Share

3

   

Putangina. Mukhang pinagkakaisahan ako ng mga tao ngayon ah. Ang aga aga, nababadtrip na ako sa kanila, lalong lalo na dito kay Vee.

Ba't di man lang niya ako sinabihang may camera pala sa kwarto namin. Pano kung naghubad ako doon, eh di nakita nila?

'Di bale na. Mamaya ko na pagagalitan si Vee, unahin muna natin ang kasalukuyan nating problema.

Pagkapasok ko ng CR para magbihis ay doon pumasok si Miss Farrah sa kwarto namin, at huling-huli siya sa akto na inilalagay 'yung mga alahas niya sa lalagyan ng damit ni June.

Eh?

"Kay June 'yung lalagyan ng damit na 'yan, ah." wika ni Edith kaya napalingon ako kay Miss Farrah.

"Oh ano? May kwento ka pa? Tangina mo."

Ambobo ng ferson, tangina. Mangfri-frame-up na nga lang, palpak pa.

Mukhang narealize na ata niyang bistado na 'yung kabobohan niya dahil unti-unting namutla 'yung namumula niyang pisngi. Napalingon siya kay Boss at animo'y humihingi ng back-up. "Babe--"

"Go."

Oh sheeet. Mukhang galit si Boss.

"Pero babe--"

"Did you not hear me? Go."

Medyo nag-aalangan pa si Miss Farrah kung aalis ba siya. Pero nung biglang nagbanta si boss ay kaagad na nagkukumahog siyang umakyat.

"We already did our ends of the deal. Now if you're going to stay here longer and abuse my hospitality, maybe I have to ask your father and uncle for further compensation."

Sheeet. Ngayon ko lang narealize kung gaano nakakatakot si Boss AG. Siguro kailangan bawas-bawasan ko na ang panggu-good time ko sa kanya.

"Oh well, ano nga pa lang ulam? Nagugutom na ako." sabi ni Vee at saka ako hinila papunta sa may dining room.

Pagkakita niya sa nakahain sa mesa ay kaagad siyang tumakbo at nagsimula nang sumubo ng pagkain kahit nakatayo pa siya.

Masama man pero hindi ko mapigilang matuwa sa mga nangyari kay Miss Farrah. Buti nga 'yun sa kanya. Akala niya siguro uurungan ko siya porket close sila ni Boss. Heh!

Ako pa yung tinakot-takot niya eh sanay na ako sa mga blackmail-blackmail na ganyan.

Pero bago ko makalimutan...

"Hoy Vee, kelan mo balak sabihin sa 'ming may camera pala sa kwarto namin? Pano kung nagkataong sa labas kami nagbihis at hindi sa CR, ha?" tanong ko kay Vee.

Nagulat ako nung nilingon niya ako at punung-puno 'yung bibig niya at may hawak pang tuyo sa dalawa niyang kamay. Medyo nag-aalala na ako sa batang 'to.

Pinapakain naman siguro 'to dun sa pinanggalingan  niya, 'no?

Pagkatapos mag-agahan nina Boss at Vee ay naghugas na ako ng mga pinagkainan at mga ginamit ko sa pagluluto. Habang nagbabanlaw ako ay bigla na lang sumulpot si Jack sa tabi ko at sumandal sa may lababo. Nakapamulsa pa ang lolo niyo, akala mo naman may photoshoot.

"Balita ko sinampal mo daw si Miss Farrah kaninang umaga." aniya

Napakagat-labi ako nang maalala ko ang bagay na iyon.

"Wala namang ri-resbak sa 'kin 'pag nagkataon, 'no?" tanong ko sa kanya.

Pero alam ko rin naman 'yung sagot... nagbabakasakali lang.

"You know you still have that favor you can ask from me. Kung gusto mo, I could make sure that no one will come after you." aniya.

Napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon siya.

"Weh? Kaya mo 'yung gawin?" tanong ko.

Napangiti siya sa tanong ko.

S***a, nakakasilaw 'yung maputing ngipin ni Jack.

Speaking of Lita, sira ulo na yon, dinala ba naman ako sa bar, at sinabi dun ako magtatrabaho? Bobo ba sya? Alam ko na may sari-sarili tayong preference sa buhay at sa trabaho, siguro para sa iba ayos lang ang trabaho na yon, hindi ko naman sila minamaliit, parehas lang naman yon para sakin, basta kumikita ka ng malinis na pera.

Pero tam aba na mag sinungaling siya sakin, at ilagay ako sa alanganin para lang kuhanin ako? At binigyan pa sya ng pera? So ibig sabihin, binenta niya ako sa matanda na yon? Komisyon niya ba yon sa pag bubugaw sakin? Aba ayos yon ah.

Buti na lang, si sir—teka, ano nga pangalan non? Hindi ko yata natanong. Ay oo nga, wait, may calling card naman sya, kinuha ko yon at tinignan ang pangalan nya, “Maxwell Johnson.” Sosyal, tunog mayaman ang pangalan.

Hindi ko pala nakilala kung sino magiging am-napahinto ako nang maramdaman ko ang vibration ng phone ko, indikasyon na may tumatawag sa akin. Kinuha ko iyon agad at tinignan kung sino ang tumatawag, kusang sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang Mabasa ang pangalan ng boyfriend ko sa caller register.

“Babe.” Bungad ko nang masagot ko na ang tawag niya. “Nandito na ko sa boss ko, hindi ka maniniwala sa nangyari sakin ngayong araw, grabe, muntik na talaga ako maging esc-“

“May pera ka na ba? Kailangan ko na kasing bayaran yung venue ng kasal, kailangan daw kasi nila ng down payment, para daw makasigurado sa slot natin, marami din daw kasing gusto magpareserve.”

Iyon ang bungad niya sa akin, parang may kung anong kumurot sa dibdib ko, four years na kami ng boyfriend ko na si Brad, at nakaplano na ang kasal namin. Next year ay ikakasal na kami, mahal ko si Brad, wala lang siyang trabaho ngayon kaya ako muna ang sumasagot ng lahat ng kailangan namin sa kasal, pero alam ko at ramdam ko na mahal niya ako. Hindi naman kami tatagal kung hindi niya ko mahal.

“Babe, first day ko pa lang bukas.” Sinabi ko naman sa kanya na luluwas ako, para magtrabaho, pumayag naman siya agad, para daw maayos agad ang kasal, sa kanya ko kais binibigay ang pera para mag ayos, masaya naman ako at hands on siya.

“Nasan na yung nakuha mo para don sa matagal mo na pagtatrabaho sa boss mo na manyak at bobo?”

“Binigay ko kanila nanay, alam mo naman na-“

“Ano ba yan, so wala kang pera? Nagsayang lang ako ng load, nakakainis, tumawag ka pag meron na, minamadali na kasi ako nung organizer.” Iyon ang ang sinabi niya at pinatay ang tawag.

“Stress at pressure lang yon dahil malapit na ang kasal.” Kausap ko sa sarili ko, five months na lang at ikakasal na kami, kaya iintindihin ko na lang siya, total, matagal kong gagawin yon pag mag asawa na kami.

Pero bakit ganito, bakit masakit? Hindi niya manlang ako kinamusta at kung ano nangyari sakin? Hay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status