Zedic's POV
Blankong eksprisyon sa mukha, pantay na mga kilay at bibig na hindi manlang naibuka para magsalita. Ganyan ko ilarawan ang mukha ko wala naman siguro akong karapatan para magsaya sa araw na ito dahil hindi ito ang nais ko.
Kita ang tuwa sa mukha nang lahat ng mga bisitang naririto ngayon upang dumalo sa engagement party namin dalawa ni Estella, hindi ko na sana gustong pumunta rito ngunit wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy.
Nakiusap si Estella sa akin ng bigyan siya ng kaunting panahon para masabi ang totoo sa daddy niya, nag-usap kaming hindi ko itutuloy ang kasal at pumayag naman siya roon. Malinaw na rin naman sa kaniya na si Mischell ang gusto ko kaya kahit magpumilit siya wala na siyang magagawa.
Kaya habang naghihintay ng panahon para masabi ni Estella ang totoo sa mga magulang niya nagpasya kaming ituloy pa rin namin ang engagement party, at nagaganap iyon ngayong gabi.
Zedic's POV"Teka nga bakit ba lahat ng tao rito itim ang suot?" pagtataka ko nang tanong, ngayon ko lang kasi iyon napansin kahit pa mga babae ay naka-itim rin, mabuti na lang at itim rin ang coat na suot ko ngayon."Ganoon talaga, nakikiramay kami sa namayapang puso ng iyong sintang si Estella na nabigo dahil tuluyang namaalam ang kaniyang pinamamahal," malungkot nang sagot ni Nath ngunit pinagtawanan pa rin siya ng lahat."Hindi ka pa ba napapagod kakasalita bakla? Gusto mo nang mamatay?" binantaan na si Mischell."Hindi na ikaw ang Mischell na kilala ko nilamon ka na ng sistema," maarting saad ni Nath."Baka naman kasi moment ko 'to, manahimik ka na p'wede ba." Tumawa lang si Nath saka umaktong nag zipper ng bibig hudyat ng pagtahimik niya."May sasabihin ako prof." Tumingin ito ng diretso sa akin kaya gano'n rin ang ginawa ko sa kaniya.Ramdam ko
Zedic's POV3:30 ng hapon ng makarating kami sa airport, sinamahan namin dalawa ni Mischell si Estella upang habulin si Jester at pigilan sa pag-alis nito.Ako na lang ang pumasok upang ako na lang ang makiusap kay Jester, alas kwatro ang alam naming byahe nito kaya siguradong hindi pa ito nakakaalis.Nagikot-ikot ako upang hanapin ito, at sakto namang nakita ko ito at pasakay na ng escalator pataas."Jester teka sandali!" pasigaw kong tawag rito at nagmadali na akong lapitan siya.Hindi niya naituloy ang paghakbang niya sa hagdan ng escalator at saka ako hinarap."Kausapin mo muna ako, kahit saglit lang. Hinabol kita rito para sabihing 'wag mong ituloy ang pag-alis mo." dineretso ko nang sinabi iyon sa kaniya ngunit ngumisi siya sa akin ng nakakaluko."Para saan pa at hindi ako tutuloy, tinanggap ko na nga 'di ba! Tinanggap
1 Year Later"Good morning, prof!"Masayang bati ni Mischell sa asawa niya ng lumapit ito sa may hapag kung saan naka handa na ang kanilang agahan."Good morning miss late, late ka na naman sa trabaho mo sana 'di mo na ako hinintay.""Kailan ba ako pumasok ng maaga, isang himala kapag pumasok ako ng maaga at saka ako ang boss sila maghintay sa akin, kaya kumain ka na baka ikaw naman ma-late," saad ni Mischell sa asawa saka sabay nang naupo ang mga ito upang pagsaluhan ang pagkain.Pareho na ring naka-ayos ang dalawa akma ang kasuotan sa kanilang trabaho. Si Mischell na ang namamalakad ng kumpanya ng papa niya habang si Zedic naman ay ipinagpatuloy ang pagtuturo dahil na rin iyon na talaga ang gusto n'yang gawin.Ang kasal noon na dapat ay para kina Zedic at Estella ay natuloy pa rin ngunit ang ipinagbago lang ay si Jester na ang groom, wala na r
Unang araw ng pasukan ngunit tila ba pakiramdam ko ay patapos na ang school year na 'to dahil hindi manlang ako nag-eenjoy ngayong araw na 'to, idadag pa ang katutuhanang first year na ako bilang isang college student at talaga namang katapusan ko na ito ngunit sa tuwing iniisip ko na may pangarap ako nadadagdagan ako ng lakas ng loob upang ituloy ang pagpasok sa unibersidad na ito at mag-aral, kaya laban lang apat na taon lang naman ito kaya malalagpasan ko rin kagaya kung paano ko nalagpasan ang pagiging heart broken mas mahirap naman 'yun kumpara sa pag-aaral Minadali ko na ang paglalakad papasok sa gate ng university dahil sa unang araw ng pasukan ay late ang ateng n'yo kaluka. "My gosh burikat, you're 10 minutes late ano ka ba naman alam mong ngayon ang unang araw ng pasukan girl tapos nag puyat ka pa hindi ka ba tinatalakan ng mother mo na matulog ng maaga kaluka!" Panenermon ni Nath ang sumalubong sa akin nang naglakad na ak
Mischell's POV"Ito ba 'yung room natin?" tanong ni Nath ng mapunta kami sa tapat ng isang silid pareho kaming nakatayo mismo sa harap ng nakasaradong pinto at walang kasiguraduhan kung iyon nga ang aming silid, kahit ako ay hindi ko alam kung ito na iyon dahil late na nga ako nakarating ng school at hindi ko nga alam kahit pa ang unang subject ko ngayon."Aba malay ko sa'yo sana inalam mo na kanina pa," medyo irita kong sabi."Reklamador ka talagang hinayupak ka ito nga aalamin na." Kinuha nito ang cellphone niya at may tiningnan rito, malamang inaalam na niya ang schedule namin dahil pareho lang naman kami nito.Ganito kami ka-close ni Nath kulang na lang ay magpatayan kaming dalawa kung may hawak lang kaming kutsilyo, sanay na kaming mag bulyawan, asaran at pikunan nito buti na lang nakakayanan pa naming intindihin ang isa't isa sino ba naman magkakaintindihan kundi ka-level mo rin syempre.
Mischell's POV"Can you repeat the question miss? Wait what is your name first?" habang sinasabi iyon ni Prof ay naglakad pa ito papunta sa gawi kung saan kami nakaupo.Tinginan ng lahat ang talaga namang nagpadagdag ng kaba sa sa dibdib ko idagdag pa ang tingin ng Prof na tila ba pagagalitan na ako."I'm Mischell Flor." Nakangiting sinagot ko ang tanong nito na hindi ipinahalata ang kaba ko sa dibdib na halos kulang na lang ay maihi ako."Now miss Flor repeat your question," aniya na ulitin ko ang tanong ko."Wala po 'yon Prof nagbibiro lang ako," napapahiyang saad ko rito na napayuko na dahil hindi ko na magawang tumingin pa rito ng diretso."I'm serious miss Flor, maybe I can answer what you asked. Come on stand up and repeat your question." Napatingin ako rito at nakitang seryoso ang mukha nito at wala pa ring pinagbago ang walang reaksyon nitong mukha, n
Mischell's POV"Oh iha mabuti at nakauwi ka na, kanina pa kita hinihintay paalis na rin kasi ako e',"saad ni Aling Gemma matapos kong buksan ang pinto ng bahay at ito agad ang bumungad sa'kin.Matamlay lang akong tumango bilang tugon sa sinabi nito at saka ako tumuloy papasok.Si Aling Gemma ang s'yang katiwala namin sa bahay, ito ang madalas na naiiwan sa bahay araw-araw at umuuwi lang sa bahay nila tuwing gabi at kapag may isa na sa'min ni Tito ang nakauwi para pumalit na bantayan si Mama."Nakaluto na rin ako ng hapunan ninyo iha, ikaw na lang bahala pakainin ang mama mo hindi pa siya kumakain," dagdag pa nitong sabi habang kinukuha ang gamit niya na nakasabit sa may gilid ng istante sa sala."Sige po salamat," tipid kong tugon lang rito at napatango pa.Hindi na rin naman ito nagtagal pa at saka tuluyang umuwi na dahil nagsisimula na r
Zedic's POV"Zedic!" Naistatwa ako mula sa kinatatayuan ko matapos marinig ang istrektong tinig na iyon ni Mom matapos kong nakapasok ng bahay.Hindi ko inaasahan ang pagpunta nito ngayon dito sa bahay ko at siguradong sermon na naman nito ang maririnig ko.Hindi ko napansin na narito ito dahil sa likod ng bahay ako dumaan upang iparada ang kotse ko at hindi sa mismong gate.Marahan ko na itong nilingon kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ko na tila ba mas dumuble ang bigat ng bag na kasalukuyang hawak-hawak ko habang naglalakad ako papasok, pinanatili ko ang blankong expression ko upang ipakita sa kaniya na hindi manlang ako natuwang makita ito."Looks like you aren't happy to see me?" tanong pa nito matapos ko itong harapin, tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo sa single sopa sa sala at maharang humakbang palapit sa gawi ko, makikita ang manipis na lipstick