Matapos akong magbihis sa loob ng aking kwarto ay lumabas na ako. Nakita ko sa aming maliit na sala sina Ranie at Reev.
Nanonood si Ranie, habang si Reev naman ay nakaupo at hawak ang kaniyang nag-iisang libro na nabili ko noong nagtrabaho ako bilang isang crew sa isang fast food chain.
"Nasaan si Mommy?" tanong ko kay Ranie. Pinasadahan naman niya ako ng tingin bago niya muling ibinaling ang kaniyang atensyon sa panonood ng t.v.
"Lumabas," tipid at mabilis na sagot niya sa akin. Hindi na ako nagtaka pa o nagsalita at tinawag na lamang si Reev.
"Reev, kumain ka na?" tanong ko sa aking nakababatang kapatid. Tinignan naman niya ako tyaka siya ngumiti.
"Hindi pa, ate. Sabi kasi ni Mommy, sa iyo na lang daw ang pagkain na nakahain sa mesa," sagot nito sa aking tanong bago muling bumalik sa kaniyang ginagawa. Tahimik naman akong napabuntong hininga.
Araw-araw na ganitong scenario ang nakikita ko rito sa loob ng bahay. Wala nang bago, wala nang improvement.
Muli akong bumuntong hininga tyaka ako naglakad papunta sa kusina. Kung saan nakapwesto ang maliit at bilog naming lamesa.
Pagkalapit ko roon, marahan kong binuksan ang takip na nakaibabaw sa plato na pinaglalagyan ng pagkain. Bumungad sa aking harapan ang isang pirasong pinatuyong isda, at sinangang na kanin na kagabi pa naming sinaing.
Hindi na ako nagsalita o nag-react pa. Umupo na lang ako at kumain.
Nilingon ko sila Ranie at Reev na gano'n pa rin ang ginagawa, busy pa rin sa kaniya-kaniya nilang mundo.
"Ranie at Reev, kain kayo," marahan na paanyaya ko sa dalawa kong kapatid.
"Sige lang, 'te," tanging sagot ni Reev sa akin. Habang wala namang naging sagot si Ranie.
Patuloy ako sa pagkain nang dumating si Mommy. Pagkapasok niya sa kusina ay agad niya akong nginitian. May dala-dala siyang isang supot na may lamang isang kilong bigas, at sardinas.
"Pasensya na, anak. Pasensya na dahil iyan lang ulit muna," sabi nito sa akin.
"Hindi po, sapat na po ito. Nagmamadali na rin ako dahil anong oras na po. Baka ma-late po ako sa interview. Pangit naman po kung sa interview palang ay late na ako," sagot ko kay Mommy bago nagpatuloy sa pagkain.
Sa totoo lang habang kumakain, ang daming tumatakbo sa isip ko. Gaya ng paano kung 'di na naman ako matanggap sa kahit saang aapplyan ko? Lalo na rito sa pupuntahan ko ngayon? Paano kung 'di na naman ako mapansin dahil high school graduate lang ako? Lahat na ng pwedeng applyan ay inapplyan ko na. Lahat nalang ata pinatulan ko, basta marangal at desenteng trabaho. Minsan natatanggap ako pero palaging minamalas at nasasali sa mga tanggalan.
Gusto ko lang kahit papaano ay mabigyan ng maginhawang buhay sila Mommy. Gusto ko ring ipakita sa mga kamag-anak namin na kaya namin. Na kahit tinalikuran at 'di na nila kami kinilala bilang kapamilya nila ay nakakaangat kami kahit papaano.
Hindi naman kami gano'n kahirap, dahil kahit papaano ay nairaraos naman namin ang isang buong araw. 'Yon nga lang, para may makain kami ay kailangan kong magtrabaho at makipagsapalaran sa reyalidad ng buhay araw-araw ng walang pahinga.
Laking mahirap kasi si Mommy. Inampon lang siya nila Lolo at Lola. Sila Lolo at Lola ang tumayo niyang mga magulang, pero hindi rin nagtagal ay naulila siya dahil pareho silang namatay dahil sa sakit.
Nakaranas lamang ng isang maginhawang buhay si Mommy nang makilala niya si Daddy. Crew daw noon sa isang fast food chain si Mommy nang makilala nila ang isa't-isa. Bumili raw noon sa store nila Mommy si Daddy at nagkataon na si Mommy lang ang nag-iisang nasa counter.
Ang sabi ni Mommy sa kaniyang kwento, nagkaproblema raw ang kahang hawak niya noon. Nataranta raw siya dahil base sa itsura at tindig ni Daddy ay mayaman ito. Natatakot daw siyang masinghalan nito, ngunit nagulat siya nang bigla itong tumawa. Nilingon niya raw ito at nagtama ang kanilang mga mata at dahil doon, nagsimula na nga ang kwento ng pagmamahalan nila.
Napadalas daw si Daddy sa kanilang store, at kung anu-ano ang ginagawa upang mapansiya niya. Hanggang sa dumating na nga ang araw na kinuha nito ang numero ni Mommy, at inaya na siyang lumabas.
Hindi rin daw nagtagal ay nagkagusto silang tuluyan sa isa't-isa. At doon na tuluyang 'di napigilan ang mga puso nila.
Hindi pa gano'n katagal ang naging pagsasama nilang dalawa, pero dahil sa akin ay 'di na sila magkasamang tumanda. Hindi na nila natupad ang naging sumpaan nila sa harap ng altar. At hindi na kailanman mangyayari pa 'yon.
"Saan ka nga pala ngayon mag-aapply, anak?" naputol ang aking iniisip, at napalingon ako kay Mommy na ngayon ay nasa harap na ng kitchen sink at nagsasaing.
"Itatry ko lang po mag-apply bilang isang janitress," sagot ko sa tanong ni Mommy bago ngumiti. Natahimik naman siya.
"Nag-ayos at nag-formal attire lang po talaga ako kasi isa pong malaking kompanya ang pag-aapplyan ko," pagpapatuloy ko pa sa aking sinasabi. Bahagya naman akong nilingon ni Mommy.
"Anong kompanya naman 'yan, anak?" tanong niya sa akin bago siya nagpunas ng kaniyang basang kamay sa suot niyang damit.
"Seth Corporation po, Mommy," tipid at tanging sagot ko.
Bahagyang napahinto si mommy at tila natulala. Maglalakad na sana ako palapit sa kaniya nang 'di nagtagal ay nagsalita na siya.
"Seth Corporation?" nakakunot noong tanong niya sa akin.
"Opo," sagot ko bago bahagyang tumango.
"Bakit po, Mommy?" tanong ko pa sa kaniya.
Nanatili siyang tahimik at nakatingin lang sa akin. Lumipas muna ang ilang segundo, bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata at yumuko. Humawak din siya sa kaniyang ulo.
"Mommy, ayos ka lang ba?" tanong ko at akmang lalakad na palapit sa kaniya ng inangat niya ang kaniyang ulo at ngumiti.
"W-wala ito, Renice," sabi niya bago muli ngumiti.
Napakunot naman ang aking noo.
"Sumakit na naman po ba ang ulo mo, Mommy?" tanong ko. Akma muli sana akong lalapit nang umayos na siya sa pagkakatayo.
"Wala, anak. Medyo parang nahilo lang ako. Kulang na ata ako sa tulog," sagot nito sa aking tanong bago ngumiti.
Nanatili naman ang aking mga mata sa kaniya habang siya naman ay muli na namang natulala. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumingin sa akin.
Tatanungin ko sana siya kung ayos lang siya, ngunit bigla niyang binago ang usapan.
"Nahihiya na talaga ako sa iyo, anak," biglang sabi nito. Nanatili muna akong nakatingin sa kaniya at 'di nagsalita.
Huminga muna ako ng malalim, bago tumayo para makapaghugas ng kamay. At nang matapos ako sa paghuhugas ay muli akong lumapit sa mesa at niligpit ang aking pinagkainan.
"Para saan naman po?" 'yan na lamang ang tanong na lumabas sa aking labi. Nag-aalala pa rin ako kay mommy, pero 'di ko na lamang palalakihin pa.
Muli akong lumapit sa kitchen sink at tumalikod sa gawi ni Mommy upang mag-toothbrush.
Kailangan ko lang talaga ipakita kay Mommy na hindi ako apektado sa sitwasyon namin. Na ayos lang sa akin na ganito ang set-up ng buhay ko. Kasalanan ko rin naman kasi. Hindi sana babalik sa hirap si Mommy kung hindi dahil sa akin.
"Dahil ako dapat ang nagtatrabaho sa labas at bumubuhay sa inyo, hindi ikaw. Dapat nag-aaral ka lang, at pinaghahandaan ang future mo kapag wala na ako," sagot naman ni Mommy sa aking tanong.
Nang matapos ako sa aking ginagawa ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago ako bahagyang bumuntong hininga at humarap sa gawi ni Mommy.
"Okay lang po ako, Mommy. Hindi man ako makapagtapos ng pag-aaral, magsisikap ako para makaahon tayo sa kahirapan. Pero medyo matagal pa po mangyayari 'yon," natatawang sabi ko. Nakita ko rin namang napangiti siya.
"Matagal pa po ang buhay mo rito sa mundo," pagpapatuloy ko sa sinasabi ko bago ako muling ngumiti.
"Medyo mahihirapan lang pala tayo," dugtong ko pa sa aking sinasabi bago ako muling tumawa.
Hindi na rin naman nagsalita si Mommy, at nanatili na lamang ang kaniyang tingin sa akin bago bahagya muli siyang ngumiti.
Lumapit naman ako sa mesa at agad na kinuha ang pulbo at liptint ko sa loob ng bag upang makapag-ayos. Nang matapos ako ay pinasadahan ko ng tingin ang aking ina.
Nakaupo na siya sa mesa habang ang kaniyang mga mata ay sa akin lamang nakatingin. Ngumiti akong muli bago ko tinitigan ang kaniyang mukha. Nagawi naman ang atensyon ko sa kaniyang namumungay ng mga mata. Kita sa mga ito ang labis na lungkot. Ngumiti akong muli sa kaniya, para mawala ang kung ano mang tumatakbo sa isip niya.
"Mommy, ba't ka po tulala?" natatawang tanong ko. Bago pa man maisipan ni Mommy na sumagot ay dinugtungan ko na ang aking sasabihin.
"Aalis na po ako," sabi ko bago tumingin sa cellphone kong keypad para makita ang oras.
"Sige, anak. Aabutin ka ba ng gabi?" tanong nito.
Malungkot ang tinig niya at tila naiiyak. Pero hindi ko na ipinakita na napansin ko ang tono ng kaniyang pananalita.
Lumakad na lamang ako at lumapit sa sapatusan upang suotin ang halos warak ko ng sapatos. Mabuti na lamang at naimbento ang shoe glue.
Itong sapatos ko ang naging saksi sa halos lahat ng journey ko sa pag-aapply, at sa pagtatrabaho ko mismo. Tinuturing ko nga itong lucky charm.
"Siguro po," isang tipid na sagot ko sa kaniyang tanong.
At nang matapos ako sa aking ginagawa, tumayo na ako at inayos ang suot kong pencil cut na palda. Pinagpagan ko ito at tumayo ng diretso.
"Alis na po ako, Mommy," muling paalam ko sa kaniya bago ngumiti at naglakad papunta sa pinto. Nagpaalam din ako sa dalawa kong kapatid bago tuluyan ng lumabas ng bahay.
Nagpatuloy ako sa aking paglakad hanggang sa makarating ako sa sakayan. Mataman akong nag-abang doon ng jeep na maghahatid sa aking paroroonan. Hindi rin naman nagtagal ay nakasakay na ako at nagbayad ng aking pamasahe.
Habang nakaupo sa jeep na sinasakyan ko, taimtim akong nagdarasal.
Sana sa araw na 'to ay matanggap ako sa trabaho. Sana palarin ako at magbago na ang ikot ng aking mundo.
×××
Nanatili akong nakaupo at nag-abang sa loob ng jeep hanggang sa marating ko na ang lugar na aking pag-aapplyan. Hindi ko alam pero tila habang papalapit ang jeep na sinasakyan ko, tumi-triple ang kabog ng aking dibdib. Sa lahat ng mga trabaho na napag-applyan ko, ngayon lamang ako kinabahan ng ganito. Nakapag-apply na rin naman ako sa ibang kompanya, pero confident ako sa interview na pinagdaanan ko sa mga kompanyang 'yon. Iba ang araw na 'to, parang may kakaiba at bagong mangyayari. "Para po," sabi ko nang matanaw ko na ang building na aking pakay. Bumaba na ako sa sasakyan nang huminto ito. Huminga ako ng malalim bago naglakad patungo roon. Huminto ako 'di kalayuan sa lugar kung saan iyon nakatayo. Napaka-laki pala talaga nito, at napakataas. Kumikinang din ang paligid nito, dahil nagrereflect ang kalangitan sa exterior design nitong salamin. Nakakabighani, nakakaakit. First time kong mag-apply sa ganito kalaking
"Be my wife," rinig kong sabi ng lalaking nakaupo sa gitna ng dalawa pa. Mabilis na tumibok ang aking puso. Tila nabingi rin ako dahil sa aking narinig. "Ah, I am Renice Ocampo. I am applying for any position that your good company can offer," sabi ko habang nakatingin lang sa kanila. Nakita ko namang napailing ang isa sa kanila habang natatawa naman ang isa. Mabilis na kumunot ang aking noo. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko? Nakakatawa ba na okay lang sa akin ang kahit anong posisyon na maaari kong makuha sa kompanya nila? "Look, I told you not to start it with that kind of--pfft!" sabi ng isa sa kanila habang pinipigilan ang kanyang pagtawa. Teka, bakit pamilyar sa akin ang mukha niya? "I don't know either. You know how I told him to start it with a proper introduction," sabi naman ng isa habang tumatawang nakatingin sa lalakin
"This is your room," sabi ni Michael sa akin. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. "Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag. Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang loob no'n. Kaagad kong kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Madilim kasi ang loob nito at 'di ko ri
Nanatili akong nakaupo sa upuan habang patuloy kong iniisip kung bakit nga ba pinili kong pumayag sa deal na 'to. Napabuntong hininga ako. "Para sa pamilya mo, Renice. Hindi ba?" pagkausap ko sa aking sarili. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ko kinuha ang cellphone kong lowbatt na. Isa pa 'to sa iniisip at pinaka problema ko sa mga oras na 'to. Hindi pa alam nila mommy na hindi ako makakauwi. Sobrang biglaan kasi ng pagtira ko rito at pagkukunwari kong asawa ng manyak na 'yon. Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Wala akong charger, at hindi na ako papayagang umalis pa ng lalaking 'yon ngayon dahil halos hating gabi na. Napasandal ako sa kinauupuan ko. May dadagdag pa ba sa mga iniisip ko sa mga oras na 'to? "Aw," isang salitang kusang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan. "Sumabay ka pa," wala sa sariling untag ko. Hindi pa pala ako kumakain mula kanina, kahit pa
Nanatili akong nakaupo sa tapat ng study table. Kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi habang mahinang humihikbi. Nakapatong na ngayon sa study table ang nagkahiwa-hiwalay ng parte ng cellphone ko. Nagsisisi ako. Maling-mali na humingi ako ng tulong sa siraulong katulad ng lalaking 'yon. Malalim akong napabuntong hininga. Kasalanan ko rin, kasalanan ko rin na umasa ako na kahit papaano ay may mabuting puso naman ang Michael na 'yon. Masyado ko kasing dinala ang sarili ko sa mga naging maliit na pag-uusap namin kanina sa ibaba. Napahinga ako ng malalim. Walang kahit anong cellphone ang makakapalit dito. Ito pa kasi ang cellphone ni Daddy. Ito 'yong cellphone at huling hawak-hawak niya bago siya mamatay. Galing pa 'to kay daddy. Binigay 'to sa akin ni mommy dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang araw na nagpabago sa buhay naming lima. At ngayon, wala na 'to. Sinira na 'to ng lalaking 'yon. Patuloy akong umiyak habang din
Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito. Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag. Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti. Masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa ng lalaking 'yon sa cellphone ko ka
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng salamin dito sa walk-in closet na sinabi ni Michael. Tinititigan ko ang aking sarili. Suot-suot ko ang mga damit na ibinigay niya sa akin kanina. Ito ang mga gamit na dala-dala niya at nakapatong sa hawak niya kaninang tray. Napahinga ako ng malalim habang nanatili ang aking mga mata sa aking sarili. Ngayon lamang ako nakasuot ng ganito kagandang damit. Karamihan kasi ng damit ko ay nabili lang sa ukay-ukay, o 'di kaya ay pinaglumaan lang ng mga nakatrabaho ko. Ngayon lamang ako nagkaroon ng damit na may tatak o branded. Dahil wala naman akong kakayahan na bumili ng ganito. Mabilis naman akong napatingin sa kaliwang bahagi ko nang marinig ko ang pagtunog ng bago kong cellphone. Kagat labi ko 'yong dinampot at tinignan kung sino ang tumatawag. "Sino kaya 'to?" tanong ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin sa cellphone. Patuloy pa rin ito sa pag-ri-ring pero hindi ko naman alam kung paano ito sasagutin.
"Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang ko sa 'yo. Baka wala na akong sahurin," sagot ko naman sa kanya. "What are you going to buy?" tanong naman niya sa akin. Napaikot naman ang aking mata sa paligid. "Kahit ano basta pa