"GOOD morning, Kuya!"
Nilingon ni Thorin ang nakakabatang kapatid habang masigla itong naglalakad papalapit sa kan'ya, pagkatapos ay humalik sa kanyang pisngi. "Good morning, Thyon," ganting-bati niya rito. "Maupo ka na, sabay na tayong mag-agahan."
Agad namang tumalima ang dalaga at saka naupo sa katabing silya niya. "Pupunta ka sa hacienda, Kuya?" tanong nito habang nagtutusok ng sausage na nakahain sa malaki at pahabang mesa.
Marahan naman siyang tumango sa kapatid habang naglalagay ng sariling pagkain sa plato. "Oo. Bibisitahin ko lang ang pag-aani ng kape. At saka gusto kong kumustahin ang mga farmer sa labas ng hacienda. Ang sabi kasi ni Tata Pedring, humihingi sa atin ng tulong ang mga magsasaka roon. Natutuyot daw kasi ang palayan dahil kinakapos sila ng mapagkukunan ng tubig," aniya sa kapatid habang pinong nginunguya ang pagkain sa bibig.
"I see," tumatango-tango namang sagot ni Tyhon sa kanyang kuya. "E, Kuya, bakit ba mas gusto mo rito sa hacienda?" usisa pa nito. Pinukol naman ni Thorin ng nagtatanong na tingin ang nakababatang kapatid. "I mean, you're a lawyer. Bakit hindi mo i-manage ang law firm mo sa Manila? Besides, it's getting bigger at mas nakikilala na sa bansa," dagdag pa ni Thyon sa kan'ya habang panay ang pagnguya nito.
Humigop muna ng barakong kape si Thorin, na galing pa mismo sa taniman ng hacienda bago sumagot rito. "Alam mo namang sa atin lang ipinagkatiwala ni Mama at Papa ang pamamahala ng hacienda. At dahil ayaw mong tumulong na mag-manage, ay ako na lang ang gumagawa mag-isa. Besides, alam mong hindi ko kayang pabayaan ang mga tao rito."
Umismid naman si Thyon sa kanyang Kuya Thorin. Ang totoo ay alam na niya iyon. Pero naghihinayang lang kasi siya para sa kanyang Kuya. Nakapagtapos nga ito ng may degree pero hindi naman nito iyon nagagamit dahil mas pinili nitong mamuhay sa probinsya, at i-manage ang hacienda na pamana pa ng mga ninuno nila sa kanilang parents.
"E, kailan ka ba mag-aasawa, kuya? Look, malapit ka nang mawala sa kalendaryo pero ni girlfriend ay wala ka," sikmat pa ni Thyon sa kanyang kuya. Si Thorin naman ay napapailing na lang sa katabilan ng kapatid.
"Twenty-nine pa lang naman ako, ano? At saka anong magagawa ko? Wala akong makitang magugustuhan," katwiran naman niya rito. Totoo naman iyon. Hindi pa kasi niya nakikita ang babaeng sa tingin niya ay wife material.
Tinaasan naman siya ng kilay nito. "Ano ba kasing type mo sa babae? E, hindi ba, maraming babae sa kabilang bayan ang may gusto sa'yo? At mga heredera rin gaya mo. Wala ka bang type sa kanila, Kuya Thorin?"
Sunod-sunod naman ang naging pag-iling ni Thorin sa kapatid. "Wala e. Hindi ko kasi makita sa kanila 'yong pagiging wife material," aniya sabay higop muli ng kape.
"Anong characteristics ba ng babae ang wife material para sa'yo, Kuya?" usisa pa nito.
Ngumiti naman si Thorin sa kapatid. Bigla kasi niyang naisip ang kanilang yumaong ina. "Just like our mom," turan niya. "Iyong mabait, malambing, maasikaso at higit sa lahat ay may takot sa Diyos."
Pumalatak naman si Thyon at saka pinukol siya ng namamanghang tingin. "Kuya, nasa modern era na tayo. Wala ng babae ang gaya ng sinasabi mo!" kunot-noo pa siya nitong tiningan habang panay ang subo ng pagkain, "at saka hindi na 'yon uso ngayon. Ang importante, mahal ka niya, mahal mo siya, okay na 'yon."
"Pero wala pa naman akong nakikitang mamahalin, Thyon," katwiran pa niya rito. Sa kabilang banda, ikinatutuwa rin niyang ganoon sila mag-usap ng kapatid. Very comfortable sa isa't isa kahit pa nga sampong taon ang agwat niya rito. Labing-siyang pa lamang kasi ito.
"E, pa'no? Puro hacienda ang inaatupag mo. O baka naman. . ." Pinukol siya ng makahulugan na tingin ng kapatid pagkasbi niyon.
"What?" maang namang tanong n'ya rito.
"Baka naman mahal mo pa si Ate Kelly na niloko ka at pinagpalit pa sa iba?" anang Thyon na pinukol pa siya ng nang-uusig na tingin.
Hindi naman agad nakasagot si Thorin. Dahil alam niya sa kanyang sarili na totoo ang sinasabi ng kanyang kapatid. Paano nga ba kita malilimutan, Kelly? Kung hanggang ngayon ay mahal pa rin kita? pipi niyang tanong sa sarili.
Si Kelly ay ang kababata niya at first girlfriend. Umabot ng dalawang taon ang kanilang relasyon kung kaya't naisipan na nilang mag-settle down. Besides, masaya naman sila at mahal nila ang isa't isa. Botong-boto rin naman ang mga magulang niya sa kanyang kasintahan. Ngunit sa araw ng kanilang kasal ay hindi ito sumipot, at nalaman na lang niyang sumama ito sa ibang lalaki. Sobrang sakit at kalungkutan ang dinanas niya dahil doon kaya naman kahit may tatlong taon na ang nakararaan, aaminin niyang hindi pa rin nabubura ang sakit at pagmamahal niya sa dating kasintahan.
"Ehem! Sabi na e," pukaw ni Thyon sa kan'ya. Para naman siyang natauhan nang marinig ang boses ng kapatid.
"Tama na nga 'yan. Tapusin mo na ang agahan mo," aniyang sinabayan ng pagtayo. "Anyway, mauna na ako. Kailangan ay maaga akong makarating sa kapihan," paalam pa ni Thorin sa nakababatang kapatid pagkatapos ay lumapit dito at ginawaran ng halik sa pisngi.
"Take care, Kuya Thorin!" pahabol naman ni Thyon sa kanyang kuya.
"I will!"
Nang maiwan si Thyon sa hapag ay napabuntong-hininga na lang siya. Alam niyang hanggang ngayon, hindi pa rin nakaka-move on ang Kuya Thorin niya sa ex-girlfriend nitong si Kelly. She doesn't deserved Kuya! galit na turan niya sa isipan kasabay ng pagkuyom ng mga kamao.
• • •
Hindi na mabilang ni Malaya kung ilang beses na siyang sumakay at bumaba ng jeep at traysikel. Ang alam lamang niya ay malayo na ang kanyang nararating. Malayo na siya sa kanyang pamilyang iniwan. Inabot na siya ng dalawang araw sa kalye nang walang tiyak na patutunguhan. Kapag napapagod ay pansamantala siyang tumitigil. Kapag gabi naman ay tumitigil siya sa bangketang nadadaanan at doon natutulog, katabi ang mga katulad niyang walang masisilungan.
Ang kamoteng baon niya ay naubos na kagabi pa, kung kaya't tanging tubig lamang na hinihingi niya sa mga karinderyang nadadaanan ang tanging inilalapat niya sa tiyan. Naubos na rin kasi ang kaunting pera na dala niya dahil ipinambayad na niya sa kanyang pamasahe.
Ngayon nga ay nasa Sto. Cristo na si Malaya, ayon na rin sa matandang babae na napagtanungan niya. Isa iyong malayong probinsya sa Cebu kung saan siya nagpunta. Nilakad ni Malaya ang maalikabok na kalupaan ng Sto. Cristo. At dahil nga magtatanghaling tapat na iyon ay tumatalab na sa kayumanggi niyang balat at hapdi dulot ng sinag ng araw.
Nanunuyo na rin ang kanyang labi dahil sa pagkauhaw. Paano'y ang karinderyang nadaanan niya kanina bago siya pumasok sa Sto. Cristo ay siya na yatang huling kainan sa lugar na iyon, dahilan upang maubos na ang tubig na hiningi niya roon.
May tatlong oras nang naglalaad si Malaya kung kaya't ramdam na niya ang pananakit ng talampakan. Maging ang kumakalam na tiyan ay panay na rin ang atungal. Noong isang gabi pa kasi ang huling kain ng dalaga.
Sa kanyang paglalakad ay unti-unti nang nakararamdam ng panghihina ang dalaga. Ang nakapapasong init na nagmumula sa katirikan ng araw ay nakadagdag rin sa hilo na kanyang nararamdaman. Subalit hindi huminto sa paglalakad si Malaya. Nagbabakasakali kasi ang dalaga na may masusumpungan masisilungan. Pawang maalikabok ma lupa lamang kasi ang dinaraanan niya at pilapil.
Hindi ko na yata kaya, anang Malaya sa sarili habang panay ang lakad sa gitna ng katirikan ng araw. Lubos na rin siyang naghihina. Wala na siyang lakas at nangangatog na rin ang kanyang tuhod habang dahan-dahan na lamang ang paglalakad. Ramdam na ni Malaya na ano mang sandali ay titimbuwang na siya sa nilalakaran. Pero kahit ganoon, umaasa pa rin siyang may makita siya o kaya ay makasalubong na maaaring magbigay ng tulong.
Ngunit bago siya tuluyang igupo ng matinding pagod at sakit ng katawan, naramdaman ni Malaya na may matigas na bisig ang humapit sa kanyang baywang.
"SEÑORITO Thorin, nagising na ang inyong bisita."Nilingon ni Thorin si Nana Delia, ang kanilang mayordoma. "Okay Nana Delia, pupuntahan ko s'ya. Paki-handaan na rin po niyo siya ng hapunan," tugon naman ni Thorin sa matandang katiwala."Sige, Señorito.""Who's your visitor, kuya? Bakit 'di ko yata alam?" tanong naman ng kanyang kapatid.Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Kalimitan kasi, kapag may panauhin sa mansyon, ay pinaghahandaan nila ito ng maliit na salo-salo. Kung kaya't marahil ay nagtaka ito dahil walang ganoong pangyayari ang naganap."'Yong babaeng nasagip ko sa labas ng hacienda kaninang tanghali pag-uwi ko.""Babae, Kuya?" pag-uulit ng kapatid.
"KUYA, alam mo? Bagay kayo ni Malaya."Nilingon ni Thorin ang kapatid habang nasa komedor sila at naghahanda ng agahan. Bakas sa mukha ng nakababatang kapatid ang panunukso ng sabihin iyon."Stop it, Thyon. Baka marinig ka ni Malaya," saway niya rito sabay lingon sa direksyon ng pinto ng komedor. Subalit lihim rin siyang napangiti sa sinabi ni Thyon, at aywan niya kung bakit.Humagikhik naman ang dalaga sa kanyang Kuya Thorin. Nakita kasi niyang namula ang mukha nito. "Eh, bakit nagba-blush ka, kuya? Para kang teenager na kinikilig!"Hindi na lamang sinagot ni Thorin ang kapatid at saka umiling-iling na lamang rito. Ilang sandali pa nga, dumating na si Malaya sa komedor. Agad napansin ni Thorin na namula ang babae nang magtama ang kanilang mga paningin. Napangiti tuloy siya sa kanyang isip dahil doon.
"MALAYA, marunong ka bang gumamit ng computer?" tanong ni Thyon kay Malaya. Naroon na sila sa shop nito at kasalukuyang nag-aayos. Kabubukas pa lamang kasi nila ng naturang tindahan.Mula sa pagsasalansan ng mga naka-hanger na bistida, binalingan ng tingin ni Malaya ang dalaga. "Pasensya ka na pero hindi ako marunong e," nahihiyang aniya."Gan'on ba? 'Di bale. . ." anang Thyon na nasa laptop ang tingin, "I will teach you na lang. Come here," anitong nakangiti pang nakatingin sa kan'ya. Mabilis naman siyang lumapit at naupo sa katabing silya nito."A-ano ba ang kailangan kong gawin?" taning niya rito na ang paningin ay nasa screen na rin ng naturang aparato.Palibhasay laki siya sa bundok, wala siyang alam sa mga de-kuryenteng kagamitan. Ni hindi pa siya nakakagamit ng cellphone o nakakanood ng telebisyon. Sa buo
Kasalukuyang abala si Malaya sa pagtulong sa mga kawaksi sa paghahanda ng agahan nang pumasok sa komedor si Thyon."Good morning, Malaya! Come here, maupo ka na. Si Nana Lupe ang bahala d'yan," agad nitong anyaya sa kan'ya. Ipinaghila pa siya ng upuan ng dalaga upang maupo siya sa tabi nito."Good morning, Thyon. Maaga ba ang pasok mo?" tanong niya rito. Araw kasi ng Lunes noon at ang alam niya ay balik eskwela na ulit ito.Umiling ang dalaga. "Hindi naman. Actually, 9:00 pa ang pasok ko. Gumising lang talaga ko nang maaga para makausap ka."Napamaang naman siya sa sinabi nito. "Tungkol sa trabaho ba?""Nope. Hindi tungkol d'on. Tungkol sa sinabi ni Kuya Thorin na gusto mo raw maghanap ng uupahang bahay. Why, Malaya? Ayaw mo na ba kaming kasama?" Bakas pa ang pagtatampo sa tinig nito ng sabihin iyon.Mabilis namang umiling si Malaya sa babae. "Naku! Hindi naman 'yon gan'on
May isang linggo nang nagtatrabaho si Malaya bilang assistant ni Thyon at masasabi niyang gamay na niya ang gawain roon. At dahil nga araw ng sabado noon, napag-usapan nilang dalawa ni Thyon na day-off niya ang araw ng sabado at linggo.Ayaw sanang pumayag ni Malaya na hindi pumasok dahil wala naman siyang gagawin sa loob ng dalawang araw. Pero wala naman siyang magagawa. Nahihiya rin siya kay Thyon dahil baka isipin nitong nagmamarunong pa siya. Kung kaya't sinadya niyang magising nang maaga para tumulong na lang kay Nana Lupe na maghanda ng almusal para sa magkapatid."Good morning, Laya! Ang aga mo yatang nagising, huh?" masiglang bati ni Thyon kay Malaya pagpasok nito sa komedor.Eksakto namang tapos na ang agahan na inihanda nila ni Nana Lupe at kasalukuyang inihahain na iyon sa lamesa. "Good morning, Thyon. Tumulong lang ako kay Nana Lupe. Wala naman kasi akong gagawin ngayong araw," aniya ng nakangiti rin sa dalaga.
NAKARINIG nang mahinang katok si Thorin sa kanyang silid kaya naman pansamantala niyang ihininto ang pagbr-browse ng email sa kanyang laptop na ipinadala sa kan'ya ni Nicolai tungkol sa status ng law firm."Bukas 'yan, come in," may kalakasang boses na saad niya. Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang nakababatang kapatid."Good evening, kuya. Alas-otso na. Have you taken your meds?" tanong pa nito tapos ay lumapit sa kama at tumabi sa kan'ya."Yeah, tapos na. Thank you sa paalala," tugon ni Thorin sa kanyang kapatid at muling ibinalik ang paningin sa binabasang email."'Di mo dapat kinaliligtaan ang maintenance medicine mo. Alam mo namang iba ang effect sa'yo 'pag nakakaligtaan mo e," ani Thyon na may kalakip na pag-aalala sa tinig.Napangiti naman si Thorin saka muling binalingan ang kapatid at hinaplos sa ulo. "Daig mo pa si Mama kung manermon, ha? Don't worry, 'di ko n
NAKARINIG nang mahinang katok si Thorin sa kanyang silid kaya naman pansamantala niyang ihininto ang pagbr-browse ng email sa kanyang laptop na ipinadala sa kan'ya ni Nicolai tungkol sa status ng law firm."Bukas 'yan, come in," may kalakasang boses na saad niya. Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang nakababatang kapatid."Good evening, kuya. Alas-otso na. Have you taken your meds?" tanong pa nito tapos ay lumapit sa kama at tumabi sa kan'ya."Yeah, tapos na. Thank you sa paalala," tugon ni Thorin sa kanyang kapatid at muling ibinalik ang paningin sa binabasang email."'Di mo dapat kinaliligtaan ang maintenance medicine mo. Alam mo namang iba ang effect sa'yo 'pag nakakaligtaan mo e," ani Thyon na may kalakip na pag-aalala sa tinig.Napangiti naman si Thorin saka muling binalingan ang kapatid at hinaplos sa ulo. "Daig mo pa si Mama kung manermon, ha? Don't worry, 'di ko n
Araw ng sabado noon at walang pasok si Malaya, kung kaya't matapos niyang tumulong kay Nana Lupe ay nagpasya siyang maglakad-lakad muna sa malaking hardin sa likod-bahay ng mansyon ng mga Fuentebella. Iyon ang unang beses niyang nagpunta roon sa loob ng mahigit isang buwan na niyang naninirahan sa hacienda. Humanga pa siya nang makitang may malaking swimming pool pala roon.Pakiramdam ni Malaya ay inaakit siya ng kulay-asul na tubig sa pool, kaya naman ipinasya niyang lumapit at maupo sa gilid niyon. Hindi pa siya nakuntento, isinawsaw pa niya ang mga paa sa tubig at nilaro-laro na tila isang bata. Napakasarap sa kanyang pakiramdam ang malamig na tubig na nananalaytay sa binti niya, habang tumatama naman sa kanyang balat ang mainit-init na sikat ng araw. Ala-siyete pa lamang kasi iyon ng umaga at hindi pa masakit sa balat ang sikat niyon."Good morning, Laya. Ang aga mo naman yatang nagising."Muntikan nang mapatalon si Ma