Share

CHAPTER 2

(ZAYNAH POV)

 "Are you making fun of me?"   Pigil na inis na tanong ko bagama't hindi ako makikitaan nang emosyon. Nakakapanggigil. Kung hindi ko lang ito kamag-anak kanina ko pa siya ibinalandra sa inis.

 We're currently standing here in front of... Ughh I don't know thing. It's somewhat like a portal? Malaking bilog iyon na nasa gitna ng pader at nagliliwanag. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Damn it. This is f*cking crazy. Crazy crazy crazy. 

 "I told you not to use that tone to me. It's creepy. Are you just going to stand there or I will grab you?" 

 I gave her a death glare.

 "Are you f*cking expecting me to enter that thing? " Inis na tanong ko sa kanya. Pilit na nilabanan niya ang walang emosyon na titig ko at nagsalita.

 "We're running out of time Zaynah." seryosong aniya.

 Naikuyom ko ang kamay ko sa inis. Hindi ito ang inaasahan kong madadatnan ko sa oras na dumating kami. Sa pagkakatanda ko ay eskwelahan at hindi ang kalokohan na ito. 

 "And I'm not kidding. Trust me. Ito na ang panahon na matagal kong hinihintay. Ibabalik na kita Zaynah, ibabalik na kita sa totoong mundo mo, kung saan nababagay ang mga taong katulad natin." Seryosong sabi nito ulit na nakapagpatigil sakin. Ano ba ang pinagsasabi niya? Pero dala na rin ng kuryusidad sa mga sinabi niya ay gusto kong sumama sa kalokohan na ito.

 Binigyan ko siya nang makahulugan na tingin saka siya lumapit sakin at hinawakan ako. Iyon ang hudyat na kailangan na naming pumasok. Para naman akong nahulog galing sa pinakamataas na lugar at nahirapan akong huminga noong pumasok kami. Naipikit ko nalang ang mga mata ko.

 Nang maging maayos ang pakiramdam ko at parang hindi na kami nahuhulog ay iminulat ko ang mga mata ko.

 What the hell?

 Nagpalinga-linga ako, sinisigurong hindi ako niloloko ng paningin ko.  Tumingala ako at muntik na akong mapamura nang makitang may araw. Paanong nangyaring biglang nagkaroon ng araw at higit sa lahat bakit umaga na!? Sigurado akong paglabas ko ng kotse ay madilim na. Napatingin ako sa relo ko at tinapik-tapik iyon ng hindi iyon gumana at sa isang kisap-mata biglang nagbago ang oras at naging 10 AM. What the f*ck!? 

 Napalingon ako sa Auntie ko at tatanungin ko sana siya kung anong petsa na pero napatigil ako dahil tumambad sa akin ang pagkataas-taas na gate at sa kabila ng taas no'n ay nakikita ko pa rin ang mga magagarang building sa loob. 

 Palasyo ba ito?

 No a SCHOOL. A school that is so luxurious! Hindi ko maiwasan ang hindi mapahanga. At sa taas noon ay may nakasulat na

 MAGICZARD ACADEMY

 At maya- maya pa nagsalita si Auntie na nakaagaw ng atensyon ko.

 "Welcome to MAGICZARD ACADEMY  Zaynah Alisha Shin, the school of MAGICS. "

 Magics? Damn it.

 ANG pagtunog nang orasan ang tanging maririnig sa loob ng isang opisina. Walang nagsasalita sa amin maski isa. Ramdam na ramdam doon ang tensyon. Isa na doon ang Auntie ko na hindi mapakali dahil sa malamig na tinginan namin ng taong kaharap ko ngayon. The Headmistress.

 " So what's her magic ?" She asked breaking the silence and tensions between us while still smiling at me.

 "I don't have a magic / Unidentified."  Auntie and I said in chorus. Mabilis ko siyang tinapunan ng masamang tingin. Agad naman siyang umiwas ng tingin at napatingin nalang sa taong kausap namin ngayon. 

 Magics ? Pssh. They are out of their mind. Magics do not exist. Definitely not!

 "Is that so ?" napatango-tango siya.

 "Tsk. This is insane. Magics do not exist. " Walang emosyon na sabi ko. Naiirita na din ako sa kakatitig sa akin ng Headmistress ng eskwelahang ito. Maya-maya pa ay ngumiti siya sa akin.

 "Kakaiba ka. " namamanghang sambit nito.

 " I don't give a damn. Just stop this nonsense. " inis na sabi ko sa kanya.

 Mas lalo pa akong nakaramdam ng inis nang tumawa lang siya. May saltik ba siya? 

 "So here's your uniform and key of your dorm. Royalties Dorm and your schedule." Nakangiting sabi nito sa akin. Walang emosyon na tinitigan ko iyon at nagsalita.

 " I don't want here."  malamig na sabi ko.

 "But Zay-" agad na pinutol ko ang sasabihin ni Auntie.

 

 "I said I don't want here.  " Pag- uulit na sabi ko bagama't walang emosyon na mababakasan sa mukha ko ay mararamdaman naman ito sa boses ko. 

 "Trust me please? This is for you." nagmamakaawang aniya.

 Napatingin ako sa kanya at mas lalo lang nakaramdam ng inis.

 "Wala akong panahon sa kalokohan mo. When I said I don't want here. I.Don't.Want.Here." madiing sabi ko.

 "Ano ba Zaynah?! Pwede bang makinig ka sakin?! Para sayo ito! " napasigaw na siya. Sarkastiko akong natawa.

 "Hindi kita maintindihan. Para sakin? Pero pinapasok mo ko sa kalokohan na 'to? " malamig na saad ko.

 "Sa ngayon hindi mo pa lubusang naiintindihan dahil wala ka pang alam. Kaya nga kita dinala rito ULIT dahil ito na ang tamang panahon." makahulugang sabi niya.

 Nangunot ang noo ko sa sinabi niya lalo na nang diniinan niya ang salitang 'ulit'. Nakapunta na ako rito dati? Pero bakit hindi ko matandaan? Wala akong maalala. Sari -saring tanong ang agad na umusbong sa isipan ko. 

  "This is your fate. Dito mo maiintindihan ang lahat. Gusto mong malaman ang tungkol sa nangyayari sa dati mong pinapasukan hindi ba? Sa lugar na ito, dito mo malalaman ang lahat.  Ang mundong ito ang pinagmulan natin, ang mundong kung saan tayo nababagay. " dagdag niya.

 

 Nahulog ako sa matinding pag iisip. Hindi ko maintindihan.  Pakiramdam ko ay tila hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon. Na parang isang puzzle na napakahirap na buuin. Ito ang mundo ko? Nababagay? Bakit alien ba ako? Anak ng! Nakakairita.

 "Goodluck Zaynah. " maya-maya pa ay nagsalita ang babaeng kaharap namin. Napakurap ako. 

 " Welcome to MAGICZARD ACADEMY and Magics does exist, sweetheart " 

 Tss crazy. Are they expecting me to believe in such nonsense things? Hindi pa rin ako naniniwala. They're just wasting their time for nothing. Ginugulo lang nila ang isip ko. Walang matinong tao ang mag iisip na may ganoon. And what? This is my fate? Crazy!

 Naguguluhan ako! K*ngina! Kinuha ko ang nakalapag sa lamesa. Inis akong tumayo at tinalikuran na sila. Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad kong hinanap ang dorm ko. Gusto ko nang magpahinga.  Mababaliw ako sa kakaisip sa mga nangyari ngayon. Mukhang sa ayaw at sa gusto ko dito na talaga ang bagsak ko. Napapikit ako sa inis dahil hindi ko mahagilap ang dorm ko.

 Nasaan ba iyang Royalties Dorm na iyan?! Nauubos na ang pasensya ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang mapadpad ako sa dulo ay nakita ko na. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang limang kuwarto. Ughh damn it!

 Walang pasensya akong tumingin sa susi at nakita ko naman na may numero do'n. Number 2. Tinungo ko 'yon at binuksan at doon tumambad sa'kin ang dalawang babae na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin. Ina-ano ko sila?

 Lihim akong napaismid nang mapansin ko ang mga buhok nila. Ang may silver na buhok ay medyo may katamtaman ang laki at maganda ang hubog ng katawan. Bukod doon ay maganda talaga ang babae pati ang katabi niya na may blue na buhok. Kapansin-pansin din ang mga kutis nila na mamula-mula at makinis, halatang mayaman. Sa unang tingin, mukha silang mga Prinsesa. Tss ano ba itong mga pinagsasabi ko.

 Nakatingin lang ako sa kanila at nagtataka sa inaasal nila ngayon. Para bang takot na takot sila nang makita ako. Inilibot ko ang paningin at napansin ko ang tatlong kuwarto. Napatingin ulit ako sa kanila at bahagya pa silang napaigtad nang lumingon ako.

 "Where's my room?" Tanong ko sa kanila. Sabay pa silang napaturo sa ikatlong kuwarto, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

 Tss. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa sinasabi nilang kuwarto ko. Mabilis kong ipinasok ang susi at agad na bumukas iyon pagkapihit ko. Agad kong inilibot ang paningin at nakahinga nang maluwag ng makitang maayos ito. Bukod doon ay marangya itong tingnan, lahat ng gamit ay mukhang mamahalin. Akala ko nga ay masikip dahil maliit siyang tingnan sa labas pero maluwang sa loob. Dumiretso ako sa isang pintuan at binuksan iyon. 

 "Magkano ba ang tuition fee dito? Sa gara ng kuwarto mukhang mahal." bulong ko sa sarili.

 Muntik na akong mapamura ng makita ko ang bathtub. 

 "What the hell?" Hindi ko maiwasang mapabulalas ng mapansing hindi lang ang bathtub pati ang ibang gamit ay gawa sa ginto. Wala na nga yatang mas wiwirdo pa dito. Mababaliw na ako kakaisip sa nangyayari. Mabuting itulog ko nalang ito baka sakaling magising ako mula sa bangungot.

 Pabagsak akong humiga sa kama at dahil na rin sa sobrang lambot nito ay nakatulog ako agad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status