Share

Chapter 2

Hi, mommy! How are you? I am now a little over half an inch in size. My eyelids and ears are forming, and the tip of my nose is visible. My arms and legs are well formed. And also my fingers and toes grow longer and more distinct. I can't wait for next month, mommy! I'm excited to move.

Kusang umangat ang mga sulok ng labi ko sa nabasa. I'm currently reading a book that Leo bought for me. Noong malaman nitong buntis ako ay sobrang saya niya, kinabukasan nga n'on ay marami siyang biniling mga prutas at mga librong pupwede naming basahin para sa aking pagbubuntis.

Marami pa talaga itong binili na mga libro at ngayon ko lang ito naisipang tingnan at basahin dahil ako lang ang mag-isa sa bahay.

Hindi ko nagawang bisitahin ang ob-gyn ko ngayong pangalawang buwan ko na sa aking pagbubuntis. Hindi kasi ako nasasamahan ni Leo hindi katulad noong unang kabuwanan ko. Akala ko nga ay abala lang ito sa kompanya ngunit ngayon ay nasaksihan kong hindi lang pala iyon ang dahilan niya.

Madiin kong ipinikit ang mga mata ko upang pigilan ang sariling maluha. Naglalaro na naman sa aking isipan ang mga narinig ko kanina.

Girlfriend. My husband is having an affair with someone without her knowing na kasal na pala ang sinasabi niyang boyfriend. Napailing ako sa naisip. No, Aries. H'wag kang maniwala sa pinagsasabi ng babaeng 'yon. Leo told you that she's a whore, right? Walang pangalang nakalagay doon ng babae sa cellphone niya. Probably, that woman is one of those desperate women who kept on bugging your husband.

I tried to calm myself. Yes, Aries. That's it. No one could help you but yourself alone. Keep yourself calm, for the baby's sake.

Patuloy lamang ako sa pagbabasa doon habang marahang hinahaplos ang tiyan ko. Ilang saglit pa ay narinig ko ang tunog na galing sa cellphone ko. Someone's calling. Kinuha ko ito sa bedside table at ka agad itong sinagot nang makita si Nanay pala ang tumatawag.

"Hello, 'nay?" paunang bati ko.

"Anak! Ikaw nga!" Napakunot ang noo ko sa gulat ng sinabi ni nanay.

"Ako nga po, 'nay." natatawang sagot ko dito.

"Naku! Sobrang namiss na kita, 'nak! Kumusta buhay mo dyan?" tanong nito.

"Okay lang po, 'nay. Kayo po ba?"

"Heto, mabuti rin. Namimiss ka na talaga namin dito 'nak. Kumusta nga pala si Leo? 'Yong trabaho mo?" Naku, Naku! Napakakulit talaga nitong si Nanay. Hindi ko na nga alam kung saan ang uunahin kong sagutin sa mga 'yon.

"Okay naman po kami rito 'nay." I faked a laugh. Buong akala ni Nanay ay magiging isang mabuting asawa sa akin si Leo. Akala ko nga rin noon.

"Oh, mabuti 'yan."

"Bakit nga ho pala kayo napatawag, 'nay?" tanong ko nang mapansin ko ang pananahimik ng kabilang linya.

"Ah, mangungumusta lang sana ako, 'nak. Saka, gusto ko lang din ibalita sa'yo na magkaka-apo na kami ng tatay niyo! Buntis si Jenelyn, 'nak!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni nanay, "Talaga ho, 'nay? Naku, magkakaroon na ako ng pamangkin!" natutuwang saad ko.

"E, kayo ba ni Leo? Kailan kayo magdedesisyun? Kailan pa kaya ako magkaka-apo. Kapag magkaka-anak na kayo ni Leo, ako ang unang sabihan niyo ha?" Natawa ako sa sinabi ni Nanay. Hindi niya alam na buntis ako. That was planned by Leo, he told me to surprise my parents. Taga probinsiya kasi ako at medyo malayo galing dito. Ewan ko ngayon kung naaalala pa niya 'yong mga sinabi niya.

"Sige po, 'nay." sambit ko na lang.

"Nga pala, 'nak. 'Diba nakita kita sa stage no'n naka toga, sinamahan pa nga kita. Pero bakit hindi kita makita sa telebisyon ngayon?" Inosenteng tanong ni Nanay sa kabilang linya. Malungkot akong napangiti.

"Ah, 'nay. May kaunting gagawin pa po kasi bago ako makita sa TV, saka h'wag po kayong mag-aalala. Balang araw, makikita niyo po ako dyan sa TV natin. Babatiin ko po kayo!"

"Oh, mabuti naman. Hindi na ako makapaghintay!"

Mass com graduate ako. Noong bata pa lang ako ay pangarap ko na talagang makita sa telebisyon at magba-balita. Gano'n din ang kina nanay at tatay. Sa tuwing manonood kami ng balita kasama ang mga kapatid ko, wala kaming naiintindihan sa balita kundi news reporter lang ang pinapansin namin at iniisip na ako 'yon.

"Oh siya, sige na po, 'nay. May gagawin pa po ako, tatawag po ako pagkatapos nito. Babye po, 'nay!" Sabi ko na lang bago tinapos ang tawag.

Nag-apply na talaga ako sa mga TV stations at nagsimula bilang isang beat reporter pero isang beses ko lang iyong nagawa dahil kasunod ng araw na 'yon ay nakumpirma namin ni Leo na buntis ako. Kaya kailangan kong tumigil.

Sayang nga. Ang sarap sa pakiramdam na may nakatutok sa 'yong camera habang ikaw ay nagsasalita sa harap. Pero kailangan, e. Leo advised me to stop for the mean time at hayaan ko muna daw siyang magtrabaho para sa amin, kaya gano'n.

I sighed. I really can't imagine him saying those things to me. It's just so impossible, kaya nang dumating ang araw na sinabi niya ang mga katagang 'yon. Sobrang nasaktan ako. Pero katulad nga ng sinasabi ko, kailangan ko siyang intindihin. We're just 25 and too young to get married and to build a family. Kaya naninibago lang siya.

We're just in our 11th grade since he courted me and I finally answered him when our 2nd semester ended. We're both 23 years old at graduation day namin iyon nang magpropose siya sa akin. And without any hesitations, I gave him a sweet yes. Naisip ko kasing, 7 years was enough for us. We both love each other.

Kaya nga noon sinabi niya sa aking hindi niya na ako mahal. Hindi ko ito pinaniwalaan. I maybe cried, but that doesn't mean pinaniwalaan ko na siya. He just need someone who can understand him. Naninibago lang siya.

I sighed. Tumayo na lamang ako galing sa kimauupuan kong sopa at nagtungo sa kusina upang maghanap ng makakain. My ob-gyn told me that it's normal. Ang pagiging gutom palagi at paghahanap ng gusto makakain ay normal lang sa isang buntis. Good thing hindi ako masyadong mapili sa pagkain.

Noong unang lipat pa lang namin dito. Leo's parents advised us to hire a maid. Kahit isa lang na pwedeng pagkatiwalaan namin dito sa bahay. But we both refused. We don't need them, saka isa pa andito naman ako at wala akong trabaho. Kaso nga lang ang pinagkaiba ngayon ay buntis na ako. Paniguradong kakailanganin ko ng katulong lalo na't tuwing weekdays ay wala si Leo rito.

Gano'n lang ang ginawa ko sa loob ng bahay. Kumain, matulog sandali, tapos kakain ulit, manonood ng telebisyon, tapos magpapahangin saglit sa labas ng bahay. Palagi naman.

Alas sais na nang marinig ko ang busina ng kotse ng asawa ko. Dahil sa nararamdamang tuwa, nagmamadali ka agad akong magtungo palabas ng bahay. Nakita kong pinarada nito ang itim na kotse sa garahe at lumabas doon. Naaninag ko pa ang magkasalubong nitong kilay habang naglalakad patungo sa direksyon ko.

Sinalubong ko naman agad ito at niyakap. I felt relieved just by doing those. Hindi rin ito nagreklamo at hinayaan lamang ako.

"Hon, I missed you. Halika na sa loob!" Masayang wika ko dito at bahagyang itinaas ang aking ulo upang makita ko ang kaniyang mukha.

"Bakit hindi mo sinarado ang gate?" Kusang nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang malalim at paos nitong boses.

"A—Ah, sorry. Hindi ko kasi napansin, saka hindi kasi ako lumabas ng bahay simula kanina. Nasa likod-bahay din kasi ako." pagpapaliwanag ko rito.

"You should've just even checked it. Mind you, Aries. May anak ako na nakasalalay sa'yo dyan sa sinapupunan mo. Paano kung may nakapasok na magnanakaw?" All of a sudden, a smile was formed on my lips.

"Sorry. Pangako hindi ko na uulitin." sabi ko na lang dito. My goodness! I can't stop my self from smiling.

Mayamaya pa ay kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at pinulupot ang kamay ko sa braso niya. Hinila ko siya papasok sa loob ng bahay. Pagkarating namin ay nagtungo ako sa likuran niya upang tulungan siyang hubarin ang suot niyang coat.

"Pawisan ka na oh. Magbihis ka muna kasi magluluto pa ako ng hapunan natin." Wika ko matapos kong ilagay ang coat nito sa sandalan ng sopa.

Hindi naman ito sumagot sa akin at naglakad na patungo sa hagdan. Sinundan ko lamang ito ng tingin. Kahit nakatalikod ito at simpleng naglalakad lang, hindi ko pa rin maiwasang magmangha rito. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin ko ay napagdesisyunan ko nang magtungo sa kusina upang maghanda na ng aming makakain.

Simpleng ulam lang naman ang niluto ko na nakasanayan na naming kainin ni Leo tuwing hapunan. Mabilis akong natapos doon, tamang-tama namang narinig ko ang mga yapak ng paa nito galing sa likuran ko. Kaya umikot ka agad ako para makita siya. He's already wearing his black pajama and white v-neck shirt.

"Hon," I called and walk towards him. Hindi ko narinig ang pagsagot o kahit paglingon man lang. Gutom na nga talaga ito, natawa ako sa sariling naisip. Umupo na ako sa tabi nito at nagsimula na ring magsandok ng kanin.

Nakatatlong subo pa lang ako nang may bigla akong naalala, "Nga pala, hon. Tumawag sa akin si Nanay kanina. Nangumusta kang siya sa atin dito." sabi ko dito.

"Ok." He simply said and continue eating.

"Saka, kinumusta ka niya rin. Sabi pa nga niya, kung mabuntis man ako. Siya daw dapat ang unang sasabihan natin." natatawang pagpapatuloy ko.

"Tell her I'm alright." maikling sabi nito. Tumango ka agad ako. Masaya na ako sa simpleng pagsagot nito sa mga sinasabi ko.

"Siya nga pala, hon. Tungkol do'n sa sinasabi mong surprise. Kailan natin sasabihin kina nanay ang pagbubuntis ko?"

"Kung kailan gusto mo." he replied.

"Ah, ngayong linggo sana. Tutal, wala ka namang trabaho sa araw na 'yan." Please, say yes.

"Well, sunday. . ." Dahil sa sinabi nito, naramdaman ko na naman ang paglundag ng puso ko. I flashed him a smile, "Umuwi ka muna sa probinsiya niyo." Ngunit naglaho ka agad ang kaligayan ko dahil sa sunod niyang sinabi.

"H—Hindi ka sasama?"

"No, I'm busy." Parehong bumagsak ang magkabilang balikat ko dahil sa sinabi nito. Akala ko ba sabay naming sasabihin sa kanila?

Hindi na ako nakapagsalita pa rito dahil tumayo ka agad ito galing sa upuan na iyon at walang lingong naglakad papaalis sa hapag. Binilisan ko ka agad ang pagkain ko upang masundan ito sa kwarto namin.

Pagkarating ko doon ay naabutan ko siyang nakaupo sa aming kama habang nakasandal sa headboard at nakatutok ang atensyon nito sa kaniyang hawak-hawak na cellphone.

Hindi ako nagsalita. Tahimik akong naglakad papalapit dito at umupo sa kaniyang tabi. Ayaw niya akong kausapin, his face tells me. Kinumutan ko ang aking sarili at sumandal na rin sa headboard.

"Tatawagan ko na lang sina nanay para ibalita sa kanila." pagpaparinig ko dito. Pero wala! Kahit tingnan man lang ako ay hindi niya nagawa.

Kumilos ka agad ang ulo ko at nilingon siya, "Leo, are even listening to me?" may bahid nang pagkairita ang boses ko.

"Shut up, may binabasa ako." he immediately answered.

Napaawang ang labi ko sa naging sagot nito. Ngunit mas lalo lang iyong bumagsak nang may makita akong isang marka na nasa leeg nito. Nagsimula na namang gumulo ang buong sistema ko, itinaas ko ka agad ang kamay ko upang hawakan iyon.

What the heck! Is this—

"Stop it, Aries." I heard him complained. Pero hindi ko ito pinakinggan at patuloy lang sa paghagod sa parteng iyon. Nagkakamali lang ako! Baka color pen lang ito o kaya aksidenteng nakamot niya lang.

"What's this, Leo?" I unconsciously asked.

"Nothing, now stop doing that dahil may ginagawa pa ako dito." Inis nitong inalis ang kamay ko sa kaniyang leeg at masama akong tiningnan.

Tangna! Sinasaktan na naman ako ng sarili kong mga iniisip!

"Tell me, Leo. Ano 'to?"

Nakita ko ang bahagyang pagtigil nito sa kaniyang ginagawa ngunit ilang sandali pa ay nagpatuloy ulit, "It's none of your business, Aries." patay emosyong sagot nito.

"Wow, Leo! It's that how you should answer your wife? I'm asking you, babae ba ang may gawa niyan?!" Now, I'm shouting. Hindi ko na kayang pakalmahin ang sarili ko! I chose to shout than to cry in front of him.

"Aries, alam mo ba ang pinagsasabi mo? You're asking me about some obvious thing? Try to think. You've already done your sixteen years of education yet you're still innocent about this?" Hindi makapaniwalang sabi nito habang pekeng tumatawa.

Fck! Of course, I am!

"Alam ko ang tawag at tanginang alam ko kung saan galing 'yan! So, tama nga ang iniisip ko? You got that from a whore?" I laughed bitterly.

"Tell me, Leo! Iyon bang tumatawag sa aking babae kanina ang letseng sumipsip dyan sa leeg mo—" Naputol ako sa pagsasalita nang mabilis itong kumilos at mariing hinawakan ang kaliwang braso ko.

"Fck your mouth, Aries! Tumahimik ka dahil sumasakit na talaga ang tainga ko dahil dyan sa bunganga mo!" Napapitlag ako dahil sa malakas nitong sigaw. Hinawakan ko ka agad ang kaniyang kamay na mahigpit na nakahawak sa aking kabilang braso upang patigilin siya.

"At 'wag kang makialam sa mga ginagawa ko. I repeat, I already warned you! But you chose to be in this situation. Now fcking stop telling me what to do! You have your own life and I have mine too!" Dagdag pa nito pagkatapos ay pabagsak na binitawan ang braso ko at humiga na patalikod sa akin.

Napahagulgol na lamang ako ng iyak sa gilid. Oo, alam kong may sariling buhay kami. Pero nakakababa rin kasi sa akin bilang asawa niya ang malamang may ibang babae siya! Tama bang makipagtalik sa ibang babae samantalang kasal siya at magkakaanak na?!

Damn!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status