Share

Flirt#1: GUSTO MO TEA, TEH?

--------------------------

Sa punto d’ bista ni Maximillan.

--------------------------

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng mapalayas ako sa office ni Dean. Hindi naman kumalat ang ginawa ko dahil wala namang may alam ng kalokohan ko kundi ako at si Dean lang. HAAHHAHHAHA, sabi nila kapag nagtama ang labi ng dalawang tao ay hahanapin nang isa ang lasa ng labi ng humalik.

‘Max, I know you are thinking of that kiss. You will be addicted to my lips. Fall for me, you nitpicky and arrogant Dean.’

“Hoy, nakakatakot iyang ngiti mo bruha,” wika ni Lore.

Sasagot pa lang ako dumating naman bigla iyong prof namin. “We are going to have a pre-assessment test to measure your knowledge in my subject. Get 1 whole sheet of yellow pad. This will be recorded in your attendance and assignment.”

Surprise attack naman! Hindi siya nagsabi na may exam ngayon. Arrgggh! Paano kung mabokya ako dahil wala naman akong binasa kahit isa sa reading manual na binigay niya last week. 

Inaamin ko kahit sira ulo ako, ayaw ko bumagsak sa klase syempre. Alam niyo ba iyong feeling na okay lang na hind maging pinakamahusay basta ba hindi ako makakatanggap ng gradong mababa pa sa tres. Kahit naman wala akong silbing estudyante, hindi sa pagyayabang President’s lister ako. Syempre, hindi ako lalandi kung bobo ako ano. Kung hindi niyo alam, ang paglalandi ay inaayon sa ganda at utak. Kaya iyong mas bobo pa sa akin, wag na kayong lumandi.

Going back, ang subject namin ngayon ay public administration. Ang mga tanong ay keribels lang… I think? Well, depende kung gaano kataas ang expectation ni ma’am sa aming estudyante niya. Top 1 ang school na ito ng mga estudyanteng competitive, meaning to say we are more than just a rich kid with pretty face. Kaya kung ang gf or bf mo ay galing sa university na ito, swerte mo, full package kami.

So, ang unang tanong ay ano ang public administration, good governance at what it takes to be a good politician… hindi ko na sasabihin iyong iba since masyadong marami.

“Public administration is concerned with the implementation of governmental policy that serves the wide population, carrying political activity and decision into actions and developing public programmes for the well-being of the society and the citizens. The aims of public administration are linked to democratic values like equality, security and justice. Public administration makes use of several other disciplines such as: organisational behaviour and theory, finances, human resources, politics, law and even ethics and philosophy. Comparable to business administration, public administration distinguishes itself through the non-profit orientation of the administrative activity. Like an MBA, a Master in Public Administration (MPA) is vital for students willing to pursue successful careers in the public sector, working in governmental institutions, departments and agencies. After pursuing a course degree in public administration, graduates should be able to analyse the nature and the causes of social problems, understand interests and values of various stakeholders, design solutions to problems and implement or mediate the implementation of the solution. Graduates of a public administration degree can follow the following careers: charity officer, civil service administrator, local government officer, social researcher, education or healthcare administrator, public affairs/administration consultant, urban planner, budget analyst, labour relation specialist.…. Blahblah”

Sagot lang bahala na si batman mahilo sa sagot ko na paikot-ikot lang. Habang nag-eexam ay lumitaw bigla ang imahe ni Dean sa utak ko. Naalala ko na naman kung paano niya ako pinalayas. Alam niyo ba iyong feeling na naiirita ka sa tao, sa unang kita niyo pa lang. Iyong pagkairita ko sa kanya sagad hanggang buto eh. Mayroon talaga tayong tao na kaiinisan na kahit maisip o marinig mo lang ang pangalan niya ay gusto mo siyang tirisin.

Sa inis ko, hindi ko napansin na nabutas ko na pala ang yellow pad ko. Shit! Kung kelan natapos ko na sagutan lahat, bawal pa naman ang maruming papel dahil maarte itong si ma’am. May sampung minuto pa bago kolektahin ni ma’am. Medyo kinabahan ako noong una, buti na lang natapos ko isang minute bago ang takdang oras.

That will be for today, I will dismiss you early.” Kinolekta lang niya ang papel atsaka umalis na. 

May thirty minutes pa kami, dahil ang nagamit lang na oras sa 300 items na questionnaire niya kanina ay dalawang oras at kalahati lang naman. After kami nadismiss ay lumabas na kami at dumiritso ng cafeteria.

“Liah! Gusto mo tea, teh?!” 

Nagsilingunan lahat sa amin dahil sa sigaw ni Lore. Kinginang bunganga iyon, bakit niya kasi pinagdugtong iyong tea at teh, it sounded so wrong. Nakakahiya talaga itong si Lore. Pero we’re friends and we flock together. “Oo, iyong malaki ah!”

Nagbulungan iyong mga first year na kasabay namin sa cafeteria. Tumayo ako sa kinuupuan ko atsaka lumapit kay Lore. Iniabot niya ang inumin sa akin, sakto namang binuksan ko ang takip ay nakadisgrasya ako ng dumadaan. Papalabas kami ni Lore at papasok naman iyong nadisgrasya ko dahil naglalakad ako ng nakayuko dahil ugali ko na tingnan at halukayin muna ang pagkain ko. Anyway, sino ba kasi itong paharang- harang sa daan ko?!

Ang cliché at ang stupid ng pangyayaring ito sa buhay ko. Sinong stupid piece of shit ang tatanga-tangang makatapon ng drinks sa makakasalubong niya dahil tinulak siya ng demonyo niyang kaibigan?!

Gawd ako iyang stupid piece of shit na iyon. Humanda ka sa akin Lorelei Buencamino, anong kabaliwan ang ginawa mo huh? Anong trip niya at bigla-bigla niya akong tinutulak?

Nakarinig ako ng tikhim kaya naman napaangat ang tingin ko, then boom, my eyes have been blessed. Agad ko na kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang laylayan ng damit niya… knowing na may hidden agenda ako sa lalaking ito, asahan niyo nang lumilikot at pasimple akong tsansing sa didbib niya. Binabawi ko na pala ang galit ko kay Lore, maasahan talaga itong pokpok na kaibigan ko. She knows when to strike. 

That’s enough, Ms. Faunteen.” Hinawi niya ang kamay ko na nakadapo sa basang bahagi ng coat niya.

Napatingin ako sa labi niya, hmmm naalala ko iyong ginawa ko two days ago. Ano kaya kung ulitin ko? It ain’t my fault, his lips are inviting me… “How’d you like the kiss-“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.Inaasar ko lang naman siya kaya nga kaming dalawa lang ang nagkakarinigan eh. 

Come to my office, Ms. Faunteen,” anya atsaka naunang lumakad. Kinindatan ko si Lore bago sumunod kay dean. Ang laki ng ngisi ng gaga para sa isang taong matatalo ng 30k, baliw talaga siya.

Tahimik lang akong nakasunod hanggang sa nakarating kami sa office niya. Narinig ko na ni-lock niya ang pinto ng office.

Hmm… hindi mo naman sinabi na gusto mo akong masolo. Sabi ko na nga ba at tatalab ang charm ko, halik lang pala ang katapat ni dean. Sabagay, ang mga lalaki ay mahihinang nilalang at madaling matukso.

“I don’t know what’s running in your filthy mind, Ms. Faunteen. I’m warning you; I’ll report you to the office for showing indecent acts.”

“You’re talking about that kiss, were you not? Do you think the board will believe you? You know how influential I am.”

Why are you doing this to me? You are not revenging over that matter on our first day of class, right?”

“Of course not. You think I’m that immature? Let’s say I have taken interest in your looks. How about dating me secretly?”

Partly yes, immature kung immature but I really don’t like what you did to me on that day. Ewan ko ba pero natutuwa akong i-provoke ang pikunin na ito. I can’t keep my eyes off… that deep green jewel is calling me to stare. His red pouty lips are asking me to kiss him.

Damn! Marupok din talaga ako sa pogi eh. Anyway, nag-eenjoy pa akong hulihin ang loob ni Dean. He’s a good and challenging toy afterall.

“Do you hear yourself?! You vulgar thing!”

See that? Ang pogi nang pag-angat ng kilay niya. Kyaahhhh!!!! I want him to be mine for a certain time, syempre iiwanan ko rin siya after.

I like you and you have no choice but to like me back. I will bother you for the rest of your life.”

What if mag-resign siya bigla? No, he needed this work in the first place. I heard this guy has loan worth One million in our company. Yes, I did some background research, also I heard he accepted this job because of the salary, totoong malaki ang sahod dito at mahihirapan na siyang humanap ng trabaho dahil bagsak ang ekonomiya. I bet hindi niya sasayangin ang opportunity na magtrabaho sa prestigious school na ito. 

“Get out! I really hate spoiled brats. They always do as they please.”

“Alright, I’m leaving for now, will you please unlock the door?” 

Binuksan niya ang pinto at nang akmang isasarado uli ay hinarang ko ang sarili ko sabay saad sa mahinig tinig. “Dean! You are mine.” Kumaripas ako ng takbo pababa ng building. Umpisa pa lang iyan… mukhang exciting ang school year ngayon. I have my new toy at hindi lang siya basta toy, siya iyong tipo ng hard mode sa mga otome AHHAHHAHA.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Akie
I want to have some guts just like liah too... charotttt yung pag ba nakikita ko c crush, nakakapagsalita ako ng ganyang mga bagay tas libreng chansing na rin sana.........
goodnovel comment avatar
Jends
Crazy liah HAHAHAHAH
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status