The Deal With The Billionaire
The Deal With The Billionaire
Author: Tanylicious
Prologue

Buntong hiningang pumasok si Belle sa isang magarang restaurant upang kitain ang isang bilyonaryong nakilala nya sa isang website at nag offer sa kanya nang napakagandang opportunity  na makasal dito. Hindi nagdalawang isip si Belle ng alukin sya dahil ang tanging nasa isip nya lang ay ang anak nya. Isang single mother si Belle isang taon palang ang anak nya at tanging senior high school lang ang natapos nya. Hindi na sya nakapasok ng kolehiyo dahil matapos syang iwanan ng ama nang pinagbubuntis nya ay syang pagtalikod din ng mga magulang nya. 

Nahihirapang makahanap si Belle nang trabaho. Kaya ng ayain syang magpasakal este pagpakasal ng isang multi billionaire ay hindi na sya nag dalawang isip pa.

“You have reservation, Maam?” tanong sakanya ng isang lalaking mukang waiter. 

“Yes. Im with Mr. Santiago.”

 “This way, maam.” 

Pinagsiklop nya ang dalawang kamay ng maramdan ang panlalamig ng mga iyon ng makasakay sila sa elevator ng restaurant papuntang 10th floor. Nang magbukas ang elevator napanganga si Belle sa karangyaan na sumalubong sa kanya. Mabuti nalang at isang simpleng purple dress ang suot nya hindi man ganun kagara ngunit bagay naman sa lugar.

Sinundan nya ang waiter hanggang sa makarating sila sa balkonahe ng restaurant at tumigil sa isang mesa na may nakaupo ng lalaki na hindi nya kita ang muka dahil sa nakatalikod ito.Ngunit hindi ang lalaki ang nakakuha ng  atensyon nya ngunit ang magandang tanawin na nasa harap nya. Sinong mag aakala na magiging ganto kaganda ang syudad ng maynila pag nasa itaas ka.

Ibat ibang ilaw. At sariwang hangin. Hindi inakala ni Belle na makakalanghap pa sya nang sariwang hangin sa lungsod.

“ Ano tatayo ka nalang dyan.” Bumalik sa wisyo si Belle ng marinig ang boritonong boses ng isang lalaki. Muling bumalik ang kaba na nararamdaman nya. Dahil baka magbago ang isip ng lalaki pag nakita sya. Baka hindi ito magandahan.

Kahit kinakabahan ay umupo sya sa kaharap na upuan sa kung saan nakaupo ang lalaki.

“Im Belle Martinez. 20 years old sir at..” nag aalangan man kaylangan nyang sabihin na may anak sya.

“ may isang taong gulang na anak.” Unti unting nag angat nang tingin sakanya ang lalaki.

Kasabay nang  pag angat nang  tingin ng lalaking kaharap ay syang pag hinto nang oras sa paligid nya. Napatitig sya sa asul at magandang pilikmata ng lalaki na dinaig pa ang pilikmata nya. Ang matangos nitong ilong at ang mapupulang labi. Sumisimbolo ang lalaking kaharap nya ng salitang perpekto.

“Done admiring me?” malamig na tanong nito.

“ Sorry, sir.” Sabay tungo ng ulo pababa.

“ So may anak kana pala?” 

“ Yes, sir.” Dahan dahang tinulak ng lalaki ang  isang envelope sa kanya.  Dahan dahan syang nag angat ng tingin sa lalaki.

 “ Sign it. But before that I want you to right your condition about this. Kailangan kong maikasal bago ako mag 22 and now Im 21 at kailangan kong tumagal sa kasal na yan hanggang apat na taon para makuha ko ang mana ko. After that we will be annuled”

“Pero bat po ako ang napili nyo. Madaming nakaline up noong nag apply ako.” Yes kailangan  pang mag apply para dito. 

“ Cause I know you need some help because you’re a single mother. Right?” Napatango nalang sya. At tinignan ang hawak na papeles at saka nilagay ang kondisyon na gusto nya at pinirmahan.

Iniabot nya ito sa lalaking kaharap at saka binasa iyon. 

“1. Support for College until I finished it. 

2. Support my kid.

3.Treat well my kid.

4. Respect me and my kid. Is this all”

tumango sya. Hindi na sya hihingi pa ng higit sa lalaki dahil ang gusto nya lang ay makapagtapos ng kolehiyo para pag nakipag annulled na ang lalaki sakanya ay makakahanap sya nang matiwasay na trabaho para sakanilang mag ina.

“ I also have two condition. First, no one is allowed to tell this setup of ours to anyone. Relatives, friends etc. as in no one.” Napatango tango sya sa kondisyon ng lalaki.

“ And last. You are not allowed to date someone or to be by some other guy hanggat kasal tayo.” Tumango sin sya dahil hindi naman mahirap sa kanya yun lalo na't wala na syang tiwala sa mga lalaki at wala din syang mga kaibigan na masasabihan. 

“ Clear.” Tumago sya kasabay ng pag abot ng lalaking kaharap ang kamay nito.

“ Deal?” 

“Deal.”

Abot din nya sa kamay nya upang mmaging simbolo ng kasunduan nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status