I Love You Prof (Tagalog)
I Love You Prof (Tagalog)
Author: Imyham
Prologue

Unang araw ng pasukan ngunit tila ba pakiramdam ko ay patapos na ang school year na 'to dahil hindi manlang ako nag-eenjoy ngayong araw na 'to, idadag pa ang katutuhanang first year na ako bilang isang college student at talaga namang katapusan ko na ito ngunit sa tuwing iniisip ko na may pangarap ako nadadagdagan ako ng lakas ng loob upang ituloy ang pagpasok sa unibersidad na ito at mag-aral, kaya laban lang apat na taon lang naman ito kaya malalagpasan ko rin kagaya kung paano ko nalagpasan ang pagiging heart broken mas mahirap naman 'yun kumpara sa pag-aaral 

Minadali ko na ang paglalakad papasok sa gate ng university dahil sa unang araw ng pasukan ay late ang ateng n'yo kaluka.

"My gosh burikat, you're 10 minutes late ano ka ba naman alam mong ngayon ang unang araw ng pasukan girl tapos nag puyat ka pa hindi ka ba tinatalakan ng mother mo na matulog ng maaga kaluka!" Panenermon ni Nath ang sumalubong sa akin nang naglakad na ako patungo sa silid kung saan ang department namin.

"Ipinagpapasalamat ko nga na hindi ako tinatalakan ng nanay ko tapos ikaw ang nanenermon sa'kin ngayon bakla naman saan ang hustisya dun ah!" pasigaw kong reklamo rito kasabay ng pagsalubong ng kilay ko sa inis.

"Angal pa girl arat na late na tayong dalawa kanina pa kita hinihintay e'." sabay hila nito sa braso ko sa pagmamadali.

"Aba ayos kanina ka pa pala naghihintay sana nauna ka na tapos ako sisisihin mo," reklamo ko pa rin dito habang nakasunod na sa kaniya dahil sa nakakaladkad na ako nito sa subrang pagmamadali ng lakad niya.

"Kaya nga kita hinihintay para may kadamay din akong late."

"Raulo ka late ka rin?" Natatawang tanong ko rito.

"Ano pa nga ba kaya nga sissy kita 'di ba kasundo kita sa katamaran, kaya bilisan mo na mas maganda umiksina pag may kasama." 

Mas dumuble ang pagmamadali nito habang hawak pa ako sa braso.

"Nathaniel ang pangalan mo pero tinalo mo pa ang alagad si satan*s animal ka."

"Wow coming from you." Nilingon pa ako nito kasabay nang nanlilisik n'yang mga mata.

Hindi ko na pinagpatuloy ang pang-aasar dito dahil mukhang nauna nang mapikon sa'kin ang bakla.

Tinuloy namin ang paglalakad hanggang paakyat na kami ng hagdan na iyon dahil nasa ikalawang palapag pa ang department ng Business Administration na s'yang course namin pareho ni Nath.

Ngunit habang paakyat ng hagdan ay aksidente kong naapakan ang isang bagay dahilan para mapahinto ako sa paglalakad upang alamin kung ano iyon dahil hindi ko naman ito nakita dahil sa pagmamadali.

Ikinagulat pa ni Nath ang paghinto ko dahil hindi pa rin nito nabibitawan ang braso ko simula pa kanina.

"Bakit huminto ka pa nagmamadali na nga tayo ano ka ba?"

"Sandali naman bakla late na rin naman tayo kaya sulitin mo na," reklamo ko pa rito at napayuko ang tingin upang alamin kung ano ang naapakan ko.

Isang card iyon na halos kasing laki ng ATM card, ngunit hindi naman halatang ATM iyon.

"ID ba 'to o credit card?" Napayuko ako at mabilis na dinampot ang card na iyon at ipinakita kay Nath.

"Mukhang ID lang naman 'yan girl, mas makapal pag credit card. Ano ka ba 'wag mo nang pansinin 'yan hindi ka pa ba kinakabahan na late na tayo?"

"Teka lang isasauli ko sa guard baka may naghahanap nito."

"Mamaya mo na problemahin 'yan, late na tayo burikat ka," pag-iinarte nito dahil ilang minuto na nga kaming late.

Muli ako nitong hinawakan sa braso at sabay na ulit kaming nagmadali sa pag-akyat sa hagdan upang tumungo na sa silid namin.

Hinayaan ko na lang si Nath na kaladkarin ako sa kung saan, habang hindi naman naaalis ang paningin ko sa hawak kong ID, dun ko rin napansin na may pangalan iyon ngunit wala namang nakalagay na litrato o kahit numero na p'wedeng kuntakin.

'ZEDIC LIM' basa ko sa isip, iyon lang ang tanging pangalan na nakalagay roon at wala nang kahit anong impormasyon pa, hindi ko masasabing ID ito dito sa university na ito dahil hindi naman iyon katulad ng ID na suot namin.

'Bahala na nga isasauli ko na lang mamaya kung kanino man ito, kailangan kong unahin ngayon ang makapasok sa klase dahil late na ako.'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status