CHAPTER 2

Gaya ng paalam ko kay Amir ay hindi ako makakasabay sa kanyang umuwi. Kasama ng mga kagrupo sa project ay nagtungo kaming lahat sa library.

It's a research project kasi kaya kailangan tulungan kami sa paggawa. Nakakatuwa lang dahil parang bumalik na ulit ang lahat sa normal. Nanalasa kasi ang isang pandemya tatlong taon na ang nakararaan at ngayon lang napuksa ang nakamamatay na virus.

At ngayon nga balik nanaman sa face to face class, wala ng online class kaya tambak nanaman sa gawain.

"So kailangan nating mag-isip ng three reasearch topics. Iyon daw muna ang i-focus natin sabi ni Ma'am,' panimula ng leader namin na si Aika. Mabuti na lang talaga nasa amin ang top 1 ng klase.

We're already grade 12 student at graduating na din, kaya pinagpupursige ko din ang mag-aral. I'm top 3 sa aming klase kaya medyo may maipagyayabang din pero kapag overall rankings na e lagapak na ako. Mabuti pa nga si Amir, top 1 na sa klase nila ganon din sa overall rankings kaya mapapa-sana all ka na lang.

Masaya sana kung kaklase ko siya kaso na-late ako ng enrollment kaya naubusan ako ng slot, pero ayos lang bestfriend ko naman ang pinakamatalino sa batch namin.

"Lia tulala ka diyan." Napatingin ako sa nangalabit sa akin. Si Claire pala na ka-member din namin. "Kanina ka pa tinatawag ni Aika."

Ni hindi ko namalayan na natulala na pala ako. "Ano ba yon?" tanong ko kay Aika.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ikaw ba may naisip kang topic?"

Umiling ako. "Nag-iisip pa nga ako," palusot ko kahit wala naman. Tumingin ako kay Joshua na naglalaro lang ng kanyang ballpen kaya sinipa ko siya sa may paa.

Nagulat naman siya at napatingin sa amin. Nang tumapat ang kanyang tingin sa akin ay pinanlakihan ko siya ng mata. "Hoy ikaw anong ambag mo? May naisip ka na? o nag-iisip ka ba?"

Nagusot ang kanyang ilong. "Anong iisipin ko wala ngang laman. Pagkain na lang ambag ko," reklamo pa niya.

Napailing na lang ako sa sagot niya. Sa dami ba naman kasing kaklase na mapupunta sa amin siya pa ang nadikit sa amin. Magkakatabi kasi kami ng apelyedo kaya ganon. Buti na lang nandyan si Aika. Puro si leader na lang...

"Kapag nagdefense tayo at wala kang nasagot yari ka. Babagsak ka ni ma'am, mawawalan ka na ng kotse," pananakot ko.

Mayaman kasi itong si Joshua kaya nga di-kotse din, kaya lang napakatamad mag-aral. Pero okay na rin iyon atleast makalibre sa meryenda.

"Grade ng isa grade ng lahat 'diba?" nagtatakang tanong ni Claire.

Napasimangot ako sa kainosentehan niya. Niloloko ko nga rin si Joshua para kumilos. Ngising aso tuloy na tumingin sa akin ang tukmol.

Mas lalo tuloy nagtaka si Claire sa naging reaksiyon namin.

"Tama na nga yan imbes na matapos na tayo dito daldalan pa kayo diyan," mataray na suway ni Tricia sa amin.

Kamalas-malasan din na naging ka-grupo ko siya. May malaki kasi itong gusto kay Amir at palagi akong pinagseselosan kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Mag bestfriend lang din naman kami ni Amir. Pati sa top nakikipag kompetensiya siya. Nang minsan ngang maungasan niya ako sa top ay pinagyayabang niya iyong pinamukha sa akin pero syempre dedma lang din ako.

Hindi naman ako yung klase ng tao na papatol sa mga ganyan.

"Bakit may naisip ka na?" tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Syempre meron na," sabi niya sabay taas ng papel kung saan nakasulat ang naisip niyang topic. Inabot niya iyon kay Aika at pinakita.

Pasimple naman akong napairap at nagfocus na rin sa gawain. Isang oras ding kaming nag-usap at nang matapos ay tumambay pa muna kami saglit sa library.

I open an app and check for messages. Hinanap ko ang pangalan ni Amir and chatted him that we're finished. Sabi niya kasi ay susunduin niya ako. Habang naghihintay ay nilibang muna namin ang aming sarili sa pakikipagchismisan.

Lumipas pa ang ilang oras. "Mauna na kami Lia, anong oras na rin kasi." Napatango ako at nagpaalam na sa kanila.

Napatingin ako sa oras na naka-display sa aking phone at ala-singko na pala ng hapon.

"Sunduin ka ni Amir?" 

Napaangat ako ng tingin at nakitang nagpaiwan pa pala si Tricia at nakasulyap sa phone ko. Iniwas ko iyon at napasimangot sa tanong niya.

"Ano naman sa'yo kung susunduin niya ako?"

"None," sagot niya sabay mataray na umalis.

Napailing na lang ako sa kinilos niya. Muli akong tumingin sa aking phone at hinintay ang message ni Amir na saktong ngayon lang din na-seen.

Nangunot ang aking noo kanina pa ako nag-message pero nngayon lang na-seen. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to?

Mabilis kong sinagot ang tawag ng biglang mag-ring ang phone ko at malakas na tumunog kaya napatingin ako sa librarian na masama ang tingin sa akin. Napangiwi tuloy ako at humingi ng pasensiya.

"Amir busy ka? Bakit ngayon mo lang si-neen?"

"Sorry, I'm on a party but I'm on my way. I just need to finish this." 

Party? Wala siyang nabanggit sa akin. 

"Huh? Party? Anong party?"

Saglit na umingay sa paligid kaya nailayo ko ang phone sa aking tenga na muli ko ring binalik.

"It's nothing, just a party held by my parents. Matatapos na rin ito just wait me there."

Agad akong tumutol. "Hindi na no! May party pala kayo diyan, kaya ko namang umuwi."

"No."

"Saan ba yung party na yan?"

"Just in Quillon hotel."

Napanganga ako sa narinig ko. Quillon hotel? That's the most expensive hotel! My, ang yaman talaga ng bestfriend ko. Kung pwede lang magpaampon.

"Maka-just ka naman diyan. Edi ikaw na mayaman." Kailan naman kaya ako makakapasok sa gaanong kamahal na hotel? Baka kahit magtrabaho ako ng habang buhay ay hindi ko maafford ang pag-stay doon.

"Tss."

Natawa ako sa naging reaksiyon niya. Hindi ko man siya nakikita pero panigurado iniismiran na ako ng lalaking iyon. Ayaw niya kasing pinaglalandakan ang yaman nila dahil sa parents naman daw niya iyon at hindi kanya. Sus siya rin naman ang magmamana.

Tumayo sa ako sa aking upuan at naglakad na palabas ng library. "Oh siya-siya, aalis na ako. Huwag ka ng mag-abalang sunduin ako magpakasaya ka na lang diyan sa party, bye!" 

"Wait--" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatay na ang tawag. Paniguradong hindi nanaman niya ako papayagang umuwi mag-isa as if naman na may mangyayari sa akin.

Nang makalabas na ako ng campus ay naglakad na ako papuntang kanto kung saan pwedeng mag-abang ng jeep. Agad kong pinara ang jeep na hindi pa puno at sumakay doon.

Nagbayad na ako ng pamasahe at naghintay hanggang na makarating malapit sa village namin. Nang makababa ay muling akong sumakay ng tricycle para papasok naman sa aming village. Nakakatamad na kasing maglakad.

Saglit lang din ay nakarating na ako sa bahay ko. Naglakad ako papuntang gate at biglang nagtaka ng mapansing bukas ang gate. Kinibit balikat ko na lang iyon, bulok na rin kasi ang gate.

Naglakad na rin ako papasok ng bahay at doon na natigilan ng mapihit ko ang sedura ng pinto. I was so sure that I've locked the door.

Agad akong binalot ng kaba ngunit pilit kong tinatagan ang loob ko at naghanap ng pwedeng pamalo. Nang makakita ng matabang kahoy ay kinuha ko ito at hinanda ang sarili.

Mabilis kong binuksan ang pinto at tinignan kung may tao. Wala naman akong nakita bukod sa wasak-wasak kong gamit. Halos manlumo ako sa aking nandatnan.

The hell! Anong klase silang magnanakaw! Halos luma na nga ang mga gamit ko at wala rin naman silang mapapala sa bahay ko. Buti sana kung kila Amir sila magnakaw atleast marami silang mahuhuta. Napailling ako sa naisip, hindi rin pala nila mananakawan iyon baka bago pa sila makapasok natusta na sila.

I didn't let my guard down at nilibot ang first floor ng makitang walang tao ay umakyat ako ng second floor at gaya ng nasa first floor ay wasak-wasak din ang mga gamit ko.

Minadali ko ang punta sa aking closet at hinanap ang pinakakago kong kwintas. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang naroon pa ito. Nanghihina akong napaupo at halos maiyak na niyakap ang kwintas. This was my only memories of my mom. This house, the furniture everything wala akong pinalitan ni isa kahit halos naghihingalo na sila because this is my only memories of my parents, my mom.

Now, in just a snap its all gone.

Napayuko ako at napasabunot sa aking sarili. I let myself process what happened and find encouragement.

Nang medyo nakapag-isip na ay at saka ko tinawagan si Amir. Wala pang ilang segundo ay sinagot na niya ito.

"Where are you?" agad niyang bungad sa akin.

"In my mess house?" 

"What?"

"Everything is a mess Amir. Mabuti na lang hindi nawala ang kwintas, kahit iyon na lang. Bakit kailangang mangyari ito? Walang-wala na nga ako pero bakit? Am I really that unlucky, Amir?"

"Aia..." Just hearing him say my name makes me comfortable.

"Can you come now Amir? Please? I'm sorry for disturbing but I need you now," I pleaded.

"You will never a bother my Aia, don't worry I'm on my way."

My Aia...

I smiled. "Still I'm so lucky to have you."

Habang naghihintay ay sinubsob ko lamang ang aking ulo sa tuhod ko na aking yakap. I let myself drowned in silence.

I don't know what time is it now, pero ganoon na lang ata ako nakahinga ng maluwag ng makita ko si Amir na madaling tumakbo palapit sa akin. Bakas sa mata niya ang pag-aalala at saka ako sinnugod ng yakap.

I let his warm enveloped me and stayed in silence. It really feels good that he's here.

Humiwalay siya ng yakap sa akin at sinapo ang aking pisngi. "How are you feeling?"

"I'm so happy that you're here," pag-amin ko.

"I thought something happened to you," nag-alala niyang sabi at muli akong niyakap.

"Who did this? Why do they have to do this? Ito na nga lang ang tanging alala sa parents ko sinira pa nila."

"don't worry I'll find those jerks, okay?" seryosong tanong niya pero hindi ko maiwasan ang mapangiti.

"Thank you Amir," I sincerely said while looking at his eyes. I always finds my comfort whenever I look at his deep brown eyes.

Hinawi niya ang ilang buhok ko na tumatabing sa aking mukha at mataman din akong tinignan. Napapikit ako sa haplos niyang iyon sa aking pisngi.

"Amir.." Hindi ko maiwasang mabanggit.

Napakurap-kurap siya at tila natauhan ng makita kung gaano kalapit ang aming posisyon. Bahagya siyang lumayo at hinawakan ako sa magkabilang kamay upang alalayang tumayo.

"I can't let you stay here," biglang sabi niya.

Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Huh? Hindi pwede iyon. Wala rin naman akong ibang tutuluyan."

"No, just listened to me. We don't know who did this o kung balak pa nilang bumalik. I can't risk you safety here," paliwanag niya.

"Pero--" Natigilan ako ng makita kung gaano siya kaseryoso.

Malungkot ako tumango. "Where will I stay? Wala naman akong pambayad ng ibang paupahan."

"Don't worry Aia, I got this. Just bring some of your clothes." 

Wala akong nagawa kung hindi ang sunding ang inutos niya. I don't know what will happened now but I really thankful that Amir is here.

Maybe I can't live if Amir is not here. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status