Nakatayo ako ngayon sa tapat ng vanity table ko. Kasalukuyan kong kinukuha ang mga gamit na kakailanganin ko sa pagtira sa bahay ni Michael.
Sa totoo lang ay halos wala akong maidala dahil nga hindi naman gano'n kagandahan at kaaayos ang mga gamit at damit ko rito sa bahay.
Napahinga ako ng malalim bago ako napaupo sa kama na nandito lang malapit sa akin.
Nanghihina ako sa katotohanan na parang hindi ako nakatira rito sa bahay, dahil bukod sa iilang piraso lang ang mga damit ko, halos wala pa akong gamit na ako mismo ang nagma-may-ari. Lahat kasi ng gamit ko ay ginagamit din mismo ni Ranie.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aming maliit na kwarto. Kung titignan, wala akong madadala kahit ni-isang gamit. Dahil kung dadalhin ko ang mga gamit dito ay mawawalan naman ng gagamitin ang kapatid ko.
Muli akong napabuntong hininga.
"That's your nth sigh," mabilis akong napatayo at napatingin sa pinto ng kwarto.
"Ginagawa mo r
Nanatili ako rito sa aking kwarto habang tulala pa rin na nakatingin sa kabinet kung nasaan ang mga gamit namin ni Ranie. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung ano nga ba sa mga ito ang dapat kong dalhin. Malalim akong napabuntong hininga. "Bakit nandito ka pa, Renice?" rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses mula sa aking likod. Mabilis ko siyang nilingon. Nakatayo siya ngayon sa tabi ng pinto. "Wala ba kayong pasok ng asawa mo?" rinig ko pang tanong niya sa akin. Nginitian ko naman siya kahit alam ko na hindi naman ako gagantihan ni Ranie ng ngiti pabalik. "Wala naman sigurong pasok 'yon," simpleng sagot ko. Tumango naman si Ranie sa akin bago niya tinignan din ang kabinet na pinaglalagakan ng aming mga damit. "Dalhin mo na lang ang mga 'yan. Lahat naman 'yan ikaw ang bumili," sabi pa nito sa akin.
Nakabusangot akong naglalakad kasabay ni Michael. Naiinis ako dahil 'di ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabay kaming maglakad. "Hoy! Hindi ko nakikita daraanan ko. Tapakan ko kaya sapatos mo," inis na sabi ko. Hindi naman siya kumibo, patuloy lang siya sa paglakad. "Hoy, Michael!" inis na pagtawag ko sa kanya. Mabilis naman niya akong nilingon bago siya napabuntong hininga. Mabagal din siyang huminto sa paglakad bago tuluyang tumingin sa gawi ko. "You are causing a scene," simpleng sabi niya bago siya tumingin sa paligid. Napatingin na rin ako sa paligid bago ako napasimangot. Totoong halos lahat nga ng tao rito ay pinagtitinginan kami. "Bakit kasi sinama-sama mo pa ako rito sa mall kung 'di mo naman ako isasabay sa paglakad? Gusto mo nasa likuran mo lang ako?" inis na tanong ko bago ako napatingin sa paligid.
Nakatayo ako ngayon sa tapat ni Michael habang mabagal na umiikot. Titig na titig naman siya sa akin. Nakakailang damit, at bihis na rin ako. Huhulaan ko, halatang hindi lang ako ang napapagod sa ginagawa naming 'to. Nang matapos akong umikot ay humarap ako kay Michael at tumayo ng diretso. Prente naman siyang nakaupo sa harapan ko habang nakahawak ang kanyang hintuturo sa kanyang baba. "Okay, another one," rinig kong sabi ni Michael. Halos bumagsak naman ang balikat ko sa aking narinig. Mabagal naman kaming naglakad nang babae papasok sa fitting area. Halos lahat na ata ng damit nila rito ay naisukat ko na. "Miss, pasensya na ha. Hindi na ako magsusukat, baka kasi isa lang bilhin no'ng lalaking 'yon. Mapapagod ka lang," sabi ko sa babaeng nakasunod sa akin na may dala-dalang mga damit sa kanyang kamay. Napalingon din ako sa tatlo pang mga babae na
Nanatili akong tahimik habang sakay ng sasakyan ni Michael. Ito ang sasakyan na gamit namin kanina na pinark namin sa loob ng mall. "Michael, pasensya na sa mga nangyari kanina," sabi ko bago ko siya nilingon. Hindi naman niya ako tinignan pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang ulo. "For what?" tanong naman nito sa akin. Napabuntong hininga ako. "Para sa mga nangyaring gulo kanina," sagot ko bago ako tumingin sa labas ng sasakyan. Hindi naman na nagsalita si Michael. Parang gusto ko rin na hindi talaga marinig ang kanyang boses. Hanggang ngayon mabigat pa rin ang dibdib ko. Hanggang ngayon ay hindi ko lang maisip ang mga bagay na nangyari sa akin kanina. Oo, hindi kami mayaman. Pero hindi naman ako nakaranas ng kahit isang gano'ng pagmamaliit sa buong buhay ko. Kanina, 'yon ang unang beses na nangyari ang mga 'yon. Sobran
Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nanatili lang na nakaupo sa kama. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kawalan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka-ayaw ko ng maalala sa buong buhay ko. Ang alaala kung saan huling beses kong nakita ang pag-ngiti ni Daddy, at ang huling beses na narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Isang luha na naman ang muling pumatak sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay sarili ko pa rin ang tanging sinisisi ko sa trahedyang nangyari sa buhay namin. Kung hindi lang sana namatay si Daddy, baka wala ako rito ngayon, baka hindi ako isang rented wife at tau-tauhan ni Michael Seth. Pero kagagawan din ito nang nagmamaneho ng sasakyan na 'yon. Kagagawan din ng taong 'yon ang kamalasang natatamasa ng pamilya namin ngayon. Kung hindi lang sana niya kami tinakasan, kung hindi lang sana niya hinayaang duguang nakahandusay si Daddy sa kalsada, baka, baka buhay pa sana siya. Kinagat ko ng mariin ang pang-
Patuloy ako sa pagsasalita habang patuloy ko na nilalagyan ang plato ni Michael. Wala pa rin siyang imik sa kasalukuyang ginagawa ko. Matapos ako sa paglalagay sa plato niya ay sinimulan ko namang lagyan ang sa akin. "Maraming salamat talaga," sabi ko pa bago ko siya tinignan. Nakita ko namang nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa plato niyang ngayon ay punong-puno na ng iba't-ibang klaseng ulam. "Kumain ka na. Alam ko namang kanina ka pa nagugutom," sabi ko pa bago ako patuloy na naglagay ng pagkain sa aking plato. Nakita ko namang napailing ang kanyang ulo bago siya bahagyang natawa. "Do I look like a pig?" natatawang tanong niya bago ako nilingon. Mabilis ko naman siyang tinignan. "Pig?" naguguluhang tanong ko. Nakita ko namang napatingin siya sa kanyang plato bago napailing. Napanguso naman ako. "Galit ka ba?" biglang tanong ko. Mabilis naman niya akong tinignan. "Is there someth
Mabilis kong tinakpan ang aking mukha ng aking kamay nang tumama sa akin ang mataas na sinag na araw. Mabagal naman akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Gusto ko pa sana matulog pero 'di ko alam kung bakit kahit halos nakapikit pa ang mga mata ko ay ayaw naman ng humiga nitong katawan ko. Pinilit kong tumayo mula sa kama ko at inayos 'yon. Inayos ko rin ang ilang gamit ko na nakakalat na pala sa lamesa. Patuloy ako sa pag-aayos ng gamit nang may maamoy akong mabangong aroma na nanggagaling sa labas ng kwarto. Kaagad akong napaayos ng tayo at napatingin sa pinto. "Ang bango naman no'n," sabi ko sa sarili ko bago ako napahawak sa tiyan kong tumunog dahil sa pagkagutom. Naalala ko, hindi nga pala ako nakakain kagabi dahil as usual, nagtalo na naman kaming dalawa ng lalaking 'yon. Napahinga ako ng malalim bago ako pumunta sa banyo at nag-ayos. Matapos no'n ay nagpalit din ako ng damit. Nang masiguro kong ayos na ang la
Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Redenn. Pareho lang kaming tahimik habang binabagtas ang mahabang daan papunta sa Seth Corporation. Napahinga ako ng malalim bago ako napatingin sa mga kamay kong nakapatong sa aking tuhod at kasalukuyang nanginginig. Muli akong napabuntong hininga. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana naman ay hindi ako mapahiya. "Grabe naman ang mga buntong hininga na 'yon, Renice. Ang bibigat, ah?" natatawang sabi ni Redenn. Mabilis ko naman siyang tinignan bago ako bahagyang ngumiti. "Gano'n talaga. M-medyo kabado lang ako para mamaya," sabi ko naman bago ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Para saan ka naman kinakabahan?" biglang tanong sa akin ni Redenn. Napatingin naman ako sa kanya. "Sabi mo kasi may meeting kaming pupuntahan," sagot ko. Nakita ko namang ilang beses na tumango