CHAPTER 5

Heryst's POV

Sobrang sakit at sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang mga luha na kusang lumalabas mula sa aking mga mata. Ang sakit dulot ng nangyari ay patuloy na dumudurog sa aking puso. 

Wala akong makita kung hindi mga puti at berde na kulay lamang sa aking paligid. Maliwanag ang mga kulay na ito at ito ang nagsisilbing paalala sa akin na hindi na ako makakabalik sa tunay kong mundo. Ang lugar na ito ay ang daan patungo sa kabilang mundo, sa mundo ng mga tao.

Patuloy lamang ako sa aking pagiyak. Hindi ko kayang pigilan ang mga luha na ito. 

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking katawan, "Arrgghh!" Napasigaw ako nang malakas dahil sa aking naramdamang sakit sa aking puso. Para itong tinutusok nang paulit ulit at hindi ko nakakaya ang sakit na dulot nito sa akin. Habang tumatagal ay mas sumasakit pa ito at nanghihina na rin ako.

Bigla na lamang pumasok sa aking isipan ang dahilan kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon. Ito ba talaga ang nararapat na kaparusahan sa akin, sobrang laki ba talaga ng aking nagawang kasalanan? 

Ito na ba talaga ang aking katapusan?

Patuloy lamang ako sa aking pagsigaw, ngunit hindi nito naiibsan ang sakit na aking nararamdaman at hindi ko na namalayan na dumilim na ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Aris's POV

"Salamat sa pagsama sa akin dito, Daniel."

Nandito kami ngayon sa isang Art Museum, kasama ko ngayon ang aking matalik na kaibigan na si Daniel.

"Wala 'yon bro. I have nothing to do today, wala rin naman akong night class ngayon kaya sumama na lang ako sa'yo para malibang naman ako," sabi niya sa akin habang naglalakad kami upang tignan ang mga artworks ng mga sikat na painters.

"Where's Alex? He was supposed to be here. Siya pa mismo ang nagsabi sa akin kahapon na sasamahan niya ako ngayon," tanong ko sa kaniya. Huwag niya sabihing nasa club nanaman ang lalaking 'yon.

"Kung ano ang nasa isip mo ngayon, tama ka. Huwag ka nang magtaka, dahil kung saan maraming babaeng magaganda, asahan mo na nandoon siya."

Nagtawanan kaming dalawa, ngunit mahina lamang ito dahil bawal ang maingay sa sa loob ng museum.

Nag-ikot pa kami ni Daniel at nakuha ng aking atensyon ang isang painting. Nasa sulok lamang ito at kung hindi mo ito lalapitan ay hindi mo talaga mapapansin na may ganitong masterpiece pala na nakalagay dito.

Nakalagay sa painting ang isang babae at isang lalaki, nakatingin ang babae at lalaki sa isat isa ngunit lumuluha ang babae at ang lalaki naman ay nakangiti. Magkasama ang dalawa sa painting ngunit may parang salamin o uri ng harang sa pagitan nilang dalawa at sa gitna nila ay isang maitim na uri ng tao ngunit wala itong mukha. 

Napaka mysterious ng painting na ito, parang may binibigay itong iba't ibang mensahe sa bawat taong makakakita ng painting na ito.

It's weird na maramdamang parang parte ako ng painting na ito.

"Hey, Aris. Alex just called me, punta raw tayo sa club ngayon. I think he is having a good time with his girls right now," tumawa pa siya ng mahina. 

                             ###

Nandito na kami ngayon sa club na sinasabi ni Alex sa amin ni Daniel.

"What's up bro," bati niya sa amin.

"Kumusta? Halatang nagkakasiyahan kayo rito," sabi ni Daniel at umupo sa isang upuan kasama si Alex at ang ibang mga kaibigan nito.

"Sayang at wala kayo kanina, ang ganda ng babaeng nakita ko, bro. Sayang lang at hindi ko nakuha ang number niya," sabi ni Alex at ininom ang alak na hawak niya. Walang kupas talaga ang lalaking ito. Nasa magkabilang gilid na nga niya ang mga babae, naghahanap pa ng iba.

"Huwag mo kaming itulad sa'yo, Alex. Pumunta lang talaga kami rito para uminom, mabuti na nga lang at napilit ko pa iyan," sabay tingin ni Daniel sa akin. 

"Aris, pasensya na talaga at hindi kita nasamahan kanina. Kailangan kasi nila ako," sabi niya at tinuro ang dalawang babaeng katabi niya.

"Nakakadiri ka, Alex. Doon lang muna ako sa counter."

Pumunta ako sa counter kung saan nandoon ang mga alak. Umupo ako doon at nag-order ng alak na gusto ko.

Hindi ko pa pala napapakilala ang aking sarili. Ako si Aris, isa akong pintor. Kaya ako nasa museum kanina ay dahil kailangan ko ng mga ideas para sa gagawin naming project sa aming school. 

Si Daniel at Alex ay ang aking mga kaibigan. Magkaibigan na kami mula bata pa lang, simula noong nawala ang aking mga magulang. Pareho lang kami ng edad ni Daniel, mas matanda lang siya ng ilang buwan sa akin. Ang bunso ay si Alex, mukha lang siyang babaero ngunit matino rin naman siya. Sadyang bata pa lamang at hindi pa mature magisip. 

"Here's you order, Sir."

Kinuha ko ang alak at ininom ito. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay, medyo nakakapagod ang araw na ito sa akin. Masyado akong nag-focus kung paano mapapaganda ang aming project sa school.

Masyadong malakas ang music ng buong club kaya inilabas ko ang aking AirPods at nilagay ito sa aking magkabilang tenga, hindi ko ito nilagyan ng music, gusto ko lang na huwag masydong marinig 'yong malakas na music ng club. I actually don't like this kind of places, sumama lang talaga ako rito dahil gusto kong uminom. 

Napatigil ako sa aking pagiisip dahil may biglang kumalabit sa akin. Tinanggal ko ang isang AirPod na nasa aking tainga at tinignan ang taong kumalabit sa akin.

"Hello, handsome. Wanna drink with me?" tanong ng babaeng kaharap ko ngayon.

Tinignan ko lamang siya saglit at ibinalik ulit sa aking tainga ang aking AirPod.

After a few seconds, naramdaman ko ulit na may kumalabit sa akin. 

Sa pangalawang pagkakataon ay tinanggal ko ulit ang AirPod sa aking tainga.

May sasabihan pa sana ang kaharap kong babae ngunit inunahan ko na siyang magsalita, "Can you please leave me alone? Miss."

Pagkatapos kong sabihin iyon sa kaniya ay binalik ko na ulit sa aking tainga ang AirPods ko at wala na akong balak na tanggalin pa ulit iyon para sa kanya. Naramdaman ko naman na umalis na siya at pagkatapos noon ay itinuloy ko na ang aking paginom.

Ito ang isa sa mga ayaw ko sa lugar na ito. Hindi ka magkakaroon ng private time sa sarili mo. I don't like this kind of girls, they only know to flirt at pagkatapos ay ipipilit na nila ang sarili nila sa'yo kahit ayaw mo. If you let them, they will take advantage of you.

Heryst's POV

"Miss, okay ka lang ba? Miss?" 

Anong ingay iyon? Kaninong boses ba ang naririnig ko? Bakit iba't ibang tunog ang naririnig ko sa aking tainga?

Idinilat ko ang aking mga mata, malabo pa ang mga ito ngunit unti unti rin itong lumilinaw. Nakita ko ang ibat ibang liwanag na nanggagaling sa iba't ibang sulok ng lugar, at mga taong naglalakad. Ito na ba? Ito na ba ang mundo ng mga tao?

"Miss? Are you okay? Nakita kasi kitang umiiyak kanina."

Tumingin ako sa taong nagsasalita. Babae ito at halata sa mukha niya na nagaalala siya.

"Ayos lang ako," sagot ko sa kaniya at niyakap ang aking sarili, malamig ang lugar na ito. Pakiramdam ko ay nagiisa ako... oo nga pala magisa nalang pala ako ngayon.

Narinig ko ang yapak niya paalis sa akin. Bumagsak nanaman ang aking mga luha. Hindi ko akalain na darating ako sa punto ng aking buhay na wala akong matatakbuhan, wala akong kasama, magisa nalang ako.

Matapos ang ilang minuto ay napagpasyahan ko na umalis sa lugar na kinauupuan ko. Pinunasan ko ang aking mga luha at tumayo sa aking pagkakaupo. Hindi pwedeng iiyak na lang ako, kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa, dahil magisa na lamang ako.

Inihakbang ko ang aking mga paa at nagsimulang maglakad. 

Tumingin ako sa bawat lugar. Napakaraming ilaw at sari't saring tunog ang aking naririnig, mga taong naguusap, nagtatawanan, at nagkakantahan. Ganito ba talaga ang mundo ng mga tao? Kung ipagkukumpara ay wala itong pinagkaiba sa mundo namin, ang kaibahan lamang ay sa aming mundo ay puro mga halamang berde ang nasa paligid.

Napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga tao. Halata sa mukha nila ang pagtataka sa kanilang nakikita. Niyakap ko nalang ang aking sarili at yumuko na lamang habang naglalakad. 

Pakiramdam ko ay matutunaw ako dahil sa kanilang pagtitig sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala akong alam sa mundong ito. Hinahayaan ko na lamang ang aking mga paa na humakbang kahit alam ko na wala naman akong patutunguhan.

Habang naglalakad ay huminto ako at tumingin sa aking likod, napapansin kong malayo na ako sa lugar kung saan ako nakaupo kanina. Medyo konti na rin ang mga tao na aking nakakasalubong.

Humarap ako at nakitang madilim na ang lugar na aking lalakaran. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lamang.

Konting minuto lang ang lumipas at nakalagpas na rin ako sa madilim na lugar na iyon. May nakita akong mga konting tao, pero ang mga taong ito ay kakaiba sa mga taong nakita ko kanina.

Karamihan sa kanila ay mga itim ang suot, at meron silang hawak na bagay na inilalagay nila sa kanilang bibig at pagkatapos ay may binubuga silang puting usok, paulit ulit nila itong ginagawa at kakaiba ang amoy ng usok na nilalabas nila mula sa bagay na ito. Meron din silang iniinom na galing sa bote.

Anong klaseng bagay ba ang hawak nila? May kapangyarihan din ba sila?

Medyo natakot ako sa aking nakikita. Iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Puro mga kalalakihan ang mga nakikita ko, konti lamang ang mga kababaihan.

Natatakot man ay mas pinili ko na lamang na ipagpatuloy ang aking paglalakad. 

"Hi, Miss. Nawawala ka ba?" nagulat ako dahil sa boses na aking narinig. May dalawang lalaki na sumulpot sa aking harap. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman, pakiramdam ko ay mapanganib ang mga taong ito.

"Saan ka ba pupunta, Miss? Kami na ang maghahatid sa'yo," sabi ng isang lalaking kaharap ko ngayon, bigla niya akong hinawakan at doon ko natiyak na mapanganib nga ang mga taong ito.

"Bitiwan mo ako!" sabi ko sa kaniya ngunit mas humigpit lamang ang kapit niya sa akin kaya agad kong hinila ang aking kamay para makawala ako sa kaniya at agad naman akong nakawala sa pagkakahawak niya sa akin.

"Aba malakas pala ang babaeng ito. Swerte tayo rito, Pare. Mahilig pa naman kami sa palaban."

Sabi niya at tumatawa pa ito. Hinawakan nilang dalawa ang aking magkabilang kamay at pinipilit nila akong hinihila sa madilim na lugar.

"Tulong, tulungan ninyo ako!" sigaw ko ngunit kahit isang tao na naroon ay walang naglakas loob na tulungan ako. Pinipilit kong gamitin ang aking kapangyarihan para makawala sa kanilang dalawa ngunit walang bisa ito dahil hindi lumalabas ang aking kapangyarihan. Ano ba ang nangyayari sa akin? Pati ba ang mga kapangyarihan ko ay inalis din nila sa akin?

Katapusan ko na ba talaga ito? Dito na lamang ba matatapos ang buhay ko? Sa mga taong ito?

Kailangan ko ng tulong!

Aris's POV

"Ano ka ba naman, Aris? Bakit mo sinungitan 'yong babae kanina? Swerte na ang lumalapit sa'yo, hindi mo pa nilapa," sabi sa sakin ni Alex habang naglalakad kaming tatlo palabas ng club.

Agad ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya. " Huwag mo akong itulad sa'yo na babaero."

Agad niyang hinawakan ang kaniyang batok at tinignan ako ng masama. Hindi siya makabawe sa akin dahil kahit baliktarin pa ang mundo, mas matanda pa rin ako sa kaniya.

Nasa labas na kami at naglalakad na papunta sa kotse ngunit may bigla kaming nakitang babae na hinihila ng dalawang kalalakihan at humihingi ito ng tulong.

Nagkatinginan kaming tatlo at agad na tumakbo sa kinaroroonan ng babae. Ang medyo lasing na Alex kanina ay tila nawala at ngayon ay gising na gising dahil sa kaniyang nakita at nakitakbo na rin sa amin upang sagipin ang babae.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status