I'm asking you. Sino ka?" ulit ko dito.

"Letse! Obvious ba? I'm his girlfriend! Now give him his damn phone!" pasigaw nitong sagot.

Dahil sa sagot nito. Kusang humigpit ang pagkahawak ko sa cellphone dahilan upang manginig ang parehong kamay ko. Hindi ko rin namalayang nakakuyom na pala ang aking kamao na ngayo'y nakatukod sa itaas ng mesa.

"Give it to him. Kapatid ka ba niya?" dagdag pa nitong sabi. Kapatid?! I faked a laugh. Tangina!

"I'm your boyfriend's wife, miss. Now, better stop calling him." pumiyok ang boses ko. Hindi ko marinig ang sagot nito dahil tuluyan nang nawalan ng lakas ang kamay ko at bumagsak iyon sa ibabaw ng mesa.

Nangmamanhid ang katawan ko at tanging puso ko lamang ang kumikirot. Sobrang sakit! Akala ko ba hindi lang siya handa? Pero ano itong babaeng tumatawag sa kaniya? Boyfriend? Tangna! Andito ako oh! Asawa ako, asawa!

Dahil sa pagdadalamhati ko. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Leo at hinablot nito ang hawak-hawak kong cellphone nito.

"Why the fck did you answer the call?!" Dumagundong malakas nitong sigaw sa buong bahay namin. Nanatili lamang akong nakayuko doon habang patuloy pa ring umiiyak.

Hindi ko kayang magsalita. Nahihirapan ako. Naninikip ang puso ko at tila ba'y wala akong malanghap na hangin. Nakakatawa lang isipin na mas nanguna ang galit nito sa akin. Hindi niya ba naisip ang anak niya sa sinapupunan ko?

"Sa susunod, h'wag ka nang mangealam ng gamit na hindi sa'yo. Now, stop crying at baka madamay pa ang anak ko sa katangahan mo." wika nito.

Pinilit kong ayusin ang pagtayo ko at humugot ng isang malalim na hinga, "M-May girlfriend ka pala?" pabulong kong saad dito. Nakakadiring pakinggan na sa mismong bibig ko pa iyon lumabas na asawa niya. Tila ba'y may tumutusok sa d****b ko sa tuwing naaalala ko ang pinagsasabi ng babaeng katawag ko kanina.

Inaasahan ko ang gulat at takot sa mga mata nito, ngunit wala! Parang wala lang dito ang aking mga pinagsasabi, na para bang hinintay niya ang araw na ito. Gusto kong magalit, gusto kong magwala rito, gusto ko siyang sampalin ngunit pinipigilan ako ng sarili ko. Bakit ba bigla siyang naging ganito? Tila ba'y bigla siyang nag ibang anyo at hindi ko na siya makilala.

"Stop asking me, Aries! " wika lamang nito.

"Leo, asawa mo ako! May karapatan akong magtanong at magalit!" I exclaimed.

Pero ng dahil sa sinabi ko, tumawa ito. "Wow, Aries! Baka nakakalimutan mo. I already warned you! Iyan ang gusto mo 'diba? Ayaw mong mahiwalay sa akin at mas pinili mong magdusa. Sinabi ko na sa'yo, I'm not ready-"

"Iyon nga, Leo! Hindi ka pa handa! Alam kong mali'ng pagsisihan mo ang pagpapakasal natin pero mad pinili kong intindihin ka! Pero bakit ngayon malalaman kong may girlfriend ka?" I faked a laugh.

"Anong gagawin mo pagkatapos? Pakakasalan siya? Bubuntisin katulad ko tapos sasabihin mo ulit na hindi ka pa handa-" Napalitan ka agad ng d***g ang pagsasalita ko nang malakas ako nitong sinampal. I cried hard. He just slapped me for the second time!

Bakit niya ginawa sa akin 'yon? Mahal niya na ba ang babaeng iyon?

We've been married for almost 3 years! At sa loob ng tatlong taong iyon ay hindi nito niminsang ipinaramdam sa akin ang ganitong klaseng sakit.

"Shut up, Aries!" Galit nitong wika at agad na tumalikod sa akin upang umalis.

Katulad ng nakagawian ko. Hindi na ako nanlaban pa. Naiwan akong umiiyak habang nakaupo sa sahig. Maingat kong inilapat ang kamay ko sa aking tiyan at buong ingat iyong hinaplos.

I'm so sorry, baby. I just can't help it. Sobrang sakit kasi, sobra. Sana h'wag kang malungkot dyan katulad ng nararamdaman ni mommy. Kasi sisiguraduhin kong paglabas mo, magiging okay na ang lahat. Complete family ulit tayo.

He's just confused. Siguro ay gulat lang siya dahil ito ang unang pagkakataong magiging ama siya kaya nasabi nito ang mga bagay na iyon. Kailangan ko siyang intindihin. Soon, he will realize.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Melba Visaya Ritos
gagong Asawa sarap ipa salvage
goodnovel comment avatar
Jules Benedict Oblefias
ay ay ay stu....a ..e di hiwalayan ..bawal na Ang martir ...Wala Ng panrebulto Wala Ng paglalagyan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status