Zedic's POV
Mabilis kong nilinis ang sugat ko sa kamay matapos kong makapasok sa kwarto, wala akong alam sa paglilinis ng mga sugat kaya paghugas lang ang tangi kong ginawa para maalis ang dugo sa kamay ko isang medyo makapal na gasa ang ipinulupot ko sa kamay upang matigil ang pagdurugo nito at saka hinayaan ko na lang pagkirot nito dahil sa isip-isip ko malayo iyon sa bituka.
Matapos ayusin ang pagkakalagay ng gasa sa kamay ko ay lumabas akong muli sa kwarto ko at tinungo ang opisina ko rito sa bahay.
"Zedic iho ayos ka lang ba? Magsabi ka lang kung may kailangan ka ah," saad ni Aling Sol ng masalubong ko itong muli habang patungo ako sa opisina ko.
"Ayos lang 'wag niyo na akong alalahanin," sagot ko rito.
Makikita sa mukha nito ang pag-aalala kahit hindi man niya sabihin, mayor doma si Aling Sol sa bahay na ito simula pa mga bata kami ni
Mischell's POV"Sorry prof I'm late hehe." Napapahiyang sabi ko rito."Why are you late?" blankong emosyon nitong tanong sa'kin habang naglalakad na papalapit sa harap kung saan ako nakatayo, habang pinapanood lang kami ng lahat nabaling pa ang tingin ko sa kaliwang kamay nito na may binda na hindi ko naman nakita kahapon, ngunit kahit nagtataka ay hindi ko na lang iyon pinansin."Traffic po," pagdadahilan ko na lang."Kung traffic pala sana inagahan mo na ang alis sa bahay niyo, gising ka na ng alas tres hindi ba?" Namilog ang mga mata ko sa gulat nang maalala kong nag chat nga pala ako ng 'good morning' sa group chat kaninang madaling araw at nakitang si Prof ang naunang nag seen kanina."Naku prof palusot lang 'yan ni Mitch, baka 'yong oras na nag chat siya matutulog pa lang haha." Tumatawang sumabat si Nath sa'min dahilan para matawa naman ang ilan.'Tama
Mischell's POVAlas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako nakakauwi ng bahay, naka upo ako sa tabi ng waiting area sa labas ng university para hintayin sina tito upang sunduin ako. 20 percent na lang ang battery ng phone ko dahil kanina ko pa tinatawagan ang number ni tito pero hindi ko makuntak kahit na si tita.Ako na lang mag-isa ang nandito sa labas dahil nakauwi na rin ang ibang istudyante na mga scholar din na kasabay ko kanina, may night class ang university kaya karamihan ng tao ay nasa loob na dahil oras na ng klase.Sinubukan ko uling tawagan ang number ni tito dahil ilang minuto na akong naiinip sa kakahintay, hindi ako sanay na mag-isang umuwi ng gabi lalo pa at may distansya ang layo ng sakayan mula rito sa university kong maglalakad ako.Paulit-ulit na 'cannot be reached' ang naririnig kong sinasabi sa kabilang linya, alam kong 7 ang uwi nila pero bakit hanggang ngayon ay wala sila halo
Mischell's POV"You're late again miss Flor," blankong emosyong sabi ni prof nang ito ang unang bumungad sa akin ng makapasok ako ng silid.Sinusubukan ko naman talaga e' sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong baguhin ang nakasanayan ko dahil scholarship ko ang nakasalalay rito ngunit hindi ganoon kadali na kung kinakailangan lang ay gagawin kong dalawa ang sarili ko para magawa ang mga bagay-bagay ng mas madali.Akala ko maaga na ako makakapasok ngayon dahil doon natulog si Aling Gemma sa bahay kaya hindi ko na ito hihintayin pa, pero na late pa rin ako dahil kailangan kong linisin ang dumi ni mama dahil ayoko na pati iyon iasa ko pa kay Aling Gemma na abala na rin sa mga gawaing bahay."Naku prof sabi ko nga po sa inyo laging puyat 'yan si Mitch kaya late na naman," saad ni Nath."Baka may ka-bebe time kaya ganoon," saad naman ni Zoey na nakikisabay na rin sa pang-aasar na da
Zedic's POV"Iho nu'ng lunes pa iyang sugat mo sa kamay ah ipatingin mo na kaya sa doctor baka mapano pa 'yan," saad ni Aling Sol sa akin habang nagsasalin ito ng tubig sa baso ko, napansin pa rin siguro nito ang gasang nakalagay sa kamay ko.Noong lunes na gabi pa nga ang sugat na ito pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa ilang hiwa sa palad ko na natamo ko dahil sa nabasag na baso.Buti na nga lang at hindi pinapansin ng mga istudyante ko ang nakikita nila sa kamay ko nitong mga nagdaang araw."Oum naisip ko na nga rin dumaan sa clinic ni Sanchez bago ako pumasok sa office," saad ko naman. Si Sanchez ay doctor na kilala ko na siyang matalik na kaibigan ni kuya.Habang kinakausap ako ni Aling Sol ay naglakay na ako ng kanin sa plato ko upang makapag almusal bago ako pumasok sa opisina."Mabuti 'yan, siya nga pala tumawag ang mommy mo kagabi hinahanap ka
Zedic's POVNais ko ng kasagutan sa mga katanungan na gumugulo sa isip ko kaya matapos akong talikuran ni miss Flor at pumasok na ito sa silid na iyon ay madali naman akong naglakad pabalik sa opisina ni Sanchez."Bakit bumalik ka pa akala ko nagmamadali ka na huh?" tanong nito ng ikinagulat pa niyang bumalik ako."Kailangan ko ng tulong mo, p'wede mo bang alamin para sa'kin kung anong kalagayan ng pasyente sa room 142?" diretsong saad ko."Room 142?" Tumango ako rito. "Pasyente ko iyon matagal-tagal na rin, siya si Mrs. Flor.""Anong nangyari sa kaniya?" muling tanong ko."Hindi ko p'wedeng sabihin sa'yo kung hindi mo naman kamag-anak 'yun labag iyon sa rules ng hostipal Mr. Lim." Pagtanggi nitong sagutin ang tanong ko."Gusto ko lang malaman kung anong kalagayan niya pati ba iyon bawal, baka gusto mong ipasara ko itong hospital na pinag
Zedic's POV"May pakialam ako kasi nasasaktan ako, hindi mo alam ang pakiramdam habang nakikita ang mahal mong pinapaiyak ng ibang lalaki, hindi mo alam kung gaano kasakit na nakikitang sinasaktan ng iba 'yung babaeng gusto mong alagaan at ipagsigawan sa buong mundo kung gaano mo kamahal!"Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga katagang iyon na binitawan ni Jester sa harap ko, hindi ko maunawaan ang pakiramdam na tila ba muli ko na namang naramdaman ang dating sakit kung paano nila ako dinurog habang nakikita silang dalawa ni Estella dati na naghahalikan.Alam kong bago ako dumating sa buhay ni Estella si Jester ang nauna, si Jester ang mahal niya bago pa dumating ang araw na pinagtagpo kami ng mga magulang namin at sinabing kami ang nakatakdang magkatuluyan para sa letseng kumpanya at kagustuhan nila.Si Jester ang lalaking masasabi kong hindi tumitingin sa kung anong istado ng buhay mayroon ka, base ang
Zedic's POVAangkas na sana ako sa motor ko ng biglang lumiwanag ang phone na kasalukuyang nasa bulsa ng pantalon ko.Tiningnan ko muna iyon bago ko sinuot ang helmet.Isang unknown number ang nag text kaya agad kong binuksan para alamin kung kanino galing.'Good morning prof, alam ko umaga mo na ito mababasa dahil baka natutulog ka na sa mga oras na ito si Mischell po ito nakuha ko lang po number mo kay Dok Sanchez ang doctor ni mama nabanggit kasi nito sa'kin na kilala ka niya, gusto ko lang magsorry sa'yo tungkol kanina haha 'di na kita nausap nakaalis na rin kasi kayo.'Iyon ang laman ng mahabang mensahe ni Miss Flor sa akin, hindi ko akalaing sa ganitong oras ay gising pa ito. 12:42 na ang oras na nakikita ko ngayon sa screen ng cellphone ko.Dinial ko ang numero nito na agad namang nag ring at sinagot."Hello?" sagot nito sa kabilang linya.
Zedic's POV"Mr. Lim!" Pagtawag sa akin ng Principal nang palabas na sana ako ng office upang pumunta na sa unang klase ko.Nakaupo ang principal sa swivel chair nito habang nakatingin sa akin."Yes Ma'am?" Nilingon ko ito kasabay ng tanong."Sabihin mo kung late pa rin ngayong araw ang istudyante mong reniport mo sa akin last week para magawan ng paraan scholar pa naman ang batang iyon," saad ng principal."I think that child need some consideration ma'am," sagot ko na mukhang ikinagulat nito."What do you mean?""I know the real reason why she's always late entering in my class, I talked to her last time in the hospital," paliwanag ko."Hospital?" muling tanong ng principal na mukhang mas ikinagulat ang narinig.Nais kong sabihin ang totoo sa principal para malaman din nito dahil mas kaila