Share

Kabanata 4

"MALAYA, marunong ka bang gumamit ng computer?" tanong ni Thyon kay Malaya. Naroon na sila sa shop nito at kasalukuyang nag-aayos. Kabubukas pa lamang kasi nila ng naturang tindahan.

Mula sa pagsasalansan ng mga naka-hanger na bistida, binalingan ng tingin ni Malaya ang dalaga. "Pasensya ka na pero hindi ako marunong e," nahihiyang aniya.

"Gan'on ba? 'Di bale. . ." anang Thyon na nasa laptop ang tingin, "I will teach you na lang. Come here," anitong nakangiti pang nakatingin sa kan'ya. Mabilis naman siyang lumapit at naupo sa katabing silya nito.

"A-ano ba ang kailangan kong gawin?" taning niya rito na ang paningin ay nasa screen na rin ng naturang aparato.

Palibhasay laki siya sa bundok, wala siyang alam sa mga de-kuryenteng kagamitan. Ni hindi pa siya nakakagamit ng cellphone o nakakanood ng telebisyon. Sa buong buhay kasi niya, tanging pagtanim ng gulay, pangangaso at pag-eensayong gumamit ng baril lamang ang ginagawa niya. Kung kaya't hindi rin niya natapos ang pag-aaral ng highschool.

"You need to answer emails from our clients, Malaya. Madali lang naman," anito saka kinuha ang mouse. "Kita mo 'tong emails? Iyang parang sobre? Kapag may nakita kang gan'yan, ibig sabihin mayr'on kang emails. I-click mo lang iyan, at makikita mo na kung anong laman ng messages. 'Pag mag-re-reply ka naman, click mo lang 'tong reply, then click send," tuloy-tuloy na paliwanag nito kay Malaya habang itinuturo ang mga dapat gawin. "Kapag may tinanong silang 'di mo maintindihan, tell me at ako nang sasagot. Kunin mo lang 'yong cellphone or telephone numbers nila or address para mas madali natin silang ma-contact, okay?"

"O-oo, nakuha ko," agad niyang sagot. Sa totoo lamang ay hindi naman pala iyon gan'on kahirap. Naiintindihan naman niya ang mga ipinaliwanag nito at nakuha agad.

"Okay good," anang dalaga saka marahan siyang tinapik sa balikat. "Bukas Monday, may pasok na 'ko. Ikaw munang maiiwan rito 'tsaka si Maddy," anang Thyon saka binalingan ang isang babae na mukha mas matanda sa kan'ya ng ilang taon. Maganda ito at mukhang may-kaya sa buhay. Mukha rin itong mabait. "Maddy, ikaw na’ng bahala kay Malaya bukas, ha?"

Mabilis namang tumango ang tinawag na Maddy at saka ngumiti kay Malaya. "Okay, Ms. Thyon."

"Good," anang Thyon saka bumaling sa kan'ya, "Come on, Malaya. Ituturo ko pa sa'yo ang dapat mo pang matutunan." Mabilis namang tumalima si Malaya at lumapit rito. "'Wag kang kabahan, huh? Sa una lang mahirap but I'm pretty sure na kayang-kaya mo 'yan, Malaya," pagpapalakas-loob pa nito sa kan'ya.

"Maraming salamat, señorita," nahihiya niyang tugon naman ni Malaya. Ngayon kasing nagtatrabaho na siya sa dalaga, sa palagay niya ay mas mainam kung señorita na ang itatawag niya rito o kaya naman ay Ma'am. Ayaw niya kasing isipin ng mga kasamahan niya roon na hindi siya marunong gumalang kung Thyon lamang ang itatawag niya.

Umiling-iling naman si Thyon sa kan'ya. "Don't call me señorita, Malaya. Just call me by my name, okay? Isa pa magiging future sister-in-law naman kita." Humalakhak pa ito pagkasabi niyon.

"H-Ha?" maang na tanong naman ni Malaya rito.

"Wala, wala! 'Lika na nga para makapag-umpisa ka na." Matamis pa itong ngumiti bago siya inakay palabas sa tanggapang iyon.

• • •

"Kumusta ang unang araw ng trabaho mo, Malaya?"

Biglang sumikdo ang dibdib ni Malaya nang marinig ang baritonong tinig ni Thorin mula sa kanyang likuran. Hindi man lamang niya namalayan ang paglapit ng binata. Marahil ay dahil iyon sa nakawiwiling tanawin na nakikita niya sa balkonahe kung saan siya nagpapahangin ngayon.

Naaaliw siyang panoorin and madilim na kalangitan na napakaraming bituwin. Wala mang buwan ng gabing iyon, sapat na ang mga tala sa kalangitan para bigyang buhay ang kadiliman ng gabi.

Nilingon ni Malaya ang binata na may isang dipa ang layo sa kan'ya. Nakasuot ito ng abuhing roba na marahil ay pantulog nito at may hawak itong tasa ng marahil ay kape. Ang buhok naman nitong mahaba ay nakapusod. At bagaman nakatalikod sila sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa loob ng bahay, ay naaaninag pa rin niya ang gwapong mukha nito.

Sa t'wing pagmamasdan rin niya ang gwapong mukha ng lalaki, ay nararamdaman siya ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Siguro ay dahil sa ngayon lamang siya nakakita ng ganoon kagwapo sa tanang buhay niya.

"M-maayos naman. Medyo nahirapan ako no'ng una pero natutunan ko naman sa huli," anang Malaya na ang paningin ay nasa madilim na kalangitan.

Katatapos lamag nila maghapunan noon. Si Thyon ay nagpaalam na sa kanyang maagang matutulog dahil may pasok pa raw ito bukas. Si Thorin naman ay hindi nila kasabay kumain kanina kung kaya't ngayon lamang sila nagkaharap. Ang dinig niya kanina, may inasikaso raw ang binata sa hacienda.

"Good to know that." Tumango-tango pa ito pagkasabi niyon.

"S-señorito Thorin, may nais sana akong sabihin," mahinang tawag niya sa lalaki. Lumingon naman ito agad sa kan'ya.

"Bakit naman señorito ang tawag mo sa'kin? The last time I know, Thorin ang tawag mo sa akin. And I like it kung iyon ang itatawag mo, Malaya."

"S-sige, Thorin na lang."

"Much better," ngumiti pa ito ng matamis sa kan'ya. "Anyway, ano ang sasabihin mo?"

"Itatanong ko sana kung may maliit na bahay ba akong maaaring ma-rentahan malapit dito?"

"Bakit? Ayaw mo na ba rito sa mansyon, Malaya? 'Di ka ba komportable?"

Mabilis naman na umiling si Malaya saka tuluyang hinarap ang lalaki na noon ay matamang nakatingin sa kan'ya. "Nahihiya kasi ako sa inyo ni Thyon. Tinulungan na nga ninyo ako at binigyan ng trabaho, pati ba naman sa tirahan ang sagot ninyo ako," paliwanag niya rito. Iyon kasi ang sabi ni Thyon sa kan'ya. Doon na lamang raw siya manirahan na mansyon.

"Bakit ka naman mahihiya? May nagpapaalis ba sa'yo, Malaya? kunot-noong tanong pa ng binata na bahagya pang humakbang papalapit sa kan'ya. Muli tuloy sumikdo ang dibdib ni Malaya dahil doon.

"W-wala naman. Talagang nahihiya lang ako sa inyong magkapatid, " agad niyang tanggi.

"Kung gan'on, isantabi mo muna iyang hiya mo, Malaya. Kami naman ng kapatid ko ang may gusto na dito ka sa mansyon tumira. Isa pa'y, malaki ito. Mga katiwala at kaming dalawa lang ni Thyon ang nakatira rito. Napakalaki nito para sa amin," anang binata kay Malaya.

"P-pero hindi pa ninyo ako kilala. Baka mamaya ay isa pala akong masamang tao." Binundol ng kaba ang dibdib ni Malaya dahil sa sinabi niyang iyon. Alam naman niya kasing hindi siya nasasabi ng totoo sa mga ito.

Nagtaka ang dalaga kung bakit sandaling natahimik ang binata habang nakatingin lamang sa kan'ya. Ngunit mayamaya rin ay nagsalita ito. "Kung ano man ang hindi mo sinasabi sa amin, Malaya, alam kong may dahilan ka. Isa pa, alam kong mabuti kang tao," sinserong turan ni Thorin na biglang sumundot sa kanyang konsenya. Tuloy ay parang gusto ni Malaya na amimin ang pagkatao sa binatang kaharap.

"Maraming salamat, Thorin," anang Malaya habang hindi maalis-alis ang paningin sa gwapong mukha nito. Sana nga ay matanggap ninyo kapag nalaman ninyo ang tunay kong pagkatao. . .

• • •

Nang matapos mag-usap ni Thorin ay Malaya, dumiretso na ang binata sa silid nito. Ngunit hindi makatulog si Thorin habang nakahiga sa malambot niyang kama. Paano ba naman kasi, hindi maalis-alis sa isipan niya ang mukha ni Malaya. Sa tuwing pagmamasdan kasi niya ang dalaga, pakiramdam niya ay may bumabagabag rito.

Maging ang mga mata nito kung minsan ay nagiging mailap lalo na kapag tungkol sa buhay nito ang pinag-uusapan. May kutob siyang may inililihim ang dalaga sa kanilang magkapatid. Pero hindi naman iyon ikinababahala ni Thorin. Ramdam naman kasi niyang mabuting tao si Malaya.

Dahil sa hindi dalawin ng antok, tuluyan nang bumangon si Thorin ay nagtungo sa kanyang mini sala set at binuhay ang malaking flat screen TV. Alas-nueve pa lamang naman iyon ng gabi kaya ipinasya muna niyang manood ng news. Nang maipunta niya sa paborito niyang news channel, ay naupo siya ng maayos sa couch at nanood.

"Isang pinaghihinalaang miyembro grupo ng mga New People's Army ang pinaghahanap ng Arm Forces of the Philippines sa bayan ng Sta. Filomena, Algeria sa probinsya ng Cebu. Sinasabing ang naturang grupo ay may sanhi ng kaguluhan sa isang barangay na hindi umano, kinukuha ang mga pananim na gulay at prutas na paninda ng mga taong-baryo. Maging ang mga alagang hayop ng mga ito ay kinukuha rin ng nasabing tulisan. Samantala, ang mga taong lumalaban sa mga ito, ay dinadala ng grupo at ginagamit na hostage laban sa ating kasundaluhan."

Nang marinig ni Thorin ang balitang iyon ay naalarma siya. Sa kabilang bayan lamang kasi ang nasabing lugar kung saan nanggulo ang mga tulisan. Ilang beses na rin kasing pinasok ang kanyang hacienda ng mga tulisan. Ngunit bigo ang mga itong makapagdala ng mga pananim buhat sa kanyang hacienda. May kinukuha kasi siyang private army sa tuwing nababalitaan siyang may ganoong kaguluhan.

Kinuha ni Thorin ang cellphone niyang nakalapag sa corner table at kinontak si Nicolai. Ang best friend niya na pawang abogado rin at siyang namamahala ng law firm niya sa Maynila.

"Yes, bro? Napatawag ka?" tanong agad nito sa kabilang linya.

"Papuntahin mo si Major Cortez dito. I need them," aniya na ang tinutukoy ay ang kanyang private army.

"Why? May problema ba?"

"May mga nangugulo na namang tulisan sa karatig-bayan. Kailangan ko ng kasama rito."

"Okay sure. Ako nang bahala!"

"Thanks bro!"

"Basta ikaw!"

Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Maricar Gonzales
continue read
goodnovel comment avatar
Liezel Mpc
next episode
goodnovel comment avatar
rahima
Nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status