Share

CHAPTER 9.2: Sticky Note

Pinagtaasan ni Elizabeth ng kilay si Trixie. “May show ba?” patay-malisya niyang tanong. “Wala kasi akong napanood. Busy kasi ako sa panlalalaki ko.” Tutal, malandi naman ang tingin sa kaniya ng iba, e di sige. “Excuse me, hahabulin ko lang si Carlo. Bye!”

“The nerve!” sigaw ni Trixie. “Ang landi talaga!”

(Whatever!) Wala naman siyang pakialam sa sasabihin nito. Dahil badtrip siya, mas pinili niyang gamitin ang hagdan kaysa elevator. Pero, agad niyang pinagsisihan ang desisyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyanteng kaniyang nasasalubong at nagbubulungan pa ang mag ito.

(Great! Sikat na talaga ako sa campus!)

Okay lang naman kung pinag-uusapan siya sa kaniyang achievements kaya lang, hindi naman ganoon. Maling paratang pa ang dahilan kung bakit kilalang-kilala siya ng mga tao. Ikatutuwa pa niya kung pinag-uusapan siya dahil sa ginawa niyang kalokohan, kaso hindi. Kung sabagay, malabong umugong ang kaniyang pangalan kung academics ang pag-uusapan.

Utang niya kay Thad kung bakit siya naka-survive sa school na ‘yon. Kung hindi dahil sa pagtitiyaga nito na turuan at tulungan siya, baka matagal na siyang napatapon sa ibang school. Ano na lang ang gagawin niya kapag naghiwalay na sila ng landas pagdating ng college?

“Hi, Ate Elizabeth,” nakangiting bati ng babae sa kaniya. Alanganin siyang ngumiti. Namumukhaan niya ito pero hindi niya matandaan ang pangalan.  O baka talagang hindi niya ito kilala? “Hindi na ako nale-late kaya madalang na tayong magkita.”

“Ah…” Napapitik siya sa hangin. Natatandaan na niya ito pero nakalimutan niya ang pangalan. “Nagbagong buhay ka na pala?” nakangisi niyang tanong.

“Nagbagong buhay ka na kasi,” natatawa nitong tugon. “Pero, baka mapatawag ako sa Guidance Office.”

Nagsalubong ang kaniyang kilay. “Bakit?”

“Paano kasi, nakipag-away ako sa mga classmate kong babae. Naiinis ako sa kanila. Hindi naman totoo ‘yong tsismis tungkol sa ‘yo. Inggit lang sila sa ‘yo kasi tropa mo ‘yong boys na crush nila.”

“Hayaan mo na sila.” Natuwa siya sa sinabi nito. Mayroon naman palang naniniwala na hindi siya malandi. “Huwag kang sumunod sa yapak ko na pabalik-balik sa Guidance Office at Principal’s Office.” Kulang na nga lang ay roon siya pumasok upang makinig ng klase.

Nagkuwentuhan pa sila bago siya nagpaalam na pupunta na sa classroom. Gusto pa sana niyang makipagdaldalan pero nabibigatan na siya sa kaniyang bag na puro pagkain ang laman.

“Yow, Elizabeth!” mangas na bati ni Robin sa kaniya. Sinabayan siya nito sa paglalakad. “Kumusta? Hindi ka na namin nakakasama, a.”

“Ayos lang.”

“May practice game kami after ng class. Gusto mong manood?”

“Ha?”

“Matutuwa si Lester kapag nanood ka ng game namin.”

“E, kasi—”

“Sandali lang naman ‘yon. Before six pm, makakauwi na tayo.”

Napakamot siya sa ulo at pagkatapos ay hinawakan niya nang mariin sa kaniyang buhok. “Baka tuluyan nang maputol ‘tong crowning glory ko.”

“Ha?”

“Hindi mo ba alam na pinagbabantaan ng mga estudaynte ‘tong buhok ko? Masyado na raw mahaba, e, kaya puputulin na nila.” Pinaikot niya ang mga mata. “Ano na lang ang mangyayari kapag nanood pa ako ng practice game ninyo?”

“Heto nga lang na magkasama tayo, grabe na sila kung makatingin sa akin samantalang wala naman akong ginagawang masama. Bukas, tiyak na pangalan mo naman ang nakakabit sa pangalan ko dahil nakita nilang sabay tayong naglalakad.”

“Ano ngayon? Hindi naman ‘yon totoo.”

“Mas okay na umiwas sa gulo kaysa patulan ‘yon.” Tinapik niya ang balikat nito. “Sigurado namang marami ang papalakpak sa inyo kahit practice game lang ‘yon. Next time na lang ako manonood ng laro ninyo.”

“Iba pa rin kapag nandoon ka.”

Hindi ‘yon boses ni Robin. Napatingin siya sa nagsalita. Ang isa sa mga lalaking may magandang ngiti ang nakita niya. Kung hindi lang siguro mahilig sumimangot si Thad, mas maaliwalas tingnan ang mukha ng kababata niya kaysa sa taong kaharap.

“Lester.”

“Good morning, Queen.”

(Queen.) Hindi niya alam kung maiilang o matutuwa sa pagtawag sa kaniya nito ng reyna lalo pa’t maraming mata ang nakatingin sa kanila. “Morning,” tipid niyang sagot kasabay nang pagpunit ng tipid na ngiti sa kaniyang mga labi.

“Sana magbago pa ang isip mo na manood ng practice game namin. I’ll be glad if you would have come.”

“A, e—”

“Please?”

“Come on, Elizabeth. Dalawa na kami ni Lester ang nagyayaya sa ‘yo. Don’t worry, ihahatid ka namin pauwi sa inyo.”

Hindi naman ang pag-uwi ang kaniyang problema dahil malapit lang ang bahay nila sa school. Kapag pinaulakan niya ang mga ito, tiyak na panibagong issue na naman ang kahaharapin niya. Gosh! Daig pa niya ang isang magandang celebrity.

“Tama si Robin.”

“Pero—”

“Are you avoiding us o are you avoiding me?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Lester. “Napapansin ko kasing iniiwasan mo ako sa tuwing nagkakasalubong tayo. Hindi ka man lang tumitingin sa direksyon ko. May nagawa ba akong mali?”

(What a great morning to start!) Hindi pa nagsisimula ang klase pero masyado nang maraming nangyayari. “Hindi naman sa ganoon…” Again, naubusan na naman siya ng salitang sasabihin. Bakit ganoon ang epekto sa kaniya ni Lester?

“Tama nga ang hinala ko na iniiwasan mo ako. Why, Queen?”

“Kasi…”

“Mahirap bang maunawaan na ayaw ka niyang makasama?”

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa naging pahayag ni Thad. Bakit bigla-bigla na lang itong sumusulpot? “Uy, Thad.”

“What?” iritado nitong tanong. “Pumasok ka na sa classroom.”

Pumadyak siya. Gusto niyang magprotesta at awayin ang kaibigan pero hindi naman niya magawa. “Sabay na tayo.” Hinablot niya ang braso nito at diniinan ang pagkapit doon. Sinadya niya ‘yon upang ipabatid sa lalaki na hindi siya natutuwa sa ginawa nito. “Sorry, Lester at Robin. Next time na lang,” aniya bago tuluyang hinila si Thad.

Kapag hindi niya ‘yon ginawa, baka magpang-abot lang ang mga ito. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit mainit ang ulo ng mga ito sa isa’t isa.

“Akala ko ba pupunta tayo sa claasrrom?” sita niya kay Thad nang mapansing sa fire exit siya nito dinala. Kanina lang ay siya ang humihila rito pero baligtad na ang sitwasyon. “Hoy!”

“Anong sinasabi mong next time?”

“Next time?”

“Manonood ka talaga ng laro nila?”

“Bakit hindi? Masama ba ‘yon?” Wala naman siyang balak na manood pero naiinis siya sa tono ng pananalita nito na para bang masama ang gagawin niya.

“Okay lang sa ‘yo na pag-initan ng mga estudyante rito?” Salubong ang kilay nito. “Gusto mo talaga ng gulo?”

“Mukha ba akong naghahanap ng gulo?” bulyaw niya rito dahil sa sama ng loob. Ito pa talaga, na kaibigan niya, na kilala niya simula pagkabata, ang nagsabi sa kaniya ng ganoon. “Umiiwas na nga, di ba? Ano bang ikinagagalit mo?”

“Dapat lang na iwasan mo ang Lester na ‘yon dahil gulo lang dulot niya sa ‘yo.”

Namaywang siya. “So, dapat din pala kitang iwasan.”

“What are you talking about?”

“Dahil gulo lang din ang dulot mo sa akin.” Nawalan ito ng kibo pero mataman siya nitong pinagmamasdan. Tila may gusto pa itong marinig na sasabihin niya. “Hindi lang naman si Lester ang dahilan kung bakit pinag-iinitan ako ng mga estudyante rito. Pinag-iinitan ako ni Trixie dahil sa ‘yo. Naiinis sa akin ‘yong ibang babae dahil malapit ako sa ‘yo. Dapat na rin ba kitang iwasan?”

“No.”

“Bakit? Pareho lang naman na gulo ang dulot ninyo sa akin.”

“Dahil iba ako sa kanila. Iba ‘yong relasyon na mayroon tayo kaysa sa iba.”

Yeah, right! Dahil magkapatid ang turingan nila. “A, ganoon ba? Kaya ba ayaw mo nang kasabay ako na pumasok sa school kasi iba ka sa kanila? Kaya ikaw na ang unang umiwas?”

“Hindi. Mali ‘yang iniisip mo.”

“Ano pala?”

Nag-iwas ito ng tingin. “Hindi ko puwedeng sabihin sa ‘yo.”

“Okay.” Hindi niya ito pipilitin pero susubok siya ng ibang paraan upang mapaamin ito. “Manood ako mamaya ng practice game nila Lester. Magpapahatid na lang ako sa kaniya pag-uwi.”

“Bahala ka,” anito sabay talikod at saka naglakad palayo sa kaniya.

Naiwan siyang nakatulala. Palpak ang plano niya. Ang mga sticky note na ‘yon ang may kasalanan kung bakit ang gulo-gulo ng takbo ng buhay niya ngayon. Huwag lang magpapahuli sa kaniya ang mga sira ulong nagdidikit niyon sa freedom wall—baka masakal lang niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status