Share

Chapter 4

Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng babaeng kaharap ko ngayon matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Ngunit binawi ka agad niya ito at ngumisi sa akin.

"Shut up, bitch! Masyado ka naman yatang self-proclaimed! Asawa?! Then how come, Leo can't even defend your now?" Mapanghamon nitong wika kasabay ang pagkrus ng kaniyang magkabilang braso.

Kung hindi lang dahil suot nitong damit, hindi ko siya makikilala bilang sekretarya rito. Her attitude doesn't deserve that position!

Tinaasan ko ito ng kaliwang kilay ko, "Oh, 'yan ba ang problema mo? Well, maybe. Kilala na ako ng asawa ko, miss. Alam niya na kung gaano ako kapalabang tao na hindi ko na kailangan ang tulong niya." I flashed her my creepy grin.

Ngunit mas lalo lamang lumapad ang ngisi sa kaniyang mapupulang mga labi, "Really. . ." she giggled, "Or you mean, you're just too desperate to have him? You know, knowing Leo. Normal na ang ganyang mga klaseng babae. At ang kapal pa ng mukha mong sabihing anak niya ang ipinagbubuntis mo? If I know galing dyan sa ibang lalaki pero—" Tila ba umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo at mabilis kong hinapit ang kaniyang pulsuhan.

"Shut the fck up! Subukan mong ipagpatuloy 'yan, at sisiguraduhin kong lalabas ka ritong walang dila." mariin kong wika. Narinig ko pa ang pagdaing nito dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko.

"Let go of me! Leo, help me! Sinasaktan ako ng baliw na 'to!" paghingi pa nito ng tulong kay Leo na ngayo'y nakatalikod habang hawak-hawak ang kulay puting supot.

I laughed. Baliw? Tama bang tawagin akong baliw ng taong baliw? Nakakatawa lang isipin na ako pa talaga ang nagmukhang desperada dito. Where in fact, siya naman talaga.

Bago pa man mag-iwan ng pasa ang kamay ko sa kaniyang pulsuhan, marahas ko itong binitawan kaya napatili ito at bumagsak sa sopa'ng nasa likuran nito. Gusto niya talaga ng sakitan, ah? Well, ikinalulungkot ko dahil may buhay pang nasa sinapupunan ko. She should be thankful.

Pero dahil ayaw tumahimik ng kaluluwa ko at gusto talaga siyang inisin. Inirapan ko ito at naglakad palapit sa asawa ko at inis na kinuha ang kanang kamay nito. At itinabi sa akin.

"Gusto mo ng ebidensiya? Here. You can look, miss. You can also take a picture." Nang-iinis na wika ko dito habang nanatili pa rin ang kamay ko sa tabi ng kamay ng asawa ko.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito at pagkuyom ng kaniyang mga kamao, "How's it look? Bagay ba?" Ngumisi ako dito.

Pero hindi ka agad nakapagsalita ang babae nang marahas na inalis ni Leo ang kaniyang kamay galing sa aking pagkahawak, "Can you please stop, Aries?!" sita nito.

"Let's go home. Kakain ka na." Dagdag pa nito at akmang hahawakan na ang kamay ko ngunit ka agad ko itong iniwas sa kaniya.

I'm not yet done here! Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng 'yan! Ang baboy ng ugali niya! Pumapatol sa lalaking may asawa na. Tapos ngayon, ang kapal pa ng mukhang labanan ang sarili!

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at kusang kumilos ang mga kamay ko. Kinuha ko ang supot na hawak-hawak ni Leo ngayon at mabilis na lumapit sa kaniya.

"Aries! Stop!" Narinig ko pa ang pagpipigil nito ngunit hindi ko ito sinunod.

Binuksan ko ang foil na nakalagay doon at walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kaniyang ulo ang mainit na inihaw na karne. Tangna! Nawala lahat ng nararamdaman ko kanina dahil sa kaniya! Gutom, sakit, lungkot. Lahat ng 'yon napalitan ng galit!

"Oh my Gosh!" napatili ang babae at sinubukan akong pigilan ngunit hindi ako nagpapigil. Sayang, mukhang masarap pa naman ang mga 'yon. Tumutulo na rin ang mantika sa kaniyang buhok.

"Fck!" Pero hindi ka agad naubos ang laman doon sa ulo ng babae at naramdaman ko ang mga kamay ni Leo sa aking braso.

"Aray, Leo!" Napadaing ako nang buong lakas ako nitong hinila papalayo sa babaeng iyon at papalabas ng kaniyang opisina. Hindi ko na rin namalayang naitapon ko na pala sa kung saan ang hawak kong lagayan at pilit na kumawala sa kaniyang mahigpit na pagkahawak.

Wala akong tigil sa pagprotesta dito kaya nakaagaw na rin kami ni atensyon sa iilang mga empleyado nito.

"S—Sir, may problema po ba?" Nang papalabas na kami sa gusaling iyon ay sumalubong sa amin ang guwardiya na kausap ko kanina. Ngunit hindi ito pinansin ni Leo at patuloy lang sa pagkaladkad sa akin.

Naiiyak na ako sa sobrang sakit ng pagkahawak niya sa akin, kasabay ang pagkirot ng aking puso sa kaniyang inasta kanina. Bakit sa akin siya galit? Hindi ba dapat sa babaeng iyon?

Tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan. Pinwersa ko ang sarili kong hindi humikbi kaya tinakpan ko na lang ang aking bibig gamit ang kamay ko.

Nang itigil na nito ang sasakyan sa harap ng aming bahay, nauna na akong lumabas at nanginginig ang mga kamay na binuksan ang nakasaradong gate. Naramdaman ko ang mabilis nitong pagkilos sa aking likuran kaya mas binilisan ko na lamang ang aking ginagawa. Patakbo akong pumasok sa loob ngunit napatigil ka agad nang biglang hablutin ni Leo ang kamay ko.

"Aray, Leo! Ano ba?!"

Hindi ako nito pinansin at marahas na hinila papasok ng aming bahay, "Leo!" I keep on calling him para pakalmahin siya ngunit tila mas ikinainis lamang nito nang marinig niya ang boses ko.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob bg bahay ay patulak nitong binitawan ang braso ko dahilan upang mapasubsob ako sa sopa. Napadaing pa ako nang maramdaman ko ang kirot sa aking siko dahil sa pagkakatukod ko upang hindi tumama sa upuan ang tiyan ko.

Umupo ka agad ako sa sopa'ng iyon at naiiyak itong tiningnan na sana ay hindi ko na lang ginawa. Galit na galit ang mukha nitong nakatitig sa akin. Hindi ko mapigilang kabahan sa mga titig niyang iyon.

"Leo, please. Ang anak natin." pagmamakaawa ko dito.

"What the heck do you think you're doing, Aries?!" He exclaimed.

"Leo, sinundan lang kita doon—"

"Bakit? Para ipahiya ako?! The fck! At umalis ka pa talagang mag-isa?!" Mas lalo lamang bumilis ang paghinga ko nang makita ang pagbakat ng mga ugat nito sa kaniyang leeg.

"Leo, nagugutom na kasi ako! Akala ko ba mabilis lang?!" Pumiyok ang boses ko.

"Wala ka bang maintindihan sa sinabi ko, Aries?! I said, wait for me! Hindi lang naman kasi ikaw ang kailangang atubagin ko—" Bumuhay ang galit sa buong sistema ko sa huling sinabi nito kaya tumayo ako.

"E, ano pa ba?! 'Yong malanding babaeng 'yon kanina?! Siya ba, Leo?!" pasigaw kong sagot dito. Hindi ko maramdaman ang pag-aalala nito! Hindi niya na ako mahal? Fine! Pero sana naman alalahanin niya ang anak namin na posibleng maapektuhan sa mga pinanggagawa niya!

"No." Umiling lamang ito at tumalikod ka agad sa akin na para bang pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili.

"E, ano pa? Don't tell me tatalikuran mo na pati ang anak mo?!" Tila ba ay naalerto siya sa sinabi ko at mabilis na umikot paharap sa akin. Napasigaw ka agad ako at parehong itinaas ang kamay ko nang makita ko ang pag-ambag ng sampal nito sa akin.

Tuluyan nang kumawala ang kanina'y pinipigilan kong paghagulgol. Ang sakit isipin na kaya pala niya akong saktan ng ganito.

"Don't you dare say that again, Aries. I'm telling you. I can fcking hurt you with my own fcking hands." he said in a warning tone.

"Now, stop crying. Aalis ako sandali para bumili ulit ng pagkain para sa inyo ng anak ko." dagdag pa nito bago tuluyang umalis sa ng bahay.

Naiwan akong tulala. Sunod-sunod lamang ang walang tigil kong mga luha habang ang aking mga mata ay nakatitig lamang sa kawalan. Sobrang sakit!

Hindi ako makapaniwalang sinabi niya 'yon! Kaya niya akong saktan. I never imagine myself being hurt like this. Na para bang ako lang ang nagmahal at pilit na lumalaban sa kasal na ito.

Hindi ko na kilala ang Leo na minahal ko at minahal ako noon! Bigla na lamang siyang nagbago na para bang wala kaming masasayang alaalang pinagsaluhan noon. Na para bang, hindi niya ako kilala at napilit lamang siya sa relasyong ito!

Related chapters

DMCA.com Protection Status