Share

Chapter 3

Naalimpungatan ako sa aking pagtulog nang may kung anong mabigat at mainit na bagay ang naramdaman ko sa aking bandang tiyan. Iminulat ko ka agad ang mga mata ko at dumuretso ka agad ang mga ito sa aking tiyan.

Ngunit, nang makita ko kung ano iyon. Napangiti ako. Ibinaling ko ang tingin ko sa asawa ko. Tulog pa pala ito at napagtanto kong sobrang lapit pala ng mga mukha namin sa isa't-isa.

Hindi ko alam kung sadyang hinawakan niya talaga ang tiyan ko o dahil lang sa sarap ng tulog niya kaya hindi niya napapansin. I giggled. Mayamaya pa'y nilipat ko ang paningin ko sa tiyan ko.

Good morning, baby! Can you feel daddy's hand? Hawak-hawak ka niya ngayon. Ang init ng kamay niya, 'diba? Ganyan ang mararamdaman mo kapag lalabas ka na. Hug ka namin ni daddy.

Ngumiti ako at ibinalik ang mga mata ko sa asawa kong malalim ang pagtulog. I can already feel his warm breathe touches my neck. Inangat ko ang kamay kong nasa gilid ko at ipinatong iyon sa kamay niyang nasa tiyan ko.

I missed the days where he always does this. Tuwing umaga, ang gwapong mukha niya ka agad ang bubungad sa paggising ko. He really do love cuddling me, minsan nga ang sinisita ko na siya dahil nahuhuli na siya sa trabaho niya.

Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kaniya at marahang dinampian ng halik ang kaniyang labi. Sandali lamang iyon ngunit pakiramdam ko'y magkalapat pa rin ang aming mga labi.

Pagkatapos ng bangayan namin kagabi ay hindi na ako makatulog. Hindi ko kayang matulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko ang senaryong kinaayawan ko. Nakikita ko ang asawa kong may kahalikang iba.

Galit ako, oo. Sobra. Kasi kahit saang anggulo pang tingnan, mali pa rin ang ginawa ng asawa ko. Pwera na lang kung magkasintahan pa lang kami at bigla siyang magloko, pero hindi e. Kasal na kami, mag-asawa. He promised me that he wouldn't hurt me. He offered me this marriage because he loves me. He gave me a ring to symbolize our marriage.

Pero kasi, kahit anong gawin ko. Bumabalik at bumabalik pa rin ako sa pagmamahal na mayroon ako para sa kaniya. Pinanghahawakan ko pa rin ang mga pangako niya sa akin na ako lang ang tanging mamahalin niya hanggang sa pagtanda.

Naputol lamang ang pag-iisip ko nang maramdaman ko ang pagkilos nito sa aking tabi. Nang tingnan ko ito'y nahuli ko siyang nakatingin sa akin na para bang nagulat sa kaniyang ginawa. Lumayo ka agad ito sa akin na para bang napapaso siya.

Gising na si daddy, baby. Sayang sandali mo lang mararamdaman ang kaniyang kamay.

Ngumiti ako rito, "Gising ka na pala, hon. Uhm, maaga pa naman para sa trabaho mo. Matulog ka muna ulit dyan, maghahanda lang ako ng almusal natin. Medyo, nagugutom na rin kasi si baby." malambing kong wika dito. Hindi ito nagsalita at inayos lang ang paghiga. Hindi ko na ito hinintay pang sumagot sa akin at tumayo na sa kama'ng hinihigaan namin.

Bumaba ako galing sa kwarto namin at tahimik na tinahak ang kusina. Kumakalam na rin kasi ang tiyan ko at pakiramdam ko ay may hinahanap na naman akong gustong kainin. Naghanap ako sa fridge ng pupuwedeng lutuin.

Puros gulay at prutas lang ang nandoon. Napanguso ako. Nauumay na ako sa ito, e. I want something new. 'Yong parang maalat na grilled. Natakam ako sa sariling naisip.

Gusto ko ng grilled pork. 'Yong tipong sunog. Tapos isasawsaw ko sa maanghang na sauce. Napangiwi ako nang maramdaman ko ulit ang pagkalam ng sikmura ko.

"Baby, wala kasing karne ng baboy dito. Saka wala ding parilya na puwedeng gamitin. Kaya magtitiis muna tayo sa gulay, ah? Bukas na bukas, magpapasama tayo kay daddy. Bibili tayo ng maraming inihaw na karne, linggo naman e." Wika ko habang patuloy na hinihimas ang ngangalam kong tiyan. Paniguradong masusuka na naman ako nito mamaya.

Kinuha ko ang mga gulay at iba pang puwedeng lutuin doon. Iniwan ko ang kalabasa at okra dahil pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko sa tuwing naamoy ko ang mga ito.

Bandang alas sais na nang matapos ako sa paghahanda. Sakto namang kakalabas lang ng asawa ko sa aming kwarto habang abala sa pagsuot ng kaniyang itim na coat. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang neck tie na hawak-hawak nito.

Tila ba'y nabasa niya ang iniisip ko at tumigil siya sa paglalakad. Marunong naman itong magtali, pero kasi hindi ganoon kaayos at kagandahan ang nagiging kalabasan. Kaya bilang asawa nito, I'll do the job. Nakangiting sinuot ko ang kurbata nito pagkatapos ay mahinang pinagpag ang magkabila nitong dibdib.

Nahuli ko itong nakatitig sa akin. Smile, Aries. Huwag mo ipahalatang naapektuhan ka sa mga nangyari kahapon. Smile like you don't remember anything. He didn't mean all those things he said. Forget about that hickey. Baka hindi niya iyon ginusto. He loves you, Aries.

"Kumain ka na. Nakahanda na ang ulam." Wika ko dito at tumalikod na sa kaniya. Nauna na akong maglakad patungo sa hapag-kainan.

Pagkarating ko doon ay pinaupo ko na siya. Bago pa man ako umupo ay pinaglagyan ko pa ito ng mga ulam sa kaniyang plato. Kung pupuwede nga lang na subuan siya ay ginawa ko na.

"Aries, umupo ka na. May kamay ako. I can do it all by myself. H'wag mong pagutin ang sarili mo baka mapano pa ang anak ko." sambit nito. Ayaw niya akong mapagod, kasi nag-aalala siya sa anak namin. I understand him. Tumango ako dito at umupo na sa katabi nitong upuan.

Napatitig ako sa mga ulam na niluto ko. Wala naman akong problema sa mga iyon. Pero, parang may nagpupumigil kasi talaga sa aking kumain no'n at talagang hinahanap-hanap ko ang inihaw na karne ng baboy. Hindi naman ako ganito noong unang buwan ko pa lang sa pagbubuntis, naging mapili ako sa pagkain pero hindi naman ganito na para bang pinandidirihan ko na ang ulam sa harap ko.

"Hey," Mabilis na kumilos ang aking ulo upang tingnan si Leo.

"Hindi nakakabusog ang pagtingin lang sa pagkain. Now, eat." wika nito.

"A—Ah, busog pa kasi ako e. Sige na, kumain ka na ulit. Baka ma-late ka sa trabaho mo." sagot ko na lang. Ang sarap sa pakiramdam na nag-aalala siya sa'yo. Pero kasi, ayaw talaga ng sikmura ko e. Ayaw ko namang masuka.

"You should. Wala akong maalalang kumain ka ngayong umaga. Then how could you say na busog ka pa?" I pressed my lips. Should I tell him na ayaw ko sa ulam na ito na may hinahanap akong wala rito?

"Tulog ka pa kasi kanina kaya hindi mo napansin." Wala sa sariling sagot ko. Pasikreto kong kinurot ang aking kabilang kamay dahil sa nasabi ko.

Masama nito akong tiningnan, "I don't care, Aries. Wala akong pake kung busog ka pa. Kumain ka ulit, para sa anak ko." bulyaw nito.

Napangiwi ako dito. My Goodness! Ayoko nga sa ulam na ito. Gusto ko mang pilitin ang sarili ko pero, ayaw ko talaga e!

"Ayoko kasi." sabi ko na lang. Napansin ko ang pagsalubong ng magkabilang kilay nito kaya dahil sa nerbyus ka agad akong nagsalita, "G—Gusto ko kasi ng inihaw na karne ng baboy."

Dahil sa sinabi ko, nagawa kong palambutin ang mukha nito. Nawala ang inis sa mukha nito at bumaba ang tingin nito sa aking tiyan.

Napalunok ako. Baka sabihin niyang ang OA ko. Hindi naman kasi talaga ako ganito no'ng unang buwan ko pa. Walang morning sickness o kahit ang pagiging emosyonal man lang. Naninibago nga ako ngayon sa sarili ko.

"You should've told me." Nag-iwas ito ng tingin sa akin at tahimik na inilagay ang hawak na kutsara at tinidor pabalik sa plato.

Napatungo na lamang ako at sinundan ang paa nitong tumayo galing sa upuan at naglakad paalis sa silid. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi. Akala ko pa naman bibilhan niya ako.

Nanghihinang tumayo ako at sinundan siya. Nakita ko itong lumapit sa lamesita at kinuha ang attache case nito doon. Napabuntong hininga ako. Masanay ka na, Aries. This is the new normal. Sa susunod kasi, matuto kang dumiskarte para sa sarili mo. Hindi 'yong, nakadepende ka lang sa kaniya.

Dahil sa mga pinag-iisip ko. Nagsimula na namang mamasa ang bawat sulok ng mga mata ko, kaya bago pa man ito tuluyang tumulo at makita ng asawa ko. Umikot na ako patalikod dito at nagtungo na sa hagdan.

Magtitimpla na lang ako ng gatas. Wala rin naman kasi akong puwede papadalhan. Ayaw kong lumabas ng mag-isa lang. Lalo na ngayon na buntis ako.

"Bibili ako. Maghahanap ako ng puwedeng bilhan nyang sinasabi mo. Babalik ka agad ako." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses nito sa aking likuran. Nilingon ko ito.

"Grilled pork? What else." dagdag pa nito na nagpangiti sa akin.

"W—Wala na, basta ba may maanghang na maanghang sauce. Tapos, 'yong medyo sunog sana." sagot ko dito. Napangiwi ako nang marinig ko na naman ang pagkalam ng sikmura ko.

"Alright. Now, I'll go. Magtimpla ka muna ng gatas at baka matagalan pa ako sa paghahanap." wika nito.

Thank God! Gusto ko nang tumalon ng tumalon galing dito sa kinaroroonan ko at yakapin ng mahigpit ang asawa ko dahil sa kaniyang sinabi. Ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik at ngumiti dito.

"S—Sige, thank you, hon." sambit ko. Tumalikod na ito sa akin at naglakad na papalabas ng aming bahay.

Mayamaya pa'y narinig ko ang pagsara ng aming pinto. Mas lalo lamang lumapad ang ngisi sa mga labi ko dahil sa kakaibang saya na nararamdaman. Nagtungo na ka agad ako pabalik sa kusina para ligpitin ang mga pinagkainan namin at para magtimpla na rin ng gatas na iinumin ko.

Mahigit kalahating oras ang makalipas nang sa wakas ay nakaalis na ako sa kusina. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko habang naglalakad patungo sa sala upang doon hintayin si Leo.

Nakaupo lamang ako sa sopa habang abala sa pagpunas sa sariling pawis. Kaya ayaw ko ng gatas, e. Hindi naman nahimasmasan ang nararamdaman kong gutom, e. Mas lalo lang akong ginutom.

I've waited there. Labing limang minuto na ang makalipas ngunit wala pa rin ito. Nag-antay ulit ako. Hanggang sa maabot na naman ng kalahating oras, ngunit wala pa rin akong narinig na pagbusina nito.

Kumunot ang noo ko na para bang hindi ako mapalagay. Palipat-lipat lang ang paningin ko sa malaking orasan at pintuan ng bahay.

Mayamaya pa ay padabog akong tumayo galing upuang iyon at nakasimangot habang pabalik-balik na naglalakad. Naiiyak na naman ako. It's almost 1 hour, yet hindi pa rin siya bumabalik. Nagugutom na ako. Gusto ko nang kumain.

I even checked my cellphone at baka nagtext siya na hindi niya maihahatid iyon ngayon. Pero wala! Wala naman akong load para tawagan o i-text man lang ito. Inis kong hinagis ang cellphone ko sa upuan. Damn! Pakiramdam ko ay sasabog na ako kapag wala akong ginawa.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang sarili kong inayos ang sarili ko at sinuot ang oversized hoodie ko na kulay dilaw. Naka-pajama pa ako pero bahala na! Wala na akong oras para magpalit, hindi na kakayanin ng tiyan ko ang gutom!

Kinuha ko ang pitaka ko sa drawer malapit sa closet ng kwarto namin ni Leo at tuluyan nang umalis doon. Nang makalabas ako ng bahay ay nag-abang ka agad ako ng taxi. May nakaparadang isa pang kotse doon si Leo sa garahe namin ngunit hindi ako marunong magmaneho. Wala akong karanasan sa pagmamaneho ng kotse at baka kung ano pang mangyari sa amin ng anak ko. Kaya mas minabuting magco-commute na lang ako.

Nang may naaninag na akong taxi ay lumapit ka agad ako sa gilid ng kalsada at pinara ito. Nagugutom na talaga ako. Kanina nga ay sinubukan kong tingnan ulit ang ulam na niluto ko, ngunit ayaw ko talaga.

"Heto po ang bayad, manong, salamat. Keep the change." Nang sa wakas ay itigil na nito ang sinasakyan namin sa harap ng malaking gusali ay inabot ko ko agad sa tsuper at nagmamadaling nang lumabas.

Napatunghay ako sa sobrang taas ng gusali bago tuluyang pumasok ngunit mas lalo lamang akong nainis nang pigilan ako ng isang gwardiya doon, "Ma'am, mawalang galang lang po. Pwede ko po bang malaman kung bakit kayo naparito?" tanong nito.

"I need my husband. G—Gusto ko lang siyang kausapin." sagot ko na lang dito.

"Maaari ko po bang malaman ang pangalan ng asawa niyo para ipatawag na lang po siya?" Dahil sa inis ko ay inirapan ko ito.

Nakakatawang isipin na hindi man lang ako kilala nito. Baguhan siguro, "I am, Lee Owen Valencia's wife. And I need him. I need my husband." It may be sounds rude but who cares. I really need that food. My baby badly needs to eat.

Napansin ko ang panlalaki ng mga mata nito at halatang gulat na gulat sa sinabi ko, "I—Ikaw po pala si ma'am Aries. Pasensya na po, ma'am, baguhan lang po ako rito." paghingi ka agad ito ng tawad. Ngumiti lang ako dito.

"Sumunod na lang po kayo sa akin, ma'am." wika nito. Tumango na lang ako rito kaya nagsimula na itong maglakad. Hinatid ako ng gwardiya sa elevator at sinabing nasa panghuling palapag ang opisina ni Leo.

Nang marinig ko ang pagtunog ng elevator kasabay ang pagbukas nito, kumilos ka agad ako at nagsimula nang maglakad. May isang silid doon na gawa sa salamin kaya kitang-kita ko ang mga empleyadong abala sa mga kanilang ginagawa.

Hindi naman ako nahirapang hanapin ang opisina nito dahil may nakapaskil na pangalan nito sa pinto. It's actually my first time in our 2 years of marriage to be here. In this building. And now, inside his office.

Lumapit ako sa pinto at tatlong beses iyong kinatok. Wala naman akong narinig na tunog o kahit ano galing sa loob kaya napagpasyahan kong buksan ito. Good thing hindi iyon naka-lock.

Ngunit nang tuluyan ko na itong mabuksan, bumungad sa akin ang dalawang imaheng magkatabing nakaupo sa silya na kaharap ng pintuan kung saan ako ngayon.

I was just staring at them happily having their conversation na para bang wala ako ritong nakamasid sa kanila. Mukhang masaya si Leo na kausap ito dahil sa mga ngiti at tawa niyang abot mata.

"L—Leo?" nauutal kong tawag dito. Pero nang lingunin ako nito ay may kung anong kumurot sa bandang puso ko dahilan upang mapasinghap ako.

Galing sa malayo, kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nito. Napalipat ang tingin ko sa babaeng kasama nito. Nahuli ko itong nakatingin sa akin na para bang naiinis dahil sa pagputol ko sa kanilang usapan.

"Who is she, baby?"

Hindi ito sinagot ni Leo. Ang kanina'y gutom na naramdaman ko ay tila naglaho bigla-bigla at napalitan ng sobrang galit. Naninikip na ang dibdib ko. Damn! I can fcking recognize that voice. At sariwang-sariwa pa sa utak ko ang mga pinagsasabi nito!

Is she the girl who called him? That fcking Mia na sabi niya ay empleyado lamang niya?! Bakit magkasama sila?!

Calm down, Aries! You can't just cry in front of them!

Dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko ay walang pasabing pumasok ako sa opisina nito. Napansin ko pa ang masamang tingin ng babae sa akin mula ulo hanggang paa. May problema ba siya sa suot ko?!

"Excuse me, miss? Baliw ka ba? Mali ka ng pinasukan, now can you please leave? We're talking!" Hindi ko ito pinansin at lumapit lamang sa asawa ko. Ayokong gumawa ng gulo, at baka kung ano pang mangyari sa babaeng 'to kapag nagpadala ako sa galit ko.

"Hon, gutom na kaming pareho ni baby. Saan na ba 'yong sinabi mong bibilhin mo? I waited for almost two hours!" sumbat ko ka agad dito nang makalapit ako sa kaniya.

Napatitig lamang ito sa akin at bumaba ang mga mata nito sa suot kong hoodie, "Bakit nagpunta ka ritong mag-isa?" May bahid na pagkainis ang pagkasabi nito.

Sasagot pa sana ako nang biglang sumingit itong babae sa gilid namin, "Huy, babae! Who are you at bakit mo tinatawag ang boyfriend ko ng honey?!" I heard her said.

Hindi ko na lamang ito pinansin at nanatili lamang ang mga mata ko sa nakaupong si Leo. Nakakunot na ang noo nito na kinainisan ko, "Gutom na ako. Mamamatay na kami ng anak mo kakahintay sa'yo, Leo! Now just give me the foods at uuwi na ako!" I exclaimed. Hindi naman ito sumagot at tumayo sa silyang kinauupuan niya ay naglakad papalapit sa kaniyang table.

Ilang saglit pa ay nakita ko ang babaeng padabog na tumayo galing sa kinauupuan niya at lumapit sa akin, "Leo, who is she?! Anong anak?!" Lumipat ang tingin ng babae sa akin.

Tinaasan ko lang ito ng kilay, "Ang feeling mo naman! Excuse me, miss! H'wag mong subukang sirain ang relasyon namin ni Leo!" bulyaw nito sa akin dahilan upang matawa ako.

Naiinis ako kay Leo dahil ayaw nitong magsalita upang labanan ako o kahit pagpapatahimik man lang sa malanding babaeng ito.

Bumaba ang tingin ko sa suot nitong pormal na damit at ka agad din namang bumalik sa kaniyang mukha, "Excuse me?" Nginisihan ko ito. Tama bang sabihan niya ako ng gano'n?

"You must be the woman who called yesterday." I grinned.

"Yeah, so. Ikaw ang babaeng sumagot sa tawag ko at ang kapal ng mukhang sabihing asawa mo si Leo?!" Nakipagtagisan ito ng tingin sa akin. Oh no. Mali ang taong binabangga niya. Hindi ako magpapatalo. Sakitan ba gamit ang salita?

"Excuse me, miss? You must be kidding me. You have no right to say that things to me. . ." I paused. "Oh, I almost forgot. My name is Aries Valencia, Leo Valencia's wife. Your so called boyfriend." I then smirked.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status