Share

Chapter 17

Nanatili akong nakatayo lang dito sa tapat ng aming pinto. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapagtagpi-tagpi ang mga bagay-bagay. Sobrang bilis lang kasi ng mga nangyari.

Parang kahapon lang ay naghahanap lang ako ng trabaho. Ngayon, heto na, nasa isa na akong relasyon kung saan hindi naman totoo at ginagamit lang ako.

Napahinga ako ng malalim. Masaya ako na kahit papaano ay may makakain na ang pamilya ko. Masaya ako na kahit papaano sigurado na ako na may maipapakain ako sa kanila kahit hindi ako magbabad sa pagtatrabaho.

"Hey," mabagal akong napalingon sa aking likod nang may marinig akong boses. Bahagya akong ngumiti nang makita ko siya.

"Ginagawa mo rito, Renice?" tanong sa akin ni Redenn habang naglalakad sa akin papalapit.

"Wala naman, nagmumuni-muni," sagot ko bago ako tumingin muli sa kalangitan.

"Ayos ka lang ba?" tanong pa niya sa akin.

"Oo naman. Masaya nga ako na kahit papaano alam ko na hindi na mahihirapan sila

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status