Share

Chapter 6

Nanatili akong nakaupo sa upuan habang patuloy kong iniisip kung bakit nga ba pinili kong pumayag sa deal na 'to.

Napabuntong hininga ako.

"Para sa pamilya mo, Renice. Hindi ba?" pagkausap ko sa aking sarili.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ko kinuha ang cellphone kong lowbatt na.

Isa pa 'to sa iniisip at pinaka problema ko sa mga oras na 'to. Hindi pa alam nila mommy na hindi ako makakauwi. Sobrang biglaan kasi ng pagtira ko rito at pagkukunwari kong asawa ng manyak na 'yon.

Sinabunutan ko ang sarili kong buhok.

Wala akong charger, at hindi na ako papayagang umalis pa ng lalaking 'yon ngayon dahil halos hating gabi na.

Napasandal ako sa kinauupuan ko. May dadagdag pa ba sa mga iniisip ko sa mga oras na 'to?

"Aw," isang salitang kusang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan.

"Sumabay ka pa," wala sa sariling untag ko.

Hindi pa pala ako kumakain mula kanina, kahit pag-inom ay hindi ko man lang nagawa.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Doon ko lang naalala na wala nga rin pala akong damit na maisusuot para sa gabing ito.

"Nakakainis," sabi ko bago mabilis na naglakad papalapit sa pinto ng kwartong 'to.

Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi nang muli 'yong kumulo.

"Teka lang, makakakain din tayo," sabi ko bago ko binuksan ang pinto ng kwarto.

Sumilip muna ako mula sa kanan hanggang sa kaliwa bago ako tuluyang lumabas.

Mabuti na lang at wala rito ang lalaking 'yon.

Hindi man lang ba nakakaramdam ng gutom si Michael?

Nagsimula akong maglakad ng dahan-dahan pababa ng hagdan. Hindi ko alam kung nasaan ang kusina o kahit man lang ang banyo. Kapag sumama ang tiyan ko maliligaw muna ako bago ko mailabas ang sama ng loob ko.

"Saan kaya rito?" bulong ko sa aking sarili habang patuloy na nililibot ang buong bahay.

Maganda rito sa bahay ni Michael. Sobrang linis at hindi mo aakalaing isang binata ang nakatira. Wala kang makikita na kahit anong dumi sa kahit saan. Kahit ang mga picture frames ay maayos na nakasabit sa pader.

'Yon nga lang, wala kang makikitang kahit anong litrato ng tao rito. Puro lang mga litrato ng puno, kagubatan, beach, at buwan.

"Ang misteryoso naman ng lalaking 'yon," sabi ko sa aking sarili habang nakatayo sa tapat ng isang malaking painting. Painting ng babaeng tumatakbo.

"Aw," biglang sabi ko ulit nang muli na namang kumulo ang aking tiyan.

Nagugutom na talaga ako. Saan kaya rito ang kusina?

Nagpatuloy ako sa paglalakad, pero hindi pa rin nakatakas sa aking mga mata ang mga frames na nakasabit sa pader. Frames na gano'n pa rin ang litrato at painting. Pero napansin ko lang, sa bawat painting may makikita kang imahe ng babae na kung hindi nakaputi ay nakaitim.

"Ano 'yon?" tanong ko sa aking sarili nang may maamoy akong mabango sa hindi kalayuan sa akin. Kaagad kong sinundan ang amoy pati na rin ang liwanag na pinagmumulan ng lugar na 'yon.

Mabilis naman akong napahinto sa paglakad nang ma-realize ko na nandito na ako sa tapat ng kusina. At ngayon ay kitang-kita ko si Michael na nakatalikod sa akin at nagluluto ng pagkain.

Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakatayo sa tapat ng kusina. Hindi ako makagalaw o makaalis man lang sa kinatatayuan ko.

"I thought you are not going downstairs anymore," rinig kong sabi niya.

Agad namang bumalik ako sa aking huwisyo nang marinig ko ang boses niya.

"G-gusto ko lang sanang malaman kung nasaan ang banyo," palusot ko.

Hindi ako kakain kasabay ng lalaking 'to. Bukod sa hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya sa akin kanina, hindi rin mawawala sa isip ko na hindi ko pa siya tuluyang kilala at maaari niyang magawa sa akin ang kung ano mang naisin niya.

Mabilis naman niya akong nilingon. Ilang segundo munang nanatili sa akin ang paningin niya, pero hindi nagtagal ay ibinalik niya ang kanyang atensyon sa plato sa kanyang harap.

"There's a bathroom on your room. So, I assume that you are here to take a dinner," diretsong sabi niya habang nakatingin pa rin sa kanyang plato.

"Hindi ko napansin, at hindi ko alam," sagot ko.

Muli niya akong nilingon bago niya kinagat ang kanyang labi. Hindi ko naman alam kung bakit ako napalunok.

"You can eat here. I am going to eat upstairs," sabi niya bago siya tumayo at hinawakan ang kanyang plato. Mabilis naman akong napaatras.

"B-bakit?" naguguluhang tanong ko.

Mabilis naman niya akong nilingon.

"So you can eat. I know you do not want to eat with me," sagot naman niya sa aking tanong.

Mariin ko namang pinikit ang aking mga mata. Magsasalita na sana ako ngunit sa aking pagdilat, wala na siya sa pwesto niya.

Lumingon muna ako ng ilang beses sa aking paligid upang makita kung saan na siya nagpunta, pero sa laki ng bahay na 'to ay hindi ko na siya natanaw pa.

Pero seryoso pala siya. Hindi ko akalain na aalis siya rito sa kusina at sa itaas na kakain para lang hindi ako mahiya.

Napahinga naman ako ng malalim. Pinahihirapan ko na ba siya?

'Di bale, babawi na lang ako sa kanya.

Muli akong lumingon sa paligid at sinigurado na wala na siya rito sa kusina. Naglakad pa ako ng ilang hakbang at luminga sa paligid.

Wala na nga talaga siya rito. Talagang tinotoo niya ang sinabi niyang sa itaas na siya kakain.

Nang masiguro na wala na nga siya ay agad akong bumalik sa kusina, at lumapit sa kitchen stove kung saan nakatayo kanina si Michael.

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang putahe na gustong-gusto naming magkakapatid na niluluto ni mommy.

Nanatili akong nakatingin sa adobo na ngayon ay nasa aking harapan. Feeling ko nagiging madaya ako sa pamilya ko. Ako nandito sa bahay ni Michael at maayos ang tinutuluyan. Makakakain pa ng ganito. Habang sila nasa bahay namin, hindi pa ako sigurado kung kumain na ba sila ngayong gabi. Baka nga hindi pa sila kumain kahit pananghalian man lang.

Agad kong tinakpan ang kaldero at naglakad papalayo sa kitchen stove.

Nawala na ang gana ko. Hindi na lang ako kakain pa. Baka manghiram na lang ako ng charger kay Michael.

"Where are you going?" halos napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa aking harapan si Michael habang dala-dala ang isang plato at baso.

"Ah, tapos na akong kumain," sagot ko at akma na sana akong lalakad paalis sa kanyang harapan nang bigla niya akong harangan.

"But you haven't eaten anything yet," sabi niya habang diretsong nakatingin sa akin.

"Tapos na nga," sabi ko at iniiwas ang aking sarili sa kanya, ngunit kagaya kanina ay iniharang niya lang ang kanyang sarili.

"No. You're lying," sabi niya bago tumingin sa kusina.

Sinundan ko naman ang kanyang tingin.

"None in here has ever changed. Even the chair on the table is still on its place," sabi niya habang nakatingin pa rin sa kusina.

Mabilis ko naman siyang nilingon. Seryoso ba siya?

"Why are you lying? Ayaw mo ba ng ulam?" sabi pa niya.

Nagulat naman sa aking narinig.

"Marunong ka magtagalog?" gulat na tanong ko.

Hindi naman siya kaagad nagsalita.

"Marunong ka pala magtagalog tapos pinahihirapan mo pa akong intindihin 'yong mga sinasabi mo," sabi ko pa habang nakatingin pa rin sa kanya.

Magmula kasi kanina ay ngayon ko lamang siya narinig na nagsalita ng tagalog. 'Yong mga kaibigan niya lang na sina Tyron at Redenn ang narinig kong nagsalita ng tagalog.

"Tsk," tanging sagot niya bago naglakad paalis sa aking harapan.

Sinundan ko naman siya habang nakangiting naglalakad kasabay niya.

"Ayie! Magtagalog ka nga ulit. Parinig," biro ko habang natatawa.

"Tsk, idiot," rinig kong sabi niya habang naghuhugas ng kamay sa kitchen sink.

Ako naman ay nanatili lang na nakatayo sa tabi niya habang nakasandal sa pader.

"Dali na kasi!" pagpupumilit ko.

Hindi ko kasi alam kung bakit ang cute lang pakinggan ng boses niya kapag nagsasalita siya ng tagalong. Kapag english kasi ang salita niya ay hindi ko gaano naiintindihan dahil may accent siya.

"Can you please stop f*cking fooling around?" sabi niya bago tumingin sa akin.

Napakunot naman ang aking noo.

"Kanina mo pa ako minumura. Oo, 'di ako gaano nakakaintindi ng ingles pero alam ko kapag minumura ako," inis na sabi ko.

Nakita ko namang napailing siya.

"Take your dinner," sabi niya bago naglakad paalis sa aking harapan.

"Ayoko nga! Baka may lason pa 'tong luto mo, baka may plano ka palang patayin ako!" sigaw ko. Nakita ko namang huminto siya sa paglakad bago niya ako nilingon.

Napalunok naman ako ng laway ko.

Nagbibiro lang naman ako.

"Eat your dinner. Tomorrow will going to be a tiring day," sabi pa niya bago muling naglakad paalis sa kusina.

Hindi naman ako nakaimik. At hindi na rin ako umimik pa.

Muli akong tumingin sa kaldero na pinaglalagyan ng nilutong ulam ni Michael.

"Paano ba ako kakain kung ang pamilya ko ay hindi ko man lang alam kung nakakain na ba?" sabi ko sa aking sarili.

Napabuntong hininga ako. Paano ko maaatim na kumain ng masarap na ulam kung alam ko na baka sa mga oras na 'to ay hinahanap na ako nila mommy at nagbabakasali na may dala-dala akong ulam.

Mabilis muli akong naglakad paalis ng kusina at mabilis na umakyat sa itaas. Agad akong pumunta sa kwarto ni Michael at doon siya muling kinatok.

"What?" bungad na tanong niya nang buksan niya ang pinto ng kanyang kwarto. Nakakunot noo naman siyang titig na titig sa akin.

Kakapalan ko na ang mukha ko.

"Pwede ba ako makahiram sa 'yo ng charger? Lowbatt na kasi ang cellphone ko, baka kasi hinahanap na ako nila mommy," diretsong sabi ko.

Nakita ko namang sumeryoso ang mukha niya. Nagalit ko ba siya?

"What type of charger?" tanong niya bago pumasok muli sa kanyang kwarto.

"Sandali lang," sabi ko naman bago ako mabilis na umalis sa kanyang harapan.

Agad kong kinuha ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tumakbo pabalik sa kanyang kwarto.

Nakita kong nakatayo siya sa tapat ng kanyang kwarto habang hawak-hawak ang isang box.

"Ano 'yan?" nakakunot noong tanong ko habang nakatingin sa box. Nakita ko namang napatingin din siya sa box bago niya ibinalik ang tingin sa akin.

"A box of chargers perhaps?" sabi niya bago iniabot sa akin ang box.

Agad ko namang kinuha 'yon at naupo sa lapag. Mabilis akong naghanap ng charger na maaaring magkasya sa luma kong cellphone.

"What's that?" rinig kong sabi niya.

Agad ko naman siyang tinignan. Nakita kong nakatingin siya ngayon sa cellphone ko.

"Ang alin?" tanong ko pa.

"That?" nakakunot noong tanong niya habang nakatingin sa cellphone ko.

"Cellphone ko," sagot ko bago ako bumalik sa paghahanap ng charger.

Ngunit agad akong napahinto sa paghahanap nang maramdaman ko ang paghablot ni Michael sa cellphone ko mula sa aking kamay.

"Trash," rinig kong sabi niya bago ako nakarinig ng isang malakas na kalabog mula sa ibaba.

Agad ko siyang tinignan at nanlaki ang aking mga mata nang malaman ko kung ano ang bagay na lumikha ng malakas na tunog.

"Sira ka ba?!" bulyaw ko.

Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa inis. Pakiramdam ko sasabog ako sa galit.

Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan at kinuha ang cellphone kong ngayon ay nagkalat na sa sahig.

Basag na rin ang screen nito at nagkalat na sa sahig ang mga parte nito.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak.

Matagal ko ng cellphone 'to. Kahit ganito 'to ay hindi ko 'to magawang ipagpalit dahil galing pa ito kay Daddy.

Hindi ko alam kung bakit, pero tanging pagluha na lamang ang tanging nagawa ko habang dinadampot ang nagkalat na parte ng cellphone ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa sahig habang umiiyak. Basta alam ko, sobrang sama ng loob ko. Sobrang bigat ng dibdib ko. At gusto kong saktan ang lalaking 'yon.

"That's a crap. Just f*cking leave it," rinig kong sabi niya mula sa aking likod.

Agad ko namang hinawakan ng mahigpit ang aking cellphone at agad akong tumayo mula sa pagkakaupo.

Hindi ko naman alam saan nanggaling ang lakas ko ng loob. Basta ang alam ko, matapos kong lumapit sa kanya ay naramdaman ko ang pagdikit ng palad ko sa kanyang mukha. At nag-echo sa buong first floor ang tunog nang ginawa ko.

"Ikaw ang b****a! Ang sama ng ugali mo! Nagsisisi na ako na pinirmahan ko ang b****ang kontrata mo!" sigaw ko bago ako naglakad paakyat papunta muli sa kwarto.

Kung ibabalik lang ang oras, sana pala pinunit ko na lang ang kontratang 'yon.

Ayoko na! Ayoko na maging Rented wife ng isang manyakis at siraulong tulad ni Michael Seth!

×××

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lolit Cleopas
bakit hende paren ma open nanonood na ako nang vedio
goodnovel comment avatar
Marites Suan Silao
Kapakapanabik
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status