Share

Chapter 5

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, tahimik lang akong nakatitig sa saradong pintuan kung saan siya lumabas kanina. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha sa aking mga mata habang nanghihinang nakatayo.

Alam ko namang makakalimutan niya rin ang mga sinabi niya sa akin kanina at pupuntahan na namang ang babaeng iyon. Tangna!

Dahil sa naisip kong iyon, gumuhit ang galit sa aking puso. Ilang sandali pa ay nahanap ko na ang aking sariling malakas na pinagtatapon ang mga bagay na aking nahahawakan sa sahig.

Wala na akong pakealam kung mamahalin man ang mga nabasag! Ang gusto ko lang ay mailabas lahat ng galit na namumuo sa aking puso! Pakiramdam ko kasi ay mamamatay na ako kung hindi ko ito nailabas.

"Ah!"

Dumagundong sa loob ng malaking bahay ang malakas kong pagsigaw nang tuluyan na akong nanghina at napatukod na lamang sa aking mga tuhod habang patuloy pa rin sa paghagulgol.

Ganito na lang ba ako? Iiyak na lang?

Tangna! Kung alam ko naman palang aabot kami sa ganito na magkakasawaan na, sana pala hindi ko na siya pinakasalan! Sana pala hindi ko na siya hinayaang makalapit pa sa akin at hayaang liligawan niya ako! Sana pala hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong mahulog sa kaniya ng ganito.

Nanatili ako sa ganoon posisyon. Makalipas ang mahigit dalawampung minuto ay umayos na ako ng pagtayo nang sa wakas ay tuluyan nang kumalma ang aking sarili.

Humihikbing naglakad ako patungo sa hapag-kainan upang kainin ang naiwang ulam kanina na niluto ko. Ayaw ko nang umasa pang darating siya dahil lang sinabi niyang para sa anak namin, ayaw kong pati anak namin ay madadamay pa sa sitwasyong ito.

Binuksan ko ang lagayan ng ulam sa mesa na sana ay hindi ko na ginawa. Napangiwi ako at mabilis na ibinalik ang takip doon. Mabilis akong nagtungo sa water dispenser at nagsalin ka agad ng tubig sa baso upang inumin dahil nasusuka ako.

Mayamaya, naglakad ulit akong pabalik sa mahabang lamesa at umupo doon. Inilapag ko ang aking plato at hinila palapit ang lagayan upang kumuha doon. Kailangan kong kumain. Walang mangyayari kung uunahin ko ang arte.

Nagsandok ako ng ulam doon at hinalo ito sa aking kanin. Pagkatapos ay inilapit ko na sa aking bibig. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at tinakpan ang aking ilong kasabay ang pagsubo ko. Walang nguya-nguya at nilunok ko ka agad ang pagkain, ngunit ilang saglit pa ay tila hindi iyon nagustuhan ng sikmura ko at bumalik pataas sa aking bibig. Natapon ang kutsara at patakbong nagtungo sa lababo at doon sumuka.

Isang kutsara lang naman ang kinain ko ngunit tila buong kalamnan ko na ang sinuka ko. Naiiyak na ako dahil nananakit na ang lalamunan ko sa kakasuka.

Napakapit na lamang ako sa gripo nang maramdaman ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Binuksan ko ito at hinayaang umagos ang malamig na tubig. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang pinapanood ang pagkaing naisuka ko na inaanod na ng tubig. Sana pala ay hindi ko na lang pinilit ang sarili kong kainin 'yon.

Nang sa wakas ay tuluyan nang kumalma ang tiyan ko, ipinagtabi ko ang aking mga palad at itinapat iyon sa umaagos na tubig upang hugasan ang mukha ko.

I'm so sorry, baby.

Nang matapos ako doon, hindi ko na ulit tinapunan ng tingin ang lamesa at dire-diretsong nagtungo sa kwarto namin. Pagkarating ko roon ay inihiga ko na ang aking sarili at nagtalukbong ng kumot.

"Baby, nagugutom ka na? Baby, hindi talaga kaya ni Mommy kainin 'yon e." Hinimas-himas nito ang kamay sa tiyan nang maramdaman ulit ang pagkalam doon.

Diyos ko, wala pa akong kain. Hindi ko na alam kung anong oras na ngayon. Pero hindi ko na kayang iangat ang katawan ko upang tingnan ang oras. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok.

"Aries." Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagbaba ng kumot na nakatakip sa aking buong katawan kanina.

"Aries, wake up. You need to eat." Narinig ko ang boses ni Leo sa aking likuran.

Naimulat ko lang ang aking mga mata nang maamoy ko ang pagkain na kanina pa hinahanap-hanap ng aking tiyan. Napalunok ako. Nagtatalo na naman ang galit at gutom sa akin.

"Busog ako." Wala sa sariling sambit ko.

"Really. H'wag mo akong lokohin, Aries." mapangutyang sagot nito.

Hindi ko ito sinagot. Nangunguna talaga ang galit na nararamdaman ko dito, "Now, eat. Galit ka? Fine! Pero isipin mo sana ang anak ko dyan sa sinapupunan mo." dagdag pa nito na nagpatigil sa akin.

Ang anak ko. Hindi ko hahayaang mawala siya. Ayokong mawala siya. Mahal ko ang anak ko.

Dahil sa isiping 'yon, nahanap ko na lang ang aking sariling bumangon at umupo sa higaan namin. Tiningnan ko ito.

Nakatayo ito sa gilid ng kama habang bitbit ang isang foldable bed table. Sa ibabaw no'n ay may nakapatong na babasaging plato na may laman nang inihaw na karne. Katabi nito ay isang platito na sa tingin ko ay maanghang na sauce katulad ng sinabi ko rito kanina. Napalunok ako.

"Here, kainin mo na 'to." wika nito at marahang inilagay ang maliit na lamesa sa aking harapan. Nakatitig lamang ako dito. Para bang may kulang.

"Where's the spoon?" I asked.

"Wala. Magsimula ka nang kumain." he commanded.

Masama ko itong tinapunan ng tingin pagkatapos ay ibinalik ka agad sa pagkain na nasa harap ko, "Paano ako kakain? Wala man lang kutsara o kahit tinidor man lang?" inis kong wika dito.

Hindi ito sumagot at pekeng tumawa, "Come on, Aries. Ngayon ka pa ba mag-iinarte? Akala ko ba gutom ka na?" sambit nito.

Kaysa mainis dito, nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at pilit na inalis ang inis na nararamdaman ko, "Gusto ko sanang magpakuha ng kutsara." pamanhik ko.

"Pwede ba, Aries?! Hindi na ako natutuwa sa mga pinanggagawa mo ha?!" saglit itong tumigil at nakapamaywang na umatras.

"Wala naman akong matandaang napilayan ka o baka sadyang nag-iinarte ka lang?! Come on, Aries! Enough with that childish thing! Hindi por que pinaiyak kita kanina, magda-drama ka na, na pati simpleng pagpunta sa kusina para kumuha ng kubyertos hindi mo na kaya!" Bulyaw nito habang paulit-ulit na pinagtuturo ang labas ng kwarto namin.

"And to remind you, lumaki ka sa hirap. Now, how dare you tell me na hindi ka makakakain gamit ang kamay mo?" dagdag nito.

Napapitlag ako na tila ba'y sigaw iyon ng isang taong pinakakinakatakutan ko kaya ganoon na lamang ang sobrang lakas na pagkabog ng puso ko. Bumilis bigla ang paghinga ko habang nanatili pa rin ang mga mata sa galit nitong mukha.

Tumulo ang isang butil ng luha galing sa aking kaliwang mata, "Leo, simpleng pakiusap lang naman 'yon e! Bakit kailangan mo pang mang-insulto?!" Pinunasan ko ka agad ito.

Bakit kung tratuhin niya ako ay para bang ako ang may malaking kasalanan dito?!

"Hindi kita ini-insulto, ipinaalala ko lang sa'yo kung sana ka galing. Baka siguro naisip mo na ngayong mag-asawa na tayo at ako na mismo ang bubuhay sa'yo kaya gusto mong magbagong-buhay. Tama ba ako?"

Mas lalo lamang ako naiyak sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin?! Na kaya ko siya pinakasalan dahil alam kong makakatulong siyang makaahon kami sa kahirapan?! Tangna!  Hindi ko inakalang ganito pala kadumi ang pagtingin niya sa akin!

Umiling ako rito. Wala na, nalusaw na naman ang namumuong galit sa dibdib ko dito. Tumayo ako galing sa higaan namin at naluluhang lumapit dito, "Hindi, Leo. Mahal kita. Hindi kita ginamit. Alam kong alam mong malinis ang intensyon ko sa'yo, Leo."

Hindi ko kayang magalit sa kaniya. Hindi ko pala talaga kaya. I love him. So much.

Hindi ito sumagot, bagkus ay tinitigan lamang ako nito. Unti-unting nagbago at naglaho ang galit na kanina'y umuusbong sa kaniyang mukha. Lumambot ang mukha nito.

Ilang segundo itong nakatitig sa akin bago tuluyang nag-iwas ng tingin at tumalikod sa akin, "Kumain ka na. Sa susunod h'wag mo na ulit pairalin ang kamalditahan mo. Hindi na kasi nakakatuwa." Wika nito at lumapit na sa pintuan ng kwarto namin.

"Aalis muna ako. Kailangan ako sa kompanya. H'wag mo na sana akong sundan ulit doon at ipahiya sa mga empleyado ko. Matalino ka 'diba? Sana naman matuto kang mag-isip, Aries." sabi pa nito at binuksan ang pintuan ng kwarto at lumabas na.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Barbrs Vs Mnita
bobo ka nga Aris ka, ginagawa kana niluluko sinasaktan Lalo kapa nag pakaka bobo. bwisit ka, Kong ako my pinag arslan Mg trabaho ako at Hindi ko sundan sundan at ipahiya ang sarili ko. ingat an ko pinag buntis ko at mag pakayaman. lalaki ng bobo gago sa huli yan mag sisi. bwisit.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status