Share

Chapter 3

May boyfriend ka?”

“Paano mo naman nalaman na 'yon ang sasabihin ko?” 

“Huh? Teka, nagbibiro lang naman ako,”

“U-uh, teka,” hindi ako mapakali dahil nagdadalawang isip ako kong sasabihin ko ba o hindi. Medyo mahirap magpasiya baka magalit sila sa akin.

“Tell us now, baka magsisi ka kapag hindi mo pa nasabi sa amin,” sabi ni Nicolai na tiyak nakapagkumbinsi sa akin.

“Okay,” sabi ko at huminga ng malalim. 

“Uhh, I have a someone I like. And he likes me too. We'll start to date tomorrow,” paliwanag ko.

“What?!” sabay nilang banggit.

Wah, hindi ko expect 'yong reaction nila. Sana naman walang question and answer portion dito.

“Y-yes,” kinakabahan kong sagot. 

“Sino naman? Sino naman papatol sa'yo?” biro ni Nicolai.

“Tumigil ka! Ang harsh mo!” Tinapik ni Clementine si Nicolai para umayos.

“Hmm, sino ba 'yang gusto mo?” maayos na tanong ni Clementine.

“Don't judge me huh! Okay, so the one that I like is Martin. Martin Alcala,” paliwanag ko.

“Oh my gosh! Yung kasama natin magdinner kanina?!” hindi makapaniwalang tanong ni Clementine sa akin.

“Tell us, bakit mo nagustuhan 'yon? Anong kagusto-gusto doon sa lalaking 'yon?” tanong ni Nicolai. Parang hindi nagustuhan ni Nicolai ang mga sinabi ko. Nakakatakot ang tono ng pananalita niya.

“Yes, it's him,” sagot ko.

“Bakit Nicolai? Selos ka ba?” tanong ni Clementine

“Huuuuuy! Si Nicolai nagseselos!” pang-aasar ni Clementine kay Nicolai.

“I can't do this anymore,” sabi ni Nicolai at nagwalk out.

“Ang gara naman nito ni Nicolai, dapat maging happy na lang tayo sa lovelife ni Max!” sigaw ni Clementine kay Nicolai

Sinundan ko si Nicolai para tanungin kong ano ang problema niya at bakit ganyan ang attitude na pinapakita niya sa harap namin ni Clementine.

“Nicolai! Ano bang problema mo? Bakit ganyan ka umakto ngayon?” naguguluhan kong tanong.

“I'm warning you! Don't trust him! He's a total playboy!” paliwanag ni Nicolai.

“No way! Hindi siya ganon lalo na at criminology student siya!” nagagalit kong sigaw. Sino ba naman siya para husgahan 'yong tao?

“Come to your senses, Maxine!” sigaw ni Nicolai sa akin habang niyuyugyog ang balikat ko.

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa balikat ko, dahil parang ipinapalabas niya na niloloko ako ni Martin. 

“Sobra na ito, Nicolai! Kong hindi mo tatanggapin si Martin, edi don't! Hindi naman kita pinipilit!” sigaw ko kay Nicolai at sinabayan ko ng alis. Narinig kong isinigaw niya ang pangalan ko ngunit wala akong balak lumingon. 

Nagpaalam na ako kay Clementine para umuwi at may aayusin pa akong paper works para sa school. 

Nandito na ako sa unit namin at dumeretso na ako sa kwarto ko. Ang dami kong iniisip dumagdag pa itong away namin ni Nicolai. 

Ginagawa ko na ang mga homeworks ko at iba pang paper works. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko 'yong nangyari kanina. Pero sana naman huwag niya agad husgahan 'yong tao na kahit kakilala niya o alam niya ang ugali, kasi baka nagbago na 'yong tao.

Nicolai's POV

“Maxine!” sigaw ko sa pangalan ni Maxine pero hindi siya lumingon. Mukhang galit siya sa akin dahil sa mga sinabi ko. Wala namang mali sa sinabi ko, pero bakit siya pa ang galit? Ako ang nakakakilala sa tao pero mas binigyang pansin niya ang ugaling ipinakita sa kaniya ni Martin.

Such a bad day. Sa dinami daming tao bakit 'yong playboy pa ang nagustuhan niya!

Nakauwi na ako at pupunta ako sa bahay ni Martin para bigyan siya ng babala. Maraming babae sa mundo pero bakit si Maxine ang napili niyang paglaruan.

“Hoy, Martin! Lumabas ka rito!” sigaw ko mula sa labas ng kanilang bahay.

Agad lumabas si Martin para tingnan kong bakit ako sumigaw.

“Oh, Nico—” 

Bigla ko siyang sinuntok dahil sa galit at inis ko.

“Teka, Nicolai! Ano bang problema mo?” sabi niya habang ngumingiti ng mapait.

Hinila ko ang damit niya at nagdahilan para mapalapit ang mukha ko sa tenga niya. 

“All of people, why Maxine?” tanong ko sa galit.

“Seryoso ako kay Maxine! Mahal ko si Maxine!” sigaw sa akin ni Martin.

“Baka mahal mo si Maxine dahil sa pera niya, sa pera nila! O baka this time, may nag-utos naman sa iyo!” sigaw ko.

Tinanggal ni Martin ang pagkakahatak ko sa damit niya para makapagpaliwanag ng maayos.

“Ganyan na ba talaga tingin mo sa akin Nicolai? Hindi na ba ako pwedeng magbago?! Tiyaka, hindi mo naman hawak ang buhay naming dalawa ni Maxine! At bakit parang galit na galit ka na ako ang gusto ni Maxine?!” paliwanag niya.

“Concern ako bilang kaibigan ni Maxine! Dahil baka itulad mo siya sa mga pinaglaruan mo!” sigaw ko.

Marami nang nakatingin na mga tao sa amin dahil sa tahimik na sa gabi.

“I will be watching you!” Turo ko sa kaniya at sinabayan ko na nang alis.

Maxine's POV

Naihatid na kami ni Dad sa school at nagpaalam na ako kay Clementine para dumeretso sa room ko. There's a man walking towards me. 

“Why? Sisigawan mo nanaman ba ako?” tanong ko kay Nicolai.

“No, I'm sorry, Maxine. Nasabi ko lang naman kasi 'yon dahil mas alam ko ang ugali at ginagawa ni Martin. Ayaw kong masaktan ka,” paliwanag ni Nicolai.

“Alam ko naman na concern ka! Pero sana inisip mo na desisyon ko 'to! Hindi 'yong basta-basta mo na lang akong sisigawan! Okay lang naman sa akin ang masaktan ako! Ako naman ang makakaramdam, hindi ika—” 

“Oo na, Maxine. Patawarin mo na 'ko.” Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay para magmakaawa.

“Ano ba ito, Nicolai? Desperado ka na ba? Tumayo ka nga diyan! Malelate na tayo!” sabi ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya para tumakbo.

Break time na namin at nakabili na rin kami ng pagkain namin, nakaupo na kami sa dining table. Nakita ko si Martin na naghahanap ng space na makakainan.

“Paupo,” sabi ni Martin.

“Sure!” Sabay tapik sa tabi kong upuan.

“Hello, I hope na maging magkasundo tayo,” sabi ni Martin at ngumiti kila Clementine at Nicolai.

“Hmm! By the way mamaya ah! Text kita,” sabi ko kay Martin.

“Nang-iinggit,” bulong ni Clementine kay Nicolai.

“Bulong-bulong ka pa diyan rinig rin naman.” Tinawanan ko na lang si Clementine.

Ang tahimik ni Nicolai ngayon, parang nagkaroon sila ng alitan ni Martin dahil sa akin. 

Nakauwi na kami ng bahay at nagpahinga na ako ng konti para may energy ako kapag nag-date na kami. Nag-text na ako kay Martin na papunta na ako sa restaurant na pinareserved ni Martin. Nagbihis na ako ng magandang dress at nagmake-up. Nagpaalam na rin ako kila Mom and Dad na may puntahan lang ako saglit at baka gabi na ako makauwi.

Nandito na ako sa restaurant at nakita ko na itong si Martin na naghihintay sa akin. Kumaway ako sa kaniya upang makita at mapansin niya ako. 

Nakaupo na ako at biglang nagpunta ang isang waiter para ibigay ang menu sa amin.

“Order what you want!” pagmamayabang niya. 

“Okay.” Tinawanan ko lang siya.

Nakapag-order na kami at naghihintay na kami para iserve sa amin ang mga pagkain.

“Is this your first time?” tanong ni Martin.

“Uhm, yes. First time kong makipagdate.” Sabay tawa.

“Okay so this is your first time, let me decide to our first date,” sabi niya sa akin, tumango na lang ako dahil wala talaga akong alam sa pakikipag-date.

Dumating na ang pagkain na in-order namin. Since may steak sila, 'yon na lang and in-order ko dahil favorite ko 'yon. Ibinigay ni Martin ang hiniwa niyang steak sa akin, para hindi na ako mahirapan na maghiwa. How sweet.

“Sasabihin ba natin sa parents mo 'yong tungkol sa date natin?” tanong ni Martin.

“No, not now. Medyo strick kasi sila lalo na't nag-aaral pa 'ko,” sagot ko.

Natapos na kaming kumain at mag-usap. Nakaalis na rin kami sa restaurant at sabi ni Martin at ang next namin na pupuntahan ay sa amusement park. Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa mga ganito. Hindi ako makapaniwala na mayroon pa pala nito.

Nag-suggest ako na ang una naming puntahan ay 'yong sa roller coaster. Nakasakay na kami at handa na kami. Nagsimula nang umandar ang roller coaster.

“Ahhhhh!” sigaw ko.

“Wooooh!” sigaw ni Martin.

Bigla akong nakaramdam, parang masusuka ata ako. Bat pa kasi ako nag-suggest na ito ang unahin namin. 

Malapit na kami sa dulo. Sana umabot ako, nakakahiya kay Martin kong dito ako susuka. 

Huminto na ang roller coaster at nagmamadali akong bumaba ng bigla akong natapilok, buti na lang ay nasalo ako ni Martin. 

“M-magpunta lang ako sa cr,” sabi ko. Nagmadali na ako dahil hindi ko na talaga kayang pigilan 'yong suka ko.

Paglabas ko ng cr ay wala na ron si Martin. Napagdesisyunan ko na maghintay kong sa'n ko siya iniwan. Maya-maya lang ay dumating na siya at hingal na hingal. Wala na akong balak magtanong dahil ayoko rin naman malaman.

“San ang next natin?” tanong ni Martin.

“Carousel,” sabi ko at ngumiti.

Hindi na nagdalawang-isip si Martin at agad hinawakan ang aking kamay ng mahigpit at hinatak ako para makapunta sa carousel. 

Nagsisimula at umiikot na ang carousel. Nakita ko si Martin na masaya, ang sarap tignan dahil pati na rin ako ay nahahawa. Kinuhanan ko siya ng picture para naman ay may picture siya sa cellphone ko.

“Ako naman, pwede?” tanong niya.

“Okay!” Sabay ngiti sa likod ng camera na hawak niya. Inilabas niya rin ang kaniyang cellphone para kuhanan ako ulit at kuhanan kaming dalawa. 

Nakakatuwa, natutuwa ako dahil may nagdala ulit sa 'kin dito maliban kay Dad. 

Natapos na ang ikot ng carousel at bumaba na kami, tinanong ako ni Martin kong saan ang aming sunod na aming sasakyan.

“Ferris Wheel,” sagot ko.

“Sakto! Okay sige, tara na!” sabi niya sa tuwa at hinawakan ang aking kamay.

Nandito na kami at nakapila sa ferris wheel para magbayad ng ticket. Hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. 

Nakapagbayad na si Martin at nakasakay na rin kami sa ferris wheel, nagsisimula nang tumaas ang aming nasakyan. 

“Ang ganda pala ng view dito,” sabi ni Martin.

“Oo nga eh, kasing ganda ko!” biro ko kay Martin at agad naman niyang tinawanan.

“Oo,” sagot niya.

“Maxine, let me ask you one thing,” seryosong sabi ni Martin.

“Hmm? What is it?” tanong ko.

“Maxine, will you be my girlfriend?” tanong niya at inilabas ang kwintas mula sa kaniyang bulsa.

“Yes, of course!” tuwa kong sagot.

Agad isinuot ni Martin ang kwintas na binili niya para sa akin. 

“Let's take a picture,” sabi ni Martin at agad akong inakbayan.

“1…2…3… I love you, Maxine!” sigaw niya at agad pinindot ang shutter button ng camera niyang dala.

Habang pinagmamasdan ko ang mga tanawin mula sa itaas ay bigla akong hinalikan ni Martin sa pisngi. 

Tumingin ako sa kaniya at tinawanan ko lang siya.

“Anong oras na pala, iuuwi na kita,” sabi ni Martin.

“Okay, by the way how can I call you?” tanong ko.

“Hmm, ano bang gusto mo?” tanong ni Martin.

“I want babe, because it sounds like cute and classy,” paliwanag ko.

“Okay, I like it! Babe!” sabi ni Martin.

Nakaalis na kami sa amusement park at naglalakad na kami papunta sa condo na tinitirhan ko, at syempre magkahawak kami ng kamay habang nag-uusap.

Nandito na kami sa tapat ng condo at nagpaalam na rin ako kay Martin para umakyat na sa unit.

“Bye! Let's text each other na lang babe!” sigaw ko dahil magkalayo na kami.

“Okay babe!” Sumenyas siya na umakyat na ako at nag-flying kiss pa!

Nakaakyat na ako at nakapasok na rin ako ng unit namin ng bigla akong tanungin ni Mom.

“Kumain ka na, Max?” 

Nilingon ko si Mom para mag-pay ng respect at ipaalam na nakauwi na ako at maayos ako.

“Yes, Mom. Thanks for your concern!” sagot ko at pumasok na ako sa kwarto ko.

Nagpahinga na ako at nakapag-half bath na rin ako para fresh ako kapag natulog. Biglang nag-vibrate ang phone ko at nakita ko, marami ng message si Martin sa akin. Agad ko naman itong ni-reply-an dahil natutuwa ako na hindi niya nakalimutang magtext sa akin. Aba! Maaalahanin, mabait at masayahin pala ang boyfriend ko!

Ang swerte ko naman kay Martin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status