Share

Chapter 2

Mischell's POV

"Can you repeat the question miss? Wait what is your name first?" habang sinasabi iyon ni Prof ay naglakad pa ito papunta sa gawi kung saan kami nakaupo.

Tinginan ng lahat ang talaga namang nagpadagdag ng kaba sa sa dibdib ko idagdag pa ang tingin ng Prof na tila ba pagagalitan na ako.

"I'm Mischell Flor." Nakangiting sinagot ko ang tanong nito na hindi ipinahalata ang kaba ko sa dibdib na halos kulang na lang ay maihi ako.

"Now miss Flor repeat your question," aniya na ulitin ko ang tanong ko.

"Wala po 'yon Prof nagbibiro lang ako," napapahiyang saad ko rito na napayuko na dahil hindi ko na magawang tumingin pa rito ng diretso.

"I'm serious miss Flor, maybe I can answer what you asked. Come on stand up and repeat your question." Napatingin ako rito at nakitang seryoso ang mukha nito at wala pa ring pinagbago ang walang reaksyon nitong mukha, napapahiya man ay sumunod ako sa sinabi niya at agad na tumayo dati naman na akong walang hiya mahihiya pa ba ako.

Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagkrus naman ng mga braso nito habang nakatingin sa'kin na tila hinihintay na ang sasabihin ko.

Ngunit sa pagtayo ko ay dahilan lamang iyon upang mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ito ng malapitan na talaga namang hindi ko maikukumpara ang kaguwapuhan niya sa iba, lintek ano ba itong nararamdaman ko.

"Ahm s-single ka po ba?" utal-utal kong sabi dahil sa subrang kaba ko.

Rinig ko pa ang ilan sa tawanan ng mga kaklase ko ngunit hindi ko na lang pinansin.

"What if I'm single what did you plan to do miss Flor?"

"Sirain mo raw ulit ang buhay niya Prof," sumabat bigla si Nath dahilan na upang lumakas ang tawanan ng lahat na kanina ay impit lang na tawa.

Mabilis kong nabatukan si Nath dahil hindi manlang nakatulong ang sinabi nito, kampon talaga ni satan*s 'to hindi manlang ako tinulungan.

"So, naghahanap ka ng sisira ulit sa buhay mo sa tingin ko hindi ako ang hinahanap mo dahil hindi ako naninira ng buhay ng iba, tumutulong ako upang ayusin ito." Sumilay ang isang pilit na ngiti sa labi nito sa unang pagkakataon, nakita ko ang ubod na puting ngipin nito kahit na agad ding nawala ang ngiting iyon sa labi niya.

"Kung gano'n po ayusin mo na lang ang buhay ko," muling saad ko rito, kahihiyan lang naman pag-uusapan lubos-lubosin na bago pa manghiram ng mukha sa aso. 

"I'm NOT single, that's my answer miss Flor," aniya at tumalikod na sa'min.

"Awts!" Pangangantiyaw ng ilan nang narinig ang sagot mula kay Prof.

"Mapanakit ka Prof busted agad kainis," reklamo ko at ikinagulat kong bigla ulit itong lumingon sa gawi namin na seryoso pang nakatingin sa'kin.

"What did you say? Busted? Are you proposing huh?" masungit na ani nito na ikinatahimik ulit ng paligid namin.

"I didn't say that I'm proposing to you Prof, but if there's a chance why not." Ngumisi ako ng nakakaluko rito na tila ba kasing edad ko lang ito kung umasta ako.

"Did you skip your meal this morning miss Flor, I think you are hungry," aniya.

"Hindi nga po kumain 'yan kaya sabog," sumabat na naman si Nath at mabilis pa akong hinila at pinaupo na.

Biglang nag ring ang bell sinyales na tapos na ang oras ng klase, hindi na ako nakaimik pa ng mapansing mukhang ikinainis na ng proffesor ang pakikitungo ko rito.

"Tapos na ang time natin so see you tommorow everyone, and to you miss Flor."

Bigla akong napatingin dito ng banggitin ulit nito ang apelyido ko.

"If you're asking a chance from me bibigyan kita hindi naman ako maramot," saad nito na ikinagulat ko, dahilan pa para lumiwanag ang mukha ko.

"That's great thanks so much," pagpapasalamat ko pa.

"I give you negative one percent chance," saad nito sa'kin at hagalpak na tawa na naman ng lahat ang sunod na umalingawngaw sa buong silid.

Lintek akala ko naman mataas-taas na negative pa pala pero atleast may chance wohh.

"Thank you for the chance you given to me, balang araw ang negative one na 'yan ay magiging one hundred percent din, I love you na agad Prof," proud kong sabi kahit hindi naman ako seryoso kung magiging one hundred ba talaga iyon.

Napailing na lang ito at saka tumalikod na ulit at tuluyang lumabas ng silid na iyon, kasunod no'n ay ang malakas na batok ni Nath ang natanggap ko.

"Scholarship mo girl may dala ng lubid magbibigti na raw siya, potahca akala ko ba tutuparin mo ang pangarap mo pero nilalagay mo sa kapahamakan ang buhay mo," pangangaral ni Nath saka ko lang naisip ang pinaggagawa ko.

Mali nga naman ito, maling-mali ang ginawa ko.

Scholarship ko ang nakasalalay rito, ngunit wala naman siguro 'yon kay Prof katuwaan lang naman.

"Walang masama sa ginawa ko naghahanap nga ako ng sisira sa buhay ko hindi ba hmp," mataray kong saad naman kay Nath na pinanlisikan lang ako ng mata nito.

Lumipas ang mga oras na iyon at nag tuloy-tuloy ang klase namin, subrang kapaguran ang sasapitin ko nito panigurado dahil whole day pa naman ang klase namin.

Dumating ang break time namin ng alas diyes ngunit hindi ko naman ikinatuwa iyon dahil wala naman akong sapat na pera para bumili ng pagkain dahil nagtitipid ako, nagbaon ako ng pagkain at nakalaan na iyon para sa lunch at wala para sa snack.

"Girl arat sa cafeteria sumabay na tayes kay Zoey bibili siya ng snack," aya ni Nath sa'kin habang inaayos na nito ang mga gamit niya.

"Anong bibilhin ko ro'n?" tanong ko naman.

"Pako, try mong bumili ng pako sa cafeteria," sarkastikong sagot nito na ikinasalubong ng kilay ko habang natawa naman bigla si Zoey na nakatayo na kaharap namin.

"Potahca ka talaga ano bang binibili dun sa cafeteria malamang pagkain," dagdag pa ni Nath.

"Animal ka," natatawang napakamot pa ako sa noo ko.

"Arat na tumayo ka na jan,"

"Wala akong pera," agad kong sagot rito.

"Tara libre ko pasasalamat na rin na nakilala ko kayo sa unang araw ng pasukan," suhistiyon ni Zoey na ikinalawak naman ng ngiti sa labi ko at wala pang sigundo ang lumipas ay nakatayo na ako, napaka kapal ng mukha ko 'di ba.

"Tara na ready na ako kanina pa, iyon lang naman talaga hinihintay ko e' iwanan na natin si Nath," pagmamadali ko at lumingkis sa braso ni Zoey at nagsimula nang maglakad at sabay naming iniwan si Nath.

"Hoy ang kapal talaga ng mukha mong babaeta ka!" sigaw ni Nath sa'min habang mabilis pang humabol sa'min.

"Alam mo nagustuhan ko agad ang ugali mo nakakatawa ka kasi girl, hindi pa ako nagkaroon ng kaibigan na kagaya mo kadalasan kasi sa mga kaibigan ko payabangan lang ang alam purki mapera." Kuwento ni Zoey habang tinatahak namin ang daan patungo sa cafeteria sa first floor.

"Kaya ko naman ang payabangan kaso wala nga lang akong pera haha," humagalpak pa ako ng tawa sa kabaliwan ko.

"You're so funny talaga, and also Nath. Sa inyo na ako sasama madalas ah?" binalingan pa kami nito ng tingin pareho ni Nath at ngiti na lang ang naisagot ko rito.

Nang makarating na kami sa cafeteria ay agad na kaming pumasok, kakaunti lang ang tao kaya hindi masyadong siksikan.

Mag kakaiba kasi ang break time ng lahat kaya hindi nagsasabay-sabay ang mga istudyante sa pagdagsa sa cafeteria, iyon ay base sa nakita kung schedule na naka post sa page ng university.

"Sandwich and Juice na lang sa'kin ano sa inyo?" tanong ni Zoey sa'min habang nakapila na kami sa may counter.

"Teka kasama rin ba ako sa libre ah beke nemen," nagpapacute pang saad ni Nath kay Zoey, Oh diba sabi ko sainyo e' kaya kami nagkakasundo ng baklang 'to dahil pareho kami ng vibes.

"Oo naman, here's the money ikaw na bumili Nath Sandwich and Juice lang sa'kin." Inabot pa nito ang 500 pesos kay Nath, 'Grabe ang laki no'n kung sa'kin ang perang iyon.' sa isip-isip ko pa. 

"How about you Mischell ano sa'yo?" tanong pa nito sa'kin.

"Same na lang sa'yo nakakahiya naman kung magdedemand pa ako 'no," sagot ko.

"Sige 'yon na lang din sa'kin," wika naman ni Nath.

Iniwan na namin ito sa pila at siya na raw bahala bumili, naupo kami sa isang bakanting mesa kung saan madali lang kaming makikita ni Nath.

"Ilang taon ka na Zoey?" tanong ko rito ng wala akong maisip na p'wedeng pag-usapan.

"18," tipid na sagot nito.

"Ah same lang pala tayo," napapatango kong sabi pa.

Saglit lang lumipas ay dumating na si Nath dala ang binili nito, saka inilapag sa mesa.

"Kailangan natin bilisan mga sis 15 minutes break lang 'to," saad ni Nath at naupo na rin katabi namin, kasabay nang pag-upo nito ibinalik din nito ang sukli kay Zoey.

"Matunong nga pala kita burikat type mo ba 'yong Prof natin kanina?" sunod na tanong pa nito na mukhang ako ang kinakausap dahil ako lang naman ang tinatawag nitong burikat.

"Wait, what burikat means ngayon ko lang narinig 'yan?" tanong naman ni Zoey.

"Burikat comes from a word Burikak means pr*stitute, sl*t, b*tch and so ever na pinamadaling intindihin ay masamang babae gano'n." Paliwanag ni Nath.

"And then, bakit mo siya tinatawag ng gano'n?"

"Napakasama ng ugali ng hinayupak na 'yan e' mukha ba akong gano'n, mabait naman ako ah," saad ko naman upang ipagtanggol ang sarili ko.

"Mukha ka lang mabait, balik nga tayo sa tanong type mo ba 'yong Prof natin?" kinalabit pa ako niyo sa balikat.

"Hindi ah tigilan mo nga ako, napagtripan ko lang 'yon," giit ko.

"Sa dami ng p'wedeng pagtripan iyong ikakasira pa ng pag-aaral mo gag* ka," bulyaw pa nito at kasabay ng pagsipsip sa straw ng juice na iniinom niya.

"Ganoon talaga para may twist, tse tumigil ka na nga nagugutom na ako kaya patapusin mo muna akong kumain hindi puro sermon na lang lagi natatanggap ko sa'yo," reklamo ko na.

Hindi na nga ako nito kinibo at nagsimula na akong kainin ang sandwich ko.

MABILIS NA LUMIPAS ang mga oras na iyon hanggang sa mag-uwian na kami ng dumating ang alas singko, sayang hindi ko na ulit nakita si Prof sa lawak ba naman ng university na ito kaya hindi ko pa naisasauli ang ID nito na napulot ko marami pa namang susunod na araw kaya next time na lang.

Kasalukuyang nakasakay ako ng jeep pauwi, ito lang ang mabilis at murang transportasiyon para mabilis na makauwi sa bahay namin mas duble pa kasi ang babayaran ko kapag nag taxi ako.

Sa isang private university na pinapasukan ko mukhang ako lang din ang mag-isang naka jeep pauwi dahil karamihan ng mga nakita ko kanina ay may mga service na sumundo katulad ni Nath at ang iba naman ay may mga sarili ng mga kotse habang ako naka jeep lang.

Anong laban ko dun poreta ako 'no, wala nang saysay kung kainggitan ko sila pinapahirapan ko lang ang sarili ko.

"Sa tabi lang po!" pasigaw kong sabi upang marinig ng driver ang pagpara ko.

Marahan naman itong nagprino at saka ako bumaba ng tuluyang huminto, nagsimula na akong maglakad patungo sa bahay dahil ilang metro pa ang layo noon mula sa babaan.

Sandali pa ang lumipas ay tuluyan na akong nakauwi, tila ba bumalik na naman sa'kin ang isang pakiramdam na sawang-sawa na akong maramdaman pa, iyon ay ang matinding lungkot.

Nawala lahat ng sigla ko sa katawan na naramdaman ko sa maghapong lumipas at napalitan iyon ng hindi ko maipaliwanag na lungkot, masasabi kong tila ba eksperto na ako sa larangan ng pagpapanggap at nakakaya kong ipakita sa harap ng lahat kung gaano ako kasaya kahit hindi iyon ang katutuhanan.

Kasabay ng pagbukas ko sa nakasarang bakal na gate ay ang mabigat na paghakbang naman ng mga paa ko na tila ayaw nang ituloy pa ang paglalakad papasok.

Bumagsak din ang mga balikat ko kahit hindi naman mabigat ang back pack na dala-dala ko, ayaw ko mang umuwi sa bahay na ito ay wala akong ibang mapupuntahan kaya kailangan kong magtiis sa araw-araw na ginawa ng diyos para lang makaya ang lahat kahit hirap na hirap na ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status