Share

Flirt#4: Paano ba manligaw?

--------------------------------

Sa punto d’ bista ni Merliah.

-----------------------------

“Pssttt… Maurice,” tawag ko sa kanya habang nakasilip sa pinto ng kwarto niya.

“I told you not to call me by my name. Call me brother, where’s your manner? Ano na namang kailangan mo? Liah, nagrereview ako. Pwede ba huwag mo akong istorbohin.”

“Sungit nito. May regla ka gurl? Tsaka anong pinagsasabi mo eh 20 minutes lang tanda mo sa akin.”

“I’m still older than you.”

Close kami ng kambal ko in peculiar way okay. Kahit cold iyan ay napaka-caring niyan. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko kailangan mag-aral ng business related shits dahil sinalo niya ang responsibilidad. Isa dapat sa amin ang magmana ng business at ayun siya ang nagpresinta kapalit ng kalayaan ko sa pagpili ng kurso. Ang gusto niya talaga ay maging doctor, pero hindi na pwede dahil malaki na ang expectation nila daddy sa kanya.

Whatever.”

“Liah, kung ilalakad mo na naman sa akin si Lore, pwes uunahan na kita. It’s a no.”

Hindi naman iyon ang pinunta ko eh. Poor Lore, AAHAHHAHAH ayaw sa kanya ng kambal ko. Hindi ko sasabihin sa kanya baka ma-hurt iyong bestfriend ko. Tho, hindi naman siya nag-eexpect na ibalik ni Maurice ang feelings niya. Masaya lang siyang maging happily in love sa kambal ko. Isa pa marami namang crush iyong babaitang iyon, I’m sure hindi naman siya siguro seryoso kay Maurice. Nacha-challenge lang siya dahil hindi siya ni-crush back ni kambal. Sabi sa inyo, nakakachallenge talaga kapag iyong crush niyo ay walang pake sa inyo.

Going back, about sa panliligaw ang pinunta ko. Tama na ang tsaa sa lovelife ni kambal at gaga kong bestfriend.

“Luh, wala pa nga akong sinasabi. Tsaka huwag kang mag-alala hindi lang ikaw ang crush ni Lore. Kaya huwag kang harsh sa kanya, komportable lang talaga siya sa iyo since magkababata tayong apat.” Eme ko lang iyon. Kapag kasi pinilit ko na gusto siya ni Lore ay baka maging awkward na sila sa isa’t-isa.  Nitong first year college lang sinabi sa akin ni Lore na crush niya si Maurice tapos ay ilakad ko raw siya sakto narinig iyon ni Maurice kaya ending hindi natuloy. Ayun pinipestiiii niya lagi si Maurice pero hindi naman siya nilayuan ni kambal. Kumbaga hinahayaan lang siyang gawin ang gusto niya. Thankfully, hindi sila awkward sa isa’t isa. Ang weird ng friendship ng dalawang iyon kaya hindi ko sila iniintindi, matanda na sila.

“I know,” tipid niyang sagot. Hindi ko alam kung imagination ko lang o talagang nagbago ang mood ni Kambal? “Don’t waste my time, Liah. What do you want to ask?”

“Paano ba manligaw?” direktang tugon ko.

Kumunot ang noo niya sabay tumayo at lumakad palapit sa pinto. “What the heck are you asking, liah? Are you perhaps…”

“Kung iniisip mo na ako ang manliligaw. That’s a big NO. All the boys want me, so why would I do such disgusting thing?” sagot ko na hindi man lang kumukurap.

“Ano bang klaseng tanong iyan? Sino ba iyang duwag na nagtatanong niyan?”

“Random friend from my organization,” anas ko bilang palusot.

“Lalaki ba iyan? Bakit sa babae pa siya nagtatanong?”

“Ibahin ko na lang ang tanong. Kung may manliligaw sa iyo na babae, anong gusto mong gawin ng babae? Since lalaki ka ay curios ako kung anong reaction ng lalaki kapag may nanligaw sa kanila na babae.”

Nilagay niya ang kamay niya sa ibabang baba niya atsaka tumingin sa sahig. “Nothing in particular. Siguro katulad ng ginagawa ni Lore… palagi akong binibisita at kinukulit?”

Wait what? Anong sinasabi nitong kambal ko? Tiningnan ko siya ng may pagdududa. Ang sabi niya hindi niya gusto si Lore pero it turned out na natutuwa siya sa ginagawang pangungulit ni lore…hhmmm.. something's fishy.

“Crush mo si Lore, ano? Aminin mo na hindi ko naman sasabihin sa kanya.”

“How many times do I have to tell you. Hindi ko siya crush, ok? Ginamit ko lang siyang example since siya ang pinakamakulit sa lahat ng babae na may gusto sa akin.”

Sinungaling, namumula ang tenga mo tanga. Anyway, bahala kayo sa lovelife niyo.

“Bumalik ka na nga sa kwarto mo. Mag-aaral na ulit ako.” Sinaraduhan niya ako ng pinto. Anyway, makabalik na nga ng kwarto at nang mapagplanuhan ko ang panliligaw ko kay dean. May tatlong araw pa bago ang klase niya ulit sa amin.

Ano bang maganda?

Bigyan ko siya ng jewelry? Hmmm… kaso makikita nila dad na bumili ako ng men’s item… ekis na iyan

Chocolate kaya? Sa sungit niyang iyon mukhang walang sweets sa katawan ng taong iyon… so, ekis na rin.

Flowers? Psshh I doubt na aalagaan niya if I know ay hahayaan niya lang malanta iyon… ekis din.

Ano ba kasing alam ko sa panliligaw? Sanay ako na akong nililigawan… swerte kaya ni Dean dahil siya ang kauna-unahang lalaki na liligawan ko. Itutulog ko muna ito para naman fresh ako kung makikita ko siya bukas. Magkalapit lang naman ang office ng student council at office niya, so may excuse ako bukas para mapagawi sa office niya.

I need a beauty rest muna…

‘Mahal na reyna na ubod ng ganda gumising ka na!’ Ang ganda ng tunog ng alarm clock ko hindi ba?

Umaga na pala at gumising na naman akong maganda as usual. Tumayo na ako at nagpunta ng babad sa bath tub, may nakalaan na bente minute para sa pagligo ko. Mind you, halos isang oras ako bago pumunta ng school dahil marami pa akong kaek-ekan sa buhay. Hindi pagma-makeup ah, I don’t do that. Matagal lang talaga akong maligo at kumain, pagkatapos ay nagbabasa pa ako ng manhwa.

Pagkatapos maligo ay pumanhik na ako sa hapag at himalang kumpleto kami sa lamesa ngayon. Bakit nandito pa sila sa bahay? Usually, ganitong oras nasa company na si daddy at nasa office of congress naman si mommy.

“How’s school so far?” wika ni daddy.

“Tehee~~ we’re doing good, dad.”

“Liah, I hope you are not having flings again. I will cut your allowance if you messed up. You should behave well, you are carrying Faunteen’s surname. I was able to hide your fling rumors so you better behave like a fine lady.”

Blah…blahh whatever. Kung magkikita kami ay laging iyan ang sinasabi nila pagkatapos ay nakabibinging katahimikan na ulit.  Well, hindi kami open at close sa parents namin dahil parati silang busy. Tahasan nilang pinamumukha sa amin ang sobrang taas na expectation nila sa amin. Minsan nakaka-suffocate na. I can’t even date dahil bawal talaga akong exclusive na makipag date sadyang pasaway ako at sinungaling. Kesyo masisira daw ang pag-aaral ko at future ko kung magbo-boyfriend ako nang hindi pa ako nakakatapos sa pag-aaral. You know wala namang connection ang pagbo-boyfriend kasi kung bobo ka eh bobo ka talaga at hindi ang relationship ang dahilan kaya ka babagsak.

“We decided to give you the chance to live independently, now that you are in your 3rd year college. We have procured a simple yet secure dormitory. Maurice will live next to your dorm, Liah. We would summon you here in the mansion if there are private matters to discuss. We would also do a surprise visit, so you should be wary of your conduct and behavior.”

Amen! Hoely heavens grace! Noong first year college pa naming kinukulit sila na payagan kaming mag dorm pero ayaw nilang pumayag. Hindi pera ang dahilan, ang yaman nila dad eh. Yeah, sila ang mayaman at hindi ako dahil hindi ko iyon pera. I wonder bakit sila pumayag… hmmmm. Maybe they realized na matanda na kami at masyado na silang over protective sa amin.

It’s a good thing, then…

“Also, we are putting limits sa inyong cards. You should learn not to live lavishly, especially you Liah.”

Wait… what? Cutting my allowance means cutting my life line! What if maubos ko ng isang linggo ang dapat pang isang buwan ko na budget? Crap!

My hands are fidgeting. Hindi ako pwedeng magreklamo, my parent’s words and decision are always absolute.

“You’re going to be late. Both of you should leave now,” anas ni mommy. “One more thing. Liah, you should control your weight. You should maintain a good figure. I already told you beauty and physique are important in society, you will earn respect just by having a beautiful face and body.”

“I will exercise and go on a diet, mom.”

My mother was once an actress before she became a politician that’s why she has this habit na dapat perpekto kaming haharap sa mga tao. For her, this world has cruel judgment whereas, ang mukha at ganda ng katawan, liban pa sa yaman at talino ang basehan para irespeto ka ng mga tao. She want us to be perfect too. Nasasakal ako kaya paminsan minsan gumagawa ako ng slight na kalokohan just to feel na tao ako at hindi manika.

Tahimik lang ako sa loob ng van hanggang sa makarating kami sa gate ng Elysian Dream University. Habang papasok ng ga-higanteng main gate ay bigla akong hinawakan ni Maurice sa balikat. “Don’t take her word seriously.”

Mata-touch na sana ako sa kambal ko kung hindi lang talaga panira iyong bunganga niya. “Kahit maging balyena ka maganda ka pa rin siguro?” Nauna na siyang lumakad. Hinabol ko siya para sabunutan syempre, kaso lang nang maabot ko na ang buhok niya ay humarang si Lore na sumulpot bigla na parang kabute.

“Anong gagawin mo sa future husband ko?”

Nakita ko na namula ang tainga ni Maurice. Tsk!

“Don’t you think you are being rude to your future sister-in-law then?” sagot ko naman para tudyuin silang dalawa.

“Sinong nagsabing pakakasalan kita Lore. Ambisyosa mo naman, hindi kita type ano,” singit ni Maurice sabay lakad palayo. Pinanood na lang namin siyang makalayo sa amin.

“Ang cute talaga ng kambal mo Liah. Haysss sigurado ka bang lalaki iyan si Maurice?”

Ayan na naman po siya sa gay radar niya. “Malay ko bakit hindi mo itanong sa kanya?”

Biglang tumahimik si Lore at nag-blush? Wait anong klaseng reaksyon iyan? Something's fishy hmmmm… Anyway, I think kumpleto na ang araw ko. I am so lucky naman, ang agang vitamins sa mata naman. Nakasalubong lang naman si Dean sa hallway.

“Good morning, dean.” Ngumiti ako at yumuko ng bahagya para ipakita ang paggalang. Knowing na may iilang estudyante sa paligid, I know na hindi niya ako itataboy gaya ng laging ginagawa niya.

“Good morning. Ms. Faunteen and Ms. Buencamino.”

See? He is being civil towards me because I am with Lore and there are other people around us.

 Sinadya kong bahangyang huminto nang magtama ang balikat namin at winika ko sa mahinang tinig ang mga katagang, “I hope you didn’t forget what I told you last time, darling.” I am sure rinig niya ang sinabi ko dahil hindi naman sobrang layo ng agwat ng tangkad namin, 5’6 ako at siya ay 5’10. Nagpatuloy kami sa paglalakad at nilampasan namin si Dean. Bago kami lumiko para pumasok sa room ay lumingon ako sa direksyon kung saan nakita ko na na-estatwa pala si dean dahil sa sinabi ko.

You never failed to entertain me, dean.

I have decided on ways to court you… just wait.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tarra Tuan
pati ang gay radar ni Lore ay pinamana mo ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status