Share

CHAPTER 3

( ZAYNAH POV)

 Naimulat ko ang mga mata nang biglaan at wala sa sariling napatitig sa kisame. Inilibot ko ang paningin at napapikit uli ako, hindi dahil sa inaantok pa ako kundi dahil sa inis. Napasigaw ako sa sobrang pagkairita. That was not a dream! Definitely not! Talagang pumasok kami sa bilog na iyon at dinala kami rito sa.. baliw na mundong ito!

 What was that again? MAGICZARD ACADEMY, THE SCHOOL OF MAGICS? This is my fate? Dito kami nababagay? Ito ang mundo ko? May iba pa bang mundo na pwedeng tirahan maliban sa Earth? Or am I in Mars?

 THIS IS F*CKNG CRAZY!

 "Hello? Are you okay?"

 Napatingin ako sa pinto nang may nagsalita mula sa labas. Hindi ako sumagot kahit patuloy ang pagtawag nila sa akin. Napatingin ako sa relo na gawa rin sa ginto. K*ngina talaga.

 6 A.M. Ganoon ako katagal na natulog at inumagahan ako. 

 Right, may pasok pala ako ngayon. Bumangon na ako at agad na dumiretso sa banyo. Labag na labag talaga sa kalooban ko ang ginagawa ko ngayon pero wala na akong magagawa. Ang pinaka-ayoko pa naman ay ang lumiban sa klase.

 Dali-dali akong naligo dahil hindi ko pa magawang maging komportable sa bagong dorm ko. Nang matapos ay kinuha ko ang uniform ko. Sandali ko pa iyong tinitigan bago ko iyon sinuot. Nagsuklay at kinuha ang bag ko saka ako lumabas. Sandali pa akong natigilan nang pagkabukas ko ay sila agad ang bumungad sa akin.

 Natataranta silang tumabi at nag-iwas ng tingin. Napangisi ako. Ngayon lang nangyari sakin ang ganito. Palibhasa ay lahat ng pinapasukan ko ay inaapi talaga ako kaya nanibago ako sa inaakto nila. Wala akong ginawa pero parang takot na agad sila sa akin.

 Muling bumalik sa akin ang alaalang ako ang may dahilan kung bakit namatay lahat ng umapi sa akin sa dati kong pinapasukan. Hindi ko man naalala pero sigurado na ako ang may kagagawan. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit walang may nakakaalam. May kinalaman kaya si Auntie rito?

 "A-Ah s-samahan ka na namin. " Pagkausap sa akin ng isa. Napatitig ulit ako sa silver niyang buhok. Talagang may parte sa buhok niya na kumikinang kaya hindi ko maiwasang hindi mapatitig. Asar akong nag-iwas ng tingin. 

 "Oo nga , siguradong magkaklase naman tayo" nahihiyang ani ng may blue na buhok. Isa pa ito. Ang sakit sa mata.

 "Right! Hindi pa pala kami nakapagpakilala. I'm Haydee Mendez" pakilala ng may blue na buhok.

 "And I'm Arriane Min" pakilala rin ng may silver na buhok.

 Sabay nilang in-extend ang kamay nila sa akin pero tinitigan ko lang iyon. Hindi ako sanay na ganito. Mas mabuti sigurong pagtripan nalang nila ako kaysa sa ganito. Naiilang na binawi nila ang mga kamay nila nang hindi ko iyong tanggapin. Inayos ko ang salamin ko saka nagsalita.

 "Zaynah" maikling sabi ko. Sabay pa silang napangiti pero agad na tumikhim nang mapansing nakatitig ako 

 "Shall we?" Tanong ng isa.

 Tumango nalang ako at sumunod sa kanila palabas. Inilibot ko ang paningin, maging ang hallway ay magarang tingnan. Ngayon ko lang napansin, palibhasa ay mainit ang ulo ko kahapon.

 "Anong buwan at petsa na ngayon?" Tanong ko bigla.

 Sa pagkakatanda ko ay April 1 kami umalis sa bahay. At nang makarating kami sa wirdong pader na iyon ay gabi na pero no'ng pumasok kami sa parang lagusan na iyon ay biglang naging umaga. Iniisip ko lang na baka pati ang buwan ay apektado rin.

 "Arca 1 " Sagot ni Haydee. Agad na kumunot ang noo ko.

 "Arca?" Pag uulit ko. Tumango naman siya.

 "Yes, Arca. Why?" 

 Nagsalubong ang kilay ko sa tinugon niya. What the hell is Arca?

 "Ika -ilang buwan iyan?" Tanong ko ulit 

 "Pang-apat. Hindi mo alam? " nagtatakong tanong naman ni Arriane. Pang- apat?

 "Then today is April 1? What the hell?" Nagugulat na bulalas ko.

 " Wait what?" Napatigil sila sa paglalakad kaya napatigil rin ako.

 "Did I just heard it right? April?" Tanong ni Arriane.

 "Are you from mortal world? " Tanong naman ni Haydee. Mabilis na nag-iba ang timpla ng mood ko at inis na akong napatingin sa kanila.

 Mortal? Everyone is mortal. Damn it! May iba pa bang mundo na pwedeng tirahan maliban sa Earth?

 "So you really came from the mortal world that explains why" 

 "Isang salita niyo pa. Tatablahin ko na kayo." Napatahimik naman sila at hindi na nagsalita. Inis na nanguna ako sa paglalakad. 

 "Watch out! " Someone shouted.

 I quickly avoided the knife that almost hit me. Gulat pa akong napatigil sa paglalakad at napatingin ako sa kutsilyong nasa sahig na.

 "Damn! Are you okay ? WHO DID THAT?! " natatarantang tanong sakin ni Haydee at galit na hinarap ang mga estudyante. Ang maingay na na hallway kanina ay biglang tumahimik at nahihintakutang napatingin sa kanya.

 "I SAID WHO THE F" CK DID THAT! " Ulit na tanong niya, mas galit na. 

 "Walang magsasalita?" Tanong din ni Arriane.

 "Hindi po namin alam Princess Haydee at Princess Arriane" 

 My eyebrow raised and I almost rolled my eyes. Princess? They're totally insane. Tss. Am I in England? Sa pagkakaalam ko walang royalties sa Pilipinas.

 "If someone will do it again. I swear. I'll kill you!" Galit na sabi ni Haydee sa lahat. Hindi ko nalang pinansin 'yon at nagpatuloy na sa paglalakad. Saka lang ako napatigil nang makarating na ako Royalties Section. 

             Paanong hindi ko mapapansin ang section na ito? Sa mismong taas ng pader ay may nakasulat na Royalties Section na gawa uli sa ginto pero may kasama ng diyamante. Seriously? Sanay akong makakita ng ganito, okay? Hindi na bago sa akin ang makakita ng ginto at diyamante dahil koleksyon iyon ni Auntie. Pero hindi ako sanay na makakita ng ganito na sobrang bulgar ang mga ginto, na halos lahat ng sulok ay may nakikita ako na gawa sa mamahaling bato at nakapagtatakang wala man lang yatang nagkakainteres. Napabuntong-hininga ako saka ko lang napansin ang magiging room ko.

 One word to describe.. Mess. Totally a Mess. 

 Sandali akong natigilan ng biglang tumahimik ang lahat ng pumasok ang dalawa. Now, now, I think they're influencial, influencial enough to shut people's mouth just by their presence. It's like everyone are scared of them. Tss. Whatever, hindi na dapat ako magtaka. Uso 'yan sa Pilipinas. Power is really a bitch. 

 What are they again? A Princess? Oh c'mon.

 I took the seat at the last row and I can feel that all eyes are on me. I really hate attentions.

 "Get your f*ckin' eyes off me "malamig na sabi ko.

 May ibang nag-iwas ng tingin pero mas lamang talaga ang iba na kulang nalang ay pumunta sa harap ko at titigan ako ng walang pakundangan.

 "Oh! We have a newbie. Kindly introduce yourself Miss." Napatingin ako sa pumasok na siyang nagsalita.

 Hindi ako nag-abalang tumayo at nagsalita nalang na nagpaismid sa taong professor yata namin. Like I care. May kabastusan talaga ako lalo na kapag labag sa loob ko ang ginagawa ko.

 "Zaynah Alisha Shin. 16 years old" walang gana na pakilala ko.

"And your magic??" Taas-kilay na tanong niya.

 Napapikit ako sa inis. Damn it ! Kailan ba matatapos ang kalokohan na 'to. Rinding-rindi na ang tenga ko.

 "Her magic is unidentified Sir. "  Si Haydee nalang ang sumagot.

 "Is that so? Then how come she's here in the Royalties section?" Pataray na tanong nito.

 "Ask the headmistress." Malamig ang boses na sabi ko.

 "A-ah o-okay. Ehem." 

 Tss. Lihim akong natawa nang may narinig akong bulunga-- No. May bulong ba na malakas?

 "Oh my god. She's so feeling." 

 " She's ugly. Look at her big eyeglasses. Ewww." 

 "I hate her eyeglasses." 

 "She's so baduy." 

 Hindi na yata mawawala ang mga bullies ngayon. Tss. Bumulong pa sila. Dinig na dinig ko naman. Bakit ba ang hilig nilang pagdiskitahan ang salamin ko? At pakialam nila sa itsura ko? Hindi ko naman pinapakialaman ang pagmumukha nila. Hindi ko nalang pinansin anv kaliwa't kanan na bulungan at nakinig nalang sa pinagsasabi ng lecturer. 

 Kumunot ang noo ko ng mapansing puro magic lang ang pinagsasabi nito. Kung paano gamitin at hasain ang kapangyarihan mo.

 Damn! I hate this school! Kinagat ko ang labi sa sobrang pagkainis. They're crazy! Magics do not exist!. Theyre just wasting their time for this nonsense. Tumayo ako at walang pasabing naglakad palabas.

 "Where are you going Ms. Shin?" tanong ng lecturer.

 "Somewhere... In a place where people are not insane." I said in a cold tone and left the room.

 Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin ang mga taong panay ang tingin sa akin. May nakabanggaan pa ako. Nagsorry siya pero hindi iyon ang napansin ko. Her uniform. Nagpalinga-linga ako. Iba't-ibang kulay ng uniform ang nakita ko. Bagama't pare-pareho ang itaas na long sleeve uniform. Magkakaiba-iba naman ang ribbon at skirt. Kulay violet ang sa akin. At pink, green, skyblue, red ang iba. At hindi ko na kailangan hulaan pa kung bakit violet ang sa akin. Violet means Royalty. At nasa Royalties Section ako obviously. I wonder why. Napangiwi ako sa dami ng kaartehan nila. Tss

 At saka ko lang narealize na nandito pa pala sa harap ko ang nakabanggaan ko na nanginginig. Ina-ano ko siya?  Tss. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa mapadpad ako sa isang hardin.

 Napakaganda. 

 Agad akong sumilong sa isang puno at nahiga doon. Hmmm. Ang sarap sa pakiramdam. Mukhang ito na ang magiging tambayan ko simula ngayon.

  Bigla namang nagflashback sa utak ko ang lahat simula nang tumuntong ako sa wirdong eskwelahan na to. Kung ano ang ikinaganda sa labas mas lalo naman sa loob. Sobrang magical. Napangiwi ako. Totoo. Ang salitang magical ang naisip ko agad na pwede kong i-describe sa lugar na ito. Nakakamangha. Napakamakulay at bukod do'n karamihan ay gawa sa ginto. Siguradong mayaman ang mga tao rito. Napailing ako.

 Iyon nga lang may mga saltik ang ulo. Sinong matinong tao ang mag-iisip na may magic? Nasisiraan sila ng bait. Mental yata ang napasukan ko at hindi eskwelahan. Bahala sila sa kabaliwan nila. Mabuti nalang at may lugar dito na gustong-gusto ko at baka mabaliw na rin ako. Kahit papaano ay nagustuhan ko ang lugar na ito. Mapayapa at masarap sa pakiramdam ang mga tanawin. Hindi katulad sa Manila. Saan kaya ang lugar na ito? 

 Napaisip ako sa portal na pinasukan namin. Hindi 'yon isang panaginip. Napapikit ako sa inis at pilit na iwinaglit sa isipan ko 'yon. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status