Wala akong ibang ginawa kung hindj ang maiyak. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas nam
Mabagal at pilit kong idinilat ang aking mga mata. Hindi ko alam kungbakit ganito ang bigat na nararamdaman ko. Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito. Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag. Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti. Masama pa rin ang loob
I stood there--confused. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman at nakikita ko. I was beyond pissed--nasasaktan ako. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ito, pero nangangati na akong malaman kung ano ang dulo nitong kalokohan na ito.Patuloy kami sa paglakad papunta sa kung saan. Hindi ko nga alam kung alam ba talaga nitong si Michael kung saan niya nais pumunta. "Saan mo ba talaga trip pumunta?" tanong ko bago tinakbo ang maliit na pagitan naming dalawa. Hindi naman siya umimik pero nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. "Sagot na kasi. Ang usapan papautangin mo ako para makabili ng mga pagkain na iiwan ko sa bahay namin, pero 'di ko alam anong tumatakbo d'yan sa isip mo," sabi ko pa. Napasimangot naman ako bago patuloy na sumunod sa kanya sa paglakad. "Saan mo ba kasi trip na pumunta? Iiwanan kita rito, tignan mo," dugtong ko pa bago ko tinignan ang dinaanan namin kanina. Medyo malayo na rin kami sa mall, at halos tirik na rin ang araw. "Kung gusto mong matusta r
I was thinking. Kung mas maaga ko sanang nalaman ang plano ni Michael, edi sana hindi ko siya napahirapan. Nandito ako ngayon sa kusina ng bahay ng mga magulang ni Michael. Kasalukuyan akong nagluluto ngayon nang pagkain na maaari kong makain. Patuloy lamang ako sa aking ginagawa nang bigla kong naalala ang araw na nagpunta kami noon sa palengke. Flashback"Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lan
I was not sure on what to do. It was more like I'm doubting myself. "Kumain ka na," sabi ko kay Michael bago ko ibinaba ang hawak kong plato na may lamang pagkain sa kanyang harapan. Hindi naman siya umimik. Nanatili lang ang kanyang tingin sa akin habang nakaupo sa mesa rito sa kusina. "Kakain ka ba o hindi?" tanong ko pa. Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay nagpapakita lang siya sa akin tuwing gusto niya at wala ang babaeng 'yon. "Hindi? Edi 'wag," inis na sabi ko bago ako naupo sa upuan at iniayos ang plato na gagamitin ko. Wala pa talaga sana akong balak na kumain pa, pero hindi ko na nagawa pa dahil gusto ko kasing umiwas na sa lalaking 'to. Matapos kasi nang naging pag uusap namin kanina ay nakaramdam na ako ng kakaibang hiya sa paligid naming dalawa. Napahinga ako ng malalim nang maalala ko ang naging pag-uusap namin kani-kanina lang. Flashback Kagat kagat ko ang pang ibaba kong labi habang hawak ang isang baril na hindi ko alam
Nakatingin ako sa malayo habang patuloy na iniisip kung bakit nga ba nangyayari ito sa akin. Malalim akong napabuntong hininga. "Saan tayo pupunta, Redenn?" tanong ko sa lalaking ngayon ay katabi ko at kasalukuyang nagmamaneho nitong sasakyan na lulan ko. "D'yan lang, magliliwaliw. At saka susunod sa utos pfft," sagot naman niya sa akin habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Hindi naman na ako kumibo matapos nang kanyang sinabi. "Renice," biglang pagtawag niya sa akin. Kaagad ko naman siyang nilingon. Nanatili ang tingin niya sa daan habang nagsasalita. "Kumusta na pala kayo ni Michael? Nag-usap na ba kayong dalawa tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa?" tanong nito bigla sa akin. Hindi naman ako kaagad nakaimik. Kahit hindi banggitin ni Redenn ang pangalan ng tinutukoy niya, alam ko sa sarili ko na 'yong babaeng 'yon ang tinutukoy niya. "Wala," simple at mabilis na sagot ko. "Wala?" tanong pabalik naman nito sa akin. Hindi na ako sumagot pa. Na-da-drain ako. Feeling ko
Hindi ko alam kung kailan ako magiging maayos, pero kahit ano man ang mangyari, gagawin ko ang lahat para maging maayos. Mabagal akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama. Masakit ang ulo ko at mahapdi ang aking mga mata. "Anong oras na ba?" untag ko bago ako napahinga ng malalim. Mag-a-ala-sais na pala ng umaga. Kailangan ko nang kumilos dahil alas-otso ang oras ng klase ko ngayon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama bago ako naglakad papunta sa vanity table. Magang maga ang mga mata ko at pulang pula. Paano kaya ang gagawin ko nito? Hindi kasi ako nakatulog matapos kong umiyak ng umiyak kagabi. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Dahil hindi ko deserve ang ganito, akala ko maayos kami. Akala ko okay kami. Pero ito, buwan na ang nakaraan pero wala pa rin siyang paramdam. Malalim akong huminga bago ako naglakad na papunta sa pintuan nitong kuwarto. Wala na si Ranie rito sa kuwarto dahil alas-sais ang oras nang simula ng klase niya. Pareho sila ni Reev, at sa
I didn't know what happened. All I know is nasasaktan ako sa nangyayari sa amin ni Michael. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang epekto sa akin nang huling sinabi ni Michael. Si Michael ang unang pumasok sa loob ng kwarto rito sa loob ng opisina niya bago ako mabagal na sumunod. "Ano ba kasing gagawin natin dito?" tanong ko. Mabagal naman akong nilingon ni Michael bago niya binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto. Mabilis ko namang ipinikit ang aking mga mata upang i-adjust ang aking paningin sa biglang liwanag na siyang nagbigay ilaw sa amin. "I know you have loads of questions," panimula niya sa usapan naming dalawa. Mabagal ko namang idinilat ang aking mga mata at tinignan siya. Nakatayo si Michael ngayon sa tapat ng isang silver na box. Ito 'yong mga box na nakita ko no'ng nakaraan. Katabi rin ng mga box na 'yon ang isang mahabang silver na lamesa. "Oo, marami. Masasagot mo na ba ang mga bagay na 'yon