Flashback..
May isang babaeng umiiyak at nagpupumiglas sa isang matandang lalaki. Pilit siyang kumakawala sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya, puro pasa na ang natama mo niya dahil sa kagagawan nito.
Iyak lang siya ng iyak kasabay ng pagsigaw sa hirap at sakit na nararamdaman. Gusto niya ng isumpa ang kanyang sarili dahil sa buhay na meron siya.
"P-please t-tama na po, m-maawa po kayo sa akin,"
Ngunit kahit anong pagmamakaawa niya ay tila walang naririnig ang lalaki. Impit na napasigaw siya ng biglang sirain ng matanda ang kanyang damit at kitang kita niya sa mga nito ang labis na pagkasabik.
"H-huwag po! P-parang awa niyo na," pagmamakawa niya ulit.
"Tumigil ka! Masyado kang maingay baka hindi ako makapagtimpi at mapatay kitang babae ka." madiin na turan ng matandang lalaki
"P-patayin mo na lang ako, a-ayoko ng mabuhay pa." anas niya
Ngumisi naman ang matandang lalaki. "Ginusto mong magtrabaho dito, ginusto mong maging bayaran tapos ngayon aarte ka? Hindi mo ako maloloko!" sigaw nito at malakas siyang sinampal
Mabilis siyang kinaubabawan ng matanda at sinimulang halikan. Pilit pa rin ang kanyang pagpupumiglas pero sinikmuraan siya nito dahilan para mapahiyaw siya sa sakit.
Tila nawalan ng lakas ang babae para lumaban dahil alam niyang mas lalo lamang siya nito sasaktan. Ipinikit niya na lang ang kanyang mga mata samantalang ang lalaki ay nagsimula nasa nais nitong gawin sa kanya.
Maya maya pa ay nagulat ang dalaga ng biglang may kumalabog sa pintuan at nawala sa ibabaw niya ang matandang lalaki.
"You bastard! Anong ginagawa mo dito?" galit na sigaw ng matanda
"Akin na ang babaeng 'yan," matigas na wika ng lalaki na halos hindi ko na maaninag
"Ako ang nagbayad dito at siya ang ibinigay sa akin. Huwag kang manguha ng hindi mo pag mamay ari," bwelta ng matanda
"Since you don't give me have a choice," nakita niyang lumapit ito sa matanda at malakas itong sinuntok kaya nawalan ito ng malay.
Napasigaw siya dahil sa nakita at nakaramdam ng takot, halos manginig na ang dalaga dahil hindi niya kilala ang lalaki kahit pa sabihing niligtas siya nito sa matanda dahil baka gawin din sa kanya 'yon.
Mabilis niyang kinuha ang kumot na malapit sa kanya at itinakip ito sa kanyang hubong katawan.
Lumapit ang lalaki sa kanya at siya naman ay umatras dahil sa takot na namumutawi sa kanyang buong sistema.
"Huwag kang matakot sa akin. You are safe now," nakangiting saad ng lalaki
May humaplos sa puso ng dalaga ng marinig ang tinuran ng lalaki. Pakiramdam niya ay usang anghel ito na ipinadala sa kanya para makaalis sa masalimuot na kinasasadlakan.
Kahit nanginginig pa siya ay pilit siyang lumapit sa lalaki at mahigpit itong niyakap bilang pasasalamat.
Pero nanlaki ang mga mata ng dalaga ng makitang tumayo ang matanda at kumuha ng upuan at akmang ihahampas ito sa lalaking katabi niya.
"Huwaggggggg!!" sigaw niya bago nawalan ng malay
End of Flashback...
Nagising si Ezra na habol habol ang kanyang hininga. Napanaginigipan niya na naman ang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan.
Napansin niya ang pagbangon ng lalaki sa kanyang tabi ngunit hindi niya ito binigyang pansin at tumakbo papasok sa banyo.
Humarap siya sa salamin at kitang kita niya ang pamamasa ng kanyang mga mata na animo'y katatapos lang umiyak. Kahit na nakaraan na 'yon ay sariwa pa rin sa kanyang alaala. Naghilamos siya ng kanyang mukha at maya maya pa ay pumasok ang lalaki sa banyo.
"What's wrong? Nightmare again?" The man asked
Agad naman na tumango si Ezra, mabilis naman agad siyang niyakap ng lalaki. Pagkatapos ng ilang minuto ay iginaya niya nito pabalik sa kanilang kama.
"Stay here, ikukuha lang kita ng tubig," habilin ng lalaki at lumabas na ng kanilang kwarto
Napabuntong hininga na lang ang dalaga matapos maalala ang nakaraan. Kahit gustuhin niyang kalimutan ang lahat ng pinagdaanan niya ay pakiramdam niya ay hinahabol pa rin siya nito.
Naikuyom niya ang kanyang mga kamao at sumiklab na naman ang galit sa kanyang puso.
Nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaki na naging dahilan kung bakit nasa maayos na kalagayan siya ngayon, ang lalaking nagligtas sa kanya sa kadiliman at tumanggap sa kanya ng buo.
"Drink this, para kumalma ka." At ibinigay nito sa kanya ang isang basong tubig na agad niya namang ininom.
Pagkatapos at marahan niyang inilagay ang baso sa maliit na mesa sa gilid ng kanilang kama.
"You alright now?" tanong nito sa kanya at tinabihan siya sa kama.
"I'm okay now, pakiramdam ko hinahabol talaga ako ng nakaraan ko," pag amin ng dalaga sa binata
Ngumiti naman ito ng matamis sa kanya. "Everything will be alright in God's time. We'll go later sa doctor mo para malaman kung ano pa ang dapat nating gawin para maiwasan na 'yang panaginip mo. Okay?"
Agad naman siyang tumango at ngumiti. She is so thankful that despite of her painful and dark past there is a man who accept and love her.
Niyakap niya ang lalaki at niyakap naman siya nito pabalik. Nakakaramdam siya ng ginhawa sa tuwing niyayakap siya nito pakiramdam niya at safe siya.
"Thank you for everything, since day one until now." mahinang bulong niya na sapat lang para marinig ng binata.
"Ilang beses ko na ba 'yan narinig sayo. Hahaha! At paulit ulit ko rin sasabihin na wala kang dapat ipagpapasalamat dahil ginusto kung tulungan ka. Ikaw ang dahilan kung bakit masaya ako at kontento sa buhay ko ngayon," nakangiting turan ng binata.
Walang ibang pinaramdam sa kanya ang binata kung hindi purong pagmamahal lang, hindi siya tinuring na iba nito. Simula ng iniligtas siya nito ay kinupkop siya nito at pinatira sa kanyang bahay. Tinulungan siya nito magbagong buhay na labis na ipinagsasalamat niya at habang buhay niyang itatanaw na utang na loob.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na sila sa pagkakahiga para matulog ulit dahil madaling araw pa lang at may pasok pa sa opisina.
'Kasalanan niyo ang lahat ng ito, darating ang araw na makakaganti din ako sa ginawa niyo sa akin. Kayo ang dahilan kung bakit naranasan ko ang lahat ng paghihirap na 'yon. Sisiguraduhin ko na sa susunod na pagkikita natin kayo naman ang luluhod sa akin.' isip ng dalaga bago ipinikit ang kanyang mga mata.
Ezra is gorgeous, simple and kind-hearted woman who loves her family so much. Kilala din ang pamilya nito sa larangan ng business. Siya ay lumaki sa karangyaan at namuhay bilang isang prinsesa, nakukuha niya ang lahat ng gusto nito pero nanatili pa rin itong simple. She has a loving parents and a supportive sister, not until one day happen na nagpabago sa kanyang buhay.Pababa ng hagdan ang dalaga at naabutan niyang nakaupo sa sala ang kanyang ate, lumapit siya agad rito."Good morning ate," bati niya.Agad naman siyang nilingon nito at nginitian. "Good morning my princess." bating pabalik nito sa kanya."Where is mom and dad?," She asked"Umalis sila kanina dahil may meeting silang pupuntahan. Hindi kana nila ginising dahil ang himbing ng tulog mi, siguro nagpuyat kana naman noh?""Nanood kasi ako kagabi ng k-drama kaya hindi ko namalayan ang oras ate," sagot niya"Ang daya naman! Bakit hindi mo ako niyaya?""Akala ko kasi may
Ito na ang araw kung saan nila icecelebrate ang kaarawan ng ate ni Ezra kasabay ang engagement nito sa kanyang matagal ng kasintahan. Kitang kita ng dalaga ang saya sa muha ng kanyang nakatatandang kapatid at masaya din siya para dito dahil sa wakas ay natagpuan na nito ang taong magmamahal sa kanya at makakasama in the future.Ginanap ang party sa isang kilala at mamahaling resort at dahil kilala din sa larangan ng business ang pamilya nila Ezra kaya marami silang bisita at galing din ito sa mga mayayaman na pamilya at iba naman ay business partner ng pamilya nila at pamilya ng fiance ng ate niyang si Ericka.Naging maayos ang takbo ng party at kitang kita ni Ezra ang labis na kasiyahan ng ate at mga magulang nito at dahil mag gagabi na din kaya nauna ng nagpaalam ang dalaga para umakyat sa suite kung saan ang binayaran nila para makapagpahinga na.Nang makapasok na siya kwarto ay mabilis siyang pumunta ng banyo at nagbihis ng damit, sa totoo lang kanina pa siy