Share

CHAPTER 6

(ZAYNAH POV)

 Napatitig ako sa pugot na ulo ng Dark Shadows na iyon saka ko nilapitan at walang arte-arte na dinampot. Sandali ko pang tinitigan ang dugo nitong kulay itim at ng hindi ko na matagalan ang masangsang na amoy ay nag-iwas na ako ng tingin. Lumapit ako sa kanila na gulat na nakatitig sa akin.

 

 "Let's go" ani ko.

 Nanguna ako sa paglalakad at hindi ko alam kung bakit parang may sariling isip ang mga paa ko at kusa itong naglalakad papunta sa kung saan. Hanggang sa tumigil ito at may naramdaman akong kakaibang aura na hindi pamilyar sa akin pero hindi na ako nagulat ng maramdaman iyon.

 "Zaynah halika na. Bakit ka tumigil? Malayo pa tayo sa Oradon." Napatingin ako sa kanila na medyo may kalayuan na sa akin at sila na ang nanguna. 

 "We're here" sambit ko. Naguguluhan silang napatitig sa akin.

 "Pero..."

 "Get out. Don't make me count and lose my patience, you will not surely like it. I'm the worst when it comes to waiting." I coldly said. 

 Napangisi ako ng maramdaman ko ulit ang presensya niya lalo na ng lumabas na siya. Napasinghap sina Arriane at mabilis na pumunta sa harapan ko sina Ace, Zach at Ian. Here we go again. I really hate being protected. 

 "Vera, give us the wand you stole from Queen Emily." Ace commanded. Vera is the name huh?

 "Are you kidding? I worked hard to get it and then I'll just give it to you like that?" she said sarcastically.

 "Don't wait for us to fight you, Vera." mariin na sabi ni Ace.

 "Go on, fight me. You think I can't?" nanghahamon na ani niya kina Ace. 

 "Fight me, then" Nakangising hamon ko at saka ako pumunta sa harapan nila Ace. Gulat siyang napaatras at nahihintakutang nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa ulong hawak ko. 

 "H-How? Paano mo natalo ang kanang-kamay ni Vlad? Ni kahit iyang mga katabi mo ay hindi siya matalo pero ikaw! P-Paano? " Garalgal na tanong nito. 

 Nakangisi kong inangat ang ulo ni Damon at tinitigan iyon saka ako ulit napatingin sa kanya. Walang pasabi na itinapon ko iyon sa banda niya na ikinagulat at ikinataranta niya. 

 "I told you, I'm the worst. Now, give me the magic wand." Walang pasensyang utos ko sa kanya.

 Her expression changed when she heard what I said then she laughed.

 "And why would I do that? Stupida!" Galit na sigaw nito sa akin.

 "Well, you made your decision" I shrug then I smirk at her.

 Pero napatigil ako nang bigla siyang tumawa ng malakas, sobrang lakas na nakakabingi na iyon. Inis na tinakpan ko ang tenga ko at bahagya pa akong napaatras ng tumindi ang halakhal niya na para bang tinutulak ako no'n palayo. Maging ang mga kasamahan ko ay napaatras na at takip-takip ang tenga.

 K*ngina! Mukhang isa ito sa kapangyarihan niya. Tss. Akmang hahatakin ako ni Zach palapit sa kanila pero mabilis akong gumalaw at hinablot ang espadang nasa bewang niya. 

 "Zaynah! Damn it!" sigaw ni Ace. Pero hindi ko siya pinansin at inisang-hakbang ko si Vera. Mabilis itong napatigil at gulat na napatitig sa akin. Nginisihan ko siya na ikinaatras niya.

 "I already warned you not to lose my patience, now face my consequence." malamig na sabi ko. Akmang tatakbo na ito pero mabilis akong nakapunta sa harap niya at hindi nagdalawang-isip na iwasiwas ang espadang hawak ko sa katawan niya. 

 "Hindiiiiiii!" huling sigaw niya bago siya tuluyang nawalan ng buhay. 

 Napatingin ako sa kamay kong puno ng dugo maging ang buong katawan ko dahil nagtalsikan sa akin ang dugo niya ng hiwa-hiwain ko ang katawan niya. Dinampot ko ang magic wand na puno rin ng dugo at basta nalang iyong inihagis sa banda nila na mabilis namang nasalo ni Ian matapos makabawi sa gulat.

 Lumapit ako sa kanila at inabot sa tulalang Zach ang espada. Sandali pa akong napatingin kay Ace na titig na titig sa akin. Tss.

 "Thanks," ani ko.

 Hindi ko na siya hinintay na magsalita at basta ko nalang silang tinalikuran. Napabuntong-hininga ako at napatingin ulit sa kamay kong puno ng dugo. Stinky. I badly need a shower.

 BAGOT akong tumayo at kinuha ang jacket ko saka iyon sinuot. Pagkalabas ko ay sandali pa akong natigilan ng makita ang dalawa na tarantang nagsipasukan sa kani-kanilang kuwarto. Napangisi ako saka napairap. Ganiyan sila simula ng mangyari ang araw na iyon. Dalawang araw na din ang nakalipas pero usap-usapan pa rin ang pangyayaring iyon, usap-usapan pa rin ako. Tss. Kahit kailan ay talk of the nation ka Zaynah.

 Iwas na iwas sila sa akin na akala mo naman ay papatayin ko sila. I'm not that heartless and inhuman. Napairap nalang ako at lumabas na. Hindi pa man ako nakaka-sampung hakbang ay dinig na dinig ko na naman ang walang katapusang bulunga-- no, let me rephrase that.. usapan dahil hindi naman siya bulungan talaga, sinasadya nilang iparinig sa akin.

 " Look who's here.  Hindi ba siya iyong nerd na pumatay kay Damon at Vera?"

 "Siya  nga, nakakatakot siya ano?"

 "Pasikat  siya. If I know hindi iyon totoo. She doesn't have magic at all. At isa pa, dapat kina Ace ang credits at hindi sa kanya!" 

 "She's weak and I'm stronger than her"

 "Panget na nga Feeling pa" 

 Insecurity will kill you, tss. Walang pinagkaiba sa mortal world. Sabagay hindi ko sila masisisi, ilang araw pa lang ako rito ay napasama na ako sa grupo nila at pati sa misyon nila. Sinong hindi ang maiinggit? Mukhang lahat sila ay pinapantasya ang apat. Tss.

 Hindi ko nalang ito pinansin at hinanap ang library. Gusto kong malaman ang tungkol sa apat na elemento maging ang history ng mundong ito. Hindi naman kasi ako nakikinig sa mga lessons nitong nakaraang araw dahil nga labag sa loob ko noong una na mag-aral rito.

 Nang makita ko na ay agad akong pumasok at hinanap ang libro na sasagot sa mga katanungan ko. Kinuha ko ang makapal na libro na nasa gitna saka naupo sa bakanteng mesa.

 The Four Elements. Fire, Water, Air and Earth are the Four Elemental Magics. Nagmula ang mga apat na elemento mula sa gabay ng propesiya at  gabay ng mundong ito. Ipinagkakaloob ang bawat elemento sa mga nakatakdang tagapangalaga nito. Sa kasalukuyan ay si Ace Davids ang may hawak sa elementong apoy na siyang Prinsipe ng Fire Kingdom. SI Arriane Min ang may hawak sa elemento ng hangin na siyang Prinsesa ng Air Kindom. Si Haydee Mendez, ang Prinsesa ng Water Kingdom ang may hawak sa elemento ng tubig at si Zach Stanford na siyang Prinsipe ng Earth Kingdom ang may hawak sa elemento ng lupa. Ang apat na elementong ito ay kailangang panatilihing balanse at huwag gamitin sa kasamaan. Sa oras na mapunta sa kasamaan ang mga ito ay tuluyan ng mawawala ang mundong Magiczard.

 Fire - one of the strongest magic. It has the ability to manipulate body , mind reading and teleportation. Possesses the Fire Dragon and Fire Eagle.

 Water - Pumapangalawa sa Fire. It has the ability to remove water in someone's body and its sub-magic is telepathy, the ability to talk someone with the use of mind and teleportation. Possesses the Water Dragon and Water  Eagle.

  Air  - Pumapangatlo sa mga elemento. It has the ability to remove air in one snap. Kaya hindi hinahayaang mapasakamay sa masasama. Its sub- magic is mind reading and teleportation. Possesses the Air Dragon and Air Eagle.

 Earth - Ang pang apat sa mga elemento. It has the ability to make an earthquake, to manipulate body and land, ability to heal and teleportation. Possesses the Earth Eagle and Earth Dragon.

 These are the powerful magics of MAGICZARD KINGDOM. That only the Destined Princess can have it all. Including the Light and Dark Magic. These magics was owned by the powerful Goddess named Elizabeth and it is given to the Princess.

 The most powerful of all.

 The only one who can save them to the evil Dark Shadows.

 Without the Princess, these magics are useless and kingdoms will be in vain.

 Note: Only the immortal that have magics can enter the " WORLD OF MAGICS "

 I closed the book. Napabuntong-hininga ako saka napaisip. It only means one thing. I do have a magic and I don't know what is it and that's what I'm going to find out.

 Princess. Where are you? Sabagay kung sino ang nasa kalagayan niya ay parang gustong  tumakbo dahil malaking responsibilidad ang nakaatang sa kanya. But at the same time, it's fun and thrilling. Surely, there will be no boring days. How exciting.

 Ibinalik ko na sa shelf ang libro at napagdesisyunan kong iyon nalang ang babasahin dahil sapat na ang nabasa ko sa ngayon. Pagkatapos ay lumabas na ako sa library at bumalik na ako sa dorm. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status