Share

Deep into the Past
Deep into the Past
Author: Ashanti Everly

01: Andro

MUNTIK nang matakpan ni Leticia ang mga tenga niya sa harutan ng magnobyong estudyante. Tirik na tirik ang araw subalit naglalampungan na ang mga ito ng napakaaga. Nakaupo sa kandungan ng lalaki ang babae.

Tapos na kaya ang dalawa sa school works at activities nila? tanong ni Leticia sa kanyang isipan.

Spell Public Display of Affection in caps lock para mas intense. Kaysa pag-aaral ang inaatupag, kalandian ang inuuna. Kaya mas lalong lumubo ang kaso ng teenage pregnancy. Some were even normalizing the issue saying na mas mabuti ng naging batang ama o ina kaysa naman pinalaglag ang baby. Ibang usapan na rin iyong nabuo dahil sa abuso. She hated those people na nag-take advantage sa kahinaan ng iba. 

Leticia understood the circumstances but she was after the welfare of their future children. Madali lang sa iba ang manganak, but napakalaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat ng mga bagong magulang. At kung siya ang tatanungin, hindi pa siya handa sa responsibilidad na iyon. 

Heck. That was one of the reason bakit hindi na muna siya nag-boyfriend sa kabila ng mga suitors niya noong bata pa siya. She was afraid of the responsibilities na baka matukso silang dalawa at makabuo ng baby. 

Leticia wasn't also the type of woman na mahilig sa mga babies. Yeah. She find them cute, but sobrang laki ng responsibilities na nakaatang. What if hindi kaagad lalabas iyong breastmilk niya? Eh, iyak nang iyak ang baby? Bawal pa naman sa mga ospital ngayon ang mga formula milk kapag bagong silang.

Inggit ka lang naman, eh. Wala na kasing nanliligaw sa iyo.

Wala ngang sa kanya. Palibhasa, hindi na kaakit-akit ang mukha niya. Nagkapeklat ang chin ni Leticia. She was young when she burned her own chin. Well, she was playing at that time ng apoy. Walong taong gulang pa lamang siya noon. She was too young to know how dangerous it was. With no adult around, inisip niyang ayos lang ang ginawa niya. Hanggang sa dilaan ng apoy ang baba niya. Nadala naman siya sa ospital at nabigyan ng gamot pero hindi na talaga nawala ang peklat.

Hindi katulad ng mga kaklase niya. Sa mundong panget ang pagiging maitim maging ang pagiging pango at pagka-flat-chested. Na ginagawang joke ng iba. Sa mundong pisikal na kaanyuan ang unang tinitingnan, hindi ang kagandahan ng loob. Sa mundong sinakop na ng impluwensya ng media na nagdedekta sa mga tao kung ano ang pinagkaiba ng maganda sa panget. Oo. Panget siya kung society ang tatanungin, but she learned to embrace her flaws. Hindi din niya maitatanggi na may mga araw na pakiramdam niya, siya ang pinakapangit sa lahat ng tao sa buong mundo. 

Nagtuloy-tuloy na lang si Leticia sa paglakad. Hindi pinansin ang magkasintahan. Doon na lang muna siya sa baybayin, magpapahangin habang hinihintay ang susunod na subject. Isang oras pa mula ngayon. 

Ang maganda sa San Benedict University, malapit lang sa dagat. Makakalanghap siya ng sariwang hangin kapag gusto niyang makap-unwind. 

Second year college si Leticia sa kursong Animal Science. Hindi niya iyon gusto dahil mas gusto niya ang Fishery subalit iyon ang binigay sa kanya noong mag-enrol siya. Iyon na lang daw ang tanging bukas. Magkagayunman, natutunan na rin niya iyong mahalin ang nasabing kurso. 

Parang palengke ang school campus... Ang daming nagpa-practice sa oval. May naglalaro ng frisbee at soccer. 

Sana... may intelligence din siya sa paglalaro ng sports ngunit wala, eh. She's more on writing. Hindi rin siya kumikibo kapag hindi inuunahan sa pagsalita na malimit na mangyari. Nakaka-drain din sa enerhiya niya ang maki-fit in sa mga tao. 

Lumiko si Leticia. 

Mayamaya'y bigla na lang sumabog ang sakit sa may uluhan niya hanggang sa mahulog ang isang disk ng freesbi.  

Hinawakan ni Leticia ang nasaktang ulo. Nalaglag sa lupa ang frisbee disk. Kinuha niya iyon.

Isang lalaki ang pumunta sa harapan niya at kinuha ang disk na. Nang hindi man lang tumingin or nag-sorry sa kanya.  Napasinghap siya nang aksidente siyang mahawakan ni Andro. 

She knew him. Si Sandro o Andro, ang tinaguriang crush ng campus. He was tall at well-built. Dati na rin itong sumali sa Mr. and Ms. Palakasan at pinalad na manalo.

Everybody seemed not to notice his rude behavior. Dahil para sa mga ito, kapag nagkasala ang katulad nito, ayos lang. At ayos lang din sa nasaktan nito dahil pasalamat siya at nakaharap niya ito nang malapitan. Pero kapag mga walang maipagmamalaki sa hitsura at walang kaya sa lipunan ang nagkamali sa maliit na bagay, animo nakapatay na.

The people and their sick notion of right from wrong. Double standard much.

"Salamat," aniya. Kung hindi ito magpapasalamat, siya na lang. Iyon naman ang inaasahan nito, hindi ba?

Nagsalubong ang kilay nito. "Problema mo, Miss?" naguguluhang tanong nito. 

Nag-init ang ulo ni Leticia. Siya na nga ang nasaktan, siya pa ang may problema? Dapat turuan ng leksyon ang mga taong katulad nito. 

Hinawakan niya ang pawisan nitong palapulsuhan. "Ngayong nahawakan mo ako at nahawakan na kita, dadalhin mo rin ang sumpa na nakuha ko. Gigisingin ka ng mga nakaraan mo. Gabi-gabi hanggang hindi ka na makatulog. Babalik ka sa akin at hihingi ng tulong."

"Weird mo. Diyan ka na nga." Hinablot nito ang kamay nito at bumalik sa mga kasamahan. 

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya kasalanan kung ano man ang susunod na mangyayari kay Andro. Hindi. 

PINAGPAPAWISAN nang malapot si Leticia. Nagsisimula na naman. Unti-unti na siyang hinihila ng nakaraan subalit hindi siya nagpatangay. Hindi siya dapat magpatangay. Ito palagi ang nangyayari kapag may hinawakan siyang tao o may humawak sa kanya. Basta-basta na lang siya makakapunta sa nakaraan nang walang sabi-sabi. Sa kahit anong taon. Sa katunayan, nakapunta na nga siya sa panahong binaril si Jose P. Rizal. 

Walang tiyak na oras kung kailan siya makakabalik. Ang problema, oras na mamatay siya roon, hindi na siya makakabalik. Kapag nasaktan siya roon, madadala niya ang sakit hanggang sa pagbalik sa kasalukuyan.

It was her curse. But her own mother considered it a blessing. Her blessings. Kaya na raw niyang gumawa ng isang aklat tungkol sa kasaysayan ng bawat mapuntahan niya at bonus na rin iyon sa History nila. Napakalaki ng mga grado niya sa subject na iyon. At na-guilty siya. Sobrang unfair sa mga kaklase niyang subsob sa pag-aaral gabi-gabi. Ngunit ang problema, malaki ang tsansang maipit siya sa digmaan o sa panahong iyon. Ang pinakamalala, maaari siyang mamatay.  

"Anong ginagawa mo? Gusto mo bang magpakamatay?" Si Andro. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanya. 

Hinawakan nito ang magkabila niyang kamay upang tigilan niya ang ginagawa. May mga dugo na lumalabas sa kanyang sugat. Maging sa hita. 

Kinuha nito ang matulis na kawayan na ginamit niya. 

Tiningnan ni Leticia si Andro. Bakit pag-aalala ang nakikita niya sa mga mata nito? Hindi siya nito kilala. Siya ang nakakakilala rito. Bakit siya nito pinag-aaksayahan ng panahon gayong hindi siya katulad ng mga babaeng gusto nito? Mga magaganda at sexy. 

This was reality. Her reality. 

Hindi mangyayaring sa dulo ng kwento niya o sa kalagitnaan, magpapaganda siya dahil sinaktan siya nito. Tapos, si Andro na ulit ang maghahabol sa kanya. 

Kung sana... ganoon kadali ang pagbuo ng sarili niyang love story. Katulad ng mga love story na nasasaksihan niya kapag bumabalik sa nakaraan. Masaya at malungkot. Trahedya at hindi. Mga pag-ibig sa pagitan ng dalawang lahi. Ng Pilipino at Kastila. Ng Hapon at Pilipina. Ng Amerikano at Pilipina. O Pilipino at Pilipino. Nandoon din ang pag-iibigan na bawal. Pag-iibigan na hindi dapat magbunga ngunit kailangan niyang ibaon iyon sa limot katulad ng paglimot ng mga tao sa sakripisyong ibinigay ng mga bayani para sa kalayaan ng bansa, ang kanilang buhay. 

"H-hindi," sagot niya. 

Kinuha ni Andro ang panyo saka itinali sa sugat niya. "Anong hindi? Miss! Kahit gaano pa kalaki ang pinagdadaanan mo, hindi ito solusyon."

Parang may kung anong emosyon na dumaan sa puso ni Leticia. Here came a stranger na gumawa ng mabuti para sa kanya. It was too late when she realized he already touched her. 

Huli na rin naman, Leticia. Siya ang unang humawak sa iyo kanina sa oval.

"Bakit ka nandito? Hindi ka ba natakot sa sinabi ko sa iyo kanina? Mapapasaiyo ang sumpa. Naipasa ko sa iyo ang sumpa ko." That was true. Hindi siya sigurado kung kailan magsisimula.

Pokus na pokus ito sa ginagawa at tila hindi man lang narinig ang pananakot niya. "Kinonsensya ako ng mga katropa ko nang hindi man lang nakapag-sorry sa iyo. Tama naman sila. I was a jerk.”

Napa-aray si Leticia sa hapdi ng sugat. Tumingala si Andro; umiwas siya ng tingin.

“Sinundan kita at ito ang makikita ko? Mabuti na lang at sinundan talaga kita. Miss, maaring depress ka. Pero may maraming dahilan upang labanan ang depression. Kung kikitlin mo ang sarili mong buhay, naisip mo na rin ba ang epekto nito sa mga mahal mo sa buhay? Sisisihin nila ang mga sarili nila dahil wala sila sa panahong kailangan mo sila. Maraming handang tumulong sa mga tulad mo. May guidance counselor naman tayo na handang makinig sa mga problema mo."

"Huwag kang mag-alala. Malayo sa bituka ito." Hindi niya planong magpakamatay. Natatakot siya sa maaring epekto nito. Hindi siya handang harapin ang Panginoon oras na kunin niya ang sariling buhay.

Iyon lang naman ang nakita niyang solusyon para hindi makapaglakbay sa nakaraan. Who knows kung saan siya dadalhin ng pag-travel niya?

Umupo ito sa tabi niya nang matapos. "Nag-aalala ako para iyo. Para sa mga mahal mo sa buhay. Iniisip mo ba kung ano ang maaring maramdaman nila oras na may mangyari sa iyo?"

"Hindi mo alam kung bakit nagawa kong saktan ang sarili ko. Hindi rin ako masokista." It’s for me to stop travelling into the past.

Tumingin si Andro sa asul na karagatan. Nilalaro-laro ng hangin ang basang buhok nito dahil sa pawis. Basa rin ang damit nito. Magkakasakit si Andro kung hindi ito mag-change ng damit. 

"Ano ba ang dahilan?" tanong nito.

"May kakayahan akong pumunta sa nakaraan. Wala akong kontrol sa bagay na iyan. Nagsimula iyan noong sampung taong gulang palang ako. Nakapunta ako sa isang tribu na itinuturing na hindi nag-exist pero totoo. Tatlong minuto lang ako roon pero sa sumunod na pag-time travel ko, mas lalong nadaragdagan ang oras ng pamamalagi ko sa nakaraan." 

Ngumiti ito. Kung nandito lamang ang mga babaeng nagkakagusto sa lalaki, marahil matagal ng hinimatay ang mga ito sa kilig.

Hindi siya naniwala. Hindi naman ako na-shock. Unbelievable naman talaga ang sinabi ko.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"

“Why do you want to know my name?”

Nagkibit balikat ang lalaki. Unti-unti ng nawala ang basa sa t-shirt nito. Magkakasakit na talaga ito.

“Weird makipag-kwentuhan kapag hindi ko alam ang pangalan ng kausap ko.”

"Leticia Lopez." Kaklase mo sa isang subject. Ang palaging nakaupo sa likurang bahagi ng classroom upang hindi mapansin ng marami. Upang makapagtago. Upang hindi pakialaman. Upang hindi tingnan. 

"Sandro or Andro na lang. Hindi ako iyong tipong nakikipag-usap sa mga estranghera pero tingin ko naman, hindi ka katulad ng ibang babae riyan na ang daming expectations. Lalong-lalo na sa akin. Kaya simula ngayon, babantayan na kita. Ayokong maulit ang nangyari kanina. I will protect you. Sorry pala kanina."

Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo. Kung pinaniniwalaan lang niya ang sinabi ko, marahil matagal na siyang nagtatakbo upang makalayo sa akin. 

"Bakit? Isa ba akong charity case para sa iyo? Naaawa ka ba para sa akin? Palagi na akong nagse-self-pity sa sarili ko. Hindi ka rin ba nandidiri sa hitsura ko? Kung makikipaglapit ka sa akin, tutuksuhin ka lang ng mga kaibigan mo."

Pumunta ito sa harap niya at walang ano-ano ay hinawakan ang magkabila niyang pisngi, ibinaling sa magkabilang direksyon saka pinakawalan. 

"Ano nga palang nangyari sa mukha mo? Bakit animo may lapnos?"

"Noong bata pa ako. Sa kakulitan ko." 

"Eh, ano naman kung pangit ka?”

"Hindi ba iyon masama sa image mo?"

Humalakhak ito. "Image ka riyan. Hindi ako celebrity. Pabayaan mo na ang mga tao. Palibhasa, may standards ng kagandahan ang society. Iba ang maganda at pangit sa kanila. But for me, you are beautiful. Just the way you are."

"Bakit ang bait-bait mo sa akin? Hindi mo ako kilala. Ngayon pa lang tayo nagkausap."

Imbes na sagutin siya, nagwika ito, "May kwento ako. Kung ikaw may sikreto, mayroon din ako. Kaya kong pumunta sa hinaharap."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status