Share

Part 6

NAGTUNGO NA SILA sa restaurant ng resort nagsimulang mag-order.

Napansin ni Carly na merong strawberry cake na nasa menu ng desserts. Nangiti siya ng makita ito.

"I would like to have the strawberry cake for my dessert." saad nito sa waiter at napatingin sa kanya si Calvin.

"Okay mam, sir. Thank you. Just a moment."

"Natikman mo na yun noh? Kaya nag-text ka sa akin gusto mo na rin yung strawberry cake?" tila pangungulit ni Carly.

"Hmm, oo."

"Hmm.. Okay." pagngisi pa nito at tila nagdududa.

"So, where's the next destination?" panimula ulit ni Calvin habang nakatingin sa phone niya na tila may binabasa.

"Huh?"

Napatingala sa kanya si Calvin. "Next destination after dito sa Surigao."

"Ahh oh? Well.." dinukot din ni Carly ang phone niya na tila may titingnan. "Cebu."

"In Cebu? Bakit hindi pa dun ang inuna mo?"

"Eh di hindi sana tayo nagkita ngayon dito di ba?"

"Are you following me?"

"Excuse me, Mr. Des Puvillos! May tatakas bang susundan ka pa? Saka, hindi ko naman alam na narito ka pala? At magba-bachelor's party lang!" pagtataray pa nito.

"Kung nagkataon, hindi rin kita mahuhuli."

"Excuse me, ma'am, sir. Here's your Calamari stacks for your starter." pagputol naman ng waitress sa usapan nila pagka-serve ng appetizer nila. "Ahm, hi sir Calvin. Thank you nga po pala sa pag-invite samin sa party niyo kagabi ah?"

Parehong natigilan at natulala silang dalawa sa sinabi ng babae.

Napatingin roon si Calvin at tila takang-taka dahil hindi naman niya kilala o matandaan man lang ang babaeng ito.

"Ahh, okay."

"Kayo po siguro yung fiancé ni sir noh? Pasensya na ma'am ah?"

"Okay lang. Mukhang nag-enjoy nga fiancé ko dun. Kamusta ba?" tila pangiinis pa ni Carly at si Calvin naman ay nagtataka bakit pa kailangan nitong kausapin ito.

"Sobrang saya nga po ma'am. Pero don't worry, behave nga po si sir Calvin kahit nila-lap dance siya nung isang babaeng bisita kagabi. Grabe nga yun? Nakita kong inakyat ka pa sa kwarto mo noh sir?"

Lalong nabigla si Calvin at hindi naman malaman ni Carly ang sasabihin dahil natatawa siya sa mga nalalaman.

"Pinuntahan pa pala sa kwarto ah? Mukha ngang nag-enjoy ang --"

"Walang nangyari samin okay? As she said, behave ako."

"Oh eh bakit ka defensive?"

Umiwas-iwas naman si Calvin ng tingin at napatingin ng masama sa waitress na lumapit kung kaya't natakot ito at umalis na lang.

"I'm not defensive. Baka lang kasi isipin mong --"

"Wala akong iniisip na iba. Wala naman sa akin yun. Eh bachelor's party nga di ba? Party party with drinks, musics.. Girls..." pangaasar pa ni Carly rito.

Napabuntong hininga naman si Calvin dahil hindi malaman kung paano pa ie-explain kay Carly ang nangyari kagabi.

"I didn't do anything wrong, okay? I did not sleep with any other girls."

"I'm not asking." nagpipigil na tawa namang sagot nito kay Calvin dahil alam niyang akala nito'y naghihinala na siya.

Kumain na lamang sila ng maayos at nabanggit naman ni Calvin kung gaano kaganda ang beach dito kung kaya't doon tumakbo ang paguusap nila. Nais magpaturo ni Carly sa kanyang mag-surf at pumayag naman siya. Hindi niya alam kung bakit willing naman siyang gawin ito.

"SO, ready ka na?"

"Kinda."

Matapos ng lunch nila ay nagpahinga lang sila sandali at nagpalit na panligo. Mabuti na lamang ay may iilang damit pa si Carly sa hand carry niya kaya may pamalit pa siyang magagamit.

Napayukong tingin naman si Calvin sa pustura ni Carly. Tila may naramdaman siyang inis na hindi niya mawari.

"Bakit ganyan ang swimsuit mo? Magaaral kang mag-surf, dapat naka-rashguard ka." komento pa nito dahil naka-one piece swimsuit ito na bikini type at backless. Hubog na hubog rito ang balingkinitang katawan ni Carly na lumalabas na magkabilang pisngi ng pwet niya at dahil medyo low neck ito, nakikita rin ang cleavage niya.

Napayuko naman si Carly sa suot. "Bakit? Pangit ba? Saka nawawala ang ibang bagahe ko. Dalawa lang ang natirang swimsuit ko. Yung isa kasi two-piece. Mas hindi pwede yun di ba?"

Binalewala na lamang iyon ni Calvin pero napansin niyang ito ang unang beses na nakita niyang hindi nakasuot ng eyeglasses ito. Bagay rin pala sa dalaga na walang suot nito, tila nagiiba ang itsura niya. Mas gumaganda.

Habang inaasikaso ni Calvin ang rerentahan nilang surf board, napansin niyang may lumapit kay Carly na parang tauhan doon at kinakausap ito.

"Kung gusto niyo ma'am, pwede ko naman kayong turuan mag-surf. Free na lang po para sayo."

Narinig iyon ni Calvin kung kaya't lumapit rin siya sa mga ito.

"Let's go?" sabay kapit nito sa bewang ni Carly.

Tila si Carly naman ang nakaramdam ng nginig at kuryente mula sa parteng nahawakan ni Calvin at tila natuod siya rito.

Ginabayan naman siya nito palabas ng rental shop at walang palag naman din si Carly.

"Let's use this larger one."

"Oh, akala ko ba tuturuan mo ko? Bakit isa lang kinuha mo?"

"Oo nga, I'll guide you at first then kapag kaya mo na, you can have your own board."

"Ohh okay."

"But first, let's have a demonstration here."

Tinuruan naman siya ni Calvin kung anong dapat gawin at tamang posisyon habang nasa surf board habang nasa pangpang palang sila.

Halata mang hindi talaga sanay, tila nag-e enjoy naman si Carly sa ginagawa. Pero ang totoo, ito ang isa sa mga goals niya, ang matuto ng kahit anong water sports.

Sinusunod naman niya ang lahat ng sasabihin ni Calvin sa kanya at mukhang nakukuha niya rin ito ng tama.

"Ayan na ang malaking alon!" sigaw naman ni Carly ng mapalingon sa likuran nila.

"Kapit ka lang mabuti dyan ah?" at dahan-dahang tumayo na si Calvin sa surf board nila. Nakaupo at nakakapit lang si Carly sa board nila.

"Ahhh!"

At humampas nga sa kanila ang malakas na alon. Nakapag-surf nga sila at kakaiba ang naramdamang adrenaline rush ni Carly dito. First time niyang kinabahan at na-excite at the same time. Sa taas ng alon na pinag-surf nila kahit nakapag-landing naman sila ng tama, nagpatihulog pa rin sila sa board. Mabuti na lamang at kay Carly nakakabit sa paa ang surf board kung kaya't si Calvin ang medyo nalayo.

"Calvs?! Calvin?!" sigaw naman nito nang makaahon at dantay sa surf board.

Umahon rin si Calvin sa hindi kalayuan kung kaya't napanatag na siya. Lumangoy ito patungo sa kanya at pareho na silang nakakapit sa surf board ngayon.

"Let's do it again?" tanong nito sa kanya.

"Hmm" pagtungo lang nito bilang pagsangayon.

Palubog na ang araw ng magpasya silang umahon na. Tila bakas na parehas silang nag-enjoy sa ginawang pag-surfing kahit pa nakaramdam rin ng pagod.

"Let's have a dinner outside. I'll see you in an hour." saad pa ni Calvin pagkahatid nito sa kwarto ni Carly.

Sa isip isip ng dalaga, tila kakaibang Calvin yata ang nakakasama niya ngayon?

Matapos makaligo at palit, napahiga muna si Carly sa kama niya at nagmumuni-muni.

"Kamusta na kaya sina mommy at daddy? Haay, panigurado alalang-alala na ang mga iyon."

Sa kabilang banda...

Pagkalabas ni Calvin sa banyo nagtungo siyang closet at nakitang wala nga pala na ang mga bagahe niya.

"Oh shit!" bulong na lang nito sa sarili dahil naalala niyang naipadala na nga pala niya sa mga kaibigan niya iyon. Ngayon tanging suot na lamang niya ang mayroon siya.

Tumahuwag siya sa reception at nagtanong kung may available pang damit. Mabuti na lamang ay bukas pa ang souvenir shop ng resort kung kaya't doon na lamang siya bumili ng pamalit niya.

"Abah? Kasyang-kasya ah?" puri pa ni Carly sa kanya dahil suot ngayon ni Calvin ang resort souvenir shirt. Kahit medyo namumutok ito sa dibdib at braso niya, nagmukhang fit pa rin.

"Tss.."

Naglakad sila sa labas ng resort at naghahanap ng pwedeng kainang restaurant. Nagkasundo sila sa isang authentic local cuisine restaurant at nag-order ng traditional local dishes ng lugar.

"Have you been here?" paglibot pa ni Carly ng tingin sa kabuuan ng open restaurant. Nasa beach front ito kung kaya't tanaw na tanaw nila ang dagat at malamig na simoy ng hangin rito.

"Nope. Sa mga bar kaagad dito ang diretso namin dahil dun nila ako naaya." sagot naman nito.

"Sa bar? Let's have a drink?" tila excited namang pagaaya nito.

"Do you even drink?"

"Hmm konti. Wines ganun?"

Nangiti naman ng kaunti si Calvin rito.

"Oh bakit? Susubukan ko ring uminom. Nasa list ko yun, remember? Find a drink of my choice! So, magta-try ako ng mga drinks mamaya."

"Okay, okay. Pero huwag kang magpapakalasing ah? Ayokong magalaga ng lasing mamaya."

"Grabe ka sa akin. Hindi ako papakalasing noh?"

MATAPOS nilang kumain ay dumiretso rin sila sa isang bar kung saan napuntahan na nila Calvin. Medyo matao ngayon ito buti may pwesto pa sa may bar area.

"Tequila sunrise and negroni, please." order naman kaagad ni Calvin sa bartender na naroon.

"Wow? Alam na alam mo mga ganyang drinks ah? Tumador ka talaga noh?" pagkamangha pa ni Carly.

"I owned a resto bar in Makati, remember?"

"Ay, oo nga pala." tila napagtanto ito ni Carly at hindi na muling nagtanong.

Nilibot niya ang tingin sa buong bar at tila first time siyang nakapunta sa ganito. Medyo maingay ang music pero okay pa rin ang ambiance dahil beach front rin.

"Here is it ma'am, sir." pagkaabot sa kanila ng mga orders nila.

Tila nagtaka naman si Carly dahil mukhang hindi sila parehas ng drinks ni Calvin.

"Teka? Bakit mas marami yung sa akin?"

"That's tequila sunrise. Parang juice lang yan, dyan ka muna mag-start."

"Oh? Okay." at nag-sip na siya sa cocktail niya.

Nang maubos nila ay sunod-sunod na rin sila nag-order mga liquior shots.

Sunod-sunod ang inom nila ng iba't ibang shots even cocktail drinks. Hindi akalain ni Calvin na makakasabay si Carly sa kanya sa lakas ng paginom.

"Woo! Grabe ang tapang neto!" pagtingin pa ni Carly sa rock glass pagkainom ng purong whiskey.

"Oh, eto naman. Tequila shots!"

Hinilera ni Calvin ang tig tatlong shot glass na puno ng tequila sa harapan nila. Binigyan niya rin ito ng sliced lemon.

"Para saan itong lemon? At bakit may asin dito sa rim?"

"Ganito!" nauna si Calvin sa paginom lahat ng isang shot ng tequila sabay sipsip ng lemon. "Ahhg!" medyo nangingiwi pa ito. "Ikaw naman." pagtapat pa nito ng shot glass na iinumin ni Carly.

Ginaya ni Carly ang ginawa niya at halos masuka-suka ito at ngiwi rin sa asim ng lemon.

"Waah! Grabe tapang! Ang asim!"

"How is it?" natatawang tanong naman ni Calvin rito at nag-thumbs up lang si Carly bilang tugon.

Um-order pa sila ulit ng ilang tequila shots at iba pang uri ng alak na naroon sa bar na available.

Makalipas ang ilang oras...

"Woooh! Isa pang blowjob!" sigaw naman ni Carly habang nasa bar area.

"Shh.. Huwag kang sumigaw niyan!"

"Bakit?! Eh sa masarap naman palang tong blowjob na toh eh! Mainit-init sa lalamunan, ganun oh?" sabay hagod pa nito sa leeg niya. "Napapa-blowjob pa tuloy ako!" halos pagtawanan na sila ng mga ibang nasa katabing bar area pero sobrang nahihiya naman si Calvin dahil alam niyang tipsy na ito.

"Kapag hindi ka tumahimik diyan, iuuwi na kita sa resort!" pagsuway pa nito.

"Fine! Pero isang blowjob pa please!"

Napasapo na lamang ng ulo niya si Calvin. Tila pinagsisihan niya ang pagdala niya kay Carly rito sa bar. Mukhang hindi naman ito madaling malasing, talagang nakarami na ito kung kaya't tinatamaan na.

Kung anu-anong uri ng cocktail shots at drinks na ang na-order at naubos nila ngunit matibay rin ito dahil mas sanay siyang uminom ng alak. Ngunit si Carly --

"Wooh! Grabe ang sarap ng blowjob!" sigaw pa rin nito at halos gusto na siyang isilid sa sako ni Calvin.

"Sir, lasing na yata ang girlfriend niyo."

"She's not my --" natigilan naman din siya at may naalala. "Right."

"Calvs, mag-order pa tayo ng ilang shots?"

"Enough na Carly. You're already drunk. Bumalik na tayong resort."

Tumayo na si Calvin sa kinauupuan nila ngunit si Carly ay ayaw pa rin.

"Ihh Calvs naman eh. Isa na lang. Mamaya na tayo umuwi!"

"Let's go, or I'll leave you here!"

"K.J talaga neto! Ngayon lang nakainom yung tao eh! Saka akala ko ba tutuparin natin yung sa bucket list ko? Eh bat nagwo-walkout ka ngayon?!"

Natigilan naman si Calvin at napahilamos ng mukha. Wala rin siyang nagawa kaya naupo siyang muli sa tabi ni Carly.

"Yehey! Bait bait talaga ng fiancé ko oh?" saad naman ni Carly na tila nagtagumpay. Napatingin naman sa kanya si Calvin na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Nag-order pa ulit sila ng ilang shots at tila nadala na nga si Calvin sa kakulitan ni Carly. Puro tawanan na lamang sila at naguusap ng walang katuturan.

"Oh! Ikaw! Shot mo na toh! Baka shot-in pa ng iba toh!" pagpilit ni Carly sa paginom sa isang turista ring foreigner. Kung kausapin niya ito ay parang naiintindihan siya nito. Mukhang mas bata sa kanila ang binata kung kaya't wala itong magawa sa kakulitan ni Carly.

Dumami ang ilang turista na tumabi sa kanila sa bar area dahil mukhang nagkakasiyahan sila roon. Hindi akalain din ni Calvin na kung dati ay anti-social siya, ngayon parang siya pa ang nangunguna sa pangungulit sa mga turistang nakakasalamuha nila.

"No dude! Lakers is still the best team! I'll bet half of my investment if they didn't get the championship this year!" tila pagyayabang nitong saad sa kausap na foreigner na katabi.

"Oh yeah dude! I bet on that too!"

"Shot!!!" pagtaas pa nito sa rock glass nila ng brandy. "Ahhg!" pabagsak pang nilapag nito ang baso niya sa bar area.

Napalingon naman siya sa tabi niya na si Carly ay may hawak ring rock glass at may laman na alak. Nakataas ang dalawang kamay nito na tila sumasabay sa tugtog.

"I hopped off the plane at LAX

With a dream and my cardigan

Welcome to the land of fame excess,

Whoa! Am I gonna fit in?"

Pagkanta pa nito na parang walang pakialam kung may makakakita o rinig sa kanya. Nangiti naman si Calvin ng makita ito pero hinayaan lang niya.

"Jumped in the cab,

Here I am for the first time

Look to my right and I see the Hollywood sign

This is all so crazy

Everybody seems so famous!"

Kumakanta ito at nag-gesture pa na parang sumasayaw-sayaw.

Nakikanta rin ang binatilyong kainuman ni Carly at pareho ngayon silang kumakanta-kanta ni Carly.

Nakikikanta na rin ang katabing kainuman ni Calvin at napatingin rin siya rito. Tila siya na lang pala ang nananahimik at nakikinood sa ginagawang pagkanta nila.

"My tummy's turnin' and I'm feelin' kinda home sick

Too much pressure and I'm nervous,

That's when the taxi man turned on the radio

And the Jay-Z song was on

And the Jay-Z song was on

And the Jay-Z song was on!"

Sabay turo pa ni Carly kay Calvin at ang lahat ay napatingin din sa kanya na tila nagiintay sa kanyang gagawin.

"So I put my hands up

They're playing my song,

And the butterflies fly away

Noddin' my head like, yeah

 Movin' my hips like, yeah

I got my hands up,

They're playin' my song

You know I'm gonna be okay.."

Nakikanta na rin si Calvin at sabay-sabay sila roong nagkantahan na tila mga nagwawala na dahil sa kalasingan.

"Yeah, it's a party in the USA

Yeah it's a party in the USA!"

Nagpatuloy sila sa pagkanta roon na tila mga party animals. Hindi man tumatayo sina Carly at Calvin sa pwesto nila pero halos ganun na rin ang turan ng kinikilos nila. Hanggang sa magsara ang bar ay parang ayaw pang umalis ng mga ito. Parehong nahapo na sila sa pagod at kalasingan ngunit kaya pa namang makauwi ng resort.

"Hahaha grabe! Ang galing mo palang kumanta noh?" pangaasar pa ni Carly kay Calvin habang pasuray-suray na sila sa paglalakad sa buhanginan ng beach. Dito na sila banda dumaan upang mas mapabilis.

Parehong nakasuot sa magkabilang kamay nila ang mga tsinelas nila kung kaya't mga nakayapak na silang naglalakad sa pangpang.

"Hahaha ikaw nga kahit wala sa tono, ang lakas pa rin ng boses mo!" ganting pangaasar din ni Calvin sa kanya.

"Hoy ah! At least tama lyrics ko noh! Hahaha!"

Para namang timang silang dalawa dahil sa paglalakad ng pasuray-suray na halos matumba na. Napapatumba lagi si Carly kay Calvin ngunit nasasalo pa naman siya nito.

Nang makarating sa resort ay tumahimik na sila at umastang medyo nasa katinuan pa. Baka kasi masita sila rito.

"Shh.. Huwag kang maingay, madami ng tulog!" saad ni Carly kay Calvin.

"Ikaw maingay dyan eh! Shh!"

Patungo na sila sa kanilang mga kwarto ng may makasalubong silang guard. Sakto namang napaluhod si Carly sa kalasingan kung kaya't inaalalayan siya ni Calvin.

"Ahm, ma'am, sir. Bawal po rito yan. Pumasok na lamang kayo sa kwarto niyo!" saad nito sa kanila ng makalapit.

"Ah hindi kuya, mali iniisip niyo."

Depensa naman ni Calvin.

"Bakit?! Masama ba dito? Eh sa hindi ko napigilan eh!" sagot pa ni Carly na mas lalong kinahiya ni Calvin.

"No kuya, napaluhod lang siya kaya --"

"Oo nga po sir. Sa kwarto niyo na lang po kayo. Tara na po." napakamot ulo pa ito at tinulungan din si Carly na makatayo. Hinatid sila ng guard sa kwarto ni Carly at iniwan na roon.

"Umayos ka nga! Sabi ko ayoko magalaga ng lasing eh!" saad naman ni Calvin habang inaalalayan itong mahiga sa kama niya. At nang maihiga niya ito ay biglang bangon rin sabay nasukahan siya.

"Ugh! *Bwoook"

Tila natauhan si Calvin at nawala saglit ang pagkalasing.

"Ayts!" wala naman itong nagawa kung hindi hayaan na lang si Carly na ngayo'y mukhang passed out na.

Nasukahan siya sa may dibdib banda kung kaya't hinubad na lamang niya ang damit niya. Nagtungo na siyang banyo upang makapaglinis.

Pagka-shower niya ay ganun pa rin ang pwesto ni Carly. Nakahilata ito at mukhang malalim na ang tulog. Napangisi siya rito dahil napagtanto niyang hindi nga ito bastang nerdy lang. Mukhang may naitatagong pagka-spontaneous ito. At hindi niya rin akalain maiimpluwensyahan din siya kaagad nito.

"Hay nako Calvin.. Nababaliw ka na naman.." paggulo pa niya sa basang buhok niya.

Hanggang sa napagtanto niyang wala na nga pala siyang damit na maisusuot. Mabuti na lamang ay may isa pang bath robe sa kwarto kung kaya't nakaganito na lamang siya at boxer. Tinahuwag na niya sa housekeeper ang mga damit niya upang mapa-laundry kaagad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status