Share

Painful love
Painful love
Author: Señorita

Kabanata 1

“Ma’am Mara, nandito na po yung sample gowns na pinagpipilian niyo kanina.” Ani ng sales clerk sa kaniya.

“Ah gano’n ba?” sandali siyang tumayo at sumunod siya sa sales clerk patungo sa mga wedding gowns na pinagpilian niya kani-kanina lang. Halos napanganga na lang siya nang makita niya ang mga gowns. Kumikinang kasi ito sa ganda at malakas maka-fairytale princess nito kung susuotin niya.

“Gusto ko silang lahat.” Aniya sabay nilapitan niya ito isa-isa. Bigla naman nag-ring ang cellphone niya at nakita sa phone screen na si Ethan pala ang tumatawag, her fiancé.

“Babe? nakapagpili ka na ba ng wedding gown na susuotin mo?” tanong nito mula sa kabilang linya.

“Hindi pa nga e." Sagot niya.

“Huh? bakit naman? wala ka bang nagugustuhan?” sabi ni Ethan habang pinipirmahan niya ang medical records na inabot sa kaniya ng asisstant nurse.

“Hindi sa ganoon, sa totoo lang gusto ko nga silang lahat. Kaso anong gagawin ko babe? puntahan mo kaya ako rito, nahihirapan kasi akong pumili.” Tugon niya na nakatitig sa anim na wedding gowns na napupusuan niyang suotin.

“Edi suotin mo na lang yung iba diyan sa wedding photoshoot natin, tapos mamili ka ng isa diyan na talagang sa tingin mo ay gusto mo rin pakasalan.” Pagbibiro niya sabay napangiti silang parehas.

“Ah oo nga pala, hindi ba’t sinabi mong may ipapakilala ka sa aking magiging photographer natin sa wedding?” she asked.

“Yes babe. Actually, pinapunta ko na nga siya diyan ngayon para makapag-usap naman kayong dalawa about our wedding. Alam mo namang doctor itong fiancé mo at hindi kita masasamahan sa lahat ng oras. Kaya naman humingi din ako ng kaunting pabor sa kaniya,  kung okay lang ba na tulungan ka muna niyang mag-asikaso sa iba pang kailangan natin. I’m glad na pumayag naman siya kaagad at mukhang friendly naman siyang tao.” Ani ni Ethan habang sinusuot ang white scrub lab jacket niya o ang uniporme na madalas isinusuot ng mga doktor.

“Hindi ba't nakakahiya sa kaniya?” usisa nito.

“Don’t worry, dahil mayro'n na suyang experience sa paghahanda ng wedding.” Aniya.

“Ahh... so, he’s already married?"

“Actually, hindi sila ikinasal.” Pagkasabi ni Ethan ay tila biglang natahimik ang dalaga at nakaramdam ng lungkot sa kaniyang puso.

Minsan na rin kasi dapat siyang ikakasal nuon sa ibang lalaki ngunit hindi ito sumipot sa araw ng kasal nilang dalawa at hindi na rin ito nagpakita pa sa kaniya pagkatapos ng araw na iyon.

“Are you still there, mimi?” biglang nabalik ang atensyon niya sa kausap nang marinig niya ang pagtawag nito sa kaniya.

“Yes, i’m still here. Nakakalungkot naman pala dahil hindi sila ikinasal.” Ang sabi na lang niya.

“Oo nga e.”

“Maybe my good reason naman si God, bakit nangyari 'yon sa kanila.” Saad niya kahit sumasariwa sa kaniyang isipan ang tungkol sa lalaking una niyang minahal.

“Yes, pero no matter what happen to us ay tuloy na tuloy pa rin ang kasal nating dalawa. Even, magkaroon pa ng malakas na bagyo o kahit magka-zombie apocalypse pa! our wedding will still go on.” Gumuhit naman ang matamis na ngiti sa labi ni Mara nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang fiancé. Pakiramdam niya ay bigla siyang nabuhayan ng loob at naging panatag ang kaniyang kalooban. Ilang beses na rin kasi siyang niyaya nuon ni Ethan na magpakasal pero palagi lang din siyang tumatanggi. Natatakot kasi siya na baka maulit na naman ang nangyari sa nakaraang kasal niya, kung saan naging mahirap at makipot ang mga pinagdaanan niya pagkatapos mangyari ang lahat ng iyon.

But then, she realize na iba si Ethan. Iba siya sa lahat ng lalaking nakilala niya. Siya yung tipong tao na kapag nangako ay tutuparin niya kaagad at once na magbitiw siya ng salita ay pinaninindigan talaga niya.

Kaya kahit may doubt pa rin siya sa sarili niya ay palagi naman siyang pinapa-alalahanan ni Ethan na hinding-hindi siya nito kailanman iiwan o sasaktan. Araw-araw din nitong pinaparamdam sa kaniya kung gaano siya kahalaga sa buhay ng kasintahan, kahit pa nalalapit na ang kasal nilang dalawa ay para pa rin silang mga high school students o teenager na inlove sa isa't-isa.

“Ma’am may naghahanap po sa inyo.” Biglang siyang nilapitan ng sales clerk na nag-aasist sa kaniya kanina. Narinig naman siya ni Ethan at iniisip na baka iyon na nga ang photographer na tinutukoy niya sa kasintahan.

“Maybe siya na ‘yan babe.” Sabi nito sa kaniya.

“Okay sige, pupuntahan ko lang s'ya sandali.” Pagkasabi niya ay kaagad naman siyang nagtungo sa may waiting area.

"I have to go na. Kailangan ko na kasing asikasuhin ang mga pasyente ko. Basta balita mo na lang ako mamaya okay? i love you, mimi ko. Bye.” Pagpapaalam nito sabay binabaan na siya ng call. Napangiti naman si Mara at muling tinungo ang photographer na tinutukoy nito sa kaniya.

"Ma’am siya nga po pala yung naghahanap sa inyo.” Sabay itinuro sa kaniya ang lalaking nakaupo sa couch. Tumayo naman ito ng marinig niya ang sinabi ng sales clerk at lumapit sa kaniya.

“Good day! ako nga po pala si Andrew Herras ang-“ pagpapakilala sana niya pero bigla siyang natigilan nang makita niya ang reaksyon ng mukha ni Mara na tila ay gulat na gulat ito at nakatitig lamang sa kaniya.

“A- Andrew?” halos nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat at hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita.

Si Andrew Herras ang tinutukoy ni Ethan na magiging photographer sa gaganaping kasal nilang dalawa ni Mara. Subalit nagkataon naman na ito rin ang lalaking dapat niyang papakasalan nuon.

Ang lalaking minahal niya ng lubusan na higit pa sa kaniyang buhay ngunit sa isang iglap ay bigla na lang itong nawala na parang bula.

Kung kailan naman unti-unti ng naghihilom ang sugat sa kaniyang puso mula sa masalimuot nitong nakaraan ay muli namang sumulpot sa kaniyang harapan ang lalaking naging sanhi nito.

Magagawa pa kaya niyang maka-move on, kung ang lalaking gusto niyang kalimutan ay muling nagbabalik?

O magpapaka-manhid na lang ba siya at magpapanggap na naka-get over na sa lalaking tinitibok pa rin ng kaniyang puso?

***

"Ma! aalis na po ako." Paalam niya sa kaniyang ina, sabay lumabas na siya ng kanilang bahay.

Nakasuot siya ng pampasok na uniporme. Puting blouse, kulay pulang palda na hanggang tuhod ang haba at itim na sapatos at patalon-talon pa itong naglalakad patungo sa kanilang eskwelahan.

"Mara!" nilapitan at inakbayan siya ng kaibigan niyang si Liza.

"Wow, Liza! mukhang bago na naman yata 'yang hairclip mo sa buhok ha?"ang tinuturo niya ay yung yellow butterfly na nakaipit sa bangs nito.

"Syempre binilhan din kita, sharan!" sabay ipinakita at inabot niya ang pink butterfly na hairclip para sa kaniyang kaibigan.

"Wow! ang ganda, salamat my friend." Aniya at kaagad din niyang inipit ito sa gilid ng kaniyang buhok.

"Bagay ko ba?" tanong niya sa kaibigan habang patingin-tingin ito sa maliit niyang salamin.

"Oo naman! bagay na bagay sa'yo. Tara na, pumasok na tayo sa loob."

"Okay sige!" nagtungo na sila sa loob ng paaralan nila at dumeretso sa kanilang classroom.

"Magsisimula na raw ang flag ceremony!" sigaw ng class president nilang si Jade.

Ibinaba naman ni Mara ang kaniyang bag sa may silya at dali-dali silang nagsilabasan ng kanilang silid-aralan. Nagtungo silang lahat sa gitna ng oval, kung saan nila madalas isinasagawa ang pagpa-flag ceremony.

Tulad ng nakasanayan, ang lahat ng studyante sa paaralan na iyon ay nagtitipon-tipon sa gitna ng oval habang nakahalera ang bawat sections.

Kasalukyang nasa pinakadulo sina Mara, dahil sila ang pinaka-last section sa Second year High school.

"Mara, ayan na yung crush mo si Andrew." Pangungutyang ani ni Liza sa kaniya sabay itinutulak-tulak siya nito sa balikat.

"Ssh! huwag kang malikot, hindi ko s'ya makita." Ang sabi naman niya sa pilyang kaibigan.

Isang school president si Andrew noon sa kanilang paaralan. Kinikilala siya ng lahat dahil sa taglay nitong katalinuhan at kagwapuhan. Halos kinababaliwan nga rin siya ng mga kababaihan na galing pa sa iba't-ibang mga class sections. At karamihan sa kanila ay siya lang din ang inaabangan sa tuwing nagsasagawa sila ng flag ceremony.

Siya kasi ang madalas na nangunguna sa pag-awit ng pambansang awit at palaging nasa unahan ng stage.

"Ang gwapo niya talaga!"

"Oo nga! hindi siya nakakasawang tignan."

"Omg! ayan na siya."

"Sana ako na lang yung microphone na hawak niya!" samu't sari ang bulong-bulungan ng mga babaeng studyante roon na mula pa sa mga higher sections at tanging kay Andrew lang din nakatuon ang mga atensyon nila.

"Itataya ko talaga ang titulo ng bahay namin Mara, kung sakaling magkagusto rin sa'yo si Andrew." Bulong ni Liza sa kaniya.

"Kahit hindi mo na ibigay sa akin ang titulo ng bahay n'yo, basta mapasaakin lang siya ay kuntento na ako." Saad niya habang nakatanaw siya sa binata at panay ang pagtingkayad sa kaniyang mga paa.

"As if namang magkakagusto nga siya sa taga-last section na gaya mo?" singit namang sabi ni Robin at sabay na napalingon ang dalawang babae sa kaniya.

"Kung may guardian angel na katulad ni Andrew ay mayroon din namang epal na demonyong tulad n'ya." Naiiritang sabi ni Liza sabay tinarayan niya ng pagtaas ng isang kilay si Robin.

"Huwag mo na lang siyang pansinin Liza, nagpapansin lang 'yan." Bulong naman ni Mara sa kaibigan.

"Ang hirap kasi sa inyong mga babae, kapag sinasabihan kayo ng totoo ay iniisipan niyo kaagad ng masama, hindi ba?" nakangising saad pa nito habang nakaharap siya sa gawi ng dalawa.

"Tumigil ka na habang nakakapagtimpi pa ako." Mainahong ani ni Mara sa kaniya kahit ang totoo ay pinipilit lang din niyang pakalmahin ang sarili.

"Talaga? nakakatakot ka naman!" dagdag pa nitong sabi at nagsitawanan sila ng mga kaibigan niya.

Si Robin ay nagmula sa first section, kung saan kaklase niya si Andrew. Ngunit kilala naman siya bilang troublemaker o palaging nagsisimula ng away o gulo.

May kasabihan nga sila sa kanilang paaralan na kung nasaan ang gulo ay naroroon rin si Robin, ang pasimuno ng lahat.

"Mara, huwag!" tipong lalapitan na sana niya ito pero kaagad din siyang pinigilan ni Liza.

"Ano 'yan? pikon ka na kaagad?" pang-iinsulto aniya sa dalaga.

"Bitawan mo ako Liza tuturuan ko lang ng leksyon 'tong tikbalang na 'to!" magkasalubong na kilay niyang sabi habang ningingisian lang siya ng binata.

"Pare, payag ka no'n? tinawag ka niyang tikbalang!" pagkukunsinting saad ng isa niyang kaibigan at nagsitawan ang mga ito.

"Ays! hindi pa naman ako pumapatol sa mga babae. Pero ayos lang dahil hindi ka naman mukhang babae sa akin." Aniya syaka siya naglakad palalapit sa dalaga habang pinapatunog ang mga daliri sa kamay.

"Mara, huwag." Bulong ni Liza sa kaibigan ngunit nakatuon lamang ang atensyon nito sa binatang nagmamayabang.

"Sapat na siguro ang isang high kick para mapatumba ko siya." Saad ng dalaga habang ini-istrech ang kaniyang mga binti.

Pilosopo namang ngumisi si Robin nang makita niya ang ginagawang paghahanda ni Mara.

"Tumakbo ka na habang maaga pa." Sabi ni Robin sa dalaga.

"Bakit? naduduwag ka na ba?" sagot niya.

"Gusto mo talagang mabalian no?"

"Dami mong sat-sat!"

"Okay, sige! dahil mukha ka namang lampa medyo hihinahan ko lang."

"Talaga?" pagkasabi ni Mara ay bigla naman siyang sinampal ng malakas ni Robin sa kaliwang pisngi niya na ikinabigla ng lahat.

Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kaniya ay halos dumugo kaagad ang gilid ng kaniyang labi.

"Mara!" mabilis naman siyang nilapitan ni Liza habang nakahawak ito sa kaniyang pisngi kung saan siya sinampal ng binata.

"Hala! kawawa naman siya."

"Grabe naman si Robin! totoo bang sinampal niya yung babae?"

"Pati ba naman babae ay pinapatulan na rin niya!"

Samu't-sari ang bulungan sa kanilang paligid nang makuha nila ang atensyon ng ibang taga-sections na malapit sa kanilang dalawa.

"Oh, walang iiyak ha?" nakangising sabi pa nito habang sinisilip niya ang nakayukong mukha ng dalaga.

"Sinong nagsabing iiyak ako?" pagkatingala niya ng ulo ay mabilis niyang sinipa ng malakas ang kaliwang pisngi ni Robin na kaagad namang nagpatumba sa binata at napahiga sa lupa. Hindi pa nakuntento si Mara, kung kaya't nilapitan niya ito at pinatong ang kaliwang paa niya sa bandang dibdib nito.

"A-alisin mo 'yang madumi mong sapatos sa uniform ko!" galit nitong sigaw na ikinalingon naman ng lahat pati na rin sina Andrew na nasa stage.

"O walang iiyak ha?" sabi ng dalaga at sinampal din niya ito ng malakas sa kaliwang pisngi ni Robin.

"Ano ngayon ang pakiramdam ng masampal? masarap ba? nasisiyahan ka ba na nakakapanakit ka ng babae?" ang sabi pa niya pero ningisian lang siya nito at tumingala sa kaniya.

"Well, hindi naman masamang nakahiga ako dito at nakikita ko ang kulay ng panty mo, hindi ba?" pilosopong sabi niya sa dalaga, kung kaya't kaagad din siyang napaatras at lumayo kay Robim.

"Anong nangyayari diyan?!" sigaw naman ng guidance councilor ng kanilang school.

"Mara, dali dito!" tawag ni Liza sa kaniyang kaibigan at syaka sila nagsibalikan sa kani-kanilang mga pwesto at sections.

Hindi pa ako tapos sa'yo, bungol! bulong ni Mara sa kaniyang isipan habang nakatingin siya sa gawi ni Robin.

Kakaiba rin pala ang nunong 'to! ang sabi naman ni Robin sa isipan din niya at nakangisi siyang nakatingin rin sa dalaga.

"Naku! Mara namamaga ang pisngi mo! magagalit ang mama mo n'yan kapag nakita kang ganiyan." Nag-aalalang sabi ni Liza sa kaniya.

"Ayos lang ako." Sabay lumingon ulit siya kay Robin pero hindi na ito nakatingin pa sa kaniya dahil abala ito sa pagpa-pagpag ng kaniyang uniporme.

"Ays! ang pangit tuloy tignan!" inis niyang sabi dahil bumakat sa maputing niyang polo ang sapatos ni Mara.

"Ang susunod ay panatang makabayan na pangungunahan ni Robin Dela Paz." Nagulat at napatingin silang lahat kay Andrew nang bigla niyang banggitin ang pangalan ni Robin, upang anyayahing umakyat sa stage at manguna sa pagbikas ng panatang makabayan.

"Uy, Robin tawag ka!" sabay itinulak siya ng mga kaibigan niya papunta sa harap ng stage.

"Te-teka? ano bang problema ng mokong 'to? nasisiraan na yata siya ng ulo!" sabi niya at tipong babalik na sana siya sa pwesto nito pero muli lang siyang tinawag ni Andrew gamit ang mikropono, kung kaya't dinig na dinig ng lahat ang pagtawag nito sa kaniya.

Napalingon siya ulit kay Andrew at napansin niyang nakatingin na pala ang lahat ng studyante sa kaniya.

"Ays!" ang sabi na lang niya sabay umakyat na siya ng stage at nakangiting inabot naman ni Andrew ang mayk sa kaniya pagkatapos ay bumaba na ito ng stage.

"Mic test, mic test." Bigla silang nagsitawanan lahat ng sabihin ito ni Robin at panay ang pagpukpok sa ulo ng mic.

"Anong nagyayari? bakit biglang tinawag ni Andrew si Robin sa stage para magpanatang makabayan? hindi kaya?-" hindi itinuloy ni Liza ang kaniyang sinasabi at sandali siyang napalingon siya sa kaibigan niya.

"Hindi nga? imposible naman 'yon, hindi ba Mara?" usisa niya. Iniisip kasi nilang pareho na baka gumaganti si Andrew kay Robin dahil sa ginawa nitong pagkakasampal kay Mara.

Samantalang, napuno naman ng paghalakhak at katatawanan ang buong campus nila dahil sa mali-maling pagbibikas ni Robin sa panatang makabayan. Napahawak na lang sa ulo ang ilang guro na naroroon habang pinapakinggan nila ang sariling panata ng binata.

"Sino ba ang filipino teacher niyan? bakit hindi niya alam bigkasin ng tama ang panatang makabayan?" galit na saad ng kanilang principal kay Ginoong Servantes, ang class adviser nina Andrew sa first section.

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status