Share

Part 5

"KASI I’M NOT really ready yet. There are still some things I wanted to do before got married. And --"

"Yung bucket list mo?"

"How did you --"

"It doesn't matter. Is that so?"

Napatungo na lamang si Carly bago mapayuko kasi tila nahihiya siya rito sa dahilan niya ng pagtakas.

"After you've finished all in your list, will you gonna come back?"

Napatingala naman si Carly sa kanya na hindi rin maunawaan ang sinasabi niya.

"Will you?" tila nagiintay naman si Calvin ng isasagot ni Carly sa kanya.

"Maybe..." at nagkibit balikat naman ito.

Napabuntong hininga naman si Calvin at tila napalibot ng tingin sa kwarto niya.

"Please, Calvin. Huwag mong sasabihing nakita mo ko dito ah? Promise abswelto ka rin. Kunwari hindi tayo nagkita."

Tiningnan lang siya ni Calvin ng medyo seryoso.

"And why would I do that? Tumakas ka sa sarili nating kasal? Tapos gusto mong tulungan pa kitang makatakas lalo?"

"Eh di ba? Ayaw mo rin naman talagang magpakasal kung di lang dahil sa posisyon niyo ni daddy sa kompanya niyo?"

"And who told you na ayaw ko nga magpakasal porket dahil doon?"

Natigilan naman si Carly sa narinig at hindi rin malaman ni Calvin kung bakit niya nasabi pa iyon.

"Ahh basta! I'm not coming back there until I've finished my list!" pagmamaktol naman ni Carly at pabagsak na naupo sa kama niya at nagpaikot ng mga braso sa harapan.

Napabuntong hininga naman si Calvin sa inaasal ni Carly. Hindi niya alam kung dapat niya ba itong tulungan o hindi. Pero naiisip din niyang nakokonsensya rito dahil hindi naman ito magkakaganito kung hindi dahil sa kasal nila.

"This is all I ask of you. Hayaan mo na lang ako gawin muna ang mga nasa bucket list ko, then when I come back. I'll marry you."

Napabuntong hininga ng malalim si Calvin na tila wala rin naman ng siyang pagpipilian. Napamewangan niya si Carly at tingin dito na parang batang nagsusumamo sa kanya.

"Haay. Alright. Deal."

"Deal? So pumapayag ka nga?" tila nabubuhayan namang tanong ng dalaga. Napatayo pa siya at lapit kay Calvin na hindi inalintana ito.

"Fine." sagot lang ni Calvin.

"Ahh! Thank you, thank you Calvs!" sa sobrang tuwa ni Carly ay napasunggab siya rito ng yakap at dahil hindi iyon inaasahan ni Calvin, nawalan siya ng balanse at napatumba sa may couch.

Nakapatong si Carly sa kanya at parehas silang nakapayakap sa isa't isa.

"Oops, sorry. " saad lang ni Carly at kaagad na tumayo. Gayun din ang ginawa ni Calvin.

"I only agreed to you because of one thing, when you come back, we'll gonna do what our families will."

"Alright then."

"But how will I make sure you'll gonna come back?"

Napatigil naman din si Carly at napaisip pa si Calvin sa mga sinabi.

Paano nga naman siya makakasigurado na magbabalik pa si Carly kung sakaling hahayaan niya itong umalis?

"Ahmm... I promise you. I will return."

"I've heard a lot of promises even before. That's what I need even when it comes to business. I need assurance. Just like marrying you."

Si Carly naman ang napaisip mabuti na tila inaalam kung papaano nga ba tuluyang makukumbinsi si Calvin na hayaan na muna siyang makaalis.

"You know about my bucket list, right? So you know already know where I could be."

Napatingin naman din si Calvin sa kanya.

"Bahala ka na nga! Basta usapan ay usapan. Kapag hindi ka bumalik, hinding hindi makukuha ni Thomas ang posisyon na para sa kanya. Siya na lamang ang isipin mo."

"Oo na. Hindi ko rin naman gustong ma-disappoint ang parents ko. Konti lang." pag-describe niya pa ng maliit sa daliri niya.

"Hay, fine. I'll pretend we never met today. I'll keep on pretending of finding you until you come back." tila walang gana namang saad pa ni Calvin.

"You're such an angel." sabay haplos pa ni Carly ng pisngi ni Calvin na tila kinatuod ng binata. Hindi niya malaman kung bakit bigla siyang nanginig at kinabahan. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya.

"Ahm.. I -- I have to go." pagiwas na ni Calvin sa sitwasyon.

"Teka? Bakit ka nga pala nandito? Huwag mo sabihing nasundan mo kaagad ako?"

"It's not like that. We're having a -- a bachelor's party here."

"Oh wow? Bachelor's party ha?" natatawa namang komento nito at pinaikutan ng braso sa harapan niya.

Tila naiilang naman si Calvin at hindi malaman ang isasagot.

"It was just a get together with Oscar and Dion. You know them di ba?" tila pagpapaliwanag nito.

"Hmm.. Okay."

"Tss." At saka naman na lumabas si Calvin ng kwarto niya at hindi mapaliwanag naman ang saya ni Carly dahil sa wakas ay napapayag na niya ito.

Pero sandali pa ay bumukas ulit ang pinto niya at bumungad ulit si Calvin doon na nakahawak pa sa knob.

"I need updates of everything." pagturo pa nito kay Carly.

"At bakit?" pagtataray pa nito.

Napatigil naman si Calvin at tila nagiisip ng palusot. Napalingon-lingon pa ito sa paligid.

"B -- basta! Or else ako mismo susundo sayo kung nasaan ka man!" sabay sarado nito ng pinto at umalis na.

"Weird nun. Possessive din pala. Tss."

Sa kabilang banda...

Habang naglalakad si Calvin pabalik ng kanilang deluxe room tila kinakausap nito ang sarili niya.

"Pambihira! Hindi naman siguro makakahalata parents namin na may alam ako sa pagtakas niya di ba? Hays.." napapahilamos naman ito ng mukha niya.

Nang makapasok siya sa villa nila mukhang hindi pa ito nalilinis ng maayos, wala na ang mga bisitang babae nila at ilang housekeepers na rin ang hindi pa tapos maglinis. Umayak siya sa kwarto ng dalawang kaibigan ngunit wala ang mga ito roon. Nagtaka naman siya kaya pumasok muna siya sa kwarto niya ngunit nakita niyang mahimbing ang tulog ng mga kaibigan niya roon.

"Pambihira.. Hoy! Umalis nga kayo sa kama ko! Ang babaho niyo!" sigaw niya sa mga ito pero tulog na tulog pa rin.

Napakamot na lang siya ng ulo at hindi naman mapakali.

*kriing kriing...

Nabigla naman siya ng marinig ang phone niya natumunog. Dinukot niya ito at minasdan muna kung sino ito. Ang mama niya.

Napailing muna siya dahil kailangan na pala niyang itanggi sa mga ito ang pagkikita nila ni Carly.

"Mom."

(Anak, any updates? May balita ka na ba kay Carly? Anong sabi sa airlines?) sunod-sunod na tanong ng mama niya sa kanya pero napabuntong hininga muna siya.

"I'm -- I'm sorry, mom. Wala pa silang updates sa akin eh. I think she's using another account."

(Oh God! Mukhang planado ni Carly ang paglalayas niyang ito. I can't imagine what will your father gonna do when he found this out!)

"She'll be fine, mom."

(We don't know that! Helena is suffering in nervous breakdown!)

"What? Did she -- I mean, is she okay?" pagaalala naman ni Calvin. Sa tingin niya, hindi alam ni Carly ang tungkol rito. Paniguradong magaalala ito.

(I hope she'll be fine too. And I hope you'll find Carly as soon as possible! When your father finds this out, we're finished!)

Hindi naman malaman ni Calvin kung dapat ba niya itong sabihin kay Carly. Paniguradong magaalala ito at baka kusa na lang umuwi.

Pero hindi ba yun ang gusto mo, Calvin? Ang umuwi na lang si Carly para matuloy ang kasal?

Pagkagising nila Dion at Oscar, naghanda na rin sila para makapag-checkout na ng resort. Papunta na silang reception area ng matanaw sa malayo ni Calvin si Carly na naroon at nakikipagusap sa receptionist. Hindi nga pala alam dapat ng dalawang kaibigan na narito ito kung kaya't hindi niya malaman kung papaanong hindi sila magkita-kita.

"Ahh teka lang. May naiwan yata ako sa kwarto." pagpapatigil niya sa mga kaibigan.

"Ano naman yun?" takang tanong pa ni Dion.

"Yung relo ko yata. Tama, yung relo ko."

"Pre, suot mo." sagot naman ni Oscar kaya sabay-sabay silang napatingin sa kaliwang kamay ni Calvin.

"Ahm, hindi ito. Yung isang Rolex ko. Dala ko yun. Hindi ko naimpake kanina e." palusot pa rin ni Calvin.

Napakamot ulo naman si Dion.

"Pambihira. Tanong na lang natin sa housekeeping na naglinis dun kanina."

"Ang alam ko nasa kwarto yun e, sa may side table. Tara nga kunin natin." pagaya niya sa mga ito.

"Ikaw na lang pre. Intayin ka namin sa reception."

Tumanaw naman ulit si Calvin sa reception at napansin niyang wala na roon si Carly kaya medyo napanatag na siya.

"Ahh, tama. Tanong na lang natin sa housekeepers."

At dumiretso na silang reception area para mag-checkout.

Sa kabilang banda...

"Oh, my freaking gosh! This can't be happening!"

Tila mag-panic naman si Carly ng malamang nawawala ng airlines ang mga bagahe niya. Tanging maliit na body bag niya at isang maliit na hand carry bag lang ang nadala niya. Naisakay daw pala lahat ng bagahe niya sa ibang eroplano at nangako naman ang airlines na ipapadala na lang sa resort kung saan siya naka-stay in kung sakaling makita na ito. Nagabiso naman din siya sa resort na kung sakaling tumahuwag amg airlines tungkol sa mga bagahe niya, ideretso na lamang ito sa kwarto niya, ngunit --

"I am so sorry miss Villadejos. The airlines said your luggage are mistakenly sent to Hawaii."

"What?! Hindi niyo ko maloloko, may connecting flight pa bago dumiretso ng Hawaii yun! Kung saan man ang first stop over ng luggage ko, eh di ibalik na lang kaagad dito sa pinas!" tila pagwawala nito sa reception area.

"Sinabi ko naman po yan sa airlines, mam. Pero sabi nila wala daw silang magagawa para i-cut off yung byahe ng luggages. Maapektuhan daw yung ibang kasamang bagahe doon at mas malaking perwisyo daw kapag may nawala o nasira pa sa ibang luggages. Mas malaking inconvenience sa kanila. " nagsusumamong paliwanag pa ng receptionist sa kanya na napagbubuntungan niya ng galit.

"Fine! I'll talk to that airline directly!" inis man ay wala na ring nagawa si Carly. Alam naman niyang kahit magwala siya ay mas walang magagawa yun kung kaya't kakausapin na lamang niyang muli ang airlines na nakawala ng bagahe niya.

Bumalik na siya ng kwarto niya at binuksan muli ang phone niya. Hindi pa man siya nakakapag-dial, may nare-received na siyang text messages at email notifications. Babalewalain na sana niya ito pero napansin niya ang isang email sa kanya.

"Account suspended? What?! They cut off my bank accounts?!" tila hindi naman siya makapaniwala sa mga nakikita niya. "Oh no!"

May nakita rin siyang notifications na suspended rin ang lahat ng booked flights niya sa kahit na anong airlines domestic man o international. Mukhang hindi na siya makakalabas ng bansa pa, at kung sakali mang mag-book siya ulit ng flights ay matutunton na siya.

"This can't be happening! Grabe naman sila sa akin!"

Imbes na tawagan ang airlines at si Aki kaagad ang tinahuwagan ni Carly.

(I'm so sorry, Carls. Your father became desperate. He talked to my dad na i-suspend ang lahat ng booked flights mo and they became so surprised sa dami ng booked flights mo all over the country and -- internationally.) tila worried namang tugon nito.

Napailing na lang si Carly sa disaster na nalaman niya. Mukhang por nada ang mga plano niya.

(I cannot also send you some help Cars kasi they tracking also my accounts. I'm kinda grounded, you know? Bantay sarado ako ng pamilya mo kasi alam nilang baka ako ang una mong lapitan at -- oh shocks they're here! I'll message you later Cars. Bye!)

At kaagad namang pinatayan na siya ng tawag ni Aki.

"What the? Ugh!"

Tila nanlulumo naman si Carly dahil kahit pa magalit siya ay wala na siyang magagawa pa. Kinuha niya ang pouch bag niya at sinilip ang laman nun. May iilan pa siyang cash at puro cards na lang ang naroon. Nandoon din ang passport niya ngunit wala ng silbi ang mga ito. Tanging kaunting cash na lang niya ang natitira. Ni hindi na niya ito magagamit sa pambayad ng isa pang araw sa resort. Sa madaling salita, wala na siyang pera para matuloy ang mga plano pa niya.

Napaupo na lang siya sa kama at tila nagiisip ng gagawin. Hindi naman niya malaman kung sino pa ang lalapitan dahil kahit ang best friend niyang si Aki ay baka mapahamak pa.

"Ahhhhg! Naman eh!" malakas na sigaw nito at nagmamaktol na lamang habang nakahiga sa kama. Halos mangiyak na siya sa inis at lungkot ng sinapit niya.

Ilang sandali pa ay may naalala siya kung kaya't tumigil siya sa pag-tantrums. Nagpahid siya ng luha niya at bumangon na paupo sa kama niya.

"Tama, siya na lang natitirang pagasa ko."

Kinuha niya ang phone niya at tila may tinext.

Meet me at the pool area. Now.

Nabasa kaagad ito ni Calvin pagkaupo na magkaupo niya sa driver seat ng service car na maghahatid na sa kanila sa airport.

Tila nagalangan siya sa nabasa niya. Ano kayang gusto ni Carly at nakikipagkita ito sa kanya?

"OKAY na po mga sir bagahe niya. Nakarga na pong lahat sa likod. Tara na po?" saad naman ng dricer nila at naupo na sa tabi niya upang makaalis na sila.

"Ahm, wait!"

"Argh! Pre ano na naman? Natatae ka ba? Kanina ka pa pa-wait wait eh!" tila inis namang reklamo ni Dion.

"Ahm, sorry. May naiwan lang talaga ako sa kwarto natin."

"Na naman? Ano ba talagang naiwan mo dun ah? Pustiso mo?"

Please Calvs. It's urgent!

Yun pa ang isang text ni Calvin kung kaya't nagmadali na ito.

"Mauna na kayo sa airport. Doon niyo na lang ako intayin ah?" at kumaripas ng labas ito sa kotse pabalik ng resort.

"What?"

"Pre naman oh!"

Dumiretso na siyang pool area at hinanap ng paningin niya si Carly. Tinanaw-tanaw niya ito ngunit hindi niya makita.

"Hey!" paghatak naman ni Carly kay Calvin sa may gilid ng mga halamanan sa gilid ng pool area.

"Hey? What's wrong?"

"Ahm.. They suspended all my flights and bank accounts. Does they know where am I?" tila nagaalangan pang tanong ni Carly.

"I don't know. But mom said --" tila natigilan naman si Calvin.

"What? They found me or what?"

"I mean, she's asking me about you, of course."

"Ugh!" napabagsak balikat na lamang si Carly dahil mukhang por nada na ang plano niya.

"If they suspended all your bank accounts, does mean --"

"Yes! I'm broke now! Can't even afford to pay another day for my room. So -- I need your help." nagaalangan naman siya sa sinabi.

"Me? My help? What kind of help?" tila nabuhayan naman si Calvin sa narinig. Hindi niya inaasahang hihingi ng tulong sa kanya si Carly aside sa pagtatago nito kung nasaan ba talaga siya.

"Yes! I need some money. Pa -- papahiramin mo ba ko?" nahihiya man pero naglakas loob na siyang sabihin ito.

Napamewang naman si Calvin at minamasdan si Carly na parang maamong tupa ngayon. Hindi niya malaman kung maaawa siya rito o sasamantalahin na lang ito para maiuwi niya na ito sa kanila.

"Please, please Calvin. Pahiramin mo na ko? Promise ibabalik ko yun, kahit doble pa!" pakiusap na nito.

"I'm no concern about if you'll gonna return the money. What's mine will be yours too soon, remember?"

Natigilan naman ulit si Carly at sumimangot na. Tila mas naawa naman si Calvin rito.

"Eh di tulungan mo na ko, please? Sige ka, kapag natagpuan nila ako rito, sasabihin kong ikaw mismo ang nagpatakas sa akin!" pagbabanta naman nito.

"At talagang na-blackmail pa ko?"

"Ihh sige na please Calvs?"

"Fine."

"Fine? Papahiramin mo na ko?"

"But in one condition."

Tila nagtaka naman si Carly rito. Nagkatinginan sila at nagkasukatan ng tingin.

"What condition?"

"I'll go with you."

"What?!"

"You heard me right."

"Wi -- wait what?!"

"I'll let you do whatever you want. I'll let you go wherever you want. But as long as I'll go with you."

"You what?!"

"All your flights are suspended, remember? So paano ka makakapunta sa mga next destination mo? Do you even know how to drive?"

Napailing naman si Carly bilang sagot.

"You don't even have sufficient money to immediately transport back and fort somewhere else. Aside from that, you are alone. Baka kung ano pang mangyari sayo."

"That's the thing! I need to do it all alone!"

"Then do it! Hindi mo naman pala kailangan tulong ko eh." patalikod na sana si Calvin ngunit hinatak ulit siya n Carly paharap sa kanya.

"Uy teka lang! Toh naman, di mabiro."

Tiningnan naman siya ni Calvin ng seryoso.

"Okay, fine! Sumama ka na sa akin. Pero hindi ka ba hahanapin din ng parents mo? I mean, nawawala na nga ko, nawawala ka rin?"

Tila napaisip rin si Calvin sa sinabi ng dalaga.

"I'll find an excuse. I'll tell them that I'm gonna run after you. I have a lead."

"Paniwalaan kaya nila?"

"Trust me, they're more concern of you than me."

Hindi naman malaman ni Carly kung bakit tila nangingiti siya sa sinabi ni Calvin. Gusto nitong sumama sa kanya na lang imbes na pahiramin siya ng pera. Ibig sabihin concern din ito sa kanya.

Hindi niya man ine-expect ito, pero mabuti na rin kaysa mas hindi matuloy ang mga plano niya. Yun nga lang, may extra baggage siya.

Sabay na silang nagtungong reception area at binayaran na ni Calvin ang accommodation ni Carly. Kumuha na rin siya ng isa pang kwarto katabi ang kwarto ni Carly.

*kriing kriing!

Nakita ni Calvin na tinatawagan siya ni Dion at doon palang niya naalalang pinauna na nga pala niya ang mga ito sa airport.

(Hello pre? Nasaan ka na ba? Nakapag-check in na kami. Maiiwanan ka na ng flight!)

"Ahm, sige pre. Mauna na kayo sa Manila."

(What?! Magpapaiwan ka dito sa Surigao?)

"Ah, oo eh. Na -- nawawala daw kasi si Carly. I -- I need to find her." napapatingin pa si Calvin kay Carly na tila nakikinig din ng usapan nila magkaibigan.

(Seriously? Bakit? Na-kidnapped ba siya?)

"I don't think she is. Basta mauna na lang kayong umuwi. I'll be fine here."

(Oh, sya sige pre. Balitaan mo na lang kami ah?) at natapos na ang tawagan nila.

"Wow, ang best actor mo rin pala noh? Award kayo sa akin ni Aki."

"Ni Aki? So kasabwat mo nga siya sa pagtakas mong ito."

Natigilan naman si Carly dahil tila nadulas niya at nailaglag niya ang best friend niya.

"Ah eh.. Nagugutom na ko. Let's have some lunch?" pagiiba nito ng usapan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status