CHAPTER 3

Ang aking akala ay hahanapan ako ni Amir ng pwedeng maupahan ngunit hindi ko naman akalain na sa condo unit niya ako dadalhin at sa Quillion Real estate pa. Bukod kasi sa hotel ay may maipagmamalaki pa silang Condo residence na halos puro artista at mayamang negosyante and nakatira.

"Amir sobra naman ata ito," alanganing sabi ko. Sino ba naman ako para tumira sa ganitong lugar? Ni wala nga akong pambayad dito.

"I've told you already you don't have to worry about this."

We're on the sixth floor. Nang matapat kami sa kanyang unit ay inopen na niya ang pinto gamit ang fingerprint at passcode niya. Sobrang high tech naman.

Kung anong kinaganda ng labas ay doble sa kinaganda ng loob ng unit niya. Sobrang aliwalas at nakakayaman talagang tignan. I think it has a modern style with black and white theme. Typical na type ng mga lalaki. Hindi nga siya boring tignan pero hindi ko naman trip ang black na color. Masyado nang dark ang buhay ko para magustuhan ko pa ang kulay na yan. Chos. 

Nilibot ng aking tingin ang paligid. Hanggang tingin lang talaga dahil kahit naman bestfriend ko siya at halos sabay na kaming lumaki ay may hiya pa rin naman ako.

Tinanggal ko ang aking sapatos at medyas na lamang ang natira, kahit nga ang medyas kong butas ay nahihiya pa sa linis ng sahig. 

"Come, I'll show you your room," Aya niya sabay bitbit ng maleta ko.

"This will be your room while staying here," sabi niya sabay lapag ng maleta sa may tabi ng kama.

Muli akong namangha ang kuwarto at sa laki ng kama. I think its a queen size bed.

"Nakakahiya naman dito Amir, pwede naman kahit sa simpleng apartment na lang ayos na ako. Wala rin naman akong ipangbaabyad dito," pag-amin ko.

He looked at me. "We grew up together and still your still shy, Aia." There's a faint smile on his lips. Syempre kahit kaunti marunong naman siyang ngumiti.

Naaasar na hinampas ko siya sa braso. "Kasi naman ang mahal-mahal dito at ang kapal naman ng mukha kong makitira pa dito, ni hindi ka nga nagii-stay dito."

"Because its too far sa school."

"Ay oo nga malayo ito sa school. Paano na yan? Mukhang wala atang jeep na dumadaan sa area na ito. Wala rin naman akong pangtaxi."

"Susunduin kita."

Nangunot ang aking noo. "Anong susunduin? Edi na-late ka naman niyan."

"I won't be late." 

"Huh? Paano?"

"I'll be staying here too," simpleng sagot niya na nagpalaki ng aking mata.

"Anong dito ka din titira? I mean oo condo mo nga ito pero bakit?" naguguluhan kong tanong.

"This maybe the safest place for you, but I can't assure it. I have to be with you, so I can keep you safe." Ayan nanaman siya sa seryoso niyang tono.

Umiling ako. "Ang OA mo lang, Amir. Okay na ako dito. Ayaw ko nang abalahin ka at saka hindi rin naman ako magtatagal dito at kapag napaayos na rin ang bahay ay makakabalik na rin ako."

"Exactly, we're just staying here for a short time so while waiting for your house to be renovated then we'll be staying here."

"Pero--" nais ko pa sanang tumutol pero his eyes again. I can't really resist him when he look at him with that eyes.

"Aia.."

"Fine! Ikaw na panalo," suko kong sagot.

He smirked and just help me with my luggage. Nang matapos kami sa pagaayos ay ako na ang naghanda ng pagkain. Mabuti na lamang at may frozen food pa dito kaya iyon na lamang ang niluto ko.

"We need to buy groceries," sabi niya habang kumakain.

Tumango ako. "Oo nga, pero utang muna ah wala pa akong pera hindi pa ako sumasahod."

I'm a working student in a fastfood chain near the university. Hindi man kalakihan ang sahod pero sapat na rin naman iyon para mabuhay ko ang sarili ko.

Mabuti na nga lang talaga at nakakuha ako ng scholarship sa university at nag-apply din ako as student assistant para wala na akong babayaran sa tuition ko. Ito na lang kasi ang pangako ko may mama.

When I was still a child she always told me that she'll work hard so she can give me everything and all I just need to do is to grow healthy and study hard so I keeping my promise. I maybe lost them, but I won't let myself loss too.

"You don't have to pay me. Just save it for yourself, I don't need it anyway," tanggi pa niya.

Nginisian ko siya. "Yiieh. Yaman talaga ng prinsipeng bestfriend ko," pang-aasar ko pa.

Mukhang natigilan siya sa aking sinabi at napatingin sa akin. Nabura ang aking ngisi sa labi at nagtatakang tinignan siya.

"Niyare sa'yo?"

Umiling-iling lang siya nagpatuloy ng kumain. Minsan talaga hindi ko mabasa ang lalaking ito.

"Teka alam ba ito ng parents mo? Baka mayari tayo." Bigla kong naalala ang parents niya.

Mabait naman ang magulang niya kaya lang strict talaga sila kaya nakaka-intimidate minsan.

"They don't know that you're here, pero alam nilang dito ako magii-stay." 

Napatango-tango ako at tinapos ng kumain. 

Pagkatapos din ay umalis na kaming dalawa para bumili ng mga kinakailangan. Nag-grocery kami at bumili rin ng ilang kagamitan para sa akin. Ilang beses nanaman akong tumanggi pero as usual si Amir ang nasunod.

Sa mga sumunod na araw gaya ng napag-usapan ay sa condo unit na rin nag-stay si Amir. Sabay kami palaging pumasok at sabay ding uuwi, kahit nga sa trabaho ko ay hinintay pa niya ako para lang sabay kaming umuwi. Wala akong magawa sa katigasan ng ulo niya, kaya sumuko na rin ako sa kakasaway at pagtutol.

Minsan din ay sinasamahan niya ako kapag may meeting kami about sa research project kaya itong si Tricia ay ang sama nanaman ng tingin sa akin, pero masyadong feeling kapag kay Amir. 

Pagod akong nag-inat-inat at lumabas ng fastfood chain na aking pinagtratrabahuhan. Nag-overtime kasi ako dahil sa dami rin ng customer at para may dagdag kita. Naglakad ako palapit sa sasakyan ni Amir na nakaabang lang sa tapat nito. 

Binuksan ko ang pinto sa may passenger seat at sumakay doon. 

"Kakapagod," mahinang ani ko at napapikit na ako dahil sa matinding pagod.

"Hindi mo dapat pinapagod ng husto ang sarili mo." Rinig kong sabi pa niya.

"Kailangan," maikling tugon ko. Ramdam kong unti-unti na rin ako kinakain ng antok kaya hinayaan ko lang ang sarili kong magpatangay.

"If I can just take all the burden for you." 

Narinig ko pang may sinabi siya ngunit hindi na malinaw dahil tuluyan na akong kinain ng kadiliman.

Nagising ang aking diwa nang bigla kong maramdaman na para akong hinehele. Medyo dumilat ako at nakita si Amir na buhat-buhat ako habang naglalakad papasok ng aking tinutuluyang silid.

"Amir.." mahinang tawag ko sa kanya.

"Sleep, my Aia." Parang naging musika iyon sa aking tenga at muling napapikit.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang aking sarili na binaba marahil ni Amir sa malambot na kama.

"Goodnight, Amir," nagawa ko pang magsalita kahit muli nanaman akong kinakain ng ulirat.

"Sleep tight," bulong niya at sabay ko lamang naramdaman ang malambot na bagay na dumapo sa aking noo, hindi ko na nagawang isipin kung ano pa iyon hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Umaga na ng magising ako sakto. Buti na lamang aywalang pasok ngayon kaya mahaba ang pahinga ko. Lumabas ako ng kuwarto ng walang ayos-ayos at tanging mumog lang ang ginawa ko. Si Amir lang naman ang nandito kaya ayos lang kahit ano pa maging itsura ko.

DMCA.com Protection Status