Share

Kabanata 7

"Bro! anong nangyari diyan sa mata mo?" tanong ni Cris kay Robin habang naglalakad ito papasok sa loob ng classroom nila.

Sandali naman siyang natigilan at napatingin kay Andrew na tahimik lang nagbabasa ng libro sa upuan niya. Nilapitan niya ito at saka hinagis sa kung saan ang librong hawak nito. Nagulat naman ang lahat at napalingon sa kanilang dalawa.

"Bro, ano ba ang ginagawa mo?" tanong ni Cris sa kaniya habang inaawat siya nito at hinahawakan sa braso, ngunit tinataboy lamang siya ng binata habang galit na galit itong nakatingin kay Andrew.

"Damputin mo yung libro." Mahina at mariin na saad naman ni Andrew sa kaniya.

"Inuutusan mo ba ako?" aniya sabay yumuko siya at nilapit ang mukha niya sa binata.

"Damputin mo 'yon sabi." Muling utos nito sa kaniya na magkasalubong ang dalawang kilay. Kaagad namang pinulot ni Cris ang libro nito at syaka inilapag sa arm chair niya pero muli lang itong inihagis ni Robin.

 

 

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status