NATIGALGAL si Leticia sa narinig. Kaya ni Andro pumunta sa hinaharap? May kaparehas siya ng sumpa? Pero paano? How did he manage to accept that? Which was not a normal thing to do. To have. And for someone who had the same ability like her, sobrang kampante nito.
Imposible.
Wala pa siyang kilalang tao na may kakayahan din. Maybe he was just bluffing? But if what he said was true, she would be grateful. Someone would finally understand her. Maiintindihan din nito kung bakit ilag na ilag siya sa mga tao. Na parang virus ang mga ito at ayaw niyang mahawaan.
Nangilid ang luha sa mga mata niya. “T-talaga? Kailan mo nalamang may kakayahan kang ganyan? Ako, when I was young. I did not know that time na may kakayahan akong mag-time travel papunta sa past. I was—”
"Naniwala ka roon?" tanong ni Andro kay Leticia at pinutol ang anumang sasabihin niya. Mayamaya’y humalakhak si Andro. At nakita niya ang ngalangala nito. "Ang bilis mo namang maniwala. Huwag kang ganyan. Madali kang maloloko niyan. Ang daming manloloko pa naman ngayon," palatak nito habang naiiling nang mahimasmasan sa katatawa.
Leticia's heart sank. Bigla na lang nangilid ang mga luha niya, subalit agad din niyang pinigilan iyon.
Leticia was disheartened. Akala niya, may makakasama na siyang makakaintindi katulad ng sumpang mayroon siya. For one minute, naniwala siyang may pagkakaparehas din siya sa mga estudyanteng naririto. Na isang normal. Kahit isa lang. Kahit si Andro lang. She was just expecting so much. At anong nangyari sa kanya ngayon? Pinaasa siya. And it was all this man's fault.
Itinago niya ang mukha sa kanyang mga buhok. Nililipad ito ng hangin. H*****k sa dalampasigan ang mga alon at bumabalik din. She was embarrassed. Ang bilis niyang nag-open up kay Andro. Iyon pala, gino-good time lang siya nito.
Leticia should have known better. Walang naniniwala sa kakayahan niya. And on the bright side, it was better that way. Nobody would be afraid of her at walang mag-iisip na isa siyang weird.
That was a lie, Leticia, ani ng isip niya. Everbody thought you are weird. At kapag palagi kang makikipag-usap sa lalaking ito, baka gawin nilang miserable ang buhay mo. A freak like you should never let herself be entangled on this man's life.
"Tapos na ba ang practice ninyo? Baka hinahanap ka na ng mga kaklase mo," pag-iiba niya sa usapan. "Baka kung anong sabihin ng mga ito kapag nakita ka nilang kausap mo ako. I'm an outcast of this university." And I preferred that way, gusto na sana niyang idagdag ngunit pinigilan na lang ang sarili.
Nagsalubong ang kilay nito. "Tinataboy mo na ako? Nag-enjoy pa akong kausap ka. Gusto kong mas makilala ka pa. Not in a romantic way, Leticia. Masaya lang ako dahil para lang tayong barkada. Hindi ka rin nakikipag-flirt sa akin hindi katulad ng ginagawa ng ibang babaeng nakikipag-usap sa akin. They were after my looks at sa kaibigan kong si Milo."
“Wow. Sobrang pogi mo naman,” aniya na may pagbibiro. “Men were the ones who flirted with me, not the other way around,” dagdag niya. "Hindi ko type ang makipag-flirt sa ibang tao. For your information."
It was true.
Kahit na may peklat ang mukha niya, may naghahabol pa rin sa kanya. Iyon nga lang, siya itong umaayaw. She couldn’t afford na ilagay sa panganib ang katinuan ng mga ito. Sana nga dumating iyong point na magpaka-selfish siya at magpaligaw sa kabila ng kakayahan niya. She longed for human’s physical touch. Maskin sa mga magulang niya, hindi niya magawang yakapin ang mga ito. Salamat na lang at naiintindihan ng mga ito ang sitwasyon. Balang-araw, she would look for a witch na kayang gumawa ng spell upang kontrahin ang kakayahan niyang ito. Upang ang kahit na sinong mahawakan niya ay hindi masisiraan ng bait.
“Maganda ka naman. Unique ang kagandahan mo kung ako lang ang tatanungin. Bagay sa hugis ng mukha mo ang haba ng buhok mo. Singkit ang mga mata mo. May lahi ka bang Intsik or Koreana? Hindi rin masyadong mataba ang katawan mo pero kahit na mataba ka, you’re still beautiful on your own way. Regardless of women’s size, ayos lang sa akin. Hindi naman ako mapili.”
“Wow. Bakit? Pinapapili ba kita? But thank you for appreciating me. Kahit na may peklat ako sa mukha. It is one of my insecurities. Others use it as a reason kung bakit naging pangit ako sa paningin nila.”
Umiling ito. “Hayaan mo sila. Nakakapangit i-please ang mga tao. Minsan ko rin namang naranasan iyan. Hindi ako pa ako nagka-when puberty strikes. Sobrang payatot ko pa noon. Daming nambasted sa akin. Pero noong nagsimula na akong sumali sa frisbee, doon na nagsimulang lumapit mga babae.”
Ngumiti si Leticia kay Andro.
Natatakot siyang baka mamihasa siya sa presensya nito. Baka kung saan-saan lumipad ang isipan niya at umasa sa hinaharap na masyadong napakalayo sa realidad. Ayaw niya sa romantic thinking. Iyong ilusyon na lang ang iisipin niya, hindi ang totoong nangyari sa kanyang buhay. Dahil siya at the end of the day, siya ang halimaw at si Andro ang Beauty. Sa fairytales lang naman nangyayari na magkakagusto ang isang beauty sa isang halimaw.
"Ganyan talaga. Attractive kasi sa iba iyong athletic type. Andro, kahit hindi ka naniniwala sa kakayahan ko, oras na may maramdaman at ma-experience kang weird, please see me.”
Napakamot ito sa batok. "Naniniwala naman ako. Maliban doon sa sinasabi mong may kakayahan kang makapunta sa nakaraan. Napakaimposibleng mangyari iyon. High-tech na tayo ngayon, Leticia. And if you really had that ability, itago mo iyan. Huwag mong basta-basta sabihin sa iba. Pagtatawanan ka nila at sasabihan ng kung ano-ano. Or worst, i-upload nila ang videos mo na bigla ka na lang nawala."
Marahan siyang napabuntong-hininga. "Mas imposible pa sa lalaking tanggap ang mukha ko? At mamahalin ang itsura kong ito?"
"Pisikal na anyo lang naman iyan. Huwag mong sabihing pangit ka. Sabi nga nila, 'God created man on His likeness and image.' Wala siyang ginawang pangit. Believe me. May tatanggap sa physical imperfections mo. Tanggap ko nga. Dapat ikaw rin. Sino pa ba ang magmamahal sa atin kundi mga sarili natin? If you will not love yourself first, Leticia. Sino na lang ang tatanggap sa atin?"
Muling itinuon ni Leticia ang atensyon sa dalampasigan. Sinasayaw ng hangin ang dahon ng mga niyog. Nilalaro ng hangin ang mga buhok nilang dalawa.
Sa gilid ng mga mata, tinapunan niya ng tingin si Andro. Tuluyang natuyo ang dati basa nitong damit. Pero parang wala pa ring pakialam ang lalaki. Baka magkasakit ito.
"Sinabi mo ngang pangit ako. Anong tawag mo sa akin? Paano kung magkapalit tayo? Masasabi mo pa rin ba iyan? Tanggapin na natin. Hindi iyan matatanggap ng ibang babaeng insecure sa katawan at mukha nila. Problema ng mga tao. Hindi nila matanggap ang mga katulad namin kaya nga ninyo kami pinagtatawanan. Itinuturing ninyo kaming walang silbi."
Nawala ang ngiti nito. Nagdilim ang itsura nito at pinigilan ni Leticia ang sariling mapaatras. "Ganyan ba kaliit ang pagtingin mo sa akin? Hindi ako katulad nila, Leticia."
"Oo. Dahil pare-pareho lang kayong mga tao."
"Tao? Kami? Anong tawag mo sa sarili mo?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Halimaw. Hindi ito ang mundo ko."
Disappoiunted siya nitong tiningnan. "Mas malala ka pa sa aming tinuturing mong tao. Hinuhusgahan mo ang sarili mo base lang sa pisikal na kaanyuan. Ano naman ang mundong tinutukoy mo? Hangga't hindi nawawala ang standards ng mga tao sa kung ano ang maganda at pangit, walang mundong bagay sa iyo. Dahil kaibigan kita, iniimbitahan kitang pumasok sa mundo ko. Kahit na puno ito ng flaws at lapses at napapaligiran ako ng mga taong mapanghusga, asahan mong poprotektahan kita."
Ang sarap pakinggan ng mga salitang binitiwan nito subalit hindi na nagiging totoo sa pandinig niya. "Hindi ba nagiging matamis na ang dila mo ngayon? O ganyan ka talaga. Iniisip mo bang isa akong damsel-in-distress na kailangan mong sagipin? Hindi na kailangan. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Sana ito na ang huling pag-uusap natin."
Kahit na mahapdi pa rin ang sugat, tumayo siya at walang paalam na iniwan ang lalaki.
NAGING mabilis ang mga araw kay Leticia. Hindi na nga ulit nasundan ang pag-uusap nilang iyon ni Andro. Sana lang hindi pa ito nasiraan ng bait. Patuloy siya sa pagpasok sa klase. Sa madaling salita, patuloy na umiikot ang mundo niya at ng mga taong nakapalibot sa kanya.
Tinatahak niya ang hallway papuntang computer laboratory. Makikiusap siya sa isa sa propesor na kilala niya na makikigamit muna kahit isang pc. Sigurado naman siyang puno ang e-library. Lalo na ngayong malapit ng mag-lunch. Wala pa siyang sariling laptop kaya pahirapan ang paggawa ng mga requirements na need na i-encode. Pwede namang gamitin ang cellphone niya pero may limitations pa rin like pag-insert ng equations at iba pa. Dapat na talaga siyang mag-save nito para may pambili.
May research paper siya na kailangang tapusin. Kung sana may sarili siyang laptop o pc lang sa bahay, hindi magiging ganito kahirap. Sobrang gastos kapag pumupunta siya sa computer shop.
"Leticia. Kailangan nating mag-usap."
Napahinto siya. Si Andro. Malalaki ang eyebags nito na parang hindi nakakatulog nang maayos. Laylay ang mga balikat nito at magulo ang buhok hindi katulad noong huli nilang pag-uusap na naka-gel pa.
Dinamba ng takot si Leticia. Isang linggo na ang nakalipas nang huli silang mag-usap ng lalaki. “Andro. Did something happen to you?” tanong niya. “Ilang araw ka na bang walang tulog?”
Akmang hahawakan siya nito ngunit umilag siya. Ayaw niyang mahawakan ulit siya ng lalaki. Mas lalong lalala ang mararamdaman nito.
Pumunta si Leticia sa may pader nang may dumaan na mga estudyante. Nakakunot ang mga noo ng mga ito nang makita silang dalawang magkasama.
“Mababaliw na yata ako, Leticia,” saad ni Andro at sinabunutan ang buhok. "Kasalanan mo kung anong nangyayari sa akin. Hindi na ako makatulog. Laman ang panaginip ko ng isang lalaking hindi ko kilala. Paulit-ulit. Nagsimula iyon noong magkakilala tayo. Totoo ba ang sinabi nila? Na isa kang mangkukulam at may sumpa kang ibinigay sa akin? Totoo lahat ng sinabi mo sa akin noon?"
Mangkukulam. Mas malupit pa rin ang salitang halimaw.
"May kinulam na ba ako? Hindi porke't nananahimik ang isang tao sa isang sulok, may karapatan na kayong paratangan siya ng kung ano-ano. Maging fair naman kayong mga tao. Besides, I told you before na mangyayari ang bagay na ito. Hindi ka nakinig sa akin, Andro."
"Naniniwala na ako," sambit nito, na may desperation sa mga mata. “Please, patahimikin mo na ako. Tulungan mo akong mag-stop na ang panaginip ko tungkol kay Felipe.”
Parang may kung anong humaplos sa puso niya. Hindi deserve ni Andro na mag-suffer ng ganito pero anong magagawa niya? Nangyari na ang lahat. So far, sa lahat ng nahawakan at aksidenteng nakahawak sa kanya, wala pang tumitino.
Natahimik siya sa sinabi nito. "Ikaw na rin ang nagsabing huwag agad-agad maniwala sa sasabihin ng iba. Nakalimutan mo na ba ang sinabi mong iyon?"
“I was wrong! Tama ang mga sinasabi mo. Please,” pagsusumamo nito. "Naniniwala akong mali ang paratang nila sa iyo. Masyado ka ng nasaktan, Leticia. Hindi na ako dadagdag sa paghihirap na iyon. Hahanap ako ng paraan upang mawala ang mga panaginip. Diyan ka na. Salamat."
Nagkukumahog itong umalis at iniwan siya.
Parang nawala ang hangin sa baga ni Leticia.
Hangal ka, Andro.
Hindi na lingid sa kaalaman niya ang sinasabi nito. Dahil siya man, may napapanaginipan din. Mas swerte nga lang siya at nakilala niya ang babaeng iyon noong makapunta siya sa nakaraan. She was able to talk to the woman, also. Isang beses lang iyon pero pagkatapos noon, nawala na ang mga panaginip niya.
Maaari namang matulungan si Andro. Iyon nga lang, kailangang maglakbay sa nakaraan at hanapin ang sinasabi nitong Felipe.
Pagkatapos ng mga panaginip...kung hindi makakayanan ni Andro ang lahat ng iyon, ang pinaka-worst ang mangyayari at iyon ang masiraan ng bait. At simula pa lang ito. Simula pa lang ng pagdurusa nito.
He was wrong when he said he could settle it alone. It was her who could only do that. But may problema. Hindi stable ang kakayahan niya. Hindi specific ang timeline na mapupuntahan niya.
Sana hindi mo na lang ako aksidenteng hinawakan, Andro. At sana pinigilan ko na lang din ang emosyon ko.
"ANDRO, please remain," saad ng guro nina Leticia na coach din ng lalaki sa freesbi. "The rest, you may go."Isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase nila samantalang umakto siyang natutulog. Tapos na ang klase niya sa araw na ito. Magkaklase sila Andro sa isang subject sa English. Maaari na siyang umuwi pero hindi na muna.Isang linggo na mula nang magkita sina Leticia at Andro. At ginawa ng lalaki ang sinabi nito. Hindi na ito ulit nagsalita tungkol sa mga panaginip nito. Hindi na rin siya nito kinulit na tulungan.There were times that she was tempted to approach him and help him, but in the end, she chose not to. Natatakot siyang baka bumaliktad ang nangyayari rito sa kanya. Baka dalawin siya ng babae.Mas naging worst ang itsura ni Andro. Usap-usapan na ba
SABAY na pumunta sa bahay nina Andro sina Leticia after ng pasok nila ng five o'clock. Mabuti na lang at same sila ng bakante sa hapon.They walked side by side, but Leticia made sure there was enough distance that would separate her from Andro. Mahirap na. Baka mamihasa siya at sige na siya sa paghawak sa lalaki.Pero kahit pala kahit anong ingat niya na huwag na magkaroon ng isyu sa pagitan nilang dalawa, masyadong malikot ang imaginations ng ibang mga estudyante. Lalong-lalo na sa mga naging kaklase nila sa ibang subjects.Sa daan pa lang, marami na ang nagtaas ng kilay noong nakita silang magkasama ni Andro. Na para bang isang napakalaking pagkakamali ng ginawa nilang pagsabay. They murmured to each other while eye
DID SHE SUCCEED in removing Andro’s memories?Iyan ang paulit-ulit na tinatanong ni Leticia sa sarili almost everyday. She wasn’t given the chance to see Andro. Hindi niya alam kung sinadya nitong huwag magpakita sa kanya dahil naaalala pa siya nito, o baka lumiban ulit ito sa klase. He seemed to be absent for the past few days. And it was all her fault.Isang linggo ang lumipas simula nang burahin ni Leticia ang alaala ni Andro. At ipinangako niya sa sariling si Andro na ang huling taong hahawakan niya kahit anong mangyari. Siya na lang ang mag-aadjust para sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kahit gaano man ito kahirap.Napabuntong-hininga siya.Isinalampak niya ang headset sa tenga niya. She wanted to be relaxed. Patuloy ang pagsakit ng ulo niya
MALUNGKOT ang mga mata ni Esmeralda Gonzales habang pinagmamasdan ang nagkikislapang bituin sa kalangitan mula sa azotea ng kanilang bahay. Malalim na ang gabi subalit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ilang araw mula ngayon ay ang kanyang napipintong kasal sa isang lalaking hindi niya naman mahal. Palibhasa may kaya. At naglilingkod para sa pamahalaan ng Espanya. Hindi Pilipino ang lalaking ipinagkasundo sa kanya—si Ferdinand na purong Espanyol ngunit sa katagalan nito sa bayan nila, natutunan nito ang salita ng mga indio.Hindi niya mahal ang lalaki. Magaspang ang ugali nito at kung kumilos ay parang may-ari ang buong bayan. Ang mga kadalagahan ay pilit na kinukuha ang atensyon nito, subalit nakatutok lang ang mga mata sa kanya. Na hindi niya gusto.Kumukulo ang dugo niya sa tuwing b
NAGTATAHI si Esmeralda ng kamiseta na ibibigay niya sa kanyang pinakamamahal na si Teban. Pinili niya ang kulay itim na tela na sa tingin niya ay babagay sa kulay ng balat nito. At dahil iyon din ang paboritong kulay ng kanyang sinisinta. Pero hindi maitim ang budhi nito."Upang hindi agad makita ang dumi," naalala niyang wika nito nang tanungin niya kung bakit ito ang napili nitong kulay.Napabuntong-hininga siya habang nagtatahi. Kailan kaya sila magkakaroon ng pagkakataong magkitang muli? Masyado na raw itong abala sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhan sa tuwing dumarating ang galyon.Gusto rin niyang pumunta sa Look ng Maynila kung saan dumaraong ang galyon sa tuwing dumarating ito. Gusto niyang siya mismo ang makakita sa mga karga nitong pilak, mga ginto, ib
NAKABUSANGOT ang mukha ni Esmeralda habang nagsusulat ng liham para kay Teban. Paano ba naman kasi. Dumalaw dito si Ferdinand at walang ginawa kundi magyabang sa mga paglalakbay na ginawa nito sa dagat dalawang taon na ang nakaraan. Ikinuwento nito kung paano nito narating ang isang isla na maraming pampalasa. Masaya ang mga itong tinanggap ng mga katutubo na nakatira sa islang iyon. Nagkaroon ng sanduguan sa pagitan ng dalawang lahi.Sa kasalukuyan, si Ferdinand ay isang encomendero na namamahala sa encomiendas. Ang huling salita ay nagmula sa Kastilang wika na encomendar na ang ibig sabihin ay ipagkatiwala. Ito sistema ay nabuo u
HINANAP NI Milo ang call button sa app na iyon. Agad niya namang nakita. He pressed it. Pagod na ang isipan niya pero dinagdagan ng babaeng ito. Nabuhay ba ito upang gawing miserable ang buhay niya? Calling Leticia. “Oh? Bakit hindi ka na sumasagot diyan? Natatakot ka na?” tanong niya sa screen na para bang sasagutin siya nito.Pick up, woman. Let us settle this, once and for all. Ano? Natatakot ka na ngayon?Mahal niya ang mga babae. Hindi na iyon dapat itanong sa kanya. P
BIGLANG NAPUNTA ANG atensyon ng lahat ng manggagawa kay Milo. Nagsalubong ang mga kilay ng mga ito. Walang anumang palatandaan na pamilyar sila sa kanya.Hinagod siya ng mga ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtataka ang mga ito sa suot niya. Isang kupasing pantalon at sando. Magkaibang-magkaiba sa mga suot ng mga itong baro at saluales. Si Ferdinand naman ay naka sombrero, doublet, breeches sa pang-ibaba. Sinapawan ng doublet ang cloth nito. Nakasuot din ito ng stockings at sapatos. Kahit na mataas na ang sikat ng araw at sobrang init. Kunsabagay, wala naman itong ginagawa kundi sumilong sa lilim at mag-utos nang mag-utos.If they stopped working, tiyak na magagalit na naman ang Ferdinand na iyon.“Ginoo? Taga-saan ka?” tanong ng matanda.