Share

04: Pagbisita

SABAY na pumunta sa bahay nina Andro sina Leticia after ng pasok nila ng five o'clock. Mabuti na lang at same sila ng bakante sa hapon. 

They walked side by side, but Leticia made sure there was enough distance that would separate her from Andro. Mahirap na. Baka mamihasa siya at sige na siya sa paghawak sa lalaki. 

Pero kahit pala kahit anong ingat niya na huwag na magkaroon ng isyu sa pagitan nilang dalawa, masyadong malikot ang imaginations ng ibang mga estudyante. Lalong-lalo na sa mga naging kaklase nila sa ibang subjects.

Sa daan pa lang, marami na ang nagtaas ng kilay noong nakita silang magkasama ni Andro. Na para bang isang napakalaking pagkakamali ng ginawa nilang pagsabay. They murmured to each other while eyeing both of them. 

On the other hand, girls threw glares in her direction, because they did not like what they were seeing. How could an ugly person be with a campus crush?  Marahil iyon ang nasa isipan ng mga ito. Isang napakalaking insulto nga naman sa pagkatao ng mga ito kung siya ang piniling kasama ni Andro. Nakakahiya naman kasi ang kagandahan ng mga ito. Gusto ng  mga itong sila na lang ang samahan ni Andro. Hindi siya. Huwag lang siya.

Kung pwede nga lang.

Minasahe niya ang ulo. 

Her head was aching from thinking too much. She still doubted herself if she could pull it off successfully. This will be the first time that she will attempt it. 

Bahala na si Batman. 

Ipinagsawalang-bahala lang ni Leticia ang lahat. She did not care about their opinions. Ang mga magulang niya ang nagpakain sa kanya hindi ang ibang tao. Kaya bakit magpapaapekto siya sa mga sinasabi ng mga ito?

Nang makalabas silang dalawa sa gate, timing na may nakaparadang jeep at hindi punuan.

Sumakay sila ng jeep sa mismong tapat ng school. Mabuti na lang at bakante ang driver’s seat kahit na uwian na ng mga estudyante at doon siya umupo. Kung hindi, hindi siya sasakay at maghihintay na lang ng may bakante. She could not risk anyones sanity, again.

Naisip na rin niyang mag-gloves na lang sa mga kamay subalit hindi rin naging effective. There were times na malulusutan talaga siya. Minsan, siya ang grabeng mag-ingat na huwag  mahawakan  ang mga taong nakapaligid sa kanya, pero iyong iba naman ang hindi. Naging extra careful na lang siya sa pagdikit ng mga tao.

Ang dami niyang bawal sa sarili. Ang pinakabawal lang sa lahat ay strictly no contact sa ibang tao no matter how much she longed for the humans touch. 

Sa kahabaan ng biyahe, hindi na niya pinansin ang dinaanan nila. She was lost in her thoughts at hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mismong bahay ni Andro. 

Bago bumaba, nagbayad muna sila ng pamasahi. 

For the last time, yayakapin niya ang sumpa para lang matulungan ang lalaking walang ginawa kundi maging mabuti sa kanya. But she could not guarantee her success. This was her first time voluntarily doing it, and this will be the last time.

Ibinalik ni Leticia ang atensyon sa harap ng bahay nina Andro. "Ito ang bahay ninyo?" may paghanga niyang wika. 

Akala niya, isang simpleng bahay lang ang pupuntahan nila. Mali siya. Ang bahay na nasa harap nila ay pwede ng maging mansion. May disenyong anchor ang bahay. 

Pinindot ni Andro ang doorbell at naghintay silang may magbukas ng gate.

Pilit na ngumiti sa kanya ang lalaki.  "Hindi sa akin ito. Ampon lang ako ng pamilya. Nagkataon lang na maykaya ang pamilyang nakapulot sa akin sa basurahan. Naging mabuti naman ang trato nila sa akin kahit na hindi nila ako tunay na kadugo. Itinuring pa nga ako na parang isang tunay na anak."

Natigalgal siya sa narinig. “How could someone throw an innocent baby? Hindi naman ginusto ng mga babies na isilang sa mundong ito.”

Napabuntong-hininga si Andro. “Hindi ko alam. May kanya-kanyang rason ang tao. Baka hindi niya alam ang gagawin sa puntong iyon. Baka hindi siya pinanagutan ng nakabuntis sa kanya. Anything could be a possible reason. Ayaw ko lang manguna.”

Nanlaki ang mga mata niya. “How could you defend them? Sa kabila ng ginawa nila? Pwede namang ilagay sa bahay ampunan kaysa itapon sa b****a. What your mother did was cruel.”

Tipid itong ngumiti. “Wala na akong magagawa, Leticia. Nangyari na ang lahat.” 

This man was too good to be true. At naiinis siya minsan sa kabaitan nito. 

"Kilala mo ba ang totoo mong mga magulang?"

Umiling si Andro. "Hindi. Pero kapag nakatapos na ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho na ako, hahanapin ko sila. Tatanungin ko sila kung bakit nila ako iniwan. By the way, ikaw pa lang ang nakakaalam ng sikreto kong ito. Sana huwag mo munang ipagsabi sa iba. Our schoolmates and batchmates thought I am really rich."

Tumango siya. “Eh, totoo namang mayaman ka especially if legally adopted ka na ng mag-asawa. Ikaw ang magmamana ng ari-arian nila oras na mawala sila sa mundong ito.”

Mayamaya lamang, humahangos na binuksan ng isang kasambahay ang gate. 

“Maligayang pagdating, Andro. Halika. Tumuloy muna kayo,” saad ng isang may edad na na babae. Sa tantiya ni Leticia nasa fifties na ang edad nito. 

“Salamat, Manang.”

Umusal na rin ng pasasalamat si Leticia at nagtutuloy-tuloy sila sa loob.

Hindi niya sinabi kanina kay Andro, but she can find his parents. Kaya niyang subukang balikan ang nakaraan kung naka-set na ang utak niya sa bagay na iyon. Kailangan nila lang ang tamang petsa at specific na lugar.  Subalit maliit lang ang tsansang magtagumpay siya. Right now, hindi pa rin niya ma-control ang abilidad niya. Nadadala pa siya ng episodes ng time travel na wala siyang control. Kung ano-anong timeline siya napupunta. 

Ipinagpasalamat niya na nakakabalik pa siya sa kasalukuyan. Kung hindi, she will be forever trapped in the past. That would be horrible.

Dagdag pa na hindi siya pwedeng makialam sa issues nito. Dagdag sakit sa ulo lang. Mas lalong dadami ang tsismis na may isang witch girlfriend si Andro.  At isa pa, walang guarantee na magtatagumpay siyang mag-time travel sa panahong itinapon ito sa basurahan. Baka mag-fail siya at makapunta lang sa panahon ng mga Hapon. 

Kung ang “sumpa” niya ang pagbabasehan, hindi pa siya kailanman nagtagumpay. Subalit para sa lalaking ito, pipilitin niyang magtagumpay.

"Maaasahan mo ako sa bagay na iyan. Isa pa. Hindi rin naman maniniwala ang mga tao sa akin."

Bad record na siya sa unibersidad na pinapasukan niya. Para sa mga estudyante, isa siyang witch na may kakayahang maging baliw ang lahat ng nahawakan niya.

Tahimik ang buong bahay. Nakabalandra sa mga mata niya ang lahat ng mga mamahaling muwebles na pag-aari ng pamilya. Maliban sa mga kasambahay na sumalubong sa kanila, wala na siyang nakitang ibang tao. 

Nakita ni Andro ang pagtataka sa mga mata niya at nagwika ito, "Mamaya pa uuwi ang mga foster parents ko. Hindi na kami nagkakasabay na kumain. Sobrang busy sa trabaho. Halos hindi na alam ang salitang unwind.”

Napalabi siya. "Hindi ko naman tinanong."

"Hindi nga pero curious ka. Makikita sa mga mata mo. Dito naman ang kwarto ko."

Sa paningin ng iba, nakakataas ng kilay ang pagpasok niya sa kwarto nito. Sino ba namang babae ang gustong pumasok sa kwarto ng isang lalaki lalo na at wala silang relasyon? Subalit...alam naman niya sa sariling wala silang ginagawang masama. Wala silang gagawing masama. 

Hindi siya papatulan ni Andro. At paniguradong nandidiri ito minsan sa kanya. Sino ba ang hindi nandiri sa mukha niya? At the back of her mind, may pagkakataon pa rin na hindi siya naniniwalang tanggap nito ang mukha niya.

Black and white ang motif ng kwarto nito at may mga posters ng kilalang frisbee players sa bansa. Tipikal na binata. Ni isa, wala siyang kilala sa mga larawang iyon.

Inilagay ni Andro ang bag sa kama. "Umupo ka muna. Make yourself comfortable. Ano ba ang kailangan kong gawin? Ay teka lang. Anong gusto mong kainin? Name it. Makikisuyo ako kay Manang."

Napaka-hospitable naman ng lalaking ito. He really did treat her like a human being.

Umupo si Letica sa gilid ng malambot nitong kama. Ang sarap lang higaan. Ibang-iba sa matigas niyang kama sa bahay nila. "Huwag mo akong alalahanin. Hindi ako gutom. Ikaw na lang. Kumain ka na muna. Pagkatapos... matulog ka. Kapag nakatulog ka na, saka lang ako makakagawa ng dapat kong gawin."

Kinamot nito ang batok. “Babantayan mo ako hanggang sa makatulog ako? Napaka-awkward naman iyon.”

Awkward nga. Hindi nga lang niya pinapahalata. First time niyang makapasok sa kwarto ng isang lalaki. Unang pagkakataon din niyang sumama sa bahay ng isang kaklase. Everything about these experiences were new.

“Huwag kang mailang. Isipin mo na lang, ako ang iyong ina na nagpapatulog sa iyo.”

“Malayo sa isang ina ang hitsura mo. Don’t think it in a negative way. Masyado kang bata para-”

 Para namang tinatablan pa siya ng sakit sa sinasabi nito. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang sinabi nito. 

Ano na ba ang oras ngayon? Ah. Past six o’clock pa lang. Hindi nga pala ito normal na pagtulog sa gabi.

Napahikab ito. Naging mabigat ang talukap ng mga mata nito.

Good. Mas lalong mapapadali ang trabaho niya.  

“Bakit agad akong tinamaan ng antok? Hindi pa tayo naghahapunan.”

Inalalayan niya itong humiga sa kama nito. She did not mind touching him, since the damage had been done. 

“Kailangan mo ng matulog, Andro. Gusto mo bang makita si Felipe? Kung magpapakabait ka at makikinig sa akin, magkikita na kayo ngayon. Ipikit mo na ang iyong mga mata. Maglakbay tayo sa nakaraan.”

Tumango ito saka tuluyang ipinikit ang mga mata. Ilang minuto lamang ang nakaraan, humihilik na si Andro.

Will she do it or not? 

Nagdadalawang-isip siya. Natatakot siya sa maaaring mangyari. She did not believe in this ability. Bakit niya pala yayakapin ang sumpang kinamumuhian niya? Eh kung ganoon, ano ang dapat niyang gawin? Andro was expecting her to help him. 

Sinumpong ulit siya ng migraine. 

She couldn’t do it. 

Pilit na ngumiti si Leticia. Andro was sleeping peacefully in his bed. 

Napakadaling maniwala ng lalaking ito. Naniwala itong pupunta talaga sila sa nakaraan. Ang lugar na ayaw niyang puntahan pupuntahan niya dahil sa lalaking ito? Ang swerte naman nito.

Patawad, Andro. Hindi ko magagawa. Isa lang ang pwede kong itulong sa iyo. Sa paraang kaya ko. 

Umupo siya sa tabi nito saka inilagay ang mga kamay sa noo ng lalaki. Ipinikit niya ang mga mata at nagpokus. She inhaled and exhaled and concentrated.

Lumangoy siya sa isipan ni Andro. Leticia searched his memories. It took her sometime, before she finally succeeded. Na-overwhelm siya sa sobrang daming memories nito tungkol kay Felipe. 

Ang gagawin niya ngayon ay tanggalin ang lahat ng alaalang ito. Susubukan niya. 

Leticia concentrated again. Then, one by one, she plucked all his memories about Felipe. Para siyang nag-harvest ng mga memories nito at itinapon sa isang basurahan. Ang kaibahan nga lamang, pupunta sa kanya ang lahat ng alaala nito. 

Panghuli, tinanggal niya ang memorya nito tungkol sa kanya at kay Felipe. Paggising nito, hindi na nito maaalalang minsan silang nagkausap at dinala siya ng hangal na lalaking ito sa sarili nitong bahay. Bukas, they will act like total strangers. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status