Let Me Cease
Let Me Cease
Author: Immortalthe1

Chapter 1.1

Nandito ako ngayon sa aking kama, kakatapos ko lang mag basa ng isang nakaka iyak na nobela dahil sa bawat nobelang aking nababasa ay kahit papaano nakakadama ako ng kasiyahan.

Binuksan ko ang bintana ko atsaka pinagmasdan ang liwanag ng buwan. Bago ko makalimutan, ako nga pala si Kasuri Tanaka labing walong gulang. Isa akong estudyante sa isang prestihiyosong paaralan dahil ang aking magulang ay may malaking kumpanya na nasasakupan din ang ibang mga bansa pahdating sa negosyo. Isang beses ay nakidnap ako noong bata ako pero ngayon ay naka limutan ko narin ang kanilang mga mukha.

Nag pasiya na akong matulog.

""Kasuri, gumising ka na diyan!"" Kagaya ng kadalasan, itong baklang isa sa mga yaya namin ang siyang gumising sakin. Pero mabait naman siya kahit papaano kung maituturing.

""Anong oras naba, Fernando?"" Sumandal na ako mula saking pag kakahiga at napahikab, sa matutal naman akong nag taka kung bakit para itong napatahimik at nanlilisik ang mata sakin.

""Kasuri, ilang beses ko po bang sasabihin sainyo  na Samantha ang pangalan ko, hindi Fernando!" Kinurot niya ako.

""Aray naman!""

""Ikaw kase, di porket madam kita binubully mo na 'ko!""

""Hindi ko naman kasalanang bakla ka, Fernando.... este Samantha""

Nag palitan pa kami ng ilang mga pambibiro hanggat nag pasiya na akong tumungo sa dining table. Naka line up ang mga maid sa aking harap, ito ang palaging nadadatnan ko. 

""Good morning, ms. Tanaka.""

Sabay sabay nilang sambit habang naka yuko ang kanilang mga ulo. Tumango nalang ako para oo nalang bilang sagot. Napaka sakit nila sa tenga dahil ume-echo pag sabay-sabay silang nag sasalita dito sa mansion.

Natatawa talaga ako sa suot ni Fernando, kalalaking tao 'e suot-suot ang maid outfit. Sayang talaga, kahit papaano'y gwapo siya kung hindi talaga siya bakla baka ma fall ako dito.

""Ferna- este, Samantha. Nasan sila mommy at daddy?"" 

""Sa isang buwan paraw sila makaka-uwi dahil may business trip sil-

""Nawalan na ako ng ganang kumain.""

Tumungo na ako sa bathroom, hindi ko naman talaga nais mag sungit pero uminit lang ang dugo ko ng marinig kong nag  business trip nanaman sila. Kahit paman nandito sila palagi nilang sinasabi na busy sila.

Sinuot ko na ang aking uniform hang pinag mamasdan ko ang uniform ay parang wala namang espesyal dito. Pure black except sa ribon at gold na butones.

Tinawag ko na ang driver upang ihatid ako sa Phillips Academy, hindi naman katagalan bago ako nakarating. 

Nakakita ako ng isang malaking ipis.

""Hello, Kasuri. Ilang araw din tayong di nag kita noh? Free kaba mamaya?""

""Pasensya na, Adrian. Hindi kasi ako pwede...""

""So, hindi yan problema! Kelan kaba pwede? Don't worry marunong akong mag hintay.""

""Pasensya na talaga hindi ko alam kung kelan talaga pwede.""

""Ah, ganun ba. Okay sige.""

Nag paalam na ako upang umalis upang mauna na sa section pero mapilit na gusto niya raw itong kasabay ako pag punta sa loob.

""Tara na?""

""O-okay.""

Hindi ko talaga gusto pero ayoko ng makipag argue pa sa palagay talaga ng lalaking ito ay kaya niyang makuha ang lahat. Hindi naman pangit si Adrian pero hindi ko din siya tinitignang bilang isang gwapo at halata namang hindi rin siya reliable.

""Wow, ang swerte talaga ni Kasuri.""

""Oo, nga! Napaka gwapo ni Adrian at napaka ganda rin ni Kasuri. Bagay na bagay sila!""

""Ang cute talaga ni Kasuri, nakaka inggit ang itsura niya!""

""Omg! Sila naba?!""

""Hindi malabong maging sila, kilalang kilala ang pangalan nila sa campus at ibang school natin. Sigurado akong may namamagitan sa pagitan nila!""

Sunod sunod na bulungan ang narinig ko, napaka daming mata ang naka titig samin kaht hindi pa man ako nakatingin ay alam kong mula bawat direksyon ay tinititigan nila ako. 

Hindi ko to gusto.

Ilang mga sandali pa ay nakarating nadin kami. Kahit sa loob ng room namin ay parang mga bubuyog na nag bubulungan kahit na wala namang katuturan ang nangyari.

Naupo si Adrian sa unahan samantalang ako ay sa dulo. Sa wakas ag matatahimik narin ang aking espasy-

""Hello!""

Si Eumi Fernandez.

""Balita ko, may namamagitan daw sainyo ni Adrian. Hindi naman ako mag tataka kung totoo pero totoo ba talaga?!""

""H-hmm..""

""OMG!?""

Hindi kami mag kalapit na kaibigan ni Eumi pero sa tuwing uupo ako at walang ginagawa ay palagi niya akong kinukulit o kinakausap. Kahit papaano'y mabuti naman siyang tao at ikokonsidera kong mapag kakatiwalaan siya. Nilapit niya ang silya niya sa silya ko na parang handang pakinggan ang sasabihin ko. Kahit na sa totoo'y wala namang ako sasabihin dahil lahat i'yon ay walang katotohanan.

""H-hindi totoong may namamagitan samin ni Adrian, Eumi.""

""Hay ganun ba? Mabuti naman""

""Mabuti naman?""

""Ay, haha. wala wala, sige babye.""

Nakaka pagtaka ang pananalita ni Eumi, pansin kong namula ang tenga niya dahil sa anong dahilan? Binalik na nito ang silya niya sa nararapat na direksyon habang ako naman ay naka tingin lang sa bintana. Hindi ko napansin na pumasok na pala ang guro.

""Ms. Tanaka? Can you please stand up and explain what I say?"

Patay!

""I'm sorry, sir. I didn't hear what you said before.""

""Huh? Are you really the top student at Phillips Academy? Not so... obvious.""

Lahat ng kaklase ko'y pinagtatawanan ako habang minamaliit ako  ng hindi magaling na guro.

Huminga ako ng malalim atsaka inisip ang pwedekong gawin. Isang equation lang ang naka lagay sa pisara. Ito na marahil ang tinutukoy niya kanina.

'∫→E⋅d→A=q/ε0.'

""The formula on the board isMaxwell's four equations describe the electric and magnetic fields arising from distributions of electric charges and currents, and how those fields change in time. ... Gauss' Law for electric fields""

Napaka daling equation.

Parang isang kandila ang aking guro habang pinapakinggan ang mga katagang sinasambit ko. Animo'y mga kaklase ko rin ay parang yelong tumutulo dahil sa malalim na salitang sinasambit ko.

Big deal ba?

Tila nawala ang pag tawa sa kanilang mukha pag tapos kong mag simulang mag salita habang ang lahat ay nakatingin sakin nag dagdag pa ako ng panibagong impormasyon.

""About 150 years ago, James Clerk Maxwell, an English scientist, developed a scientific theory to explain electromagnetic waves. He noticed that electrical fields and magnetic fields can couple together to form electromagnetic waves. ... Unlike a STATIC field, a wave cannot exist unless it is- moving."

""T-thank you ms. Tanaka you may seat now.""

Natapos ang klase nag babalak ko na upang umuwi ngunit kinalabit ako ng tao sa likod ko- si Eumi.

""Napaka astig mo kanina!""

""Hindi naman, pero ano ba yung pinapaulit ni sir na sabihin? Wala kase ako sa sarili ang lalim ng iniisip ko."

"Ah, yung pinapaulit ni sir sabihin kanina? Sa totoo lang pinapabasa lang ni sir yung formula sa pisara!"

"Talaga ba?"

'"Oo! Gulat na gulat kami ng sabihin mo yung buong description kanina ng formula kahit na si sir 'e na shocked den.""

""Kaya pala.""

""O, siya sige babye na may part time job pa ako.""

""Hi, Kasuri pwede ba tayong sabay lumabas ng gate?""- Adrian.

""Okay lang naman.""

""Hello din sayo, Eumi. Uuwi ka naba?""

""Ah h-hello...""- Eumi.

""Ayos ka lang ba parang may lagnat ka?""- Adrian.

""O, s-siya sige babye na Eumi at sayo rin Adrian!!"

Anong problema ni Eumi,  pumunta lang dito si Adrian ay para siyang wala sa sarili. May posibilidad kayang may gusto siya rito?

""So, pwede naba tayong umuwi?""

""Pasensya na, Adrian. May kailangan pa pala akong puntahan.""

""Sandali lang!""

Tumakbo ako upang hindi niya ako maabutan, ayoko ng makarinig ng bulung bulungan sa tuwing mag kasama kami ni Adrian. Wala akong gusto sa kanya, nag simula na rin na may mga babaeng masasama ang titig sakin. Akala nila ay inaagaw ko ang Prince charming nilang, nandidiri ako.

Nag tungo na ako sa binabalak kong puntahan, walang iba kundi ang library. Kinakailangan kong kumuha ng libro na tumutukoy sa Goldbach's conjecture. 

Pinili ko ang pag kakataon dahil sa oras ng uwian ay walang tao sa library kundi ang librarian lang. Pag pasok ko'y agad akong dumiretsyo sa Librarian desk, imbis na isang matanda ang naka upo ay estudyante katulad ko kayat nag aalangan akong pumunta.

Naka salamin at naka tutok lang siya sa pag babasa ng hindi ko mabasa ang titolo ng libro.

Aabante pa sana ako papaalis ngunit bigla siyang nag salita.

""Hindi magandang sinasayang mo ang oras mo, pwede kang mag salita hindi ako nangangain.""

Kahit na ito'y nag sasalita ay parang wala siyang kausap dahil naka tuon lang ang kanyang mata sa pag babasa.

""G-gusto ko sanang mahiram ang libro tungkol sa Goldbach's conjecture.""

Sinarado niya ang librong binabasa, hindi manlang niya magawang titigan ang mukha ko at dumeretsyo ng mag lakad.

""Sumunod ka sakin.""

Dinala niya ako sa dulong parte ng library napaka dilim dito at wala at kaunting liwanag lang ang naririto.

""Ito.""

Agad kaming bumalik.

""Library card?""

Inabot ko.

""You may leave now."" Bumalik siya sa pag babasa dahil saking kuryosidad ay tinanong ko siya tungkol dito.  Hindi ko napansing bumukas na pala ang aking bibig na parang may sariling utak.

""Pwede ko bang maitanong kung anong libro ang binabasa mo?""

""I said, you may leave now.""

Hindi na ako muling naka pag salita, pag katapos niya muling sabihin umalis na ako. Hindi niya kahit konting tinignan ang mukha ko. Wala siyang ibang gusto kundi ang umalis ako at maka pag basa siya ng tahimik.

Kahit na masungit siya hindi ko maintindihan kung bakit magaan ang pakiramdam ko dito.

Pinasok ko na ang malaking libro sa aking bag at lumabas na ng gate.

Dumiretso na ako saking kotse, pansin ko ang driver ko'y hindi maka pakali halatang may nababanaag dito.

""Manong, may problema ba?""

""Wala naman, madam. May gusto po ba kayong puntahan bago umuwi?""

""Hmm, wala akong gustong puntahan. Dumiretso na tayong umuwi.""

""Mam, baka may iba kayong ibang gustong hu'wag kayong mahiya.""

""Wala nga, manong. Dumiretso na tayong umuwi!""

""P-pero mam...""

"Paki-usap manong, idiretso mo na ako papauwi."

""Pasensya na po, mam.""

Ilang minuto pa'y naka rating na kami, di pa kami nakabababa ay dinig ko na ang boses ng isang pamilyar sakin.

""Mam, sandali. Wag po muna kayong pumas-

Nagmadali akong pumasok ng malaman kong ang boses ay mula sa mga magulang ko, pagpasok ko palang ay dinig ko na ang basag na mga bote.

""Wala kang kwentang asawa, baka pati si Kasuri ay anak mo din mula sa labas at di saken!!""

""Hindi mo alam, ha? Sino bang walang kwentang ama ang mas mahal pa ang trabaho niya kesa sa asawa at anak niya, ha?!""

""Walang hiya ka, halos mag kamatay-matay ako sa pag tatrabaho upang mabigyan kayo ng magandang buhay tapos ngayon na bilyonaryo na tayo dahil sakin, nagawa mo pang manlalake?!""

""Oo nga tama ka, sana namatay ka nalang sa pagtatrabaho mo!""

Sinampal niya ng napaka lakas si Mommy dahilan upang matumba ito sa tabi ng mga basag na bote at masugatan.

""Mommy! Please Dad, tumigil na kayo!""

""Huwag kang make-alam, Kasuri! Hindi ko alam kung anak pa nga ba kita o galing sa kalaguyo ng nanay mo!""

""D-dad... naririnig niyo ba ang sinasabi niyo?"" Halos madurog ang puso ko ng sabihin ng ama ko ang mga salitang yon. Para akong namatayan ng mahal sa buhay, nanghina ang tuhod ko.

""Tumabi ka muna, Kasuri.""

""Dad, please.""

""Nakiki usap ako, Kasuri! Hindi ako makaka palagay hanggat malaman kong totoong anak nga ba kita o hinde. Sa tuwing nakikita kita, naalala ko ang mukha ng lalakeng kalaguyo ng mommy mo."

Tuluyan na akong bumagsak.

""Fernando! Itaas mo muna si Kasuri sa kwarto niya, kailangan naming mag usap ng mommy niya tungkol sa annulment.""

""Kasuri, pumunta muna tayo sa kwarto mo ha, huminahon ka lang magiging maayos ang lahat."" Inakyat ako ni Fernando sa aking kwarto at pinaupo sa kama.

Hanggang ngayon ay parang na freeze ako sa sinabi ng mismong magulang ko.

""Dadalan kita ng tubig, sandali lang.""

Unti-unting nagugunaw ang paraiso, ang pamilya na hindi ko nararamdaman. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko. Napanghihinaan ako ng loob, ayoko ng muli makita ang kanilang mga mukha

Lahat ng kasiyahan ay natatapos, napaka sakit ng mga kaganapan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status