CHAPTER 2

Tanghali na ngunit mahimbing pa ring natutulog si Heryst sa kanyang malaking kama. Lubha itong napagod sa ginawa nilang pagsasanay kasama ang kanyang kuya na si Zheus at ang mga tauhan nito.

Araw-araw silang nagsasanay upang mahasa at matuklasan ni Heryst ang iba n'ya pang kapangyarihan.

"Anak tumakbo ka na... Iligtas mo ang iyong sarili, Aris!"

Naputol ang mahimbing na pagkakatulog ni Heryst nang may nagpakitang mga imahe sa kanyang isip. Nananaginip s'ya, buhay ang kanyang katawan ngunit hindi n'ya kayang idilat ang kanyang mga mata.

Nakikita n'ya sa kanyang panaginip ang batang iniligtas n'ya noon.

"Ayaw ko, dito lang ako! Ayaw ko po kayong iwan."

Umiiyak na sagot ng bata sa kanyang mga magulang. Kitang kita ni Heryst ang pagluha ng batang si Aris at hindi n'ya na rin namalayan na kahit s'ya ay lumuluha na rin.

"No, Aris! Makinig ka... Mom and I will handle this. Ano man ang mangyarei ay hindi ka lalabas mula sa lugar na ito, huwag na huwag mong ididilat ang mga mata mo okay?" utos ng kanyang ama sa kanya. Tumango na lamang ang batang si Aris dahil ito ay utos ng kanyang ama at lahat ng mga utos nito ay sinusunod n'ya.

"Mommy, I'm scared!" natatakot na sabi n'ya sa kanyang mama.

"Anak, huwag kang matakot dahil nandito kami ng Daddy mo, poprotektahan ka namin okay? tandaan mo na mahal na mahal kita, mahal na mahal ka namin ng Daddy mo," niyakap s'ya nito ng mahigpit na parang ayaw na n'ya itong bitawan.

Biglang may mga yapak silang narinig, palakas ito ng palakas at ibig sabihin lang nito ay malapit na ang mga ito.

"Now close your eyes, huwag na huwag kang didilat anak ko! mahal na mahal ka namin," tinakpan ng kanyang ina ang kanyang mga mata at nang sandaling tinanggal na n'ya ang kanyang mga kamay sa mga mata ng kanyang anak ay agad nyang sinarado ang pinto ng maliit na silid na kong saan ay doon nakatago ang pinakamamahal nilang anak na si Aris.

"Huwag na kayong magtangka pa na tumakas dahil hindi kayo makakawala sa amin!" sabi ng isang lalaki. Limang taong nakasuot ng itim ang nasa harap nila ngayon at lahat ito ay may kanya kanyang hawak ng mga baril.

"Bakit kayo lang? Nasaan ang anak n'yong lalaki? Nasaan nyo s'ya tinatago?" galit na tanong ng isa sa mga lalaki at agad na pinaputok ang kanyang baril, mabuti na lamang ay paitaas n'ya ito pinaputok.

Mula sa loob ng maliit na silid kung saan nagtatago ang batang Aris ay rinig na rinig ang malakas na putok ng baril. Ito at ikinagulat ni Aris, mabuti na lamang ay agad nyang natakpan ang kanyang bibig dahil kung hindi ay makakagawa s'ya ng ingay at pag nangyari 'yon ay paniguradong malalaman ng mga masasamang tao kong saan s'ya nagtatago.

"Parang awa n'yo na, huwang nyong saktan ang anak namin. Bata lamang s'ya at wala siyang alam sa mga nangyayari!" pagmamakaawa ng magasawa sa limang kalalakihan sa kanilang harapan. Natatakot man ang magasawa sa kanilang kalagayan ngunit mas natatakot sila na baka mahanap ng mga masasamang tao na ito ang kanilang anak.

Nang marinig ni Aris ang tinig ng kanyang mga magulang na nagmamakaawa ay hindi na nito napigilang huwag dumilat. Nagaalala s'ya sa kung ano ang mangyayari sa kanyang mga magulang.

"Nasaan ang anak n'yo!" tanong ng isa sa mga kalalakihan.

"Hindi namin alam, at hindi namin sasabihin kaya please pabayaan n'yo na ang anak namin, parang awa n'yo na, huwag n'yo syang sasaktan," lumuluhang pagmamakaawa ng kanyang ina. Nakaluhod na ang magasawa para lamang magmakaawa para sa kaligtasan ng kanilang anak. Wala ng ibang iniisip ang magasawa kung hindi ang kaligtasan ng kanilang anak. Wala na silang pake sa sarili nilang mga buhay, basta mabuhay lang ang kanilang anak.

"Ah ayaw nyo palang sabihin, kung ayaw n'yo ay mas mabuting mamatay na lamang kayong dalawa!" pagkatapos ng mga salitang iyon nagpakawala sila ng dalawang magkasabay ng putok ng baril.

Sabay na natumba sa sahig ang dalawang mag-asawa habang naghihingalo. Nakatingin lamang ang dalawa sa isa't isa na parang nangungusap ang kanilang mga mata.

Humihinga pa ang mga ito ngunit ng makita ng mga kalalakihan na humihinga pa ang dalawa ay walang awa nila ulit na binaril ang dalawa. Sa puntong iyon ay nawalan na nga ng buhay ang mag-asawa.

Lahat ito ay nasaksihan ni Aris, nasaksihan n'ya mismo sa kanyang harapan kung paano walang awang pinatay ng mga taong iyon ang kanyang mga magulang.

Gustuhin mang lumabas ni Aris upang tulungan ang kanyang mga magulang, makita at mayakap ay hindi n'ya kayang gawin dahil ang bilin sa kanya ng kanyang mga magulang ay huwag lumabas sa lugar na iyon, ano man ang mangyari.

Ang tanging nagawa lamang nya ay umiyak ng tahimik habang tinitignan ang kanyang mga magulang na parehong wala ng buhay.

"Hanapin n'yo ang bata, panigurado ay hindi pa nakakalayo iyon," utos ng isang lalaki sa kanyang mga kasamahan. Agad naman na kumilos ang mga ito para maghanap.

"TAMA NA! TAMA NA!" paulit ulit na sambit ni Heryst dahil sumasakit na ang kanyang ulo, pinapawisan na rin sya at dahil sa nangyayari sa kanya ay lumilikha ito ng malakas na kapangyarihan na nagiging dahilan upang magkagulo ang mga puno't halaman.

Naramdaman ni Zheus na may nangyayaring kakaiba sa kanyang kapatid kaya ay agad nyang ginamit ang teleportation upang makarating agad sa silid ng kanyang kapatid at malaman ang nangyayari rito.

Nang makarating s'ya sa silid nito ay kitang kita nya ang kaguluhan na nangyayari sa silid ng kapatid. Lahat ng mga gamit ay lumulutang at nagkakagulo ang mga ito pati na rin ang mga puno't halaman ay nagkakagulo na rin dahil sa kapangyarihan na nilalabas ni Heryst.

Hindi pa rin nagigising si Heryst at dumadaing pa rin ito dahil sa sakit ng ulo at ng dahil sa labis na pagaalala sa kapatid ay agad nyang hinawakan ang ulo nito, kasabay nito ang pagilaw ng kanyang kamay at dahil duon ay napabalikwas ng kama si Heryst.

Huminahon na ang paligid lalo na ang mga puno't halaman ngunit sobrang gulo ng silid ni Heryst dahil sa mga gamit na nagsibagsakan.

Pinagpapawisan ito at meron ding mga luha na dumadaloy sa kanyang mga mata. Hindi na nakayanan ni Heryst ang mga nakita n'ya sa kanyang panaginip at napahagulhol na lamang. Naawa si Zheus sa kanyang kapatid at nagaalala dahil ngayon lang nangyari ito at alam nyang mahirap ito para sa kapatid.

Nilapitan ni Zheus si Heryst at niyakap ito. Hindi n'ya alam ang gagawin para pagaanin ang kalooban ng kapatid dahil ito ang unang beses na nangyari ang ganitong pangyayari.

"Tahan na, nandito lang si kuya, babantayan kita hanggang sa maging maayos ka," iyan lamang ang nasabi n'ya habang yakap yakap ang kapatid.

Ramdam ni Zheus ang panlalamig ng katawan ni Heryst at mas lalo pa syang nagaalala dahil hindi ito humihinto sa pagtangis.

                                ###

"Kumusta na ang anak kong si Heryst?"

Tanong ni haring Daurus sa kanyang kanang kamay na si Johro. Nasa loob sila ng kaharian ngayon at sila lamang ang nasa loob ng silid ng hari dahil ang pinaguusapan nila ay napaka importante. Si Johro ay ang isa sa mga taong lubos na pinagkakatiwalaan ni Daurus sa lahat ng bagay. Noong ang mga magulang pa lamang ni Daurus ang namumuno sa kaharian ng  Eriatha ay naroon na si Johro upang magsilba sa kanyang mga magulang. Siya rin ang naging kanang kamay ng ama ni Daurus at ngayon naman ay si Daurus na ang pinag sisilbihan nito.

Matanda na si Johro ngunit malakas pa rin ito, dahil na rin siguro ay s'ya ang namumuno sa mga sundalo ng kaharian ng Eriatha ay hindi nito pinababayaan ang kanyang sarili dahil alam nya ang kanyang tungkulin, ang pagsilbihan ang hari at mga anak nito pati na rin ang panatilihing maayos at ligtas ang buong Eriatha, hanggang sa kanyang huling hininga.

"Kalmado na po s'ya at hindi na katulad kanina na magulo ang kanyang isipan, sa ngayon ay binabantayan s'ya si prinsipe Zheus sa kanyang silid habang s'ya ay nagpapahinga," sagot ni Johro sa kanya.

Naging panatag na ang kalooban ni Daurus sa sinabi ni Johro sa kanya ngunit may bumabagabag sa kanyang isipan.

"Hindi kaya ay nangyayari na ang nakatala sa propesiya? Johro?" tanong ni Daurus dito, napayuko na lamang si Johro nang s'ya ay tanungin nito.

"Ayaw ko man na sabihin ito sa iyo, haring Daurus, ngunit sa tingin ko ay nagsisimula nang mangyari ang ating kinatatakutan," mahinang sabi ni Johro, kahit s'ya ay nagaalala rin sa ngayayari dahil ang mga anak ni haring Daurus ay napamahal na rin sa kanya.

"Kung ito nga ay nangyayari na, kailangan nating humanap ng solusyon, hindi ko hahayaang mapahamak ang aking anak at ang kaharian na ito," napahawak na lamang si Daurus sa kanyang ulo, dala na rin siguro ito ng pagod at labis na pagaalala sa anak na si Heryst.

"Magpahinga na po muna kayo haring Daurus, hindi makakatulong ang labis na pagiisip sa ating suliranin. Kailangan kayo ng ating mga tao kaya dapat ay maayos ang inyong pangangatawan. Ako na po muna ang bahala sa prinsipe at prinsesa, maiwan ko na po kayo," yumuko si Johro bilang pagpapakita ng paggalang.

Hindi pa rin napapanatag ang isip ni Daurus at ng dahil doon ay naalala nanaman n'ya ang mga pangyayari ng nakaraan na kailan man ay hinding hindi n'ya makakalimutan.

                       Flashback

"Alice? Paano mo ako nagawang lokohin?" tanong ni Daurus sa minamahal nyang si Alice.

"Isa kang inutil Daurus, hindi mo man lang ba napapansin na hindi talaga kita tunay na mahal?" natatawang tanong ni Alice sa asawang si Daurus. Kitang kita ni Daurus ang pagkakaiba ng Alice na minahal n'ya noon at ang Alice na nasa harap n'ya ngayon.

"Nagsisinungaling ka! Paano ang mga anak natin? Paano si Zheus at Heryst?" sa puntong iyon ay lumuluha na si Daurus. Tunay na mahal na mahal n'ya si Alice at hindi n'ya kayang tanggapin ang mga sinasabi nito sa kanya.

"Mga anak? Kailan man ay hindi ko sila tinuring na anak at kailan man ay hindi ko sila ituturing na anak dahil wala akong anak sa'yo!" tumatawa pa ring sabi ni Alice sa kanya.

"Bakit?" iyan na lamang ang nasabi ni Daurus sa kanyang asawa dahil hindi s'ya makapaniwala sa mga sinasabi nito.

"Bakit? Nagpakasal lang naman ako sayo dahil parte iyon ng aming plano. Nagpakasal lang ako sayo dahil gusto kong magkaanak tayo at ang babaeng anak natin ang magiging armas ko laban sayo," galit na sagot ni Alice kay Daurus.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Daurus sa asawa.

"Ang tunay talaga naming pakay ay kukunin namin ang karapatan ninyong mamuno sa mga bundok na ito at kami na ang maghahari rito, ngunit ayaw n'yo kaya hindi mo ako masisisi sa gagawin ko. Isusumpa ko ang babae nating anak, sa kanyang paglaki ay magkakaroon s'ya ng kapangyarihan na sisira sa lugar at kaharian na ito, s'ya ang sisira sa buong kaharian na ito at sa mga naninirahan dito. Iisaisahin n'ya kayo, mula sa mahihina hanggang sa malalakas, s'ya ang papatay sa inyong lahat."

Pagkatapos nyang sabihin ang lahat ng iyon ay agad na dumilim ang kalangitan at umihip ang malakas na hangin at kasabay nito ang paglabas ng maitim na usok mula sa mga kamay ni Alice at ito ay agad na pumunta sa sanggol na si Heryst at pumasok ito sa katawan ng sanggol.

"HINDI!" sigaw ni Daurus at agad na pinuntahan ang anak. Iyak lamang ng iyak ang sanggol na si Heryst pagkatapos ng nangyaring iyon. Ang iyak nito ay parang nasasaktan, at walang magawa ang ama na si Daurus upang patilain ang pag iyak nito.

"Hanggang sa muli, Daurus," iyan ang huling tinig ni Alice at naglaho na lamang ito na parang bula.

                    End of Flashback

Napaupo na lamang si Daurus sa kanyang trono ng maalala n'ya ang mga pangyayaring iyon. Ilang taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa kanyang alaala ang lahat ng iyon at ngayon ay nangyayari na nga ang sumpa. Ang tanging nasa isip lamang n'ya ay pipigilan nyang mangyari iyon at poprotektahan n'ya ang kanyang anak.

                                ###

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Maayos na ba?"

Tanong ni Zheus sa kapatid. Gising na ito mula sa pagkakatulog at halata sa kanya ang paghihina mula sa nangyari kanina. Ang nasa isip ni Zheus ay dahil malakas ang inilabas na kapangyarihan ni Heryst kanina kaya s'ya ay nanghihina ngayon.

"Ano ang nangyari kuya? Bakit nandito ka?" tanong ni Heryst sa kanyang kuya.

"Hindi mo ba naaalala ang nangyari sa'yo kanina?"

Biglang napahawak ng ulo si Heryst dahil unti unti na nyang natatandaan ang nangyari sa kanya.

"Natatandaan ko na ang lahat ng nangyari kanina kuya ngunit sumasakit ang ulo ko kapag naaalala ko ang mga ito," sagot ni Heryst sa kanyang kuya.

"Pasensya na sa itatanong ko sayo, Heryst, ano ba talaga ang nangyari sayo kanina? Ngunit kung hindi ka pa maayos ng lubusan ay ayos lang sa akin na hindi mo muna sagutin ang aking tanong sa'yo," zheus.

"Ang natatandaan ko lamang ay mahimbing akong natutulog, ngunit naantala ito dahil nanaginip ako. Napanaginipan ko ang nangyari sa batang iniligtas natin noon. Sa tingin ko ay noong binura ko ang alaala n'ya ay napunta ito sa akin,ngunit bakit? Hindi ko alam ang dahilan," naguguluhang sagot ni Heryst sa kanyang kapatid.

Ano mang pagiisip ang gawin n'ya ay hindi n'ya mahanap ang tunay na dahilan kung bakit nakikita n'ya sa kanyang panaginip ang mga alaala ng batang iyon.

"Tama na! Huwag ka ng masyadong magisip pa dahil sapat na ang mga sinabi mo sa akin, sa ngayon ay kailangan mong kumain dahil kaninang umaga ka pa hindi kumakain" sabi ni Zheus sa kapatid na si Heryst at agad na tinulungan na makatayo ang kapatid dahil ramdam pa rin n'ya ang panghihina nito.

"Nasaan si ama? Alam ba n'ya ang nangyari sa akin? Panigurado ay nagaalala s'ya sa akin!" malungkot na tanong ni Heryst sa kapatid. Nagaalala kasi s'ya na baka nabibigyan n'ya na ng sakit ng ulo ang kanyang ama dahil nitong mga nakaraang araw ay nakakagawa s'ya ng mga bagay na hindi dapat.

"Kasama n'ya si Johro ngayon, may mahalaga silang pinaguusapan. Kinumusta ka n'ya kanina ngunit tulog ka, lubhang kaming nagalala sayo kanina," sagot ni Zheus.

"Pasensya na kuya kong palagi ko kayong pinag-aalala," paumanhin ni Heryst sa kapatid.

"Huwag kang humingi ng pasensya dahil wala kang kasalanan, hindi mo kasalanan ang nangyari," nakangiting sagot ni Zheus sa kapatid. Gusto nyang pagaanin ang kalooban ng kapatid dahil hindi s'ya sanay na malungkot ito, nasanay kasi syang masiyahin at maaliwalas ang mukha nito na parang walang dinadalang problema.

Naglalakad ngayon ang dalawa papunta sa isang malaki at mahabang hapag-kainan at nang makarating silang dalawa ay nagulat sila sa kanilang nakita.

"Ano ito? Bakit napakadaming pagkain dito? May darating ba na mga panauhin?" gulat na tanong ni Heryst.

Sari-saring pagkain ang nakahain sa harapan nila, narito ang mga iba't ibang klase ng karne, mga prutas, at tinapay.

"Masaya kaming makita na maayos na kayo mahal na prinsesa Heryst. Narito po ang mga pagkain na inihanda ng mga tao natin, ito po ay utos ng ating hari, nawa ay magustuhan ninyo ito," sabi ni Johro na nakatayo sa gilid ng mahabang lamesa kasama ang mga tagaluto ng palasyo.

"Ngunit napakarami nito, hindi ko ito kayang ubusin ng ako lamang magisa, kuya? Paano ko ito mauubos?" tanong ni Heryst, gulat pa rin ito sa nakikita. Kung kanina ay nagugutom s'ya, ngayon ay nawala na ang kanyang gutom ng makita n'ya kong gaano kadami ang nasa harapan n'ya.

Napatawa na lamang ng mahina si Zheus at parang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib dahil sa wakas ay bumalik na ulit ang sigla sa mga mata ng kapatid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status